Allysa's pov:
Nagising ako dahil sobrang ingay sa baba kaya agad akong nag-ayos ng sarili bago bumaba. Nakita ko si Rafael na kausap ang maraming tao kaya nilapitan ko sila,
"babe, gising ka na pala. Sila na ang bago nating fashion designer" ani nito
Pinaupo niya ako sa tabi niya at hinawakan ang aking bewang,
"I'm Irene, I'm Danica's friend. Ako na rin ang pinalit sa kaniya dahil tinanggal na siya sa trabaho" ani nito
"Irene, kamusta si Danica?" tanong ko
"hindi ko po alam kasi hindi na niya ako tinatawagan" malungkot nitong sabi
"hindi ka ba masaya dahil wala na siya?" tanong ni Rafael
"Paano ako magiging masaya kung may nawalan ng trabaho dahil saakin?" malungkot kong sagot
"alam ko naman na ganyan ang magiging reaksyon mo pero wala tayong magagawa dahil gumawa siya ng mali" ani nito
"ma'am, wag niyo na pong isipin si Danica alam ko naman pong magiging okay din siya" nakangiti sabi ni Irene
"babe, sino ang best man mo?" tanong ko
"si Christian na lang, siya lang naman ang kaibigan ko" nakangiti nitong sabi
"pwedeng ipakilala mo naman ako sa kaniya" ani ko
"oo ba, tatawagan ko siya mamaya" ani nito
"babe, bakit hindi na lang yung kapatid mo?" tanong ko
"galit ako sa kaniya" ani nito
"sino ba siya, at saka gusto ko na maayos ang lahat bago tayo magpakasal" ani ko
"hindi ko siya kilala pero alam ko ang pangalan niya" ani nito
"so sino siya?" tanong ko
"Ma~" napatigil nitong sagot dahil biglang nag-ring ang cellphone niya
"babe sagutin ko muna" pagpapaalam nito
Tumayo na siya at nakipag-usap na ako kay Irene.
Rafael's pov:
"mr. Ramoz napatawag kayo?" ani ko
"magkakaroon tayo ng company meeting pero sa beach na nasa Subic, Zambales. Ang beach na iyon ay pagmamay-ari ko pero kayo ang partners ko kaya tutulungan niyo akong i-develop ang beach na ito" ani nito
"so ngayon kami pupunta, anong oras po ba?" tanong ko
"around 3pm so be ready, si Steve ang kakatawan saakin sa meeting dahil may sakit ako ngayon" ani nito
"okay Mr. Ramoz, get well soon" ani ko
Binaba ko na ang tawag at masayang pumunta kay Allysa
"Irene next week na natin pag-usapan ang wedding namin dahil may lakad kami ngayon" ani ko kay Irene
"okay, sir" ani nito at nag-ayos na para umalis
"saan tayo pupunta?" tanong ni Allysa
"pupunta tayo sa Subic, Zambales so let's prepare" masaya kong sabi
"para saan?" tanong pa nito
"may meeting kami doon so pwede tayong magpa-extend pagkatapos ng meeting" masaya kong sabi
"sige, ako na mag-aayos ng gamit natin mag-prepare ka na muna ng breakfast" nakangiti nitong sabi
Pumunta na ako ng kusina at nagluto, ako ang chef sa bahay dahil maliban sa pagiging piloto ay culinary din ang napagtapusan kong kurso.
Matthew's pov:
Nabalitaan ko na may meeting kami sa Subic, Zambales kaya naisipan kong yayain sina Riana at Jane, sana hindi busy si Jane kaya agad ko na siyang tinawagan
"love, susunduin kita sa bahay niyo pupunta tayo sa Zambales" masaya kong sabi
"nice timing may pumalit na sa duty ko for one week so mag-aayos na ako" ani nito
"excited na ako dahil pwede tayong mag-date" masaya kong sabi
"bye na" ani nito
Pagbaba ko sa telepono ay agad na akong nag-ayos at sinabihan ko na si Riana at sobrang tuwa nito dahil makakabakasyon na siya.
*AFTER MANY HOURS*
Allysa's pov:
Sobrang ganda talaga dito sa Zambales, ang tataas ng alon at maganda dito ang surfing. May nakita ako na may nagrerenta ng mga surfing board kaya agad kong hinila si Rafael. Pagdating namin ang daming surfing board,
"babe, tara surfing tayo 1pm palang naman ehh at hindi tirik ang araw kaya best timing to" masaya kong sabi
"sige tara renta na tayo" ani ni Rafael
Nagrenta na kami at pinili ko ang red na may design na flowers at ang pinili naman ni Rafael ay ang blue na may design na whale shark para daw astig ang weird niya pero gustong gusto ko yan.
"Tara magpalit muna tayo sa hotel room natin, meron na tayong room nagpa-reserve na si Mr. Ramoz para saatin" nakangiting sabi ni Rafael
Pumunta na ako sa room namin kahit wala pa akong susi alam ko naman ang room number namin habang si Rafael ay hinihingi ang susi sa receptionist.
Nabuksan na amin ito at agad ko ng inayos ang gamit ko at nagpalit na. Naka-swim suit ako na black at parang may infinite style sa gitna at ex-ex sa likod HAHAHAHA basta ang sexy nito.
Pagkalabas ko ay napanganga ako kay Rafael, topless siya mga besh tapos may 6 pack abs siya tapos ang hot niya nasusunog na ako sa sobra niyang hot,
"ngayon mo lang ako nakita na ganito noh. Pagkakasal natin matitikman mo rin toh" pagbibiro pa nito
"yummy, charot. Tara na excited na ako mag-surfing" masaya kong sabi habang dala dala ang sunblock lotion ko.
Matthew's pov:
Nakarating na kami at sobrang tuwa ni Riana,
"mamaya na tayo sa dagat hah magpunta na tayo sa room natin" ani ko
Pumunta na kami sa hotel at kinuha na ang susi. Papaakyat na kami ng makasalubong namin sina Rafael at Allysa sa harap ng hagdan, dinaanan lang nila kami at umakyat na kami papunta sa room namin.
Nagbihis na kami ng mga swim wear namin pagkatapos naming mag-ayos ng gamit. Nakablue short lang ako in short top less kaya kita ang mga abs ko pinagpaguran ko kaya ang mga toh, pagkalabas ko ay nakita ko si Jane na sobrang sexy sa two-piece niya na kulay red at ang cute naman ni Riana sa pink niya na swim suit na pangbata
Lumabas na kami at ang nakasalubong naman namin ay sina Steve at Diane,
"ang hot mo talaga" bulong ni Diane, hanggang ngayon may ability pa rin ako na makarinig ng mga boses kahit gaano pa kahina
Umalis na kami at hindi na sila pinansin. Napansin namin ang mga surfing board sa isang tindahan kaya nagrenta na kami. Ang pinili ko ay ang gray na surfing board na may design na frilled shark, kay Riana naman ay pink na may flower at ang kay Jane ay ang blue na alon ang style.
Pumunta na kami sa dagat at inaalalayan namin si Riana baka malunod. Sobrang tuwa ni Riana dahil first time niya mag-surfing.
Allysa's pov:
Tinuruan ako ni Rafael kung paano mag-surfing dahil mabilis naman ako matuto ay nakaya ko na ito mag-isa
"mag-ingat ka babe baka kainin ka ng shark" nagpapatawang sabi ni Rafael
"baka ako pa ang kumain sa shark eh" ani ko
Tumawa ito kaya nginitian ko siya. Maya maya ay may isang malaking alon ang papunta saakin, nakalangoy ako papunta sa dalampasigan pero hindi ko nakuha ang surfing board ko,
"babe, okay ka lang" tanong ni Rafael
"o-oo okay lang ako, yung board tinangay pano toh" kinakabahan kong sagot
Isang beses lang kasi sa isang tao pwede mag-rent ng surfing board kaya hindi na ako makakapag-surfing sa buong linggo na nandito kami. Lumapit saamin sila Matthew,
"okay ka lang Allysa?" tanong ni Jane
"I'm fine but yung board natangay" nag-aalala kong sagot
"di ba ikaw po yung babae na nakakatakot dun sa event? black nanaman po yung suot ninyo? favorite color niyo po ba yan?" sunod sunod na tanong ng isang bata Riana ata yung pangalan
"No baby, my favorite color is pink and yes I'm the girl in the Black gown at the event" nakangiti kong sagot
"ito na lang gamitin mo, Allysa hindi ko naman nagagamit dahil tinuturuan ko si Riana" ani ni Matthew
"yung akin na lang para share tayo sa whale shark ko" ani naman ni Rafael
"mas maganda ang frilled shark ko na style, pwede mo namang gamitin" ani naman ni Matthew
"whale shark ko na nga ehh" naiinis na sabi ni Rafael na nakatingin kay Matthew
"Ayoko na mag-surfing nakakapagod okay please gamitin niyo na lang ang mga shark niyo hindi ko na kailangan" ani ko para tumigil na sila
Dumating na sila Steve at papunta na sila saamin,
"magsisimula na ang meeting punta na kayo sa room 167 na meeting room natin" ani ni Steve
Nakatalikod na sila Danica at Steve para umalis pero biglang nagsalita si Danica.
"Hindi bagay sayo yung black Allysa pero pangit ka naman kaya no worries" nakangiting sabi ni Danica
Iniinis pa ako nitong babae na to hah na naka-tibak pa at bra na white
"ikaw, hindi bagay sayo ang tibak dahil hindi makinis ang pwet mo!" galit kong sabi at tinakpan ni Jane ang taenga ni Riana
Humarap saakin si Danica at parang umaapoy yung pisngi
"I'm just giving a comment about your cheap swim suit" naiinis nito na sagot
"ako rin nagbibigay lang din ako ng comment about sa hindi mo makinis na pwet baka gusto mo na mag-comment din ako para sa ways kung paano mapakinis ang pwet katulad ng akin" nakangiti kong sagot
"please wag na nga kayo mag-away" sabi ni Jane
Tumahimik na kami ni Danica at umalis si Danica na naiinis kaya sumunod na rin ako.
Jane's pov:
Hindi ko alam kung bakit ayaw nila tantanan ang isa't isa lagi nalang nag-aaway sa harap pa naman ni Riana,
"hayst tara na magpalit na muna ako. Maiwan muna kayo sa room mamaya na natin ituloy ang surfing" ani ni Matthew.
Bumalik na kami sa kwarto namin at nag-ayos na si Matthew para sa meeting atsaka umalis.
Rafael's pov:
Nakabalik na ako sa room namin pero wala si Allysa, baka nauna pa saakin kasi binayaran ko pa ang surfing board ni Allysa na tinangay ng alon. Nag-ayos na ako at pumunta sa meeting room.
Allysa's pov:
Na-trap kami ni Danica sa isang kwarto na room 167 at hindi namin alam kung paano kami makakalabas,
"kagagawan mo nanaman to noh?" galit na tanong ko kay Danica
"ang bobo ko naman kung pati sarili ko ipapahamak ko" naiinis nitong sagot
"tulungan mo kaya ako na maghanap ng paraan" galit kong sabi dahil nakaupo lang siya sa sahig,
"tumawag ka kay Steve" ani ko
"sa tingin mo itong suot ko may bulsa? ikaw baka dala mo cellphone mo" naiinis nitong sabi
"sunblock lotion lang dala ko iniwan ko cellphone ko sa room" ani ko
"TULONG MAY TAO DITO SA LOOB PLEASE PAGBUKSAN NIYO KAMI!!!" sigaw ko pero walang nakakarinig dahil walang dumadaan sa lugar na ito.
Rafael's pov:
Nakarating na ako sa meeting room namin pero wala sila Danica at Allysa kaya nagtulong tulong kami na hanapin sila.
"Rafael, hindi mo pa sila nakikita?" tanong ni Steve
"hindi ko sila makita , baka napano na si Allysa" ani ko
"maghanap pa tayo, baka nanjan lang sila" ani ni Matthew
Matthew's pov:
Habang naglalakad ako sa gitna ng hotel ay may naririnig akong tunog at boses ito ni Allysa kaya hinanap ko ang boses na yun.
Allysa's pov:
Isang oras na kami nandito at wala man lang dumarating na tulong,
"Allysa hindi ako makahinga" mahinang sabi ni Danica kaya nilapitan ko siya
"may hika ka?" tanong ko
"oo, please.. kailangan.. ko ng .. hangin" nanghihina na sabi ni Danica
Tumingin ako sa paligid at walang bintana man lang rito kaya mas lalo kong nilakasan ang boses ko para may makarinig man lang,
"TULONG!!! TULONG!!" sigaw ko habang si Danica ay hinahabol ang hininga.
"Allysa nanjan ba kayo?" tanong ng isang lalaki
"Matthew?" ani ko kaya agad akong tumayo at pumunta sa pintuan
"oo Matthew nandito kami ni Danica please tulungan mo kami" ani ko
"babalik ako" sagot nito at umalis
Binalikan ko si Danica na unti unti ng pumipikit,
"wag kang pipikit hindi sa ganitong paraan ko gusto na magbigay ng hustisya sa pamilya ko na pinatay mo, gusto ko maghirap ka pa" galit kong bulong
Nakarinig ako ng tunog ng susi Kaya agad kong tinulungan si Danica na tumayo dahil sobrang hina na nito. Sa wakas ay nabuksan na rin.
Matthew's pov:
Pagkalabas ni Allysa ay akay akay niya si Danica na sobrang hina, agad kinuha ni Steve si Danica at dinala sa kwarto nila,
"All~" napatigil kong sabi ng biglang magsalita si Rafael
"babe okay ka lang?" tanong nito at niyakap si Allysa na pawis na pawis
"thank you Matthew" ani ni Allysa at umalis,
Bumalik na ako sa kwarto namin ni Jane dahil bukas na itutuloy ang meeting dahil sa nangyari at nakita ko na mahimbing na natutulog ang mga ito kaya hinalikan ko sa noo si Jane.
*KINABUKASAN*
Danica's pov:
Nagising ako at napahaba ata ang tulog ko. Nakita ko si Steve na nagbibihis parang may pupuntahan,
"Steve asan ka pupunta?" tanong ko
"na-cancel ang meeting dahil nawala kayo ni Allysa kahapon at alam ko na kagagawan mo yon" ani nito kaya napaupo ako
"baka ikaw, sabi mo room 167 tapos pagpunta namin dun wala kayo tapos hindi namin alam na sira ang pintuan" galit kong sabi
"Dalawa ang room 167 yung isa sa taas ang isa sa baba o sa lugar na walang tao dahil ayaw namin na mangyari ang ganon pero kayo pa ang una na trap hayst katangahan" ani nito
"hindi mo kasi nililinaw, nagtanong kami sa isang janitres tapos yun ang tinuro" ani ko
"hayst tama na nga toh, aalis na ako late na ako" naiinis nitong sabi at umalis,
Napaisip ako dahil baka kagagawan talaga yon ni Allysa baka alam niya na may hika ako at mamamatay ako kapag na-trap ako so hindi nila to kasalanan dahil si Allysa ang may gawa nun. Humanda siya sa gagawin ko mamaya.
Allysa's pov:
Nasa dagat kami dahil pupunta kami sa kabilang isla gamit ang bangka. Lahat kami ay nabigyan na ng life jacket pero si Riana ay wala,
"manong, kulang po ng isa" ani ni Jane
"pasensya na ma'am akala ko po kasi 6 lang ang tao na kasama" pagpapaliwanag ni manong
Hinubad ko na ang life jacket ko at binigay kay Riana,
"baby, ito na lang gamitin mo marunong naman ako lumangoy kaya hindi ako malulunod kung mahulog man ako" nakangiti kong sabi
Tinanggap na ito ni Riana at sinuot,
"salamat po" nakangiting sabi ni Riana
"you're welcome" nakangiti kong sabi
"hindi ka mahuhulog sa dagat dahil nahulog ka na sakin" biro ni Rafael
"haha" kinikilig kong sagot
"tsk, sakin kaya yan una nahulog" bulong ni Matthew dahil katabi ko lang siya
Umakyat na kami sa bangka at nagsimula na itong umandar. Nag-uusap sila Steve, Matthew at Rafael para sa mga plano at ako naman ay nakikinig lang baka may ma-suggest ako bilang president ng kumpanya.
Danica's pov:
Nakatitig lang ako kay Allysa at mukha itong busy sa pakikinig ng maglakad ito papunta kila Jane at Riana. Ito na Ang best timing. Papalapit na siya kila Jane ng bigla ko siyang binangga ng malakas walang mga harang dito at hawakan lamang ang meron at upuan sa gilid kaya madali lang mahulog ,
"Ahhhh!" sigaw ni Allysa
Napatingin sila Rafael at agad huminto sa gitna ng dagat ang bangka para sagipin si Allysa. Nakangiti ako ng palihim para hindi halata na sinadya ko.
Allysa's pov:
Hanggang 10 feet lang ang kaya kong languyin in short hindi pa ako masyado marunong lumangoy kaya sobra akong mahihirapan dito lalo na't walang apakan sa baba. Nakikita ko sila Rafael at Matthew na naghahanap ng pwedeng ipangsalba saakin.
"please hindi ko na kaya" umiiyak kong sabi
Nakakuha na sila ng lubid at hinagis sa akin ang dulo nito kaya agad akong kumapit dito at sa wakas ay naiahon na nila ako.
Agad kong niyakap si Rafael dahil sa sobra kong takot,
"Alam ko na kasalanan mo yon Danica" ani ni Matthew
"hindi ko naman kasalanan na patanga tanga siya" sagot nito kaya tumingin ako sa kaniya at nilapitan
"alam ko na tama si Matthew pero hindi muna ako magagalit sayo dahil ayoko ng magalit sa taong papansin" galit kong sabi at nilakihan ko pa ng mata.
Hinatid na nila ako, Jane, Riana at Danica sa hotel at sila naman nila Steve, Rafael at Matthew ang magkakasama papunta sa kabilang isla,
"okay ka lang po ba?" tanong ni Riana
"yes, kailangan ko lang magpalit ng damit" sagot ko at pumasok na sa room namin ni Rafael.
Kinagabihan ay pumunta kaming 6 sa BAR na nandito sa Resort, wala si Riana dahil bata pa siya para dito. Pamadaling araw na kaya agad ko ng hinatid si Rafael sa kwarto namin para makapagpahinga na rin kami.
Jane's pov:
Bumalik na ako sa kwarto ko dahil may sakit ako ayoko na lumala ito kapag naparami ang inom ko ng alak. Pagdating ko ay pawis na pawis ako kahit sobra namang lamig dito. Pagpasok ko sa loob ay nakita ko si Riana na natutulog kaya kinumutan ko baka lamigin at pinunasan ko na ang mga pawis ko.
Allysa's pov:
Lumabas ako dahil may naiwan daw si Rafael sa BAR. Habang papunta ako ay nakasalubong ko si Danica,
"sana natuluyan ka na lang kanina" ani nito
"sorry ka dahil magka-uri tayo" sagot ko
"anong sinasabi mo?" tanong nito
"di ba sabi nila hindi namamatay ang masasamang damo kaya magka-uri na tayo dahil unti unti na akong nagiging masamang damo dahil sayo" nakangisi kong sagot
"pero~" napatigil na sabi ni Danica ng may "AHHHHHHHHH!!!" sigaw ni Jane.