Chereads / Love me like how you love me before / Chapter 1 - Chapter 1: Pagkikita ng Dalawa

Love me like how you love me before

Pinkroses
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 57.1k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 1: Pagkikita ng Dalawa

Matthew's pov:

Ako nga pala si Matthew De Guzman anak ako ng nagmamay-ari ng Kammelbac Company na pinakamalaking business organization sa buong mundo kaya kung saan ako pumunta ay makikilala ang napakagwapo kong mukha. Kahit na maraming mga babae ang lumalapit sa akin ay pinipili ko sa kanila kung sino ba ang true love ko. Naghahanap kasi ako ng wagas na pag-ibig dahil ayokong matulad sa mga magulang ko na hindi man lang nagkatuluyan kaya naghiwalay kaya naghahanap ako ng true love by easy way, first kikilalanin ko sila at kapag parang pwede siya yung hinahanap ko ay hihingiin ko ang number niya at makikipag-date, second liligawan ko siya at dahil nga marurupok sila ay sasagutin nila ako at magiging kami. At ang panghuli ay hihiwalayan ko sila kapag naramdaman ko na hindi sila ang para saakin pero hindi sa paraan na makakasakit kundi sa paraan na pareho naming maiintindihan. By the way, nasa bar ako at kasama sila Paul at Allan, "Bro, kamusta kayo ni Danica?" tanong ni Allan "tsk, nakipaghiwalay na ako dun kasi nakakasakal na siya ang bilis magselos" sagot ko "paano ba naman hindi magseselos si Danica ehh babaero ka" natatawang sabi ni Paul "wow nagsalita ang di babaero di ba nga yan yung dahilan kung bakit iniwan ka ni Mariz" sabi ko at natahimik si gag* "mabuti ako NGSB lang waiting for a girl" sabi ni Allan"ayan ang mahirap sayo ehh para kang si Juan naghihintay lang hindi gumagawa ng paraan" sabi ko "hayst, mas maganda na sila na ang kumilos para saakin hahaha" tumatawang sabi ni Allan at ininom na ang whiskey na nasa maliit niyang baso "guyss, tingnan niyo yung babae sobrang ganda tapos ang sexy pa" sabi ni Paul at parang nananakam "saakin yan" sabi ko at lasing pumunta sa babaeng nakaupo sa isang upuan "miss, hi" sabi ko "hello, parang namumukhaan kita" nakangiting sabi nito "I'm just the son of the owner of Kammelbac Company, I am Matthew De Guzman" sabi ko "I'm Jane Salazar" sagot niya "what a wonderful name" sabi ko at nakipag-shake hands sa kaniya at dumating ang isang lalaki at inakbayansi Jane "who are you" tanong nito "ako lang naman ang magiging future boyfriend ng inaakbayan mo" sagot ko "ehh gag* pala to eh" galit niyang sabi at sinapak ako syempre gumanti ako at nagkagulo na sa BAR "Matt, tumigil na kayo" sabi Paul pero sinapak siya ng lalaki na kaibigan rin nitong sinasapak ko ngayon kaya mas lalong nagkagulo. Kinabukasan nagising na lang ako na nasa kwarto na ako at hinawakan ang mga pasa ko sa mukha "hayst, sinira pa nung lalaking yun ang napakagwapo kong mukha" sabi ko "ano nanamang kaguluhan ang ginawa mo kagabi, hindi mo ba alam na yung kinalaban mo kagabi ay ang may malaking share sa kumpanya natin!" galit na sabi ni daddy "hayst, kumpanya niya na lang ang lagi niyang iniisip" sabi ko ng pabulong "Matthew, kapag nawala ang share ni Mr Ramoz bababa ang pera natin" sabi ni tita Hana at dala ang yelo at panyo para sa mga pasa ko "tsk, I don't care" sagot ko sa kanila "sa ngayon wala ka pang pakialam pero kapag nasa posisyon mo na ako mararamdaman mo ang nararamdaman ko ngayon!" galit na sabi ni Daddy "sino ba ang nagsabi na gusto ko mapunta jan sa posisyon niyo, tsk, ayokong magmay-ari ng isang kompanya na hindi ko gusto lalo na't yung kompanya na yan ang dahilan kung bakit naghiwalay kayo ni mommy" galit ko ring sabi at nakita ko ang lungkot sa mukha ni tita Hana "ayaw mo bang maging second mommy mo ako?" tanong ni tita Hana "ayoko at sa kasal ninyo kahit anong pilit niyo hindi ako pupunta" sabi ko rito "wag kang bastos Matthew sa mommy mo!" galit na sigaw ni daddy "hindi ko siya mommy at kahit kailan hindi ko siya kikilalaning nanay!" galit kong sabi kay daddy "love, leave him alone" malungkot na sabi ni tita Hana "good choice" sabi ko at nilapag na ni tita ang mga dala niya at umalis na sila, "sana nandito ka mommy para ipagtanggol ako kay daddy" malungkot kong sabi at sinimulan ko ng lagyan ng yelo ang panyo at nilagay sa mga pasa ko sa mukha.

Allysa's pov:

Hayst puyat na puyat ako kagabi dahil sa paggawa ko ng last documents at resignation letter dahil pupunta na ako sa New York para doon na magtrabaho, ayoko naman talagang umalis sa trabaho ko ehh pero mas kailangan ko ng malaking sahod para matustusan ang pag-aaral ng mga kapatid ko at sina mama at papa, ako kasi ang breadwinner ng pamilya namin at matanda na sina mama at papa kaya hindi na nila kayang magtrabaho. Papasok na ako sa trabaho ng salubungin ako ni Manager Gomes " ms. Allysa totoo ba na magreresign ka na?" tanong nito "opo ma'am meron na po kasing tumanggap saakin sa New York at aalis na po ako after 6 months kasi first time kong magtrabaho sa ibang bansa kaya matatagalan ang lipad ko" sagot ko sa kaniya "bakit parang maaga ata ang resign mo?" tanong nito "para po malakad ko ang mga papeles ko at para mas mabilis ang pag-alis at hindi na hahaba pa" sagot ko rito at pumunta na ako sa upuan ko at nag-ayos na ng gamit.

Matthew's pov:

Matapos ko gamutin ang mga sugat at pasa ko ay bumaba na ako daladala ang panyo na may yelo. Habang pababa ako ay may narinig akong pamilyar na boses "mommy" bulong ko at nagmadaling bumaba at pumunta ako sa kusina "anak, tara kumain ka na pinaghandaan kita ng pagkain mo" nakangiting sabi ni mommy habang daladala ang ham, pork &beans at meatloaf at niyakap ko siya ng sobrang higpit "mommy, dito ka na lang please, wag mo na akong iwan" pagmamakaawa ko rito kaya nagsimula ng tumulo ang mga luha ko "anak, baka mahulog tong mga hinanda ko sa'yo" masayang sabi nito "dito ka na lang" sabi kong muli at tinanggal na ang pagkakayakap sa kaniya at nilapag na niya sa lamesa ang pagkain "umupo ka na" sabi ni mommy at umupo ako sa isang upuan, napansin ko na parang hindi naririnig ni mommy ang pagmamakaawa ko na wag na siyang umalis o kaya binabaliwala niya lang yung mga sinasabi ko "anak, may sasabihin si mommy sayo" malungkot na sabi nito "ayy wait may sasabihin muna ako sayo mommy, magpapakasal na daw sina tita Hana at daddy pero hindi ako payag, mommy sige na gumawa kayo ng paraan para mapigilan iyon" malungkot kong sabi "anak, mabait ang tita Hana mo at hindi ka niya papabayaan kaya sana ituring mo siyang second mommy mo" sagot niya "pero ayoko sa kaniya" galit kong sabi "Matthew, kakailanganin mo ng nanay sa tabi mo hanggang wala ako kaya sana ituring mo rin siyang nanay mo" sabi ni mommy "saan naman po kayo pupunta, sasama na lang ako sa inyo, wala naman akong kakampi sa bahay na 'to" malungkot kong sabi "anak kailangan ka ng daddy mo dito, bibisita lang ako sa kapatid mo sa New York" sabi nito "may kapatid ako?" tanong ko "oo anak, anak ko siya sa dati kong kasintahan. Siya si kuya Rafael mo" sabi nito at pinakita saakin ang litrato nito "siya po ba ang dahilan kung bakit kayo nagkahiwalay ni daddy" malungkot kong sabi "ako ang may kasalanan dahil hindi ko sinabi na may anak ako dahil natatakot ako na baka magalit siya. Dinala ko si kuya Rafael mo sa New York para hindi malaman ng daddy mo pero sabi nga nila walang sekreto ang hindi nabubunyag, nalaman ng daddy mo na may anak ako kaya nagalit siya ng sobra dahil niloko ko siya ng sobrang tagal" malungkot na sabi ni mommy "busog na po ako" sabi ko rito at bumalik na sa kwarto ko at bago ako umalis ay nakita kong umiiyak si mommy pero galit ako sa kanilang lahat dahil lahat sila pinagmukha lang akong tang*. "Message!" tunog ng cellphone ko kaya tiningnan ko ito at agad na akong nagbihis para pumunta sa opisina ni daddy.

Allysa's pov:

Tapos ko na ipasa ang mga document sa ass. manager kaya kinuha ko na ang resignation letter ko para pumunta kay Mr. De Guzman, "Allysa, pinapatawag ka ni sir sa office niya" sabi ni Trisha na kaibigan ko "sakto papunta na rin ako dun" sabi ko at naglakad na papunta sa opisina ni sir. Habang papunta ako sa opisina ni sir De Guzman ay may naririnig akong sigawan mula rito. Nung nasa harapan na ako ng pintuan nito ay hindi na ako nag-abala pang kumatok baka kasi hindi na rin nila marinig kaya binuksan ko na ito at bigla silang natigilan, "excuse me sir, magbibigay po sana ako ng resignation letter" sabi ko "ano ba naman tong babaeng to hindi man lang marunong kumatok!" galit na sabi ng lalaking kaharap ni ma'am Hana "sorry po sir, narinig ko po kasi ang sigawan sa labas galing dito kaya hindi na ako kumatok baka po kasi hindi niyo rin po marinig" pagpapaliwanag ko "tsk, palusot" nakangising sabi nito pero binaliwala ko na lang dahil good mood ako ngayon para makipag-away at pumunta na sa table ni sir De Guzman "Allysa hindi namin tatanggapin ang resignation mo" sabi ni ma'am Hana kaya nagulat ako " bakit naman po ayaw niyong tanggapin?" naguguluhan kong tanong "dahil meron ka pang tuturuan ng GMRC bago ko pirmahan ang resignation mo" sabi ni sir De Guzman "sino naman po?" tanong ko "kundi ang anak ko na si Matthew" sagot ni sir De Guzman at tinuro ang lalaki na kaharap ni ma'am Hana "hah? siya ang magtuturo saakin eh wala rin ata yang GMRC eh" galit na sabi ni sir Matthew "for your information sir Matthew De Guzman, elementary hanggang highschool meron akong Good Moral certificate kung gusto mo makita sabihin mo lang baka nga pagdinala ko yun mapuno ang kwarto niyo" pagmamayabang kong sabi kahit 7 lang talaga ang Good moral certificate ko sa bahay hehe "wala akong pake" masungit niyang sagot "anak ba talaga to ni sir ehh si sir mabait at gwapo tapos si ma'am Hana maganda na mabait pa, siya gwapo lang ang nakuha" pabulong kong sabi "narinig ko ang binubulong mo, sa totoo lang hindi ko mommy ang kaharap ko mistress lang siya ng daddy ko, gwapo ako at malakas ang pandinig kaya wag mo akong maliitin" masungit na sabi nito at nakita ko ang lungkot sa mukha ni ma'am Hana"sir ano bang gagawin ko sa anak niyo?" tanong ko "bibigyan mo lang naman siya ng mabuting asal at kapag hindi siya sumunod sayo sabihin mo lang saakin" sagot nito "wala naman mawawala saakin kung hindi ko siya susundin eh" masungit na sabi ni sir Matthew "akala mo lang wala pero meron" sabi ni ma'am Hana "tsk" pagsinghal nito "mawalan ka lang naman ng sasakyan, ATM, allowance at gadgets" nakangiting sabi ni ma'am Hana "what?! You're so cruel!" galit na sabi ni sir Matthew at tumingin ito saakin ng masama kaya nginitian ko siya ng nakakainis "bukas kayo magsisimula at dapat may matutunan siya sayo bago ko pirmahan ang resignation letter mo" sabi ni sir De Guzman saakin "opo sir" sabi ko at lumabas na.

Matthew's pov:

Pagkaalis ng babaeng yon ay tumayo na ako para umalis na rin"saan ka pupunta? sa bar nanaman tapos gagawa ka nanaman ng kaguluhan" galit na sabi ni daddy "baka pati ang pagpunta ko sa bar ay i-ban niyo, tsk puro kasi kayo opisina" galit kong sabi "hindi ko alam kung bakit ka ganyan, lahat naman ng ginagawa ko ay para sayo at sa mga luho mo" galit nitong sabi at tiningnan ko si daddy ng masama "hindi para saakin kundi para sa inyong dalawa!" galit kong sigaw at lumabas na "wala ka talagang galang!" sigaw ni daddy at galit na galit akong naglakad paalis. Habang pababa ako ay naririnig ko ang tilian ng mga babae sa akin pero hindi ko na lang pinapansin ng may mabangga akong babae at nahulog ang dala niyang mga gamit "hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo, paano kung may nabasag sa mga dala ko!" galit na sabi nito at tiningnan ko siya "ikaw nanaman, o eto pera kung may nabasag naman dyan bumili ka na lang ng bago" masungit kong sabi at tinapos sa mukha niya ang pera at umalis " ang pangit talaga ng ugali mo hindi na ako magtataka kung bakit galit sayo si sir De Guzman!" galit na sigaw ni Allysa kaya nilapitan ko siya "wala kang alam kaya wag mo ako sisigawan" galit kong sabi "wow ikaw pa ang may gana magalit eh ikaw na nga ang may ginawang mali" galit na sabi ni Allysa "yan nga o pera, hindi pa ba yan sapat baka gusto mo pa dagdagan ko para matigil ka" galit kong sabi at kumuha ako ulit ng pera sa wallet at itinapon ulit sa mukha niya at umalis na ako.

Allysa's pov:

Para na akong iiyak sa ginawa ni sir Matthew saakin, akala niya ata ang paghingi ng tawad ay ginagamitan ng pera pero sayang naman yung 20k na binigay niya kaya pinulot ko na lang "bes anong nagyari?" tanong ni Trisha "kasi yung mayabang na anak ng boss natin binagga ako tapos hindi man lang siya nag-sorry, bastos di ba?" galit kong sabi at tinulungan niya akong magpulot ng mga gamit ko "gwapo sana siya pero mayabang pala" paghihinayang ni Trisha "pero okay lang kung may nabasag man jan may pambili naman ako ng bago, pero nakakainis lang talaga, siya talaga ang sumira ng araw ko" naiinis kong sabi "don't worry wala namang nabasag" sabi ni Trisha "salamat, Trish" sabi ko at naglakad na paalis at bumalik na siya sa opisina niya.