Allysa's pov:
Gabi na kaya matutulog na ako pero tinawagan ako ni Trisha,
"Anong balita sa mga tara*tado na pumaslang sa mga kapatid ko" tanong ko
"Walang witness pero may CCTV na pwedeng maging ebidensiya" sagot nito
"anong nakita niyo?" tanong ko
"may sasakyan na nagmamasid sa mga kapatid mo bago sila patayin" ani nito
"gusto ko makita" galit kong sabi at sinend na saakin ang picture
Naalala ko noong papunta ako sa bahay nila Matthew at nakita kong lumabas mula sa bahay nila Matthew si Danica at sumakay sa sasakyan na katulad ng nasa picture, baka totoo ang hinala ko,
"sasakyan to ni Danica" ani ko
"sigurado ka?" tanong nito
"hindi pero ganun din ang sasakyan ni Danica at may galit siya saakin kaya pwede na siya di ba?" ani ko
"sige sasabihin ko sa mga pulis" ani nito at binaba na ang tawag.
Trisha's pov:
Agad akong pumunta sa pulis station para makausap ko ang pulis na nag-iimbestiga sa kaso nila Bea na si ma'am Salazar.
Nakarating na ako sa pulis station pero wala si ma'am Salazar kaya ang kumausap na lang saakin ay ang junior niya na si sir James Asuncion,
"ma'am bakit po kayo bumalik kaagad di ba nakausap po kayo ni ma'am Salazar kahapon?" tanong nito
"alam ko na kung sino ang pumatay sa mga bata" ani ko
Nakita ko ang gulat sa mga mata niya at parang may tinatago siya pero binaliwala ko na lang,
"ma'am sino po?" tanong nito
Nung sasabihin ko na kung sino ay biglang dumating si ma'am Salazar,
"sorry na late ako birthday kasi ni papa, kain ka muna doon kasi nagdala na rin ako dito" ani nito
Umalis na si sir Asuncion at umupo na sa harap ko si ma'am Salazar
"bakit po kayo pumunta dito?" tanong nito
"alam ko na po kung sino ang may-ari ng sasakyan sa CCTV" ani ko
"sino po?" tanong nito
"si ms. Danica Fuentes" ani ko
"sigurado po kayo?" tanong nito
"siguradong sigurado" galit kong sabi
May sinulat si Ma'am Salazar sa laptop niya at pinrint. Gumagawa ata siya ng warrant of arrest. Umalis na sila at may dalang warrant of arrest para kay ms. Danica at ako ay naghihintay lang dito sa pulis station,
James pov:
Umalis na ang iba naming kasama at ako na lang at si ms, Trisha ang nandito kaya tinawagan ko na si ma'am Danica,
"ma'am Danica, may babaeng nandito at nagtuturo na ikaw ang pumatay sa kanila" ani ko
"alam ko na kung sino yan, sigurado ako na mababasura ang kasong yan" ani nito
"may mga pulis po na umaaresto sa inyo at papunta na sila jan" ani ko
"hayaan mo na ako basta magmasid ka lang jan" ani nito
Binaba na ko ang cellphone ko at tinago ito.
Allysa's pov:
Hindi ako makatulog dahil sa ibinalita ni Trisha saakin
"sana mahuli na talaga ang pumatay sa mga kapatid ko at hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nilang pambababoy" galit kong sabi
Hinihintay ko pa rin ang balita ni Trisha saakin. 1am na at hindi pa rin ako natutulog. Pumasok sa kwarto ko si Rafael,
"bakit hindi ka pa natutulog?" tanong nito
"hinihintay ko ang tawag ni Trisha, ikaw bakit gising ka pa?" tanong ko rin
"iinom sana ako ng tubig pero pagtingin ko sa kwarto mo bukas ang mga ilaw akala ko nakalimutan mong patayin" ani nito
"inom ka na ng tubig, okay lang ako" ani ko
Hinawakan niya ang mga kamay ko,
"basta kapag may problema ka sabihin mo lang saakin" ani nito
"oo, promise". sagot ko
Binitawan na niya ang mga kamay ko at umalis na.
Rafael's pov:
Lumabas na ako sa kwarto ni Allysa pero may bumabagabag sa aking isipan. Gusto ko na umamin pero paano kung puro problema ang dumarating.
Matthew's pov:
Umuwi na ako sa bahay pagkatapos ng party sa bahay nila Jane.
Pagdating ko ay natataranta lahat ng mga tao kaya tinanong ko ang mga yaya,
"anong nagyayari?" tanong ko
"manganganak na si ma'am Hana" ani nito
Nakita ko na pababa na sila tita at daddy,
"bilisan mo, parang lalabas na" umiiyak na sabi ni tita
"buksan mo na ang sasakyan, bilis!" natataranta na sabi ni daddy habang karga karga si tita Hana.
Umalis na sila at lahat sila ay nag-aalala pero ako wala akong pake sa kanila at sa magiging kapatid ko.
Hana's pov
Sobrang sakit na talaga ng tiyan ko,
"bilisan mo!!" galit na sabi ni Manuel
"love parang dito na ako manganganak" ani ko
"pigilan mo muna, hindi ako marunong magpa-anak" ani nito
Habang nagmamaneho yung driver ay may truck na sumalubong saamin at parang nawalan ng preno dahil pagewang-gewang ito hanggang sa...
Author's pov:
Nabangga ang sinasakyan nila Hana sa isang truck. Namatay si Manuel at ang driver nila. Rumesponde na ang mga ambulansya at pulis. Mag lumapit na isang nurse kay Hana,
"ma'am tutulungan ko na po kayo" ani nito
"hindi ko.. na.. ka...ya ahhhhh!!" ani ni Hana
Lumabas ang napaka-cute at malusog na batang babae,
"gusto ko... ipangalan mo.. sa kaniya ay... Riana" ani nito bago malagutan ng hininga
"tulungan niyo kami rito!!" sigaw ng nurse
Lumapit ang iba pang nurse at dinala si Hana sa ospital.
Matthew's pov:
May tumawag saakin at si daddy yun,
"dad bakit?" tanong ko
"pulis po ito at naaksidente ang daddy mo at ang iyang mommy. Namatay ang daddy mo at ang driver ng sasakyan at ang iyong mommy ay dinala na sa ospital" ani nito
Bumaba ako at pumunta sa ospital na tinext ng pulis.
Jane's pov:
Nandito na kami sa bahay nila ms. Danica Fuentes,
"Ding! dong!" tunog ng doorbell
Habang hinihintay ko silang lumabas ay napatingin ako sa isang sasakyan at kamukha nga ito ng sasakyan sa CCTV kaya sinilip ko
"CFG 4781" pagbasa ko
Naalala ko ang plate number ng sasakyan sa CCTV na HJA 4390 kaya pinuntahan ko ang mga kasamahan ko at nakita ko na kausap nila si ms. Danica,
"sorry sa pang-iistorbo kaya aalis na po kami" ani ko,
Umalis ako at sumunod naman sila at
pinaandar na ni Juan ang sasakyan
"bakit po tayo umalis?" tanong niya
"hindi siya ang suspek dahil iba ang plate number ng sasakyan niya" ani ko
Danica's pov:
Umalis na sila kaya nakahinga na ako ng maluwag. Pinuntahan ko ang sasakyan ko at kinuha ang lumang plaka at sinira ito,
"walang dapat makaalam sa ginawa ko kaya mas maganda na mawala ka na" ani ko habang sinisira ang plaka gamit ang Grinder.
Matthew's pov:
nakarating na ako at dinala ako ng mga nurse sa morgue,
"death on arrival si Mrs. Hana" ani ng nurse
Napaluha ako dahil hindi ko alam na huling kita na pala namin kanina at hindi ko pa sila pinansin. Habang tinitignan ko ang mga bangkay nila ay naluluha ako hindi ko kaya mag-isa.
"sir, ligtas po ang kapatid ninyo at nasa nursery room na po siya" ani ng nurse
Nabuhayan ako ng loob dahil kahit wala na si daddy ay may iniwan naman siyang alaala , ako at ang kapatid ko. Agad akong pumunta sa nursery room at nakita ko si Riana, sobra niyang cute.
Trisha's pov:
Bumalik na ang mga pulis pero wala si ms. Danica
"ma'am bakit kayo lang?" tanong ko
"ms. Trisha hindi siya ang suspek dahil iba ang plate number niya sa plate number ng nasa CCTV" ani ni ma'am Salazar
"baka pinalitan niya ang plate number" ani ko
"tatapatin na kita, ilang buwan na ang kasong ito at walang ebidensya at testigo ang pumupunta dito, sorry pero hangga't walang tumitistigo at ebidensiya ay mapapabasura ang kasong to" ani nito
"ma'am naman, tulungan niyo naman kami wag naman kayong ganyan" umiiyak kong sabi
"Maraming nangyayari sa Pilipinas na dapat mas lalo naming binibigyan ng pansin kaya, sorry talaga kasi wala kaming magagawa" ani nito at umalis
"ma'am luluhod ako sa harapan niyo para ipagpatuloy niyo ang kaso" umiiyak kong sabi,
Lumuhod ako sa harapan nila at lahat sila ay nagulat at nilapitan ako ni ma'am Salazar,
"kahit ano pong gawin ninyo hindi na po namin bubuksan pa ang kaso dahil masyado na pong matagal" ani nito
"sige na po!!" pagmamakaawa ko
"paalisin niyo na siya" ani ni ms. Salazar
Hinila nila ako palabas at iniwang luhaan kaya tinawagan ko na si Allysa.
Allysa's pov:
3 am na at naghihintay pa rin ako. Nakarinig ako ng tawag kaya sinagot ko agad pero naririnig ko ang pag-iyak ni Trisha,
"bakit ka umiiyak?" tanong ko
"bes, binasura na nila ang kaso dahil wala daw tumitistigo at ebidesya" umiiyak na sabi nito
"hah? hindi nila pwedeng gawin yon" ani ko at nagsisimula ng tumulo ang luha ko
"sorry bes" umiiyak na sabi nito
Hindi ko na kaya, kaya binaba ko na ang tawag at nagsimula na akong umiyak at yakap yakap ang family picture namin hanggang sa makatulog ako.
Matthew's pov:
Binabantayan ko si Riana at pinapainom ng breast milk si Riana galing sa ibang nanay,
"sir umuwi na po kayo tapos na po ang visiting hours" ani ng isang nurse
"opo" sagot ko
Umuwi na ako at sinabi sa kanila ang nangyari.
Allysa's pov:
Nagising ako at naalala ko kung anong nagyari kagabi kaya umiyak ulit ako at hindi na muna lumabas.
Matthew's pov:
Matutulog na sana ako ng maisipan kong tawagan si Jane,
"kamusta ka na?" tanong ko
"ito malungkot dahil meron kaming nabasurang kaso dahil walang tumitistigo at ebidensya. Wala akong magawa yun din ang utos" ani nito
"wag kang mag-alala basta ginawa mo ang trabaho mo ng maayos ay walang problema" ani ko
"salamat, Matthew" ani nito
"ano ba yan parang magkaibigan lang, love na lang" ani ko
"ang sweet naman masyado ng tawagan pero okay, love" tumatawang sabi nito
"o matutulog na ako, matulog ka bukas ng mahaba hah pagkatapos ng duty mo" ani ko
"opo, love" maamo niyong sabi
Binaba ko na ang tawag at natulog na.
Allysa's pov:
Pumasok ng kwarto ko si Rafael kaya agad ko siyang niyakap,
"Rafael, wala man lang hustisya para sa pamilya ko kahit iisang tao lang naman ang gumawa" umiiyak kong sabi
"wag kang masyadong magtitiwala sa mga pulis dahil yung iba sa kanila ay hindi tapat sa serbisyo" ani nito kaya humarap ako sa kaniya
"gusto kong ipakita sa kanila na hindi ako mahina, gusto kong tulungan mo ako" ani ko
"sige tutulungan kita kaya mag-ayos ka na dahil pupunta tayo sa mall at bibili tayo ng mga gamit mo" ani nito
"bakit ang bait mo?" tanong ko
"kasi GUSTO KITA" ani nito.
Kinabahan ako dahil pareho kami ng nararamdaman sa isa't isa,
"totoo?" tanong ko
"oo, matagal na pero ang hirap maghanap ng timing ehh" ani nito
"
"GUSTO RIN KITA" nakangiti kong sabi
Niyakap niya ako ng sobrang higpit katulad ng ginawa ni Matthew noon. Nag-ayos na ako at pumunta na kami ng mall at binilhan niya ako ng iba't
ibang damit, bag at sapatos.
Matthew's pov:
Pagkagising ko ay agad na akong nag-ayos at pumunta ako sa ospital para bisitahin ko na si Riana.
Nakarating na ako doon at tinitignan ko si Riana at nakikita ko ang mukha ni tita Hana na minahal ako na parang totoong anak pero sinayang ko kaya pinangako ko sa sarili ko na papalakihin ko si Riana ng maayos at malusog para makabawi ako sa kanila.
Allysa's pov:
Gabi na kaya umuwi na kami ni Rafael,
"hindi ka na magtratrabaho bilang interior designer sa kumpanya ko dahil girlfriend na kita" ani nito at tumingin saakin
"wag ka nga tumingin saakin baka maaksidente tayo" nakangiti kong sabi
"wag kang mag-alala magaling kaya to" tumatawang sabi nito kaya natawa na rin ako.
Lumipas ang ilang taon at inayos ko ang sarili ko para pag nakita nila ako ay hindi na ang Allysa Valdez na madali lang kalabanin kundi ang Allysa Valdez na kaya silang talunin.
Matthew's pov:
5 years na ang nakakalipas matapos mawala sila daddy at ngayon ay lumaki na si Riana na matalino, mabait, maganda at malusog,
"kuya, tara na pasok na tayo school" ani nito
Dumating si Jane
"Ate!!" pagtawag ni Riana
"ang cute mo talaga" ani ni Jane
"love, kamusta ang kumpanya?" tanong nito
"natutunan ko na na magmay-ari ng isang kumpanya kaya hindi na mahirap" ani ko
"love, tandaan mo na nandito palagi ako para sayo" ani nito kaya niyakap ko siya
"yieee" ani ni Riana
"tara na sasamahan ko na kayo sa school" pagyayaya ni Jane
"wala kang duty, love?" tanong ko
"wala kaya ako na rin ang magsusundo kay Riana mamaya tapos punta tayo sa first place kung saan tayo nag-date" nakangiti nitong sabi
"yehey!" masayang sabi ni Riana
Umalis na kami.
Allysa's pov:
Kakauwi pa lang namin ni Rafael galing sa trabaho, ako na ang President ng company niya,
"babe, tara kain na tayo nagluto daw si tita" sabi ko
Kumain na kami kasabay namin si Tita.
"wow, 5 years na pala kayo" nakangiti niyong sabi
"opo tita, sana nga po tumagal pa" nakangiti kong sabi
"busog na ako, babe. Sunod ka na lang saakin" ani nito at tumaas na
"tita bakit po siya ganun?" tanong ko
"pinabayaan ko siya noong bata pa siya kaya ayun dala dala niya ang galit niya saakin" malungkot na sabi nito
"tita tapos na po ako, tataas na po ako" pagpapaalam ko at sinundan ko na si Rafael.
"Hindi mo parin pinapatawad ang mommy mo, babe be matured enough. Nanay mo pa rin siya hindi katulong" naiinis kong sabi
"babe, hindi mo kasi naiintindihan" ani nito
"sabihin mo nga saakin ang hindi ko naiintindihan" ani ko
"pinabayaan niya ako para sumama sa pamilya niya at parang hindi niya ako anak. Bumalik siya dito kung kailan successful na ako. Tatanggapin mo ba yun ng ganun kadali. Babe, I'm matured enough but my memory can't move on so what can I do" umiiyak na sabi nito
Niyakap ko siya.
"matutulog na ako" ani nito
"sorry" malungkot kong sabi
Hinalikan niya ako at natulog na.
Matthew's pov:
Dumating na sa opisina ko sila Riana at Jane,
"tapos ka na?" tanong nito
"oo, tara alis na tayo" ani ko
Pumunta kami sa Arcade at sobrang saya ni Riana. Habang naglalakad kami ay nakita ni Riana ang Toy House,
"kuya gusto ko nito" ani nito
"sige bili na tayo" ani ko
May mga laruan na pwede mong laruin kaya nilaro ni Riana ang laruan na gusto niya bago ko bilhin baka kasi hindi niya magustuhan pag-uwi.
Pauwi na kami at hinatid na namin pauwi si Jane,
"bye baby Riana" pagpapaalam ni Jane at kiniss sa pisngi si Jane
"ingat po kayo" ani ni Riana at niyakap si Jane
"love, bye" sabi nito
"kiss ko" ani ko at kiniss niya ako sa lips.
"babye" ani ni Riana
Umuwi na kami at pagkauwi namin ay agad na nakatulog si Riana.
Allysa's pov:
Maagang nagising si Rafael at nag-ayos ng gamit,
"mag-ayos ka na dahil babalik tayo sa Pilipinas" ani nito kaya nagulat ako.