Chapter 8 - Capítulo seis

The man whom I thought was my savior, is actually the ruthless one here...

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi niya sa akin. Ni ang kumalma ay hindi ko magawa. Pabalik-balik ako ng lakad habang nasa kwarto at madalas ko ring tinatanaw ang wall clock na nakasabit sa itaas;

9:34 pm.

Hindi ako makaramdam ng antok at gutom kaya muli nanamang naiwan na nakahapag sa bedside table ang hapunan na inihatid ni Blue. Simula nang makausap ko si Erin kanina, hindi na 'ko mapalagay.

If you were in my position right now, I know that you'd feel the same. Gulung-gulo na ako.

(Flashback)

"You're right. He forced me," tila kusang timigil ang oras nang sabihin niya 'yon sa akin.

Diretso ang tingin namin sa isa't-isa. Pakiramdam ko ay nabuhusan ako ng malamig na tubig, "N-nagawa niya 'yon sa'yo?" hindi makapaniwalang tanong ko. Tell me that she's lying. May parte sa akin na ayaw siyang paniwalaan.

"You might not believe me but that's the truth. Do you really think magtitiis ako dito kung hindi lang dahil sa anak namin? Or should I say my own daughter? Alam ko naman na wala siyang pakielam kay Melody pero ginagawa ko pa rin ang lahat para paglapitin ang loob nilang dalawa," kusa akong lumapit para maupo sa tabi niya. Nakatingin ito sa kawalan na para bang malalim ang iniisip habang nakapatong ang dalawang kamay sa magkabilang-gilid nito.

Hindi ko maipaliwanag ngunit parang nakita ko ang sarili ko sa kanya noong mga oras na 'yon. I felt that feeling of sympathy and empathy nang makita ko ang lungkot sa mga mata niya, and that feeling of resentment towards her husband na palagi kong nararamdaman kapag naaalala ko si Philip. For a gorgeous girl like her, sino bang hindi magkakagusto sa isang tulad niya? But why does she have to suffer like this and why did she have to act like that earlier?

Parang iba siya sa Erin na nakita ko kanina?

Parang may mali pa rin talaga sa nararamdaman ko but I could see guilt in her eyes kaya imposibleng nagsisinungaling siya— guilt for what happened between the two of them.

"I acted that way dahil ayaw kong ipakita sa kanila na mahina ako at walang laban," bigla itong tumingin sa akin at kitang-kita ko pa rin ang galit sa mga mata niya. Seems like she read what's on my mind tungkol sa inasal niya kanina.

"Katulad mo, kinuha rin nila ang loob ko dati using their sympathetic attitude towards me. At ganon ang ginagawa nila sa'yo ngayon. Once you finally decide which side you want to stand on, they will make you feel loved and useful. Time will come that you will just be useless to them and you will eventually think that they are not the person you used to know. They will come to the point of disposing you in the end," pahayag niya hanggang sa tumulo ang luha mula sa mga mata nito.

(End of flashback)

At first, I used to think that she was the bad person here pero ngayon, alam ko na ang totoo.

Gusto niyang sabihin sa akin na hanggat may oras pa, kailangan ko nang makaalis sa lugar na 'to and that's exactly what I'm going to do. Tama nga ang hinala ko na nagpapanggap lang ang mga tao dito na mabuti sila, but since from the first place they were not actually kind-hearted, that's what they really want to show me— na mabait sila at mapagkakatiwalaan but not really.

May kailangan sila sa akin kaya sila ganon kung umasta to make me feel comfortable but they are actually planning something.

Umupo ako sa kama at muling napatingin sa wall clock. I exactly know what to do dahil sinabi ni Erin kung paano ako makakatakas. I just need to wait until 12 am dahil 'yon daw ang oras na wala gaanong nagbabantay at nagpapahinga ang lahat. That's the perfect and right opportunity to escape this place. Wala naman daw problema dahil tutulungan niya akong makalabas sa gate since it's the only way out.

~ 11:59 pm ~

Papalapit ng papalapit ang oras ay siya namang pabilis ng pabilis ang pagkabog ng dibdib ko. I need to make this escape plan successful dahil kapag nahuli nila akong tumatakas, hindi ko na alam kung ano na lang ang gagawin nila sa akin. If I won't it do it now, I might not be able to do it later and surely, there won't be next time anymore.

Now is the only time.

It's already time at saktong pagpatak ng oras ay sumilip ako sa bintana at katulad nga ng sinabi ni Erin, ang mga natitirang tauhan sa labas ay nagsipasok na sa mansyon hanggang sa dalawang guwardiya na lang ang natira para magbantay sa gate.

Maliwanag ang paligid ng mansyon dahil sa mga ilaw ngunit biglang namatay ang iba dahilan upang bahagyang magdilim ang paligid. But it won't be a problem dahil nakikita ko pa rin naman ang daan. I felt relieved for a moment nang mapansin ko ang buwan na sobrang liwanag. I couldn't help but to smile due to the fact that I'm a bit selenophile.

Tumalikod na ako mula rito para lumapit sa pintuan. Bumuntong-hininga muna ako bago naisipang buksan ng bahagya ang pintuan. Sumilip ako sa labas at wala akong nakitang mga nagbabantay. Muli ko namang naalala ang sinabi ni Erin habang nakamasid sa paligid.

" ...surveillance cameras which are placed on every corner of the house are moving. Avoid being spotted by them. It will cause an alarm to the whole mansion."

Katulad ng sinabi niya ay nakita ko naman ang mga ito sa paligid.

I'll do my best not to get caught.

As I have planned, unti-unti akong lumabas ng kwarto at dahan-dahang isinara ang pintuan. I had a quick glance at the metal bracelet attached on my right hand.

Hindi ko pa rin talaga alam kung bakit ako may suot na ganito pero bahala na. Kailangan ko ng tumakas.

Tinignan ko ang napakatahimik na paligid at mabilis na nagtago nang tumapat sa direksyon ko ang kamera na nakalagay malapit sa pintuan ng kwartong pinanggalingan ko.

Sumilip rin ako sa baba at wala ring tao kaya nang muling lumipat sa ibang direksyon ang kamera ay mabilis ngunit tahimik akong tumakbo pababa ng hagdanan habang iniiwasan ang iba pang kamera. Nakita ko naman ang dalawang anino ng tao sa may saradong pintuan kaya muli akong nagtago sa ilalim ng isang maliit na lamesa— na kung saan ay may nakapatong na isang vase mula rito.

Just with a quick glance at it. Alam kong hindi normal ang presyo ng vase na 'yon.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan na mabilis ring nagsara hanggang sa malampasan ng dalawang maid na kakapasok lang ang pinagtataguan ko. Aktong tatayo ako para lumabas ay may tumapat sa direksyon ko na isang kamera kaya mabilis akong napaatras. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nasagi ko ang lamesa dahilan para mahulog ang vase at makagawa ng isang napakalakas na ingay.

Imposibleng walang makakarinig! Sh*t!

Pagkatapos nitong gumawa ng ingay ay bigla na lang nagdilim ang paligid nang mamatay ang mga ilaw. Napatingin ako sa paligid na tahimik pa rin hanggang sa makarinig ako ng mga yabag mula sa itaas.

D*mn! They're going to catch me!

Tanging ang liwanag na nanggagaling sa buwan ang nagsilbing gabay ko para makita ang paligid, esspecially when my vision adjusted. Wala na akong nagawa kundi tumakbo papalapit sa pintuan at nang itulak ko 'yon ay kusa naman itong bumukas. Paglabas ko sa pintuan ay hindi ko inaasahang kusa akong mawawalan ng lakas.

It was like in a snap, I am in deep pain.

Napaluhod ako sa sahig at napahawak na rin doon ang dalawang kamay ko nang maramdaman ang biglaang pagkakakuryente sa akin. Walang tao sa paligid ko pero ramdam ko ang pagdaloy nito sa buong katawan ko.

I was late when I realized how I had been slowly being electrocuted when no one's even around me. I am really sure that the current was totally coming from the metal bracelet that I am wearing. Is this the real purpose of this?

I really wanted to escape but I just can't dahil sa sitwasyon ko ngayon. I could feel the current entering my body at sobrang init sa pakiramdam. It was like I am being grounded for so long at hindi ko magawang makagalaw mula sa posisyon ko. From my feet to my head, ramdam ko ang pagkaipit ng mga ugat ko. I was being electrocuted until I realized that I am finally doomed nang bumukas ang mga ilaw at magliwanag ang paligid.

Naramdaman ko naman ang pagkatigil ng pagkakakuryente sa akin. I was running out of breath at ramdam ko ang pagtulo ng pawis mula sa buong katawan ko. I felt weak that time. Kahit gustuhin ko mang ituloy ang pagtakas, I have no more chance to.

Napansin ko na lang ang paa ng kung sinuman na pumunta sa gilid ko habang naghahabol ako ng hininga. Hinawakan nila ako at sapilitang ipinatayo. Napasunod ako sa kanila sa loob hanggang sa itinulak nila ako sa gitna kaya napasalampak ako roon.

Pagkatingin ko sa taas ay ang pagsalubong sa akin ng asawa ni Senyora. He was wearing a suit and a black trilby cap na tila aalis siya ng ganitong oras. There were also two men standing right beside him carrying their guns. Nag-umpisa naman itong maglakad pababa habang nakasunod ang mga bantay nito sa likuran niya.

Aktong hahawakan ako ng dalawa ay nagsalita ito, "Está bem."

(It's fine.)

Nakatayo ang dalawang tauhan nito sa aking gilid habang nanghihina naman akong napayuko dahil sa nangyari kanina. Naririnig ko naman ang yapak nito pababa mula sa hagdanan. Kahit tumigil na ang pagkakakuryente sa akin ay tila ramdam pa rin 'yon ng katawan ko.

Napalunok na lang ako nang mapansin ang isa-isang paglalabasan ng mga tauhan niya mula sa mga kwarto rito sa baba.

Nakapalibot silang lahat ngayon sa akin na nagbigay naman ng sikip sa aking paghinga. Pagkababa niya ay dumiretso ito sa natamaan kong vase na ngayon ay pira-piraso na sa sahig.

He took a broken piece and carefully scrutinized it, "This vase was really valuable for us in view of the fact that we had to grant 1.3 million dollars in an auction to own it. This is the Ming Dynasty Vase, young lady. One of the most expensive vase in the whole world," lumipat naman ang tingin nito sa akin.

Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Even my life can't afford that worth, "And now as I have seen it, you haven't only attempted to run away but you also caused an alarm to the whole mansion using this vase. Tell me..." pabilis na rin ng pabilis ang tibok ng puso ko nang unti-unti itong lumapit sa akin.

Inilahad niya sa akin ang kapiraso ng vase na hawak niya kaya napatingala ako para tignan 'yon, "How are you going to pay your debt now, young lady?"

Dahil doon ay wala na akong naisagot. Inilahad naman nito ang kamay sa tauhan niya kaya kinuha nito ang hawak niyang kapiraso ng vase, "Does the kindness that we have shown to you still not enough?" tanong pa niya.

Nailipat ko ang aking paningin sa itaas nang matanaw ko ang anak niya na may mga kasama ring tauhan. He stopped before having his steps down the stairs while stabbing me with those vicious eyes of him. Unti-unti akong nilalamon ng takot ngunit hindi ko kailangang ipahalata sa kanila. Sa ngayon ay pinagpapawisan at nanghihina ako.

I may not be used to these kind of things but I will always be who I really am. Aiming for the freedom that I must have.

"Since from the first place, you were not actually soft-hearted. You desire to make me believe everything in order to deceive me and if I am finally of no use to your plans, you will get rid of me, right? What makes you all kind when you even locked me up here? Is that your way of showing kindness?" I asked thoughtfully because that's how I really feel. I have to be strong.

"If that's what you really think about us, then we don't have enough reason to show you our own kind of kindness anymore, young lady," napatingin naman siya sa direksyon ng kanyang anak na natigilan sa gitna ng hagdanan.

"It's time to make her realize where she really stands, Ali. Show her who we really are. I am giving her under your authority. Bring her where she must be," ibinalik nito ang tingin sa akin at saka ngumiti ng hindi kaaya-aya.

"Bitawan niyo 'ko!" pagpupumiglas ko nang hawakan ako ng mahigpit ng mga tauhan niya, "Vamos senhores." (Let's go, gentlemen.) Pahayag pa nito bago ako nilagpasan at tuluyang lumabas sa pintuan.

Maraming sumunod sa kanya habang ang iilan naman ay naiwan habang patuloy ako sa pagpupumiglas, "I won't tolerate this kind of attitude, Serenity. Lecturing you is all what it takes to drive your bad attitude in behave," pahayag ng anak niya na ngayon ay nasa harapan ko na.

Sinamaan ko siya ng tingin habang seryoso pa rin siya katulad ng dati, "What?! You're going to kill me? Punish me? Torture me? Do whatever you want to do pero tatakas at tatakas pa rin ako— "

Natigilan ako nang mahigpit niyang pisilin ang magkabilang-pisngi ko gamit ang isa niyang kamay. His eyes even became more deadly and darker, "You didn't even succeed with your escape plans, right? Do it again and again and you'll make yourself in pain all over again," inilapit nito ang mukha niya sa akin, "Much more pain than your husband's hands," diin pa niya.

Ibinaba nito ang mga kamay niya kaya matalim akong nakipagtitigan sa kanya. I'm starting to hate this man! Sino ba sila sa akala nila para tratuhin ako ng ganito!

Tinalikuran niya ako kaya sumunod naman sa kanya ang dalawang armadong lalaki na nakahawak sa akin. Sa tuwing nagpupumiglas ako, mas lalong humihigpit ang pagkakahawak nila at dahil pa rin sa epekto ng pagkakakuryente sa akin kanina ay ramdam ko pa rin ang panghihina ng katawan ko.

There's no use repelling now.

Tumigil siya sa harap ng elevator at may pinindot mula roon bago kami hinarapan, "No need to follow us. I'll bring her to code 8," binitawan nila ako at bahagyang yumuko. Mas nakaramdam na lang ako ng kaba nang mahigpit niyang hawakan ang braso ko at hilain papasok sa elevator. Bago ito tuluyang nagsara ay nakita ko si Blue sa hindi kalayuan habang nakatingin sa aking gawi bago tuluyang nagsara ang pintuan.

Ang nakapagpabagabag naman sa akin ay ang pag-aalala sa mga mata nito.

"Code 8," seryosong saad ng kasama ko.

"Black weapons activated," sagot ng kung sino.

I was about to speak para itanong kung saan niya ako dadalhin nang bigla namang gumalaw ang elevator kaya muli akong napahawak sa gilid nito para kumuha ng suporta lalo na't nanghihina pa rin ako. Just like before, I'm really sure that it moved downwards. Naramdaman ko rin na mas humigpit pa ang pagkakahawak niya sa akin. Huminga ako ng malalim hanggang sa bumukas ang pintuan.

Lumabas siya dahilan para mapasunod ako sa kanya. Katulad ng dati, isang maliit na daanan ang bumungad sa amin ngunit napapaligiran ng kulay itim ang buong daan magmula sa flooring nito hanggang sa pader. There were also dark blue lights in each and every corner na biglang umilaw. Magkahawig man kung saan nila ako dinala kahapon ngunit alam kong ibang lugar nanaman ito.

Walang ibang tao kundi kaming dalawa lang.

Natigilan kami sa harap ng isang pintuan at muli siyang may pinindot doon bago ito bumukas. Itinulak niya ako papasok sa loob pero wala akong nadatnan dahil madilim. Narinig ko na lang ang muling pagsasara ng pintuan kaya napatingin ako sa likuran pero wala na akong nakita pa.

Did he leave me? Is this my punishment for trying to escape? To be alone in this place consumed by darkness?

Hindi ko alam pero unti-unting nagsitaasan ang balahibo ko nang biglang sumilaw sa akin ang paligid. Dark blue lights started to radiate throughout the whole place kaya unti-unti ko ring naaninag ang paligid. It was like my body felt frozen nang sumalubong sa akin ang iba't ibang klasi ng mga armas na nakapaligid sa akin. There was a curve-like shape of a long desk in front of me kung saan makikita ang mga armas na nakapatong doon at tila nakapalibot sa akin. Bukod doon ay meron pang mga nakasabit sa harap at gilid ko.

I could clearly identify some of them dahil minsan ko nang nakita ang ibang armas sa isang kwarto kung saan nakatago ang mga armas ni dad at ni Philip.

Machine gun.

Tear gas.

Boomerang.

Dagger.

Quarterstaff.

Katana.

Grenade.

Air gun.

Blunderbass.

Carbine.

Handguns.

Rifle.

Shotgun.

"First attempt, I will show you what we have," napatingin ako sa likuran nang marinig ko ang pagsasalita ng kung sino, yet I determined who it was.

So he didn't leave?

He was just standing right behind me the whole time na hindi ko napansin kanina dahil madilim. Pero ngayon, naaninag ko na siya. Lumapit siya sa akin kaya aktong hahakbang ako paatras ay muli akong natigilan nang mabilis niyang hinawakan ang kamay ko. Itinaas niya ito at sapilitan akong hinila papalapit sa kanya kaya napatingin ako sa bracelet na suot ko.

"Second attempt you will have a taste of every weapon in this room. Even if you try to escape again, we will surely and always capture you, Serenity. This thing attached on your hand actually has a sensor. All doors and windows contain sensor and once it matches with the sensor of your bracelet, it will give us the hint that you are attempting to escape. You will also be electrocuted slowly once you make your way out but we made sure that it won't kill you unless you really have a weak and fragile body. So never try if you still want to live. No matter how hard you try," tinapatan pa niya 'ko.

"You will always end up with us."

Hindi ko maiwasang hindi magalit simula ng sabihin niya 'yon sa akin. Kaya pala. Kaya pala hindi nila ako itinali at ikinulong sa kwarto dahil malalaman rin nila kung tumatakas ako. Kaya pala bigla na lang akong nakuryente kanina dahil sa bracelet na 'to. And if ever I try to do it again, hindi ko rin magagawa dahil mahihirapan ako. All my plan was just useless since from the start. Hindi ba alam ni Erin ang tungkol dito?

Well, I shouldn't blame her dahil baka nga hindi niya rin alam since may alitan sila ng pamilya rito.

Marahas kong inilayo ang kamay ko sa kanya na naging dahilan para magpalitan kami ng masamang tingin sa isa't isa, "Ano ba talagang kailangan niyo sa akin?! I said that I will be of no use to your plans!" galit kong sigaw sa kanya.

"Don't make fool of us," humakbang ito papalapit sa akin kaya napaatras naman ako.

"Pakawalan niyo na ako pwede ba!"

"The more desperate you try to escape, the longer you will have to stay here."

Natigilan ako nang wala na akong maatrasan at nakapa ko sa lamesa ang isang baril kaya napatingin naman ako rito. It was a black-colored pistol and beside it was its own magazine. Wala sa pagdadalawang-isip kong kinuha 'yon and fastly inserted it to the gun. Ikinasa ko 'yon at itinapat sa kanya gamit ang dalawa kong kamay. Natigilan siya sa ginawa ko pero hindi pa rin napalitan ang pagkaseryoso ng mukha nito, "Back off," pahayag ko sa kanya.

"I'm a bit surprised that you know how to handle a gun," sagot niya na bahagyang ngumiti, "Don't forget that I was once the army's child. Never underestimate me," sagot ko.

Humakbang pa siya papalapit sa akin dahilan para mas tumapat pa ang baril sa mismong noo niya, "I won't hesitate to pull the trigger kapag sinubukan mo pang lumapit. Mark my words," banta ko.

"Really?" nanlaki ang mata ko nang makita ko ang bahagyang pagngisi nito ng masama, "Don't you want to make them regret for everything that they did to you?" tanong niya na ipinagtaka ko. Nawala rin ang higpit ng pagkakahawak ko sa baril dahil sa pagkalito, "What?"

In a snap, bigla na lang niyang naagaw sa akin ang baril kaya mabilis akong yumuko para sipain siya sa tuhod na mabilis rin niyang naiwasan. Natigilan ako nang matagpuan ko siya sa likuran ko at wala sa pagdadalawang-isip niyang itinutok sa likuran ng ulo ko ang baril, "You might know how to handle a gun but you still have to learn many things to defeat your enemy and defend yourself. The first thing that you need to learn...never listen and never let your guard down. Your enemy will do everything to distract you and that's what I exactly did right now. One question and your focus was completely blown."

Mabilis akong yumuko para muli siyang sipain pero muli niya itong naiwasan. I was about to run away pero mabilis niyang nahawakan ang kamay ko at marahas na hinila papalapit sa kanya. I felt totally frozen nang maramdaman ko siya sa mismong likuran ko. Dahil sa pagpupumiglas ko ay mahigpit niyang hinawakan ang dalawang kamay ko gamit ang isang niyang kamay. Glad to know that he didn't lock my hands behind me dahil kung ganon ang ginawa niya, mas mahihirapan akong gumalaw.

It was like he was hugging me from behind because his left hand was holding both of my hands in front of me while his right hand was holding the gun.

Nag-umpisang mamuo ang luha sa mga mata ko nang maramdaman kong unti-unti niyang itinutok sa gilid ng ulo ko ang baril. My body started to tremble, "P-please, don't do this to me," pakiusap ko sa kanya habang nagpipigil sa pag-iyak.

I used to be a girl that never listens, I want to defend myself at all times because no one will ever do that. I am not even used to say words like this. I never like begging to someone. But today, I didn't really care what I used to be dahil alam kong wala akong laban.

Mula sa gilid ng mata ko ay natanaw ko ang daliri nito. His index finger slightly pulled the trigger kaya napapikit ako at tuluyan na akong naluha, "P-please, I'm begging you," pakiusap ko pa sa kanya, "Shhhhh," it was the only thing I heard from him.

"I will ask you once again, Serenity," ramdam na ramdam ko ang paghinga nito na dumadapo sa tainga ko dahil sa sobrang lapit niya, "Don't you want to make them regret for everything that they did to you?" I knew exactly that he was pertaining to them.

Which is why answer. Just answer, Serenity.

"I-i really... really want to— " nag-uumpisa na rin akong manginig dahil sa sobrang takot ko sa kanya, "B-but I don't know how," and there I said it. Nagtuluy-tuloy na sa pagtulo ang mga luha ko. Ramdam ko ang magkahalong takot at galit. Takot dahil sa kanya at galit sa pamilya ko. May bigat sa dibdib ko na gustung-gusto kong ilabas.

"You can do it, Serenity," bulong nito sa akin. His voice sent chills down to my body. Napailing ako, "I-i can't. H-hindi ko alam kung paano... a-at saan ako mag-uumpisa."

"If you really want to do it, then don't ever bother escaping from me," basang-basa na rin ang buong mukha ko, "We'll do it for you, you just have to stick with us."

"W-what do you mean?" pagtataka ko habang humihinga ng malalim at nanlalabo ang paningin.

"Surely, you heard about us," napalunok ako habang hinihintay ang mga sasabihin niya hanggang sa magsitaasan ang balahibo ko at manlaki ang aking mata, "Alzini de la Alpha," bulong niya.

Sinubukan kong lumayo dahil sa takot pero mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa kamay ko. Sa kabilang banda ay ibinaba naman niya ang baril, "Seems like you finally remember that we are the mafiosos you're father is desperately hunting. Little did they know that their amoure is already here with us..." dahan-dahan niyang binitawan ang dalawang kamay ko. Mas lalo akong nanginig nang unti-unti nitong hawakan ang kaliwang kamay ko pataas hanggang sa leeg ko.

His hands gently grip my neck kaya ramdam ko ang pagpatong ng likuran ng ulo ko sa mismong dibdib niya. A single tear escape from my eye habang ramdam ko pa rin ang paghinga niya sa likuran ng tainga ko. His deadly voice even made me weaker and tremble in fear, "And we're going to own you in every impossible way."

Continua...

Who's owning whom? Chill everyone. Imma own you all soon. (-o⌒)