1 MONTH LATER
Allysa's pov:
"Anak mag-ingat ka sa New York ahh, tumawag ka saamin kapag kailangan mo kami " nakangiting sabi ni mama pero nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot "ma, wag ka nga jan malungkot naiiyak ako ehh" sabi ko at tumutulo na ang mga luha ko "basta mag-ingat ka don hah" sabi ni papa "Bea ikaw muna ang ate dito hah, sa June na ang pasukan niyo mag-aral kayo ng mabuti" sabi ko "opo ate" sagot ni Bea "ate may nakuha na akong taxi" sabi ni Joel na kapatid kong bunso kaya tumayo na ako at sumakay na sa taxi "bye!" sabi ko habang umaandar ang taxi at umiiyak si mama kaya naiyak na rin ako sa loob ng taxi. Malapit na ako sa Airport ng maalala ko si Matthew kaya tinext ko ito.
Matthew's pov:
"Message!" tunog ng cellphone ko kaya nagising ako rito, pagkakuha ko sa cellphone ko ay napabangon ako sa nabasa ko "Matthew, malapit na ako sa Airport. Hanggang sa muli" text ni Allysa kaya nagmadali akong nagbihis para maabutan ko siya sa Airport. "Saan ka pupunta?" tanong ni tita Hana "sa Airport po" sagot ko "bakit bigla kang umalis kagabi?" tanong niya "ahh tita, kailangan ko na talagang umalis nagmamadali na ako" sabi ko at tumakbo na papunta sa sasakyan at pinaandar na ito at umalis. "Kailangan ko na umamin sa kaniya bago pa siya mawala" sabi ko at binilisan pa ang takbo ng sasakyan.
Allysa's pov:
"Manong ito na po ang bayad" sabi ko at binigay na sa kaniya ang bayad ko at kinuha ko na ang mga dala ko at umalis na. Nasa loob na ako ng Airport at hinihintay na lang ang pagtawag ng byahe papuntang New York.
Matthew's pov:
Nandito na ako sa labas ng Airport at nagmamadaling pumasok pero pinigilan ako ng guard "sir, bawal po kayong pumasok kung wala naman po kayong flight" sabi ng guard "guard please papasukin mo na ako may kailangan akong kausapin na nandyan sa loob" pagmamakaawa ko "sorry talaga sir, against the rules po iyon ng Santiago Airport" sabi ng guard "o sige, pakitawag na lang si Paul Santiago" utos ko at tinawag niya si Paul at gumilid na lang ako para hindi na ako makaabala pa sa pila. Naisipan kong tawagan si Allysa pero hindi niya sinasagot ito"please" sabi ko.Dumating na si Paul kaya tinigilan ko munang tawagan si Allysa "bakit ka nandito?" tanong ni Paul "kailangan kong mahabol si Allysa bago pa siya umalis papuntang New York" sabi ko "guard let him in" utos ni Paul sa guard "papagalitan ako ni sir" sabi ng guard "I'm the son of the owner of this Airport so kailangan mo rin akong sundin" galit na sabi ni Paul "sige na nga po sir" sabi ng guard at pinapasok ako nito "salamat Paul" sabi ko at tumakbo na para hanapin si Allysa.
Allysa's pov:
Ilang minuto na lang ay makakalipad na ako papunta sa New York, "tinatawag na ko ng kalikasan" sabi ko kaya naghanap na muna ako ng restroom. Habang naghahanap ako ng restroom ay parang may naririnig ako na tumatawag sa pangalan ko "Matthew?" sabi ko laya hinanap ko ang boses na iyon ng bigla akong hilain mula sa likod ko at niyakap ako "Allysa, I like you" sabi ni Matthew kaya nagulat ako, gusto rin niya ako. "Wala ka rin bang sasabihin?" tanong ni Matthew "a-anong isasagot ko?" nauutal na tanong ko rin, hindi ako makasalita dahil na rin sa sobra kong kaba "na gusto mo rin ako, hindi ba?" sagot nito at lalong kumabog ang puso ko na gusto na niyang lumabas sa sobrang bilis at lakas "gusto rin kita Matthew"nakangiti kong sabi at niyakap ko rin siya "so LDR tayo?" tanong niya "kahit na magkalayo tayong dalawa ay hindi ako titingin sa iba" sabi ko ""pangako ko rin sayo na ganun din ang gagawin ko para sa future wife ko" sagot nito kaya mas lalo ko siyang niyakap ng sobrang higpit "Attention for all the people have a flight to New York, please proceed to your specific craft. Thank you" announce ng announcer kaya humarap na ako sa kaniya "o aalis na'ko, call na lang" sabi ko "gusto ko makita kita araw-araw kaya I prefer vc" nakangiti niyang sabi at naglakad na ako palayo.
Matthew's pov:
Habang lumalayo saakin si Allysa ay nararamdaman ko ang lungkot. Pinangako ko sa kaniya na kahit kailan ay hindi ako titingin sa iba at tutuparin ko iyon. Tuluyan ng nakaalis sa Allysa kaya umuwi na ako. Pagkauwi ko ay maraming tao sa bahay kaya nagtaka ako, "hi Matthew no time no see" sabi ng isang babae sa likod ko at pagtingin ko rito ay nagulat ako dahil si Danica ay nandito "What are you doing here?" tanong ko "hindi mo pa ba alam na ako ang fashion designer ng tita mo para sa kasal nila" nakangiti nitong sabi "oh you're here Matthew, I would like you to meet my fashion designer Danica" nakangiting sabi ni tita Hana "I know him tita, his just my ex boyfriend" nakangiting sabi naman ni Danica kaya nagulat si tita Hana "bakit maraming tao sa loob?" tanong ko "ahmm, sila ang mga assistant ko para may mga katulong ako sa pagde-design sa kasal nila tita" sabi ni Danica "babalik na po ako sa kwarto" sabi ko at tumaas na "parang bigla siyang naging magalang?" tanong ni Danica kay tita "kasi tinuruan siya ng empleyado ng kumpanya namin" sagot ni tita Hana "correction, she's my girlfriend not an employer" masungit kong sabi at nagpatuloy na sa pag-alis pero bago ako umalis ay nakita ko na nagulat si Danica pero wala akong pake sa kaniya.
Allysa's pov:
"This is Aircraft A269I. Please listen for your safety measures and the cabin crews in front of you will teach you and if you have any questions please ask the cabin crews in front of you. Thank you" announce ng announcer. Nandito na ako sa loob ng eroplano at tinuturuan kami ng mga cabin crew sa pag-aayos ng seatbelt, kung nasaan ang emergency kits namin at iba pa. Pagkatapos ay nagsimula na kaming lumipad. Ang ganda pala ng tanawin kapag nasa itaas ka, first time ko kasing makasakay ng eroplano sa buong buhay ko hehe. Naboring ako kaya nanood na lang ako ng movies.
Matthew's pov:
Gabi na at hindi ko alam parang sobrang lungkot ko kahit na naging kami na ni Allysa. Hindi ko alam parang gusto kong sumunod sa kaniya sa New York pero tama nga ang sabi ni mommy na kailangan ako dito lalo na't buntis na si tita Hana, "Matthew?" tawag galing sa pinto ng kwarto ko "come in" sagot ko at pumasok na si tita Hana at tumabi saakin "totoo ba na kayo na ni Allysa?" tanong ni tita Hana "yes" sagot ko "Matthew, hindi sa tutol ako sa inyo pero parang mahirap ata ang sitwasyon ninyo, 3 years kang maghihintay sa pagbabalik niya" sabi ni tita Hana "wala akong pake sa panahon at distansya hangga't mahal namin ang isa't isa" sagot ko rito "hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kanina" sabi ni tita "nabigla lang ako kagabi dahil buntis ka" sagot ko "ayaw mo ba?" tanong niya "hindi ko alam" sagot ko "alam mo gusto ko ng baby girl kasi may baby boy na ako eh" masaya niyang sabi kaya naalala ko si mommy dahil ganun din yung sinabi niya nung bata pa ako pero hindi na ako nasundan pa "umalis ka na, antok na ako" sabi ko kaya tumayo na rin siya at umalis kaya natulog na rin ako.