Chereads / Red Thread / Chapter 7 - Thread VI

Chapter 7 - Thread VI

Napapanood ko lamang noon sa T.V. kung paano naisasagawa ang mga kilos-protesta laban sa mga gawaing inilalatag ng pamahalaan na hindi pinagsasang-ayunan ng ilang tao. Pero hindi ko inakala na makakaranas ako nang ganoon. Dito pa talaga sa Stanford.

Pinilit kong kontrahin ang agos ng kuryente ng tao. Nakipagsisiksikan ako. Pakiramdam ko'y mahihigitan na ako ng hininga. Mga tao talaga, masyadong patriotic.

Ilang grupo ang humihiyaw ng kani-kanilang opinyon ukol sa pagpapatupad ng curfew hours at pagpapaigting ng kapangyarihan ng CPPS. Kuha ko kung saan sila nanggagaling. Payapa ang Stanford nang ako'y nasa Junior High-Level pa, ngunit lumipas ang maraming taon at tila ba ang magagandang salita at bagay na makikita sa loob ng paaralan ni mama ay bigla na lang naglaho; nagbago.

Ginamit ko ang buong enerhiya, makalusot lang sa dagat ng estudyante. Sa wakas, nagawa kong makaalis sa ganoong paghihirap. Utay-utay, naglakad ako patungo sa mismong pintuan ng Leon Building. Nakita ko doon ang CPPS na nakaharang sa paligid. Ayaw nilang magpapasok ng kung sino-sino.

Mabuti na lamang, natunugan nang maaga ng CPPS ang mga rally-ista. Dahil kung hindi, sigurado akong nasugod na ang SDEB.

Pinanood ko ng ilang mga nakabantay habang naglalakad patungo sa kanilang posisyon. Dapat pala'y sinuot ko ang matingkad na balabal. Tiyak na papapasukin ako ng mga ito.

"Bawal pong pumasok, pasensya na po. Utos lang ng Student Lieutenant natin." Nagawa akong pigilan ng isang Patrol Student, nakaharang ang kapansin-pansin niyang malaking braso.

"My friends are there inside," wika ko habang nakatingin sa loob ng gusali.

Umiling lang ito, muling nagsalita. "Paki-check na lang po, boss. Pinalabas po lahat estudyante kani-kanina lang."

Tumunog ang aking dila habang sinisingkitan siya ng mata. "It can't be. Kaka-text lang niya, e. Wait a second." Inilabas ko ang cellphone at pinakita sa lalaki ang mensaheng galing kay Sheryl, binasa itong mabuti. Umiling pa rin siya't pinagpilitan na wala nang tao sa loob. Mga opisyales at kaguruan na lamang ang naroon.

Naghanap pa ako ng ibang alibi. "Pinalabas rin ba iyong nasa infirmary? Ando'n ang kaibigan ko, si Angela. Kilala mo? Kilala mo iyon. Sikat siya, e." Pag-aaliw ko sa lalaki.

"Ah, kaibigan niyo po ba iyon?"

Maliwanag ang aking mukha habang tumatango. Sa palagay ko'y magagawa ko siyang utuin. Siguro ay magsisinungaling na lang ako na kukunan ko siya ng autograph mula kay Angela. Bibigay siguro ito.

"Ako po, boss, iyong nakakita sa kaniya. Student Staff Sergeant, Guarin po." Inihain niya ang kamay.

Tinitigan ko 'to, bago ko pa man tanggapin ang alok, may sumigaw sa aking kanang bahagi. Lahat kami ay napalingon.

Isang lalaking nagwawala at nagpupumilit na pumasok. Sumisigaw siya.

"Papasukin niyo ako! Papasukin niyo ako! MGA DUWAG KAYO!"

Natawag niya ang atensyon ng lahat. May ilang Patrol Student ang tumulong upang siya'y magawang pakalmahin.

Hindi nga lang iyon nagtagal nang may magsimulang bumato ng bote sa harap. May natamaan na isang Patrol Student. Madami ang sumunod sa pagbato. Sumugod ang ilang estudyante sa pagpasok. Nagkakagulo na.

Sa aking palagay, lahat ng CPPS ay taranta. Nakita ko ang mukha ng kausap ko. Nakakurba dito ang kaniyang kaba at takot.

Dinagsa na kami ng tao, ako ay sinisiksik na. Dikit na dikit ako. Kinuha ko itong opurtunidad para makalusot sa CPPS. Ilang sandali, nakalagpas na ako sa kabilang bahagi. Nagagalak ako sa pagiging mapalad.

Ang lahat ng CPPS ay abalang-abala sa pagku-kontrol ng mga nagwawalang estudyante. Imposible na may haharang pa sa akin.

Pinagpagan ko ang nadumihang topcoat at saka malawak na ngumiti habang naglalakad. Maingay sa labas, mabuti pa, pumasok na ako.

Natawag nga lang ang aking atensyon ng klarong sigaw ng kaparehong lalaki.

"Kahit ano pa ang ipatupad niyo, walang mangyayari! Kung ang mga may sala ay siyang mismong nasa kinauukulan!"

May mga sumang-ayon sa kaniyang sinabi. Nagpumilit silang lahat, ngunit dahil sa tulong ng mga pangotrang kagamitan ng CPPS, hindi nila nagawa.

"Logan?"

Mula sa aking harapan nanggaling ang tunog. Tumingala ako upang siya ay makita.

"Sheena! I mean, Minority Leader, Sheena." Paglilinaw ko.

"Drop that authority, kayo ang naghalal sa akin para maging leader ng Minority Whips." Ang ngiti ay agad na napawi nang mapatingin sa gawing likuran. "Oh! What happened? May gulo ba?" Nakakunot ang kaniyang noo.

Hinawi niya ang kaniyang itim at umaalon-alon na buhok, na sa palagay ko ay lagpas-balikat, bago pa pumantay sa aking lebel.

Pilit akong ngumiti bago sumagot. "Rally. So weird, right? First time ata may mangyaring ganiyan?"

Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko alam...but did I hear it right? Rally? Bakit? Sorry, medyo lutang ako! Nahilo ako kanina sa meeting," sabi niya nang nakakapit ang kamay sa dibdib.

"You didn't know? Wala ba kayong alam sa reaksyon ng mga estudyante dahil diyan sa Curfew Hours at CPPS Empowerment?" Pantay ang aking boses, ngunit ang reaksyon ng mukha ay kabaligtaran. Nagbuntong-hininga siya.

"The Minority Whips were supposed to serve as the opposition, right? Have you ever considered opposing that ridiculous idea? Lalo na iyang sa mungkahi ng magaling na Mateo," dagdag ko, may halong pagkairita.

Minority Whips, kilala din bilang Stanford's Minor House, mga estudyanteng tumatayo bilang oposisyon. Mga kontra sa desisyon ng Student Board at Executive Committee. Kalimitan, ang mga nakahalal dito ay ang bigo sa nagdaang eleksyon, na nagmula sa partidong nagkamit ng pangalawang pinakang mataas na boto. Kasalukuyan, si Sheena Obligado ang nakaupo bilang Minority Leader. Kapartido ko siya, tumakbo sa pagka-pangalawang pangulo. Ngunit tulad ko, nabigo.

Pwede rin nating sabihing: Nadaya.

"Don't misunderstand me, Logan. Kaya nga stress na stress ako ay dahil sa pamimilit sa Minority Whips mula ibang branches. I was expecting them to turn down the proposal before it could even be passed to the table of Professor Stanford." Ang kaniyang kanang kamay ay ipinatong sa dibdib. "Pero nakakagulat! It was really unusual for the Minority Whips to agree— and to side with the Student Board! The idea of the proposal seems to be vague. Obviously, SDEB only wants to have full control over the whole school. Don't you agree?"

Kumunot ang noo ko. "E, bakit nga ba kayo pumayag? I should have been there."

Inakit ako ni Sheena na umakyat sa ikalawang palapag dahil naroon ang opisina ng Minority Whips. Pagkapasok namin sa loob, ang dalawa pa niyang kasapi ay halatang pagod at may pagkadismaya.

"Logan," bati sa akin ni Matthew. Nakaupo siya sa lamesa ng kaniyang cubicle, pinaglalaruan ang punit-punit na papel.

"Hey," sagot ko.

Tinanguhan ako ng isang babae, si Jhea. Tahimik siyang nakaupo sa kaniyang silya habang pinagmamasdan ang paglalakad ko sa gitnang lamesa ng Minority Whips. Sadyang tatlo lang ang miyembro nito, kaya kapansin-pansin ang tahimik na paligid.

Kinuha ni Sheena ang isang tumpok na papel sa katabing drawer. Inilapag niya ito sa gitnang lamesa. Lumapit si Jhea at iniusog ni Matthew ang upuan sa pwesto namin.

"What are these?"

"Rationale from Student Board. Kung bakit nila gustong magpatupad ng Curfew Hours sa loob ng campus," si Sheena.

Pinagpatuloy ni Jhea, "Ang sabi nila, may nanloob 'daw' sa stock room ng Stanford Main. It happened two weeks ago. Magulo na pala do'n sa Main, tapos tayo, unconscious."

Habang nagsasalita siya'y pinilit kong itinutuuon ang atensyon sa binabasa.

"Pero sabi dito, "Nothing was proven stolen." What does it mean?" tanong ko.

"You hit our point. We don't agree with the decision of SDEB because of their vague reasonings. Minor incident lang iyan, e. It happens! It always happens. Dahil lang sa inaakala nilang may "nanloob" gusto na agad nilang ipatupad ang curfew hours? Gusto pa paigtingin ang kapangyarihan ng CPPS. It was quite obvious that they were rushing for an emergency power over a minor casualty," ani Matthew.

Napatigil ako sa pagbabasa. Napaisip. Kumunot ang noo. Sumingkit ang mata. Ipinamulsa ang kanang kamay, habang ang kaliwa ay nakahawak sa nawawalang bigote, bago nagwika. "Unless, they are hiding something."

Nakapako ang kanilang tingin sa gawi ko. Tahimik na hinihintay ang susunod na mga salita. "Kung walang nanakaw at gusto nilang patibayin ang pagbabantay, ibig sabihin, may iniingatan sila do'n. Iniiwasan na baka makuha ang kanilang itinatago," pagtatapos ko.

Isa-isa ko silang tinitigan, walang nakuhang sagot mula sa kanila.

"I can't accuse."

"Ako din," ani Matthew.

"I'll consider," dugtong ni Jhea.

Bahagya akong tumawa. "Hindi ko sinasabi na dapat paniwalaan niyo ako. Pero, sige. Mauna na muna ako. Balitaan niyo na lang ako."

Nakapamulsa akong naglakad palabas. Pero bago iyon, magkakasabay akong tinawag ng tatlo.

"Why don't you speak to your mother? Sabihin mo na parang masyadong mabilis ang nangyayari ngayon. Look, ikaw na ang nagsabi na masyadong weird dahil may rally ngayon."

Pinalakpak ko nang isang beses ang kamay. "I'll consider." Tugon ko bago lumabas.

***

Umakyat ako patungo sa ikatlong palapag, pumasok sa library. Nakita ko ang librarian na tahimik na nagbabantay sa entrada nito. Tinanguhan ko siya pero ako'y hindi pinansin.

Dahil sa malawak ang library, isa-isa kong sinilip ang istante ng mga libro. Sa bawat dulo ng istante'y ang mga nakadungaw na lamesa at upuan na nagsisilbing "Reading Area". Tahimik lagi dito. Nakasanayan na lamang namin na hindi mag-ingay, kahit na hindi masungit ang aming librarian. Naging disiplinado na rin siguro.

Joke. Kung disiplinado ang estudyante ng Stanford, wala dapat na mangyayaring batuhan ng bote sa baba kanina.

"Khen!"

Napasilip siya sa gawi ko. Naglalakad ako sa pagitan ng dalawang istante ng libro at itinaas ang kanang kamay bago ngumiti.

Nadatnan ko sa kaniyang lamesa ang makapal na kulay asul na librong kaniyang binabasa. Umupo ako sa kabilang bahagi ng kaniyang posisyon.

"Nagbabasa ka pa rin, ni hindi mo nga ata alam na nagkakagulo na sa labas," sabi ko.

Hindi talaga si Khen ang sadya ko— si Sheryl. Kaso ay hindi ko siya mahanap. Pagod na rin ako sa kauuli at kalalakad. Bahala na siya.

"Alam ko kaya," sagot niya. "Pinalabas kanina lahat ng estudyante, e."

"Oh, 'yon pala. Ba't di ka pinalabas?"

"Ikaw? Ba't ka nandito, ha?" tugon niya.

"Magaling ako," nakangising sabi ko.

"Ganoon din ako. Baka nga mas magaling pa ako sa'yo."

Bumalik siya sa pagbabasa. Pinanood ko siyang daanan ng mga mata ang bawat salitang nakaukit sa libro. Hindi ko talaga kayang basahin ang ganyang kakapal na libro.

May kamay na biglang pumatong sa kaliwang balikat ko. Napatingala ako.

"Ang tagal mo," si Sheryl, suot ang kaniyang retro outfit. Agaw-pansin ang suspender na suot. Weirdo talaga. Naramdaman ko ang pagtingala ni Khen.

"Ba't ka nandito?"

Matipid siyang tumawa habang umuupo sa aking tabi. "Balita ko, dito ako nag-aaral," sarkastiko niyang sagot.

"Alam ko," wika ko. "I mean, why are you all here? Sabi niyo, ipinalabas kayo ng CPPS kanina."

Sumulyap siya kay Khen bago magsalita. "All thanks to your friend."

"What?" litong tanong ko.

"Magaling siyang magtago, ha," puri ni Sheryl.

"You followed me?" responde ni Khen, napatigil sa pagbabasa. Tumango si Sheryl habang nginingitian siya.

"You shouldn't have done that! Class Beadle ka, Miss."

"Call me Sheryl."

Inalok ng babae ang kaniyang kamay. Tinanggap ito ni Khen. Halata sa kaniya na takot siya rito. May kaba ata sa mga Class Beadle.

"Okay, Sheryl. Pero hindi mo talaga dapat ginawa 'yon. Baka mabawasan ka ng points!"

"Nag-aalala ka sa kaniya na mabawasan ng puntos, tapos sa akin, hindi?" sabat ko. Pakiramdam ko ay ako na lang itong nakikiupo sa lamesa.

"Shut up," sagitsit niya sa akin. Bahagya ko itong tinawanan. Hindi umimik si Sheryl.

"Why did you invite me here?"

May kinuha siyang folder mula sa bag na bitbit. Ipinatong niya 'to sa lamesa. "Ano 'to?" tanong ko.

"You'll need it later. D'yan mo muna."

Hindi ko pa rin ito kinibo.

"Kumusta sugat mo? Tagal mo na atang naka-bandage, ah. Kailan 'yan aalisin?" usisa niya sa bendaheng nakatapal sa ulo.

"Kapag sinabi na ng doktor."

"E, iyong tungkol sa kaso? Ganoon pa rin ba?"

Ang dami niyang gustong malaman! Pagod na ako kakasagot. "Aling kaso?" May halong pagkairita na ang boses ko.

Saglit siyang natigilan. "The Logan Case," sinserong aniya.

"How did you know that?"

"Balita ko nga kasi, nag-aaral ako dito." Inirapan ko siya. Sinitsitan ako ni Khen.

"Ano?"

Gamit ang kaniyang hintuturo, inobliga niya akong lumapit nang bahagya sa kaniyang posisyon. "Bakit ang sungit mo. Ang ganda-ganda ni Sheryl, e," bulong niya.

"Edi, ikaw ang kumausap," nakangiwing bulong ko rin.

"Nakakahiya! Tulungan mo 'ko."

Umayos ako ng pagkakaupo. Buong akala ko'y kasal na si Khen sa mga libro. Maalam din pala 'tong lumandi?

Halata sa kaniya ang pag-iisip ng sasabihin. Masyadong takot sa babae, pwe.

"Ah...May bo—"

"Binabasa mo rin iyan?" Naputol ni Sheryl ang dapat sasabihin ni Khen.

Pilit siyang napalunok ng laway. Ang mukha ng babae ay nakatingin sa librong binabasa ng lalaki. Napatakip ako sa mukha habang tinatakpan ang tumatawang kalooban.

Ngayon ko lang nakita si Khen na kinakabahan. Sabi ng mga kaklase niya, tuwing may recitation ay hindi man lang ito makaramdam ng nerbiyos. Babae lang din pala ang katapat nito.

"Ah...oo," tumango-tango si Khen. "Pero, hindi ito parte ng kurikulum namin,"

"What's that?" Ngumuso ako.

Sinarado ni Khen ang makapal na libro saka isinalampak sa aking mukha. "First Edition ng Stanford's History. Nakakabilib lang iyong mga nakatapos, ang successful na nila!"

"First Edition?"

"Kakasabi ko lang, Logan."

Siningkitan ng mata ko ang nakasulat sa ibabang bahagi. "Bakit 2004?" Tumingin din ako kay Sheryl, bago lumingon sa nakamasid na lalaki.

"Uh... 2004 was the year of establishment of Stanford, right?" kunot-noong sinabi ni Khen. "Hindi ba?"

"Sa Album ni Mama, 2000 iyan itinayo. May mga pictures pa nga siya kasama mga first graduates, e."

"Weh? Baka may First-First Edition 'to?" Sinubukan niyang magpatawa. Umani iyon ng tawa mula kay Sheryl, dahilan upang mapangiti si Khen.

"But have you heard about the rumor?" Taimtim na sinabi ni Sheryl. Animo'y may sasabihing sikreto.

"Anong rumor? Rumor and Juliet?" Biro ulit si Khen. Corny.

"You're so funny, Khen. Pero hindi iyon. Tungkol sa Stanford ito. There were series of issues—incidents that happened long ago. Pero, nung sinubukan kong alamin iyong tungkol do'n, wala akong nahanap. Siguro, rumor lang talaga."

"Anong issues 'yan?"

"Hindi ko rin alam, e. But I'll try searching for it. Marami akong kakilala na graduate ng Stanford." Nginitian niya ako.

Nakita ko ang titig sa akin si Khen, kaya hindi ko na lang pinansin ang pag-ngiti ni Sheryl.

"Logan Stanford, is that you?"

Napatingin kaming tatlo sa gawing likuran, kung saan nagmula ang boses.

"Ikaw nga! Pumupunta ka pala sa mga library?" si Sir Lopez, teacher sa Communication.

Tumayo ang katabi kong babae, mabilis na bumati at nagmano sa matandang guro. Hindi ako nagbigay ng reaksyon.

"Good job, Class Beadle."

Inasahan ko na 'to. Alam kong pinapunta ako ni Sheryl sa library upang makausap ang teacher ng subject na hindi ko pinapasukan.

"Good afternoon, sir." Tumayo si Khen at tumango. Nakaupo pa rin ako.

"Logan, dala mo ba?" tanong ni Sir sa'kin.

Nagkasalubong ang makapal kong kilay. "Ang alin po?"

"Uh, sir! Oo, syempre dala ni Logan iyan, 'di ba, Logan?" Siniko ako ni Sheryl.

Tinaasan ko ito ng kilay. "Ang alin ba?"

"Ito ba iyon?" ani Sir habang itinataas ang folder.

"Hin—"

"Yes, sir!" mabilis na wika ni Sheryl.

Mas lalong nagkasalubong ang aking kilay.

"Good job, Logan. Kasi kung hindi mo ito maipapasa ngayon? Wala ka na sa leader board. Oh, paano ba 'yan. Una na ako..." Naglakad siya palayo.

"Bago pala ang lahat." Napatigil siya. "I am expecting to see you tomorrow, Logan. Okay? Attend our classes, or else...alam mo na."

Pinanood namin siyang makalayo mula sa posisyon. Agad na umupo si Sheryl nang makitang hindi na madapuan ng tingin ang guro.

"That was close!" Huminga siya nang malalim. "Muntik na tayong mahuli!" Hinawakan niya ang braso ko saka ito inalog.

"Anong tayo? Teka, ano ba 'yon?"

Kinagat ni Sheryl ang ibabang bahagi ng kaniyang labi. Hinawakan niya ang buhok niya na nakapuyod nang mataas at awkward na ngumiti.

"Inutusan ako ni sir na sabihan ka tungkol sa special project mo. Pambawi para sa hindi pagpasok ng dalawang araw na magkasunod. Kaso, ano..." Iginala niya ang mata sa library. "Nalimutan kong sabihin sa'yo?" Walang kasiguraduhan niyang sinabi.

"Ha? Nakalimutan mong sabihin sa akin pero nagawa mong gawan ako no'n?" Napakamot ako sa aking ulo.

"Walang masama do'n!"

"Meron! First of all, project ko 'yon. Ako dapat ang gagawa," may paninindigan kong sinabi. "Sunod, hindi kita kaano-ano para gawan ako ng isang pabor." Huminga ako nang malalim. Nagsara ang parehas kong kamao.

"Bakit?"

"Kasi nakakahiya."

Tahimik siya. Wala ring imik si Khen, tutok lang sa binabasang libro.

"You're welcome," sabi ni Sheryl.

"Saan!?" naiirita kong tanong.

"Ewan, gan'yan ka ata mag-thank you, e."

Inirapan ko na lamang siya.

"Galit ka?" si Sheryl.

"Hindi na ako bata, okay?"

Ilang sandali't naging tahimik na ang paligid. Si Sheryl, naglalaro ng daliri. Hindi ko nga alam kung ano pa'ng ginagawa niya rito. Nagawa na niya ang sadya. Si Khen, panis na ang laway dahil kanina pa walang-imik habang nagbabasa ng libro. Ako nama'y nakasubsob sa lamesa, naghihintay hanggang matapos si Khen.

"Stop," asik ko nang naramdamang may naglalaro ng aking buhok. Agad na napabangon ako.

"Uh, hey. Nagising ata kita?"

"Shion," bati ko.

Tumingin ako sa likuran niya para hanapin si Angela, pero wala sya roon. "What are you doing here?"

Kanina pa ata ako nagtatanong sa mga kakilala ko kung ano ang ginagawa nila dito. Hindi ko pagmamay-ari ang Stanford.

"Galing ako sa labas, may binalikan lang sa infirmary kanina," sagot niya. "Si Angela, naihatid ko na rin."

"Ah, buti't ipinapasok ka."

Nginitian niya ako bago hawiin ang blondeng buhok.

"Okay na, e. Andoon na kasi si Mateo."

Tumango ako.

"Nakasalubong ko pala si Sir Willie, kanina."

"Anong sabi?" sagot ko.

"Kapag daw nakita kita, papupuntahin kita sa club room niyo. Hindi ka raw ma-contact, e. You should start walking na."

Nilabas ko ang cellphone. Doon ko lang nakita ang napakaraming mensahe mula sa mga clubmates.

Tumayo ako at saka tinignan si Khen at si Sheryl. "Alis na ako," sabi ko. Tumango si Khen. Si Sheryl ay ngumiti sa akin. Nagsimula na akong maglakad nang higitin ni Shion ang kamay ko. May ibinigay siya sa aking kamay.

"Take some bubble gum. Amoy coffee pa iyong bibig mo."

Nginitian ko siya bago nagpatuloy sa pag-alis.

(More)