Allysa's pov:
Out na namin, "bes, uwi na ako birthday ni daddy ehh" sabi ni Trisha at umalis na, naalala ko tuloy si papa hayst miss ko na talaga siya. Palabas pa lang ako at inabutan na ako ng malakas na ulan, "ang malas naman" naiinis kong sabi ng biglang may lalaki na lumapit saakin at nagbigay ng payong, "mahal gamitin mo na lang ang payong ko" sabi ni Matthew "thank you, pero paano ka?" tanong ko at kinuha ang payong, pang isang tao lang ang payong kaya hindi kami magkakasya, "let's go" sabi nito at hinatid ako sa sasakyan niya. Hindi ako makakatakbo dahil naka-takong yung sapatos ko at sobrang basa ng daan. Habang naglalakad ako ay sumasabay saakin, "share na lang kasi tayo o" pagyayaya ko "okay na mabasa ako wag ka lang" sabi nito kaya mas lalo akong kinilig.
Author's pov:
Pagkatapos ng araw na iyon ay nagkaroon si Matthew ng sobrang taas na lagnat.
Allysa's pov:
Pumunta ako sa bahay ni Matthew pagkatapos ng trabaho ko para alagaan siya, "Allysa, mabuti nandito ka" sabi ni tita Hana "bakit po?" tanong ko "wala kasing nag-aalaga masyado kay Matthew dahil busy kaming lahat" pagpapaliwanag nito kaya kumuha ako ng towel, tubig at vinegar at pumunta na sa kwarto ni Matthew. Pagdating ko ay mahimbing na natutulog ito kaya inalagaan ko siya at pinupunasan ng vinegar na may tubig, ganun kasi saamin noon kapag may lagnat kami, "pagaling ka, mahal" malungkot kong sabi habang pinupunasan siya. Hindi ko namalayan na nakatulog ako. "6am na hala malelate ako nito" sabi ko at agad na akong umalis.
Danica's pov:
Nabalitaan ko na may sakit si Matthew kaya pinuntahan ko siya sa bahay nila para alagaan siya, "Good morning tita" nakangiti kong sabi kay tita Hana "Good morning, Danica" sabi nito at umakyat na ako sa kwarto at nakita ko na natutulog si Matthew kaya tinitigan ko ito hanggang sa nagising siya, "ikaw ba ang nag-alaga saakin?" tanong nito "oo sobrang himbing kasi ng tulog mo kagabi kaya hindi mo namalayan" nakangiti kong sabi "ahh kailangan kong tawagan si Allysa" sabi nito pero pinigilan ko siya "ahhm wag na kailangan mo magpagaling" nakangiti kong sabi at kumuha ako ng pagkain sa baba para mapakain ko na siya pero hindi siya kumakain, "wala ng pake sayo si Allysa tingnan mo ako pa nag-alaga sayo simula kagabi" naiinis kong sabi "I can eat without you so please get out" sabi nito kaya umalis ako.
Allysa's pov:
Madalas kong bisitahin at alagaan si Matthew pero lagi ko siyang nadadatnan na tulog kaya hindi ko alam kung nararamdaman ba niya na nandito lang ako palagi sa kaniya hanggang isang araw dumating ako sa bahay nila at nakita ko si Danica na palabas ng bahay nila pero hindi ko pinansin baka pinaalis siya ni Matthew. Tumaas ako sa papunta sa kwarto niya at ganun pa rin tulog pa rin siya pero kahit ganun gabi-gabi ko siyang inaalagaan at binabantayan.
Danica's pov:
Ang swerte ko dahil naabutan ko lagi na gising si Matthew kaya iniisip niya na ako ang nag-aalaga sa kaniya at hindi si Allysa pero mas maganda yung simula para saaming dalawa at sisiguraduhin kong maghihiwalay sila at kami ni Matthew ang magbabalikan.
KINABUKASAN
Matthew's pov:
Nagising na ako at bumababa na ang lagnat ko at dahil ito kay Danica, Hindi ko alam kung bakit hindi man lang ako binisita ni Allysa hayst parang nagtatampo tuloy ako sa kaniya pero girlfriend ko siya kaya hindi ko hahayaan na mawala siya saakin dahil lang dito. Pumasok si Danica sa kwarto ko at may dalang pagkain, "eat ka na" nakangiti nitong sabi kaya kumain na ako "salamat hah parang mas girlfriend ka pa sa girlfriend ko" sabi ko "ayaw mo pa kasi ehh" bulong nito pero dahil nga malakas ang pandinig ko ay narinig ko iyon pero sinawalang bahala ko nalang, "so mababa na ang lagnat mo kaya pwede na tayo pumunta ng BAR" nakangiti nitong sabi "ahh, bawal na ako pumunta dun" sabi ko "alam mo nakakasakal ang gf mo dahil ayaw niya ang gusto mo" sabi nito kaya napaisip ako at "sige na nga" sabi ko at ngumiti siya.