Chereads / Love me like how you love me before / Chapter 8 - Chapter 8: Paghihinagpis

Chapter 8 - Chapter 8: Paghihinagpis

Matthew's pov:

5pm na at kailangan ko ng sunduin si Allysa galing sa trabaho niya. Habang nagmamaneho ako ay may tumawag sa akin

"hello" boses ito ni Danica

"o Danica napatawag ka" sagot ko rito

"Matthew, pwede magrequest?" tanong nito

"oo naman" sagot ko rito

"pwede bang isundo mo ako sa opisina dahil na siraan ako ng sasakyan" sabi nito

Nagdadalawang isip ako kung susunduin ko ba si Allysa pero lumiko ako ng aking daan at papunta na ako sa opisina ni Danica.

Allysa's pov:

6pm na at wala pa rin si Matthew kaya tinawagan ko ito pero hindi pa rin niya sinasagot pero baka papunta na yun.

Danica's pov:

Sinadya ko talaga na iwan ang susi at ang bag ko sa loob para makita ko ulit si Matthew. Nakikita ko na ang sasakyan ni Matthew at papunta na ito saaking sasakyan.

"bakit hindi ka na lang nag-taxi?" nakakunot nitong noo na tanong,

"ahh ehh, naiwan ko kasi yung bag ko sa loob tapos yung susi" malungkot kong sabi,

"may lubid ka ba dyan para hilain na lang yung sasakyan mo?" tanong niya at dahil girl scout ako ay ni-ready ko na at binigay na sa kaniya,

"okay na to" sagot niya at tinali na ang mga sasakyan.

Nasa loob na kami ng sasakyan at papunta na kami sa mekaniko.

Allysa's pov:

6:30 na pero wala pa rin siya at umaalis na lahat ng mga tao at halos ako at ang mga guard ang nandito pero baka na-traffic lang siya.

Matthew's pov:

Nandito na kami sa mekaniko at inaayos na ang sasakyan ni Danica kaya magpapaalam na ako.

"Danica, aalis na ako baka hinihintay na ako ni Allysa" pagpapaalam ko.

"pwedeng ihatid mo muna ako sa bahay kasi sabi ni kuya na bukas pa daw yan maayos kasi malapit na silang magsarado" sabi nito

Nagdadalawang isip na ako pero kailangan ko ng tawagan si Allysa pero pagtingin ko sa cellphone ko ay lowbat ito.

"sh*t napakamalas naman o, Danica pwede bang hiramin ko muna yung cellphone mo?" tanong ko

"sorry Matthew, lowbat na yung cellphone ko" malungkot nitong sabi

"it's fine" sagot ko.

Hinatid ko na si Danica sa bahay nila at nag-aalala ako kay Allysa pero wala akong maisip na paraan para matawagan siya.

Allysa's pov:

7pm na at ako na lang ang tao dito,

"ma'am sino po ba ang hinihintay niyo?" tanong ng guard saakin

"ahh, wala po. Paalis na nga po ako eh hehe" pagpapalusot ko at umalis na.

Matthew's pov:

Nasa bahay na kami ni Danica at lumabas na siya kaya binilisan ko na ang takbo ko papunta kay Allysa.

Pagdating ko doon ay wala ng katao tao kaya umuwi na lang ako.

KINABUKASAN:

Allysa's pov:

"ting" tunog ng cellphone ko at message ito ni Matthew at in-explain saakin kung bakit hindi siya nakasundo pero okay lang.

Tumingin ako sa kalendaryo at monthsary pala namin ngayon kaya niyaya ko si Matthew na mag-date kami.

"Mahal, happy 6th monthsary, hehe" masaya kong sabi

"Happy 6th monthsary din mahal" sagot nito

"tara date tayo" pagyaya ko

"sige meron na akong alam na restaurant na pwede tayong mag-date susunduin na lang kita" sagot nito

"sige" masaya kong sabi

Nagdala ako ng dress na maganda para sa opisina na lang ako magbibihis.

AFTER AN HOURS

Matthew's pov:

Naghanda talaga ako sa araw na ito kaya sobra kong saya na bumaba,

"parang nakahanda ka yata ah, saan ka pupunta?" tanong ni Danica

"monthsary namin ngayon ni Allysa at nagde-date kami" masaya kong sabi

Paalis na ako ng may narinig akong bumagsak

"Danica!" sigaw ni tita

Kaya pumasok ako sa loob at nakita ko si Danica na walang malay kaya dinala ko siya sa ospital pero sobrang traffic kaya natagalan ako.

Allysa's pov:

Nagbihis na kaagad ako ng dress pagkatapos ng trabaho ko at masayang hinihintay si Matthew. Iyon ang una naming monthsary kaya naghanda talaga ako at nagpaganda. Sana dumating siya.

Matthew's pov:

Nasa ospital na kami at sa wakas ay nagising na si Danica kaya paalis na sana ako ng pigilan niya ako.

"please wag mo akong iwan" sabi nito

"kailangan kong puntahan si Allysa" sagot ko rito at umalis na.

Sobrang traffic talaga dito sa EDSA bwisit, 7 pm na kaya tinawagan ko na lang si Allysa,

"Mahal, sobrang traffic kaya hindi ako makakasundo baka sa susunod na lang tayo mag-date" sabi ko rito

"okay lang, bye" malungkot nitong sabi at binaba na ang cellphone niya

Allysa's pov:

Parang andaming umuudlot ng kasiyahan ko hayst, umuwi na lang ako at nag-taxi.

Author's pov:

Andaming naging dahilan ni Matthew kaya hindi niya nasusundo at nakikita si Allysa pero iniintindi ito ni Allysa hanggang sa.

Matthew's pov:

Galing kami ni Danica sa BAR at hinatid niya ako sa bahay

Danica's pov:

ito na ang pagkakataon ko para sirain ang dalawa kaya kinuha ko ang cellphone ko at naghubad at tumabi kay Matthew at nagpicture.

Pagkatapos ay pinost ko ito sa social media para makita ni Allysa.

Allysa's pov:

6:00 pm na kaya out ko na kaya umuwi na lang ako sa bahay kaysa hintayin pa si Matthew. Nakarating na ako kaya agad na akong natulog. "ting!" tunog ng cellphone ko kaya kinuha ko na ito at chat ito ni Trisha kaya binuksan ko ito pero pagkabukas ko ay agad akong nagulat dahil si Matthew at may isang babae sa gilid niya at si Danica iyon kaya agad ko itong nabitawan at umiyak

"paano niya nagawang lokohin ako ng ganito" umiiyak na sabi ko.

Hindi ko alam kung bakit niya ako niloko. Natulog ako ng iyak ng iyak.

KINABUKASAN

Matthew's pov:

6 am na kaya agad kong tinawagan si Allysa pero hindi niya ito sinasagot kaya lalo akong nag-alala, "ano kaya ang nagyayari sa kaniya?" tanong ko sa sarili ko habang tinatawagan ito. "tok!tok!" tunog ng pintuan ko kaya binitawan ko muna ang cellphone ko at agad na binuksan ito

"Good morning, Matthew" nakangiting sabi ni Danica

"Mamaya na lang please" naiinis kong sabi rito at agad na sinarado ang pinto.

Tinuloy ko ang pagtawag kay Allysa at sa wakas ay sinagot na niya ito

Allysa's pov:

Galit na galit ako sa kaniya pero kailangan niyang malaman ang nararamdaman ko kaya sinagot ko ang tawag niya

"Mahal, kamusta ang trabaho mo, hehe" masayang sabi nito

"masaya ka pa matapos mo akong lokohin" galit kong sabi rito

"anong sinasabi mo?" nagtatakang tanong nito,

"wow, maang-maangan ka pa, bakit may katabi kang babae kagabi hah, ang bababoy niyo!" galit kong sigaw

"wala akong ginagawang ganyan at wala akong katabing babae, pangako" nagulat nitong sabi

"so ano tong litrato na to hah!" sigaw ko at sinend sa fb niya ang picture

"mahal, hindi ko alam na katabi ko siya kagabi, promise wala kaming ginawa" pagpapalusot nito

"magpapalusot ka pa, kaya pala lagi kayong magkasama ni Danica!" galit kong sigaw

"Nalasing ako kaya hinatid niya ako sa bahay kaya wala lang yan promise wala kaming ginawa" pagpapaliwanag nito

"tsk, gusto mo maniwala ako sayo. Hindi mo ako maloloko" galit kong sabi

"maniwala ka saakin wala akong alam" nagmamakaawang sabi nito

"let's break up" umiiyak na sabi ko

Pinatay ko na ang tawag at pumasok na sa opisina.

Author's pov:

Lumipas ang mga araw at nagiging pabaya na si Allysa sa trabaho niya hanggang sa..

Allysa's pov:

"pang ilang palpak mo na to Allysa, please wag mong idamay ang trabaho mo sa personal mong drama" sabi ni manager Gomes

"sorry po" sagot ko

"napag-usapan na namin to at ang desisyon namin ay itanggal ka sa trabaho" sabi nito

Naluha ako sa narinig ko pero wala na akong magagawa tungkol dito dahil sila na ang pasya na tanggalin ako. Niyakap ako ni Trisha,

"bes, okay lang yan marami pang opportunity" sabi nito

Niyakap ko rin siya at inayos na ang mga gamit ko at umalis na.

Matthew's pov:

Nasa labas ako ng opisina ni daddy ng makita ko si Allysa na dala ang mga gamit niya,

"Allysa anong nangyari" tanong ko

"please makipagbalikan ka na saakin" pagmamakaawa ko pero patuloy pa rin ito sa paglalakad at hinayaan ko na lang siya.