12 HOURS LATER
Allysa's pov:
Sa wakas ay nakarating na ako ng Manila at sinalubong ako ng ngiti ni Matthew kaya niyakap ko siya ng sobrang higpit parang hindi na siya makakawala dahil sobra ko siyang namis at niyakap niya rin ako "namis kita" sabi nito "ako rin" umiiyak na sabi ko at naalala ko si papa kaya humarap ako sa kaniya "mahal, pwede ihatid mo ako sa ospital dinala kasi si papa at bunso" sabi ko at dala dala niya ang maleta ko na umalis at sumakay sa sasakyan.
Nakarating na kami at agad kong hinanap ang room na tinext ni Bea pero sa pagdating ko nakita ko silang umiiyak kaya hindi ko napigilan na maluha rin. Lumapit ako sa kanila at agad akong niyakap ni mama at ako ay parang hindi ko alam kung bakit ang bigat sa dibdib ng nararamdaman ko kahit hindi ko alam ang nagyayari, "ate wala na si papa" umiiyak na sabi nito kaya mas lalo akong naiyak dahil si papa ang unang lalaki na minahal ako at lalaking hindi hahayaang masaktan tapos tapos hindi ko alam bakit ganito sobrang sobrang bait ni papa para mawala saamin kaya pumasok ako sa kwarto ni papa at nakikita ko siya na wala ng buhay "papa, papa bakit mo kami iniwan, akala ko ba kasama pa kita sa altar ihahatid mo pa ako di ba, bakit ang aga" umiiyak na sabi ko at niyakap ang bangkay ni papa at nagsimula ng umagos ang mga luha ko at lumabas ako ng kwarto "nasaan si bunso?" tanong ko "lalabas na siya sa ospital bukas" sagot ni mama. Ilang araw ding binurol si papa at sa wakas ay idinala na namin siya sa huling hantungan at napuno ng luha at sakit ang aming damdamin.
Matthew's pov:
Natapos na ang burol kaya hinatid ko na sina Allysa sa bahay nila, "mahal, kahit na nawala ang lalaki na unang nagmahal sayo andito naman ako para mahalin ka hanggang dulo" sabi ko at hinawakan ang kamay niya.
Allysa's pov:
Pagkauwi ko ay agad akong naghanda para bumalik ulit sa dati kong trabaho dito sa Pilipinas dahil nga wala ng trabaho pa ang naghihintay sa akin sa New York.
KINABUKASAN
Allysa's pov:
Salamat kay sir De Guzman dahil pinayagan niya akong magtrabaho ulit sa kumpanya niya. Habang papasok ako ay nakasalubong ko si Trisha kaya kwentuhan lang kami ng kwentuhan hanggang sa may nabangga akong napaka ganda, sexy at maputing babae at alam kong yayamanin itong babae dahil na rin sa mga suot niyang mga gamit "what the, hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo!" galit nitong sigaw kaya tumingin lahat ng tao saamin "sorry ma'am" nakayuko kong sabi "tsk, irereport kita sa may-ari ng kumpanya na to para matanggal ka sa trabaho mo dahil sa sobra mong katangahan" pagbabanta nito kaya naiinis na ako "ma'am sorry na nga po ehh, wala naman pong nagyari sa inyong masama kaya wala po kayong dapat ireport" naiinis kong sabi "hindi mo ba alam na boyfriend ko ang anak ng may-ari nito" sabi niya kaya nagulat ako.
Matthew's pov:
Habang papasok ako sa opisina ay nakita ko na nag-aaway sila Danica at Allysa kaya agad ko silang nilapitan, "babe, alam mo inaway ako ng babaeng yan" pagsusumbong ni Danica pero inakbayan ko si Allysa kaya nagulat siya "so sino ang girlfriend saatin?" nakakainis na tanong ni Allysa at galit siyang umalis "ehh wala rin pala siya ehh" sabi ni Trisha "sino ba yun?" tanong ni Trisha "si Danica" sagot ko "kaano ano mo siya sir?" tanong ni Trisha "ex ko" sagot ko "ahh kaya pala ganun ka confident" sagot ni Allysa at sinamahan ko na sila sa loob.