Allysa's pov:
Pagkatapos ng araw na yun hindi ko pa rin maisip kung paano ko gagampanan ang pagiging fiancé ni Rafael, hindi ko
mahal si Rafael ginagamit ko lang siya para makapaghiganti ako masakit mang isipin na ginagamit ko ang pagmamahal niya para sa sarili kong kaligayahan.
Minamadali na ni Rafael ang kasal namin dahil wala na daw ang makakapagpigil pa pero may isang bagay na hindi niya alam na pumipigil sa kasal kundi ang puso ko na si Matthew pa rin ang mahal.
"love, tara may designer na tayo para sa kasal natin" masayang sabi ni Rafael
"sino?" tanong ko
"si Danica, siya ang pinili ko para may dahilan ka kung maghihiganti ka sa kaniya" nakangisi nitong sabi
Bumaba na ako at nakita ko si Danica kasama ang mga staff niya,
"ohhh, akala ko magkakatuluyan kayo ni Matthew, hayst kay Rafael ka pala babagsak" nakangiting sabi nito
"ako nga rin eh, akala ko magka-comeback kayo ni Matthew yun pala binasura ka niya ulit, tapos bumagsak ka pa kay Steve na mas malala kaysa kay Matthew" nakakainis na ngiti kong sabi
"pinapunta niyo ba ako para asarin o para sukatan kayo?" tanong nito na mukha ng naiinis
"both, bakit may angal ka? baka nakakalimutan mo designer ka namin kaya sinasahuran ka namin" nakangiti kong sabi
"simulan na natin, ako na ang bahala kay Allysa kayo na ang bahala kay Rafael" ani nito
Nag-ayos na silang lahat at ako naman ay sinusukatan na ni Danica,
"bwisit talaga tong babaeng to" naiinis na pabulong ni Danica kaya napahigpit niya ang tape measure sa leeg ko hindi ito masyadong mahigpit pero kailangan ko siyang siraan kaya
"ahh, masakit!" sigaw ko at kunwari ay umiiyak
Nagulat sila kaya lumapit sila saamin at nakikita ko rin ang pagkagulat ni Danica,
"what are you doing?!" galit na sabi ni Rafael kay Danica kaya niyakap ko si Rafael at kunwari ay umiiyak
"R-Rafael, hindi ko naman sinasadya at hindi naman masyadong mahigpit yon" natatakot na sabi ni Danica
"anong hindi parang hindi na nga ako makahinga nun at sobrang sakit pa ng leeg ko!" umiiyak na sabi ko pero nakangiti ako ng patago
"manloloko ka alam ko na nagkukunwari ka!" sigaw ni Danica
"ire-report ko to sa boss mo para matanggal ka" galit na sabi ni Rafael,
Patuloy pa rin ako sa pagkukunwari at tinawagan na ni Rafael ang boss niya kaya umupo na ako sa gilid. Dumating na si Trisha dahil siya ang maid of honor, nakita niya akong umiiyak kaya niyakap niya kaagad ako,
"anong nangyari?" tanong nito
"sinaktan ako ni Danica papatayin niya ako" umiiyak na sabi ko
"sama talaga ng ugali niya" naiinis na sabi nito
"kunwari lang yon pero umakting ka ng totoo hah" pabulong kong sabi kay Trisha
Tumango ito at umupo sa tabi ko kunwari pinapatahan niya ako. Umalis na sila Danica kasama ang mga staff niya kaya lumapit ako kay Rafael,
"love, hindi yun totoo" nakangiti kong sabi
"alam ko di ba nga kaya kong magbasa ng isip ng isang tao" ani nito
"oo nga pala, so anong mangyayari kay Danica?" tanong ko
"iba na ang magiging fashion designer natin dahil matatanggal si Danica sa trabaho pero alam ko rin na hindi ka ganun kasama para ipatanggal siya kaya sinabihan ko ang boss niya na kapag nagmakaawa sa kaniya si Danica dapat sayo" nakangiti nitong sabi
"salamat" ani ko
Kumain na kami dahil naghanda ang mga yaya ng makakain namin.
Danica's pov:
Bumalik kami sa kompanya at pumasok ako sa opisina ni Mr. Cruz
"anong ginawa mo sa kleyente natin hah? alam mo hindi na sana sila kukuha pa ng designer saakin mabuti napakiusapan ko" galit na sabi ni Mr. Cruz
"sir, promise hindi na yun mauulit" malungkot kong sabi
"hindi na talaga dahil tanggal ka na sa trabaho mo" galit nitong sabi kaya tumulo ang mga luha ko
Ang trabahong ito ay ang pangarap ng mommy ko pero hindi niya natupad kaya ako ang magtutupad no'n kaya mahirap saakin na mawala ang trabahong to kaya gagawin ko ang lahat para hindi ako matanggal,
"sir naman isang pagkakamali lang yon, please wag niyo akong tatanggalin" pagmamakaawa ko rito
"gusto mong hindi matanggal?" tanong nito
"opo, gagawin ko ang lahat para rito" determinado kong sabi
"magmakaawa ka kay Ms. Allysa dahil sila ang magdedesisyon" ani nito,
Nagulat ako dahil hindi ko gawain ang magmakaawa sa isang loser na katulad ni Allysa pero lulunukin ko ang pride ko para sa trabahong ito. Umalis na ako at papunta na ako sa opisina nila dahil alam kong hindi ko na sila maabutan pa sa bahay nila.
Allysa's pov:
Pagkatapos naming kumain ay agad na akong nag-ayos para pumunta na sa opisina para magtrabaho,
"bes, uwi na ako" pagpapaalam ni Trisha
"sige ingat ka bes" nakangiti kong sabi at umalis na ito
"ano na kaya ang nangyayari kay Danica ngayon?" tanong ni Rafael,
"baka nagmamakaawa na siya" nakangiti kong sagot
Pumasok na ako sa sasakyan ko at umalis na kasunod ko si Rafael, may sarili akong sasakyan para pwede akong makapunta sa mga lugar na gusto ko kahit ako lang.
Danica's pov:
Habang nagmamaneho ako ay nasiraan ako ng kotse kaya ginilid ko na muna ito at lumabas,
"ang malas naman ng araw na to!" galit kong sabi habang sinisipa ang sasakyan ko
Nasa lugar ako na wala masyadong dumadaan na taxi puro jeep kaya naglakad na lang ako papunta sa kumpanya nila kaysa makipagsiksikan sa mga tao sa jeep. Patawid na ako at malapit na ako sa kumpanya nila.
Allysa's pov:
Nakita kong patawid na si Danica, naalala ko noon kung paano patayin ni Danica ang mama ko kaya binilisan ko ang takbo para mabangga siya.
Danica's pov:
Nasa gitna na akong tawiran ng biglang may mabilis na sasakyan ang papunta saakin kaya kaagad akong umupo at yumuko sa sobra kong takot
Allysa's pov:
Inapakan ko kaagad ang preno dahil parang may biglang bumulong sa taenga ko na
"wag"
Naiyak ako dahil boses iyon ni mama na tinuturuan pa rin ako ng tama.
"peeeeepp!!" tunog ng mga sasakyan sa likod ko
Nakita kong tumayo na si Danica at lumapit na ang mga traffic enforcer sa amin. Kumatok ang isa sa kanila sa bintana ng sasakyan ko kaya binaba ko ito
"ma'am kailangan niyo pong pumunta sa police station" ani nito
Pinasakay na si Danica sa isang motor at ako naman ay sumusunod dito. Nakikita kong sumusunod din sa likod ko si Rafael.
Nakarating na kami sa police station at ang kumausap saaming pulis ay si Jane,
"ano bang nagyari?" tanong ni Jane
"Jane, alam mo babanggain niya ako kanina pero hindi ko alam kung trip ng babaeng to dahil bigla ring tumigil" galit na sabi ni Danica
"ms. Fuentes hindi tayo close kaya gumalang ka saakin hah baka ikaw ang makulong" ani ni Jane
"officer na-late lang kasi ako ng kaunti sa pag-apak sa preno kaya sorry" plastik kong sabi
"stop acting that you're innocent, b*tch" galit na sabi ni Danica
"Hayst, I'm innocent but I think the person you are talking about is, YOU" nakangiti kong sabi
"how dare you" galit na sabi ni Danica
Sasampalin na sana niya ako ng hawakan ni Matthew ang kamay ni Danica kaya nagulat ako kasi ang inaasahan ko ay si Rafael,
"Matthew!" galit na sabi ni Danica
"tumigil ka na" ani ni Matthew
Lumapit na siya sa upuan ni Jane,
"officer may meeting pa kami, kung wala namang magkakaso kay Allysa ay aalis na kami" ani ni Rafael
"anong wala kakasuhan ko siya" galit na sabi ni Danica
"ms. Fuentes, wala naman po kayong injuries kaya wala po kayong dapat na ikagalit, away kalsada lang ito kaya hindi na kailangan na lumala pa" ani ni Jane
"kung ganon, dapat na tayong umalis" ani ni Rafael
Umalis na kami at naiwan si Danica, Jane at Matthew sa loob.
Danica's pov:
Muntik na kaya ako mamatay tapos away kalsada lang yon, mas magandang matanggal na lang ako sa trabaho ko kaysa magmakaawa ako sa bw*sit na babaeng yun. Lumabas na ako at tinawagan ko na si Steve,
"hon, sunduin mo nga ako dito sa police station na malapit sa Art and Design Company" galit kong sabi
"hon, may ginagawa pa kasi ako ehh, mag-taxi ka na lang" ani nito
"okay, hon" sagot ko
Umalis na ako at naghanap na ako ng taxi.
Steve's pov:
Pagkababa ko ng tawag kay Danica ay pinagpatuloy ko na ang ginagawa namin ng babae ko,
"babe, sino ba yun?" tanong nito
"wala yun, paepal lang na babae sa buhay ko" ani ko at hinalikan ko na siya.
Oo niloloko ko si Danica pero hindi ko naman talaga siya mahal kung hindi lang siya ang naging Saksi sa nangyari 6 years ago.
FLASHBACK, 6 YEARS AGO
Kasabay ko si Danica sa sasakyan at galing kami sa BAR dahil pareho kaming broken ng araw na yun pero hindi siya masyadong lasing. Habang nagmamaneho ako ng lasing ay na nakaidlip ako kaya gumegewang gewang ang sasakyan ko hanggang sa may nabangga akong isang matandang lalaki at batang lalaki na nakasakay sa motorsiklo. Nasaksihan ito ni Danica kaya sa sobra kong takot ay tumakas ako at nanginginig pa sa takot. Nakarating na kami sa bahay at doon na matutulog si Danica.
Kinabukasan ay agad ko siyang kinausap,
"Danica, kung anong nasaksihan mo kagabi please saatin lang" pagmamakaawa ko
"oo, pero sa isang kundisyon" sagot nito
"kahit ano" ani ko
"tutulungan mo ako sa tuwing kailangan ko na ng tulong pero sa ngayon dahil may balak na ako" nakangiti nitong sabi
"sana hindi ako makulong" natatakot kong sabi
"napanood ko kung sino ang nabangga ko kagabi" ani nito kaya napatingin ako sa kaniya
"yung tatay at kapatid ng girlfriend ni Matthew ngayon kaya alam ko na babalik siya sa Pilipinas" ani nito
"umalis ka na at tatandaan ko ang usapan nating dalawa" ani ko
Umalis na si Danica at ako naman ay naghanda na para sa trabaho.
Makalipas ang ilang buwan ay bumalik saakin si Danica at may pinapakiusap,
"pakasalan ko ako" ani nito
"baliw ka na may girlfriend ako" ani ko
"ako o kulong" ani nito
"sige payag na ako" ani ko
Tinawagan ko si Jane at agad na akong nakipag-break at naging kami ni Danica hanggang sa nag-propose ako sa kaniya.
END OF FLASHBACK
Allysa's pov:
Natapos na ang meeting namin kaya umuwi na kami ng maalala ko na anniversary namin ngayon kaya niyaya ako ni Rafael na mag-date kaya nag-ayos na kaagad ako. Naka-dress ako na pink,fitted at off shoulder, paborito ko ang kulay na ito kaya gustong gusto ko ito.
Umalis na kami ni Rafael at pumunta sa mamahaling restaurant.
Matthew's pov:
Birthday ngayon ni Jane kaya pumunta ako sa police station kanina para sunduin siya pero nakita ko sila Allysa kaya parang wrong timing pa kaya naghintay muna ako maggabi bago ko siya niyaya,
"love, happy birthday sorry kung ngayon lang ako bumati kahit kanina pa ako nandito" sabi ko
"alam ko kasi sobra ko kasing busy kaya hindi rin kita napansin" sabi nito
"tara kain tayo sa labas, treat ko" masaya kong sabi kaya nagpalit na siya
Matapos niyang magpalit ay umalis na kami dahil pupunta kami sa restaurant na paborito ko.
Allysa's pov:
Nakarating na kami at nakasalubong namin sina Jane at Matthew,
"dito rin pala kayo kakain" sabi ni Matthew
"Anniversary kasi namin kaya dito ko siya dinala" masayang sabi ni Rafael
"double date kaya tayo, wala namang masama kung sabay tayo diba" sabi ni Jane
"oo ba" sagot ko
Pumasok na kami sa loob at umupo na at nag-order na kami.
Matthew's pov:
Habang hinihintay ang in-order namin ay hindi ko maiwasang tumingin kay Allysa dahil sobrang ganda ng katawan niya at bagay na bagay sa kanya ang kulay na pink na suot niya,
"love, bakit hindi mo kasama si Riana?" tanong ni Jane
"dahil gusto ko na makasama ka lang pero mali pala ako" sagot ko
"ahmm, bakit wala yung anak niyo na kasama sa event nung nakaraan?" tanong ni Allysa
"sorry pero hindi namin anak si Riana kapatid siya ni Matthew" nakangiting sabi ni Jane
"ahh, nasaan pala sila sir De Guzman at ma'am Hana?" tanong ni Allysa
Napayuko ako dahil naalala ko kung paano namatay sila
"wala na sila, namatay sila sa aksidente" malungkot kong sabi
"sorry" malungkot nitong sabi
Dumating na ang in-order namin at nagsimula na kaming kumain ng makaramdam ako ng pagka-ihi
"love, cr muna ako" pagpapaalam ko
"sabay na tayo" sabi ni Rafael
Naiwan sila Jane at Allysa sa table at pumunta na kami sa cr at umihi. Maya't maya ay nagsalita si Rafael,
"alam ko na may gusto ka pa kay Allysa kaya dapat mo na yang itigil" ani nito
"meron na akong gf kaya imposible" pagsisinungaling ko
"kaya kong basahin ang iniisip ng mga taong malapit saakin kaya hindi mo ako maloloko at hindi rin ako maloloko ng mga galaw ng mga mata mo" ani nito
"paano kung mahal ko pa rin siya may magagawa ka pa ba?" tanong ko
"hindi kayo bagay" nakangiti nitong sabi
"paano mo naman nasabi?" tanong ko
"I'm 30 and you're 25 and then Allysa is 28 kaya sa edad palang hindi na kayo bagay" nakangiti nitong sabi
"Age doesn't matter, love does. Paano mo naman nalaman ang edad ko?" tanong ko
"hayst, hindi ko alam kung lumang tao ka na ba kasi hindi mo alam ang kapangyarihan ng social media" ani nito at lumabas na kaya sumunod na rin ako.
Rafael's pov:
Ramdam ko na iisa lang ang damdamin nila Allysa at Matthew pero ako ang papakasalan ni Allysa kaya ako ang makakatuluyan niya. Natapos na kaming kumain at umuwi na kami.
"salamat, sobrang sarap ng pagkain" nakangiting sabi ni Allysa
"you're welcome, happy Anniversary, babe" ani ko
"Happy anniversary din" nakangiti nitong sabi at pinagpatuloy na ang byahe.