12 HOURS LATER
Allysa's pov:
Nandito na ako sa New York, "Thank you for choosing Santiago Airport" announce ng announcer. 9pm na kaya maghahanap muna ako ng hotel, "paano ba ako makakahanap ng hotel dito?" tanong ko sa sarili ko at tumingin tingin ako sa labas ng Airport pero wala man lang akong makita "ahh alam ko na" sabi ko at kinuha ko ang cellphone ko at naghanap ng hotel malapit rito. Nakahanap ako ng hotel na malapit rito at pinuntahan ito. "Hello ma'am, welcome to sunflower hotel. What can I help you, ma'am?" tanong ng receptionist "ahmm, I want a room for 1 person only" sagot ko "okay ma'am, what's your name ma'am?" tanong pa nito "Allysa Valdez" sagot ko "okay" sagot nito "how much?" tanong ko "$4,000" sagot nito kaya kinuha ko ang credit card ko at binigay sa kaniya "okay ma'am, this your keys ma'am" sabi nito at kinuha ko ang mga susi "enjoy staying " sabi niyo na nakangiti at binalikan ko rin ito ng ngiti at pumunta sa room ko. "room 234, room 234" sabi ko habang tinitingnan ang mga rooms dito "ayun room 234" sabi ko at agad ko itong pinuntahan at binuksan. Pagkapasok ko ay sobrang laki nito para saakin pero ayos lang "hayst, gusto ko na matulog bukas na lang to" sabi ko at agad ng humiga.
Matthew's pov:
Kumakain na kami ng lunch kasabay si Danica habang nagkwekwentuhan "bakit kayo naghiwalay ni Matthew?" tanong ni tita "ahm, it's a long story" sagot nito "ayoko na sa kaniya" sagot ko kaya tumingin sila saakin "sa sobrang ganda ni Danica hihiwalayan mo?" nakataas na kilay na tanong ni tita "past is past kaya wag na nating ungkatin pa" nakangiting sabi ni Danica "sa bagay" sagot ni tita "busog na ako" sabi ko at pumasok na sa kwarto at tinawagan si Allysa.
Allysa's pov:
Nagising ako ng biglang tumunog ang cellphone ko, "hello?" tanong ko "kamusta ang byahe?" tanong ni Matthew "eto nakakapagod, mamaya na lang tayo mag-usap masyado pang maaga dito" sabi ko "okay sleep well" sagot nito at pinatay na ang telepono kaya natulog na akong muli.
Matthew's pov:
12:30 na ng hapon at baka madaling-araw pa sa New York kaya natutulog pa si Allysa baka mamayang gabi ay maka-usap ko na siya, "tok!tok!" tunog ng pintuan ko kaya binuksan ko ito "anak, pwede ba tayong mag-usap?" tanong ni daddy kaya pinapasok ko siya "anak, malapit na kaming ikasal ng tita Hana mo at ang napili namin location ay ang Baguio" sabi nito "so?" walang pake kong sabi "kaya ikaw na muna ang mamahala ng kumpanya natin habang wala kami" sabi nito "what?!" nagulat kong sabi dahil na rin sa hindi pa ako handa para rito at ayaw ko sa kumpanya "anak, please kahit para lang saamin" sabi nito "ayoko" pagpupumilit ko "sige di ba ayaw mong pumunta sa wedding namin so kung ayaw mo sa hiling ko, sasama ka saamin" sabi nito "fine kesa makasama ko kayo aasikasuhin ko nalang yang bwisit na kumpanya na yan" galit kong sabi at umalis na siya.
Allysa's pov:
Umaga na kaya agad akong nag-ayos para makapunta na ako sa trabaho ko. Habang nag-aayos ako ay naalala ko si Matthew "maaga pa naman kaya tawagan ko muna si Matthew" sabi ko at kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko na siya "Matthew, kamusta ka na?" Tanong ko "ang pangit ng araw ko" sagot nito "bakit naman" tanong ko at umupo sa kama "ako na ang mamamahala ng bwisit na kumpanya dahil pupunta na si daddy at tita Hana sa Baguio para sa kasal nila" sabi nito "okay lang yan, wala ka namang ginagawa eh" sabi ko kaya tumawa ito "ikaw ano ba ang ginagawa mo?" tanong nito "ito nag-aayos para pumunta na sa trabaho" sagot ko "kailan kaya tayo magiging ganito?" tanong nito "hangga't kaya natin, kaya magtiwala ka lang mabilis lang ang panahon baka bukas paggising mo katabi mo na ako" nakangiti kong sabi "sana nga, o mag-ayos kana baka malate ka first day mo pa naman" sabi nito "I miss you and I love you Matthew" sabi ko "I miss you ang I love you more, Allysa" sagot nito at binaba na ang tawag kaya agad na akong umalis sa hotel para pumunta sa trabaho ko.
Matthew's pov:
Patulog na ako ng may biglang kumatok sa pinto kaya binuksan ko ito ng makita ko si Danica "babe, mahal pa kita" sabi nito ng lasing na lasing "Danica, umuwi ka na tingnan mo lasing na lasing ka na" galit kong sabi ng bigla niya akong itulak sa higaan ko "tumigil ka na" sabi ko kaya hinawakan ko siya at pinunta sa guest room at hiniga "hayst" sabi ko at pumunta na sa kwarto ko para matulog.
Allysa's pov:
Natapos na ang interview ko at sa awa ng diyos ay natanggap ako kaya pwede na ako magstart ngayon at sinimulan ko na ang aking trabaho.
Danica's pov:
Nagising ako na nasa isa akong kwarto at masakit ang aking ulo kaya bumaba na ako pero habang pababa ako ay nakita ko ang kwarto ni Matthew kaya pinuntahan ko ito at saktong bukas ito kaya pinasok. Pero bago ako pumasok ay nakita ako ni tita Hana, "Danica, bakit ka nandito?" tanong nito "ahh, tita bibisitahin ko sana si Matthew" pagpapalusot ko "ng madaling araw?" nagtataka nitong tanong "ahh sorry masyado atang napaaga, babalik na lang po ako mamaya" sabi ko at agad ng umalis "bwisit" bulong ko at minaneho na ang sasakyan.
Allysa's pov:
6pm na kaya out na namin at umuwi na ako agad sa hotel para magluto ng hapunan.
Matthew's pov:
6am na kaya agad kong tinawagan si Allysa at alam ko na tapos na ang trabaho niya ng ganitong oras kaya pwede na kaming mag-usap.
Allysa's pov:
Habang navluluto ako ay tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong tinignan at si Matthew ito kaya sinagot ko "Mahal, kamusta? mabait ba boss mo?" tanong nito "wow mahal tawagan natin, oo mahal sobrang bait at sa awa ng diyos ay tinanggap nila ako" nakangiti kong sabi "kumain ka na?" tanong nito "kakain pa lang mahal. Masarap ang ulam ko ngayon dahil gulay sobrang masustansya" masaya kong sabi "hmm, mahal kain ka na kakain na rin ako ng umagahan maya nalang" sabi ko "mahal, bukas ka na lang tumaqag matutulog na ako pagkatapos ko kumain" sabi ko rito at binaba na ang cellphone ko.
Matthew's pov:
Bumaba na ako at nakita ko sila tita na handa na ang mga gamit para umalis "mag-ingat ka" sabi ni daddy "kayo rin po" sagot ko at umalis na sila kaya kumain na ako ng mag-isa. Pagkatapos ko kumain ay nag-ayos na ako para pumunta sa opisina. *Opisina* "hello sir Matthew" "Good morning sir" "Hi sir" isa yan sa mga naririnig kong pagbati sa kanila kaya pinapalitan ko ito ng ngiti.
12 hours later:
Allysa's pov:
*Opisina*
"Ms. Valdez, There's a damage part of our building so you're assigned to renovate it as soon as possible" utos ng boss namin kaya agad akong kumilos para tingnan ang sira nito para maayos ko na rin kung anong magandang ipalit na design.
Matthew's pov:
Sobrang nakakapagod pala maging boss kaya sa susunod hindi ko na tatanggapin ang susunod na request ni daddy.
Someone's pov:
Lumipas ang mga buwan at madalang na sila kung mag-usap dahil na rin sa sobrang dami nilang trabaho.
5 MONTHS LATER:
Matthew's pov:
Limang buwan kaming hindi na nakakapag-usap ni Allysa dahil na rin sa sobra naming busy sa sari-sariling trabaho at nagpa-extend pa sila daddy sa Baguio. Parating na sila kaya sobra kong tuwa dahil hindi na ako magiging busy pa. Dumating na sila at malaki na ang tiyan ni tita Hana "wow, ang tagal nating hindi nagkita" sabi ni tita Hana at niyakap ako "oo nga po eh" sabi ko at umalis sa yakap niya at tinulungan ko sila sa mga gamit nila.
Allysa's pov:
Tapos na ang trabaho ko kaya umuwi na agad ako ng makatanggap ako ng tawag mula sa kapatid kong si Bea "Bea bakit ka napatawag di ba may klase pa kayo?" tanong ko "ate sinugod si pap at si bunso sa ospital dahil naaksidente sila sa motor tapos si papa kritikal ang lagay" umiiyak na sabi nito kaya agad akong umuwi para mag-impake na papunta sa Pilipinas. Naghanap ako online para sa flight ko bukas at dahil swerte ako ay nakahanap agad ako.
*KINABUKASAN*
Allysa's pov:
"sorry, but we can't sign your resignation letter until your contract here is done" sabi ni ma'am "ma'am my brother and my father is in the hospital and my father is critical so I need to be there" pagmamakaawa ko "I will sign your resignation letter but we have a protocol here that when you come back you can't continue your contract" sabi nito "okay na po yun kesa walang mauwian na pamilya" sabi ko at pinirmahan na niya ito at agad na akong umalis. Nasa Airport na ako at tinext ko na sila mama at Matthew na pauwi na ako.
Matthew's pov:
Patulog na ako ng makatanggap ako ng text mula kay Allysa at nagulat ako dahil pauwi na siya kahit hindi pa tapos ang kontrata niya sa New York pero napalitan ito ng saya dahil muli kong makakasama si Allysa.