*KINABUKASAN*
Allysa's pov:
Maaga akong nagising para lakarin ko ang mga papeles ko para makatrabaho na ako sa New York, "anak, kumain ka na!" pagtawag ni mama "opo!" sagot ko rito at kinuha ang cellphone ko "mamaya pa namang after lunch ang pagkikita namin ni sir Matthew kaya lalakarin ko muna ang mga papeles ko" pagtext ko kay Trisha "good luck sayo, mamimis kita pagbalik mo sana may pasalubong ko ha" sabi ni Trisha "hindi pa nga ako nakakaalis eh pasalubong na kaagad" sagot ko sa kaniya at nag simula na ako mag-ayos.
Matthew's pov:
Nagising ako sa katok galing sa pintuan ng kwarto ko kaya binuksan ko ito, "Matthew, breakfast is ready" nakangiting sabi ni tita Hana kaya sabay na kaming kumain. Pagkababa namin ay ang daming pagkain sa lamesa kaya umupo na ako para kumain "sino ang nagluto?" tanong ko "ako, sana nagustuhan mo" nakangiting sabi ni tita Hana kaya niluwa ko ang sinubo kong pagkain na ikinagulat nila "hindi ba masarap?" tanong ni tita Hana "ang pait mas masarap pa rin ang luto ni mommy" sabi ko at bumalik na ako sa kwarto "sorry, lulutuan ka na lang nila yaya" sabi ni tita Hana pero dere-deretso akong tumaas at hindi na siya pinansin pa "Message!" tunog ng cellphone ko kaya tiningnan ko ito "anak, nasa airport na ako at lilipad na ako papunta sa New York sana maging mabait ka sa daddy at tita Hana mo" text ni mommy kaya nagsimula na akong umiyak "I will miss you" pagtext ko rito at niyakap ang unan na binigay niya saakin. Pagkatanghali ay naghanda na ako para makipagkita sa nakakainis na babae, "mabuti sumunod ka sa daddy mo" sabi ni tita Hana "hindi ko alam kung bakit papakasalan ni daddy ang bastos na babaeng katulad mo" naiinis na sabi ko rito "I'm sorry sa susunod kakatok na ako bago pumasok" sabi nito "alis na" sagot ko rito at tinulak ko siya palabas ng kwarto ko at sinarado ko ito "tratratuhin mo rin akong ina hindi man ngayon pero balang-araw" malungkot na sabi nito "asa ka!" sigaw ko rito at sinuot na ang rubber shoes ko.
Allysa's pov:
Tumingin ako sa aking relo at lalo akong nataranta ng makita ko kung anong oras na "ayy hala 12:30 na kailangan ko na makahanap ng jeep o bus man lang" natataranta na sabi ko habang naghihintay ng masasakyan. 12:50 na ako nakasakay ng bus kaya ngayon ay kinakabahan ako kasi baka pagalitan na ako nung bwisit na lalaking yun, I mean is si sir Matthew. Pagkadating ko ay tumakbo na kaagad ako papasok sa opisina at sakto naman na nandoon siya kausap si Trisha "ha.. hah.. pahingi nga ng tubig Trish" hinihingal na sabi ko at binigay niya ang tumbler na hawak niya saakin at ininom ang tubig"10 minutes late, hayst hindi mo ba alam ang time management para ituro ko sayo kung paano gamitin yon" naiinis na sabi ni sir Matthew "sorry naman po noh, may nilakad pa ako na-" napatigil na sabi ko "I don't need your explanation" masungit na sabi nito "oksi" sagot ko rito "saan tayo magsastart?" Tanong nito "sa mall" sagot ko "tsk,baka uutusan mo lang akong magdala ng shopping bags mo" masungit na sabi nito "baliw hindi, basta" sabi ko rito at nagsimula na akong maglakad at sumunod naman siya, "tara sakay na" pag-aya niya kaya sumakay na rin ako sa mamahalin niya sasakyan.
Matthew's pov:
Naglalakad kami sa harapan ng mall ng bigla siyang huminto "nakikita mo di ba yung matanda na maraming dala noh?" tanong niya "oo, wait wag mong sabihin na magnanakaw tayo" natatakot kong sagot "tanga hindi. Tutulungan mo lang siya. Marunong ka gumamit ng po at opo di ba?" tanong niya "syempre elementary pa yan tinuturo" pabalang kong sagot "ehh bakit hindi mo ginagamit saakin ehh dapat nga tinatawag mo akong ate eh kasi mas matanda ako sayo ng isang taon" naiinis niyang sabi at tinarayan ako "o-kay po, a-te" pilit kong sabi at tinulungan ko na si lola. "Lola, tulungan ko na po kayo sa mga dala niyo" sabi ko "salamat, apo" sagot naman ni lola at kinuha ko na ang mga dala niya at sinamahan siya na maghintay ng taxi. Nang may dumating na na taxi ay tinawag ko na ito "taxi!" At huminto ito sa harapan ko at tinulungan ko na si lola na ipasok sa loob ang mga dala niya at ang iba naman ay sa likod ng taxi. Nang matapos na kami sa paglagay ng gamit ni lola ay nagpaalam na ako rito pero nilabas niya ang kamay niya"ano po lola?" nagtataka kong tanong "shh" pagtawag ni Allysa "ganto" sabi ni Allysa at dinikit niya ang kamay niya sa noo niya kaya ginaya ko rin iyon kay lola "kaawaan ka ng diyos apo" sabi ni lola at isinara ko na ang pinto ng taxi at umalis na ito. Lumapit si Allysa sa akin "hindi mo alam yon? HAHAHA" tumatawang sabi niya "a-alam ko yun no nakalimutan ko lang" nauutal kong palusot "tsk, palusot. O kung alam mo anong tawag don?" tanong niya kaya nagtingin tingin ako sa paligid ng makakita ako ng ice cream house "uyy may ice cream ohh tara kain tayo, treat ko" sabi ko at hinila ko na ang kamay niya papunta sa ice cream house. Nakarating na kami at pagkatingin ko sa kaniya ay mukha siyang nagulat kaya binitawan ko na ang kamay niya "ayy sorry" sabi ko rito "a-a okay lang" nauutal niyang sabi at ngumiti "choose what you want" nakangiting sabi ko rito at tinuro niya ang pinaka mahal na ice cream "ayon oh mukha siyang masarap" masaya niyang sabi "mautak rin toh ehh" pabulong ko "anong sabi mo?" tanong niya at tumaas ang kilay niya "wala, tara na order na tayo" sabi ko at nagsimula na kaming mag-order.
Allysa's pov:
Pagkatapos naming mag-order ay kumain na kami pero hindi ko mapigilang maalala yung hawakan ni sir Matthew yung kamay ko. Habang kumakain kami ay kinikilig parin ako hindi ko alam kung bakit, "hoyy anong nginingitian mo jan?" tanong ni ugok "masarap kasi yung ice cream kaya napangiti ako" nakangiti kong sagot "syempre yung pinili mo ang pinakamahal kaya masarap talaga" sabi niya, "hindi ko alam kung galit ba tong ugok na 'to o naiinis, dapat kasi wag siyang mag-aya ng libre kung magagalit rin naman siya tsk" pabulong ko "anong pinagsasabi mo nanaman jan?" galit na tanong ni ugok "akala ko ba malakas pandinig mo bakit hindi mo narinig?" naiinis kong sabi "tara na tapos na ako" sabi nito at nagsimula ng maglakad "hoyy hindi pa ako tapos! Sandali!" nagmamadali kong sabi "eii ang lamig" dagdag ko pa, feeling ko magkakaroon ako ng pangingilo ngayong araw na ito nakakainis. Pagkatapos ko ay tumakbo na ako papunta sa kaniya, "saan ka ba pupunta? Eh sa toy house naman tayo pupunta" naiinis kong sabi at tiningnan niya ako ng masama kaya tumalikod na ako tsaka naglakad papunta sa toy house at sumunod naman siya. Naiinis akong naglalakad dahil sa kaniya ng bigla akong nadulas sa sahig "ahh!" sigaw ko atsaka tumakbo siya palapit saakin. Akala ko tutulungan niya ako yun pala pagtatawanan ako ng sobrang lakas "HAHAHAHAHAHA may nangingisda sa sahig, ilan nahuli mo neng HAHAHAHAHA" tumatawang sabi niya at tinuturo turo pa ako kaya ang mga tao ay nakatingin na saakin at nagsisitawanan kaya tumayo na rin ako at nagsalita ng parang walang nangyari "o sir tara na" sabi ko rito at naglakad na "lutuin natin mga nakuha mong isda" tumatawang sabi nito "wala akong nakuhang isda, okay" naiinis na sabi ko at siya ay patuloy pa rin sa pagtawa "nakakahiya" sabi ko sa isip ko. Nasa toy house na kami at pumasok na kami rito at naghanap na ako ng magiging misyon ng ugok na 'to.
Matthew's pov:
"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko
"Mama!!" iyak ng isang bata sa gilid ng gumagalaw na laruang sasakyan, "nakikita mo yung bata na umiiyak di ba? tanong ni Allysa "yes" sagot ko pero tumingin ito ng masama saakin "opo" sagot ko ulit "good, patahanin mo yung bata at tulungan mo siyang hanapin ang mga magulang niya" utos nito kaya nagulat ako dahil hindi ko pa naranasan magpatahan ng bata "hah? ayoko nga. O kung gusto mo ikaw na lang noh" naiinis kong sabi "okay sasabihin ko na lang kay sir na hindi ka sumusunod sa akin. Mawawalan ka lang naman ng pera, sasakyan at ATM" nakangiti niyang sabi at kinuha ang cellphone niya "wait, o eto na po papatahanin na ang bata" sagot ko rito at naiinis na pumunta sa pwesto ng bata. "Baby, asan ang parents mo?" tanong ko "iiyak po ba ako kung alam ko?" Umiiyak na sagot ng bata "nga naman" sagot ko at lumabas ng toy house "saan ka pupunta?" tanong ni Allysa "may bibilhin lang po" naiinis na sagot ko rito at bumili na ako ng candy at biscuit sa sm store. Pagkatapos ko makabili ay binalikan ko ang bata "o kain ka muna baby, tara hanapin natin si mama mo" sabi ko at naglakad na kami paalis sa toy house at pumunta sa mga pulis na nagbabantay sa sm, "sir, nawawala po kasi itong bata" sabi ko "saan niyo siya nakita, sir?" tanong nito "I found him into the toy house, please help him to find his parents" sagot ko rito "kami na po ang bahala sir" sagot ng pulis at binigay ko na sa kaniya ang bata "anak ko!" pagtawag ng isang babae mula sa likod ko "mama!" sagot ng bata at tumakbo papunta sa nanay niya at sinundan ko siya "sir maraming salamat po" nakangiting sabi ng babae "next time be responsible mom" masungit kong sabi at umalis. Bumalik ako sa toy house at nakita ko si Allysa na naglalaro na parang bata "ang cute mo pala kapag nakangiti ka" bulong ko at nilapitan ko siya kaya bigla siyang sumama ng tingin "oh anong nangyari sa bata?" masungit niyang tanong "nahanap na siya ng mama niya, po" sagot ko "good tara may pupuntahan pa tayo" utos niya at naglakad na pero may isang sasakyang laruan ang papunta sa pwesto niya kaya hinawakan ko ang bewang niya at niyakap siya, "a-anong ginagawa mo?" nauutal niyang tanong "tingnan mo o muntik ka na madisgrasya sa sobrang sungit mo" sagot ko at saka binitawan ko siya. Nauna na akong maglakad sa kaniya ang bagal niya kasi. "Uwi na tayo, 4:30 na baka hinahanap na ako" sabi ni Allysa "okay" sabi ko at naglakad na kami palabas ng mall. Nasa sasakyan na kami, "saan ka ba nakatira?" tanong ko "message!" tunog ng cellphone ko at text ito ni Allysa "paano mo nalaman phone number ko?" tanong ko "message!" tunog ulit ng cellphone ko at text ulit ni Allysa "kay daddy mo pala nalaman" sabi ko at sumakay kami sa sasakyan. Sobrang tahimik ng byahe namin at napansin ko na parang ang tahimik ni Allysa "hoyy magsalita ka nga" galit kong sabi "masakit ang ngipin ko, bwisit!" galit niyang sigaw at hinawakan ang pisngi niya. Huminto ako sa may fish shop "anong ginagawa natin dito?" tanong niya "ititinda ang mga nahuli mong isda kanina HAHAHA" tumatawang sabi ko at tumingin siya ng masama "joke lang, may bibilhin lang tayo" sagot ko at bumaba na kami sa sasakyan.
Allysa's pov:
Ang sakit talaga ng ngipin ko dahil ata to sa ice cream na binili ni sir Matthew. Nasa loob na kami ng Fish Shop, "pili ka ng gusto mong isda" sabi niya at tumingin tingin ako sa mga isda sa loob at ang umagaw ng pansin ko ay ang gold fish "wow cute mo naman, ikaw na lang ang bibilhin ko" sabi ko at pumunta sa akin si sir Matthew "may napili ka na?" tanong niya "oo" sagot ko at tinuro ang gold fish "may aquarium ba kayo?" tanong niya "wala, ilalagay ko na lang siya sa baso" sagot ko "hindi ka ba marunong mag-alaga ng isda? " tanong niya "wala nga kaming aso isda pa kaya baka ulamin pa namin yan paglaki" naiinis kong sagot "kadiri ka naman, bibilhan ko nalang yan ng fish bowl" sabi niya at binili na nga ang Gold fish at fish bowl "anong binili mo?" tanong ko "coy, kasi ito yung favorite na alagaan ni mama na isda noon" sagot niya. Pagkatapos namin bumili ay umuwi na kami. Habang pauwi kami nilalaro ko ang isda ko "anong pangalan ng gold fish mo?" Tanong ni sir Matthew habang nagdadrive "Hmm, Goldy na lang hehe. Hi Goldy" sagot ko at nilalaro ito "Goldy, nice name" nakangiting sabi ni sir Matthew "sayo sir anong pangalan?" tanong ko "coy na lang"sagot niya at nginitian ko siya at tahimik na nagbyahe.
Nakauwi na ako at nilagay na si Goldy sa fish bowl at pinakain, "pakabusog ka" sabi ko at dahil sa pagod ay natulog na kaagad ako. Dumaan ang mga araw na ganun pa rin ang ginagawa namin, napapansin ko na may natututunan na siya sa akin at hindi ko namamalayan na nahuhulog na ako sa kaniya ng paunti unti.