Allysa's pov:
Agad naming pinuntahan si Jane na sobrang daming dugo na lumalabas sa ilong niya at nakikita ko si Riana na umiiyak,
"tawagin mo si Matthew" utos ko kay Danica kaya nagmamadali siyang umalis
Kumuha ako ng tela na pwedeng pampunas sa ilong ni Jane, alam ko na hindi ito normal na nose bleed dahil parang mauubos na ang dugo niya. Tumawag na ako sa 911 para magpadala ng ambulansya.
Danica's pov:
Natataranta ako dahil hindi ko makita si Matthew dahil sa daming tao sa BAR. Nakita ko na si Matthew sa wakas na kausap si Steve,
"Matthew, si Jane nano-nose bleed at sobrang daming dugo ang nawawala sa kaniya" ani ko
Napatayo sila at tumakbo si Matthew papunta kay Jane at sumunod kami ni Steve.
Matthew's pov:
Dumating na ang ambulansya kaya agad na nilang kinuha si Jane at nilagay sa isang higaan. Pinasok na nila si Jane sa ambulansya at sumunod kami ni Riana.
Nakarating na kami sa ospital at dinala na si Jane sa emergency room,
"kuya, anong mangyayari kay ate?" umiiyak na tanong ni Riana
"magiging okay si ate Jane so pray for her for faster recovery" sagot ko kay Riana
"papa lord, wag niyong kunin si ate Jane sobra niya pong bait at love na love niya ako love na love ko rin siya" umiiyak na panalangin ni Riana
Sinabayan ko rin siya na magdasal dahil ito na lang ang maitutulong ko.
Maya maya ay lumabas na ang doktor at agad ko siyang kinausap
"Doc, kamusta si Jane?" tanong ko
"masyado ng malala ang leukemia niya kaya pwede siyang mamatay kapag hindi pa siya naagapan ng maaga" ani nito
"leu-leukemia?" tanong ko, naguguluhan ako dahil hindi ko alam 'to,
"mas maganda po sir na siya na ang kausapin niyo" sagot nito at umalis.
Agad kong pinuntahan si Jane at tinanong,
"leukemia? di yon totoo di ba?" tanong ko
"sorry" malungkot na sagot nito
"kailan pa ba?" tanong ko
"naalala mo na sabi ko na 1 week akong free dahil sa sakit ko yun, nagsimula to 3 years ago pero binaliwala ko lahat ng bleeding ko kasi akala ko normal lang pero isang araw nagising ako na nasa ospital na ako dahil dinala ako nila mama dahil ang daming dugo sa higaan, sabi ng doktor malala na. Ayoko kayong mag-alala kala ko kasi hindi niyo rin malalaman" umiiyak na sagot nito
"love, boyfriend mo ako syempre kahit mahirap saakin tatanggapin ko at gagawa ako ng paraan para mapagamot ka" umiiyak kong sabi
"ate pagaling ka ayaw ko ulit mawalan ng mama ulit ikaw nalang nag-iisa kong mama" umiiyak na sabi naman ni Riana at niyakap si Jane.
"ang sakit ng ulo ko" sabi ni Jane
Agad kong tinawag ang doctor at pinuntahan nila si Jane.
Kinausap ako ng doktor,
"sir kailangan na po ni Ms. Jane ang intensive chemotherapy" sabi nito
"so buwan buwan siya mag ke-chemo?" tanong ko
"no, 3-4 weeks and for the 29th day she need a bone marrow transplant" sagot nito
Napaupo ako sa sahig dahil ayokong mawala ang taong nag-stay para saakin kaya gagawin ko ang lahat para sa kaniya kahit maubos pa ang pera ko. Pinuntahan ko siya sa private room niya at kasama ko si Riana,
"love magpapa-chemo tayo" sabi ko
"wag na, sayang lang sa pera" sagot nito
"love, walang sayang na pera basta mapagamot kita" nag-aalala kong sabi
"love listen, gusto ko ng magpahinga please ayoko na magsayang pa kayo ng pera para saakin alam ko naman na mamamatay din ako" umiiyak ma sagot nito
"iiwan niyo rin po ba ako?" tanong ni Riana
"baby si kuya na muna magiging mama mo at papa si ate kasi kailangan muna magpahinga pero magiging okay rin si ate" sagot nito
"please kahit para saamin magpa-chemo ka" pagpilit ko
Tiningnan niya kami isa isa bago sumagot
"sige, pero sa isang kundisyon" ani nito
"ano?" tanong ko
"makipagbalikan ka kay Allysa" sagot nito na ikinagulat ko
"anong request naman yan, ikaw ang mahal ko" ani ko
"tigilan mo nga ako, alam ko naman na ginawa mo lang akong panakip butas para kay Allysa. Niligawan mo ako para makalimutan siya pero nung bumalik siya nakita ko sa mga mata mo na siya pa rin at hindi talaga ako" malungkot nitong sagot
"love, hindi yan totoo okay please ayoko nun, magpapakasal na sila" ani ko
"e di pigilan mo. Alam ko naman na mahal ka rin ni Allysa kaya malaki ang laban mo" ani nito
"hindi" sagot ko
"matutulog muna ako" utos nito at pumikit na
Natulog ako sa sofa at pinahatid ko muna sa bahay si Riana kasama ang kuya Paul niya.
Allysa's pov:
Dahil sa nangyari ay nagpagpasyahan na naming umuwi para madalaw namin sa Manila si Jane na doon naka-confine, Sinabi na samin ni Matthew ang kalagayan ni Jane kaya mas lalo akong nalungkot sa sinabi niya dahil masyado ng malala ang leukemia ni Jane na stage 4 .
Habang nagbabyahe kami ay siya pa rin ang inaalala ko alam ko na malakas siya at mas lalo pa siyang magpapalakas para kila Riana at Matthew.
*KINABUKASAN*
Allysa's pov:
Pumunta ako sa ospital para kamustahin si Jane na ngayon ay nag-chemo,
"Jane, magpagaling ka" ani ko
"ta-try ko" malungkot nitong sabi na parang nananamlay na halos wala ng dugo.
28TH DAY CHEMO THERAPY:
Matthew's pov:
Saan-saan na ako pumunta para makahanap ng donor para kay Jane dahil bukas na gaganapin iyon kaya mas lalo akong nataranta.
Allysa's pov:
Nasa ospital pa rin si Jane at lagi ko siyang kinakamusta pero ang araw na ito ang kakaiba sa lahat. Pumunta ako sa ospital para dalawin si Jane,
"Allysa may hiling ako sayo na gusto kong matupad mo" ani nito na sobrang tamlay. Ang katawan niya ay parang stick sa sobrang payat, puti na ang katawan niya na halos walang dugo at ang boses niya ay humihina na rin,
"sige kahit ano" sagot ko
"g-gusto ko.. na mag... katuluyan .. kayo .. ni Matthew.. alam kong.. mahal niyo... ang isa't isa para.. makita ko ang ngiti.. ni Matthew ulit... nung bumalik ka.. nakita ko ang saya niya.. pero nung nakita niya na may kasama ka... nalungkot siya" sabi ni Jane habang nahihirapang huminga
"alam ko na mahal ka ni Matthew kaya hindi ko gagawin yan. Tingnan mo nga ginagawa niya lahat para sayo" sagot ko
"ginagawa niya lahat para saakin...dahil ayaw niya akong mawala... dahil sanay siya na lagi akong ...nasa tabi niya pero hindi ibig sabihin ...no'n ay mahal niya ako" ani nito
Tumayo na ako para umalis dahil ayokong sundin ang gusto niya pero sa pagtayo ko ay nawalan na siya ng malay kaya agad akong nagtawag ng doktor at pumunta na sila kay Jane.
Nasa labas ako iyak lang ako ng iyak dahil sa hiling niya naawa ako sa kaniya bakit siya tinatrato ng ganon ni Matthew. Agad kong tinawagan si Matthew para pumunta na dito sa ospital ng marinig ko ang pinakamasakit na salita mula sa loob
"time of death 9:40 am" sabi ng doktor
Napatulo ang luha ko sa narinig ko kahit hindi ko siya kaano ano ay parang masakit sa pakiramdam ko dahil ganyan din ang narinig kong sinabi ng doktor sa mama ko ng mamatay siya.
Dumating na si Matthew at kinausap ang doktor at napaupo na siya sa sahig at sobrang lungkot ang nakita ko sa mukha niya. Kinuha ko ang cellphone niya para matawagan ang family ni Jane.
Makalipas ang ilang oras ay dumating na ang pamilya ni Jane. Umalis na ako dahil ayoko ng masaksihan pa ang susunod na mangyayari.
Matthew's pov:
Pumasok ako sa kwarto ni Jane at nakita ko ang katawan niya na sobrang putla at wala ng buhay napuno ng paghihinapis ang kwarto. Umuwi na rin ako para maibalita ito kay Riana.
Pagdating ko sa bahay ay nakita ko si Riana na naglalaro,
"kuya, nakita ko si ate Jane kanina umiiyak siya tapos nagwewave saakin yayakapin ko na sana siya pero bigla siyang nawala. Baka umuwi na siya, tara mall tayo tapos sama natin si ate" nakangiting sabi ni Riana kaya napaluha ako
"baby, wala na si ate Jane mo kinuha na siya ni God umuwi na siya sa heaven" umiiyak kong sabi kaya umiyak na rin siya
"hindi y-yan t-totoo nakita ko siya kanina" ani nito at niyakap ko siya
Makalipas ang ilang araw ay nailibing na rin si Jane. Ang ganda niya sa suot niyang puti sa kabaong at kahit light ang make-up niya ay sobrang ganda niya parin. Nilalagyan na namin siya ng puting bulaklak at pagkatapos no'n ay tinabunan na siya ng lupa.
Natapos na ang burol at pauwi na kami ng may tumawag saakin,
"hello anak si mommy to" ani ng babae sa cellphone
"paano niyo nakuha number ko?" tanong ko
"basta, anak pauwi na ako" ani nito
"uuwi ka?!!" nagulat kong sagot.