Pareho man kaming may suot na salamin, alam kong nakatingin kami sa isa't isa. Sa ngayon, hindi ko talaga alam kung saan ba talaga siya nakapanig. I don't want to regret my decision of believing him pero katulad nga ng sinabi ko, hindi ko malalaman kung hindi ko susubukan.
Tumingin ako sa daan at tumango, "I want to believe in you, detective," basta ang alam ko, hindi siya masamang tao. Ibinalik ko ang tingin sa kanya at ngumiti kaya ganon na rin ang ginawa nito na napatango at ngumiti.
Muli naman niyang pinaandar ang sasakyan, "You still have doubts about everything, right?" dinig kong tanong nito habang nakatingin ako sa mga gusali na nadaraanan namin.
I knew exactly kung ano ang ibig niyang sabihin.
"Who wouldn't have doubts about you and that family's sudden change of behavior?" tanong ko pabalik. Napangiti na rin ako ng masama dahil hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala kung bakit nangyayari ang lahat ng 'to.
Alzini is just too hard to read.
"You might not have believed us since you were brought into the mansion but believe us now," kusa akong napatingin sa kanya na abala pa rin sa pagmamaneho.
Tinignan niya ako at muling ngumiti bago ibinalik ang tingin sa daan, "You're seeing our true color," hindi na ako nakakibo pa sa sinabi niya.
I shove off those thoughts away from my mind para ituon ang pansin sa labas. It's better seeing the normal crowd outside. I am in the Alzini's mansion yet I don't even know a single thing about them. How pathetic.
Lumipas ang halos kalahating oras nang lumiko naman ang sasakyan at nagparking sa likod ng mall. Huminto na rin ito— hudyat para bumaba na kami ng sasakyan.
I loosened the seat belt at aktong bubuksan ko ang pinto nang matigilan ako sa paglabas ni Terrence, "Don't come out yet," pinanood ko siya na naglakad papunta sa harap ng sasakyan papalapit sa direksyon ng kinauupuan ko. Binuksan niya ang pintuan kaya napatitig na lang ako sa kanya.
Who would have thought that a detective like him could have so much respect to a woman? At first, I thought he was weird but now I know. I'll get to know this man better. I'll surely know.
"Young lady," inilahad pa nito ang kamay niya sa akin at ngumiti kaya ganon na rin ang ginawa ko. Kinuha ko ang kamay niya at lumabas ng sasakyan, "You don't have to be a gentleman when you're with me, detective," may ngiti kong saad dito.
"Even if you are a close friend of mine, I would still give you as much respect as you deserve, Gale," sagot naman niya na binitawan na ako kaya natawa na lang ako.
"Hindi lang ako sanay," pahayag ko.
Because my husband never did something like that. Philip may look like a gentleman but he's a real devil. Lahat ng ipinapakita niya, pawang kasinungalingan. I despise everything about him. Isang kasumpa-sumpa na makasama ang isang katulad niya.
"Then from now on, kailangan mo ng masanay sa akin."
Nag-umpisa naman itong maglakad kaya sumunod ako sa kanya, "Buy your essential needs. Don't worry, I'll pay," saad pa niya na minamasdan ang paligid.
"Are you really sure with this?" tanong ko.
"Hindi lalabas sa bibig ko ang mga salitang hindi ko sigurado."
"I-i'll just pay you," hindi kasi ako ang klase ng tao na umaasa sa iba. Hindi ako nasanay sa ganoong buhay simula nang mamatay ang mom ko.
"No need, since it was also my first time going out with a lady."
"What?! Seryoso ka ba?!" gulat kong tanong. I'm not exaggerating, okay? Pero sa lagay niyang 'to, imposibleng walang magkakagusto sa kanya? Except me, okay?
I do not fall that easily.
"Why would I lie?" sagot naman niya. He answered me with a question too, brilliant.
"Are you still single then, detective?" napangisi na lang ako at mapang-asar na ibinulong 'yon sa kanya. Kaya siguro walang nagkakagusto sa kanya because surely, women all had the same reaction that he was weird from the first time they met him, just like what happened to me.
Napakibit-balikat na lang ako habang patuloy pa rin kami sa paglalakad. Natigilan naman siya at hinarapan ako kaya pinagtaasan ko siya ng kilay, "Unless you want to volunteer as my girlfriend? I won't be single then and it seems fine for you as my lady," nawala naman ang ngiti ko at binigyan siya ng nakakainis na tingin.
Halata din naman sa mga mata niya ang pang-aasar. Oh see, may tinatago din palang kalokohan.
"Nagtatanong ako ng maayos, detective."
"And I responded a better answer," sagot pa niya na mas lalong nakapagpasakit ng ulo ko.
I sighed in defeat. Bakit ba ganito siya klaseng kausap?
"And please, don't call me detective here. They might recognize us," lumapit naman siya para ibulong 'yon habang minamasdan ang paligid, "Remember that we're both famous in public, a general's daughter and me as a detective. Isn't it a perfect match?" lumapad ang ngiti niya kaya nagkaroon ako ng rason para panliitan siya ng mata.
"Fine, fine. I was just kidding. Let's go," nag-umpisa naman siyang maglakad kaya napailing na lang ako. Ibang klasi talaga.
Inilibot ko ang tingin sa paligid para siguraduhin na walang nakakakilala o nakakarinig sa amin. Wala naman gaanong tao dahil nasa parking lot kami kaya sumunod na ako sa kanya.
"Does being single requires an explanation, young lady?" tanong niya habang papalapit naman kami sa entrance ng mall kaya kahit abala akong minamasdan ang paligid, nalipat ang atensyon ko sa kanya.
"No, pero imposibleng walang magkakagusto sa'yo...as a detective you know?" mahina ko namang sambit dahil nasa unahan ko siya.
"It's just that, I prioritize work other than women."
"Pero bakit mo 'ko sinasamahan ngayon? I thought you had your plans today?"
"Accompanying you is part of my job and as I also want. I already told you that earlier."
Sakto naman na nakarating kami sa entrance. Hindi kami kaagad nakapasok dahil may pila pa kung saan tinatapatan kami ng detector. It was a metal or weapon detector, I guess.
Nang makapasok naman ako ay hinintay ko pa ang magaling na detective dahil nasa kabilang linya siya. While they were still detecting him, bigla na lang umilaw ang detector ng kulay pula kaya naalarma ang mga guwardiya. Nagsilapitan sila sa kanya habang ako naman, nanlaki ang mata ko dahil sa prenteng itsura nito na parang wala lang sa kanya ang nangyayari.
What the hell? May dala ba siyang armas?
Kinapkapan nila siya hanggang sa tumango naman ang mga guwardiya. Lumapit ito sa akin kaya hinila ko siya papunta sa isang sulok at binulungan, "What the hell was that?! Wala ka namang dalang gamit, right?!" tinignan ko pa ang kamay niya na wala namang dala na kahit ano.
Napatitig ako sa kanya na nakatingin din sa akin. By the way he looked at me, I didn't like it. Kahit papaano ay natatanaw ko pa rin naman ang mata niya sa likod ng shades nito.
"Are you perhaps bringing a weapon? A gun? Kagaya ng mga tauhan sa mansyon?" kinakabahan kong tanong.
Ginantihan naman niya ako ng isang masamang ngiti, "I thought you were a detective, alam mo naman siguro kung saan tayo pupulutin kapag nahuli ka nila dba?" hindi makapaniwalang tanong ko.
How could he be so calm?!
"Relax, Gale. It was just a small gun, it's nothing dangerous," sagot nito.
"Anong nothing dangerous?! Nahihibang ka na ba?!"
"You're worried about me, huh?" natutuwa pang tanong nito na mas ikinainis ko, "Of course! Because if they catch you, pati ako madadamay!" mas hininaan ko pa ang boses ko nang may dumaan sa gilid namin.
"Then we are considered partners-in-crime if that would happen," pang-aasar naman nito. Malaki na nga talaga ang saltik niya sa utak. I'm totally seeing a different person, not the usual Detective I know.
"Don't worry, I used to these things so nothing bad will happen, my young lady," dagdag pa niya.
"Huwag na tayong mamili, umuwi na lang tayo."
"So you consider the mansion finally as your home?" tanong pa ulit nito pabalik kaya napakamot na lang ako sa inis.
Ibang klase ang taong 'to!
"Eh ano pa ba? Doon naman ako dapat umuwi, right?"
"Do you think Master would send me here with you kung hindi ako katiwa-tiwala? I want you to remember that above all third generation members, I am the least to make chaos. Before anything happens, I already know how to avoid it," pahayag niya kaya bumuntong-hininga na lang ako.
"Trust me, you won't regret it," dagdag pa niya na ikinatango ko na lang at napabuntong-hininga, "Fine."
"Stay close with me or else I'll be dead once I get into the mansion without you. You left with me so you will go home with me."
Nag-umpisa na siyang maglakad kaya wala na rin naman akong magagawa kundi ang sundan siya. Just like what he and 'his' Master said, nakasunod lang ako sa likuran niya. Ni hindi ko nga alam kung saan kami pupunta at ano ang unang bibilhin.
Well, pagdating sa pera wala naman akong problema dahil meron ako noon. I was able to keep the money that my mother left me just before she died. Itinatago ko talaga 'yon at tinitipid dahil alam kong may paggagamitan ako noon balang araw. And I think this is the right time to use it. Hinawakan ko si Terrence sa braso kaya natigilan siya at napatingin sa akin, "C-can we go to the bank, detective?" mahinang tanong ko na ikinakunot ng noo nito.
"For what?"
"You know that I grew up independent. Pumunta tayo dito para sa mga pangangailangan ko and I think it's not just right for you to let me use your money since... kailan pa lang naman tayo nagkakilala," bahagya naman itong ngumiti.
"I get your point, Gale. But we actually have two problems here. First, we can't stay outside the mansion for a long time. Second, do you have your atm card with you? There's an atm machine nearby and I cannot bring you to the bank to withdraw your money. Remember that everyone knows that you are missing, they might track you once you lay your hands on your money," napayuko naman ako dahil sa sinabi niya.
Well, he has a point.
"Then..." sandali akong natigilan bago ko ibinalik ang tingin sa kanya, "Just let me give your money back to you once I have mine," sana naman pumayag siya sa gusto ko.
This time, siya naman ang bumuntong-hininga, "Fine, if you insist," napangiti naman ako, "Thank you."
"Go, buy everything you need," saad naman nito na tumingin sa katapat namin kaya napatingin ako roon at natanaw ang isang shop, "I'll wait for you here. Call me if you need anything," sabay abot nito sa credit card niya na kulay itim kaya nabaling doon ang atensyon ko. It was actually my first time seeing a black credit card. Nginitian ko naman siya bago ko kinuha 'yon at saka naglakad papasok sa loob ng shop para mamili ng damit.
Eventually, yes we have a rich family pero hindi ako maluho sa mga bagay. Hindi rin ako mahilig mamili ng damit at mga alahas. Kung kinakailangan lang talagang mamili katulad ngayon, doon lang ako namimili. I know that there are also ladies out there na katulad ko. My mother just taught me not to waste money at gamitin lang daw ito kapag kailangan and that's exactly what I want to happen. I never grew up dependent with my family.
I want to prove myself that I can stand alone... even without someone beside me.
Sinusubukan ko pa ring magtago kahit na hindi ako gaanong nakikilala ng mga tao. Thanks to the sunglass that the detective has given me. I'm totally in disguise, just like a normal girl enjoying her blissful life.
Pinili ko lang naman yung mga simpleng damit. Hindi rin ako bumili ng mga sobrang mahal dahil nasa mansyon lang naman ako. Wala rin namang ibang makakakita sa akin kundi sila lang. Paglabas ko ng shop, nandoon pa rin si Terrence na halatang hinihintay ako kaya kinuha niya ang mga paperbag na dala-dala ko. I even told him na hindi na niya kailangang gawin 'yon but he insisted. Wala rin naman akong nagawa.
Binili ko na rin lahat ng kailangan ko. Hindi na ako bumili ng sobrang dami dahil nakakahiya kay Terrence na siya pa ang nagbibitbit ng mga pinamili ko. Ibinalik ko na rin sa kanya ang credit card niya, "All done?" tanong nito na ikinatango ko.
Nag-umpisa nanaman siyang maglakad kaya sumunod ulit ako sa kanya. Halos dalawang oras ang nagugol ko sa pamimili, baka nga gutom na siya kakahintay sa akin. Natigilan ito sa paglalakad at may tinitignan sa gilid kaya sinundan ko ang tingin niya. He was directly looking at a fashion accessories store.
Ibinalik ko ang tingin sa kanya nang harapan niya ako. I felt uncomfortble nang mapatingin siya sa leeg ko kaya napatingin ako dito dahil baka may dumi o ano, "I've never seen you wearing any accessories. Do you perhaps wanna try one?" tanong niya na ikinailing ko. Pati ba naman 'yon, alam niya?
Don't tell me...
"Let's go. I think I should buy you one," I wasn't able to resist nang bigla niya akong hilain papasok sa loob.
Napatingin naman ang mga customer sa loob nang mapansin nila kami sa pagpasok, "Good morning sir, how may we help you? Para po ba sa girlfriend ninyo?" tanong ng isang empleyado na halos ikaluwa ng mata ko.
"What?!" takhang tanong ko.
"Please don't mind asking questions, I want something... " abala naman si detective na tignan ang mga nakahilerang pendant at necklace, "Perhaps a necklace that will suit her best," dagdag pa niya.
"By her beauty, everything here will certainly suit her, sir," saad pa ng babae na nginitian ako kaya hindi ako naging komportable. I never liked compliments.
"I will get our new arrival jewelries for you to have more options, sir," tumalikod naman ang babae pagkatapos sabihin 'yon.
Habang abala kami sa pagtingin ng mga accessories, napatingin ako sa dalawang mag-ina na kakapasok lang. I felt nervous when I totally recognized them. It was Tita Mercedes and her lovely but bitch daughter, Adriana. Look now, mukhang masaya na talaga silang namumuhay sa pagkawala ko. Hindi rin halata sa itsura nila ang konsensya dahil sa ginawa nila sa akin. I am somehow thankful dahil nabuhay ako.
I can't wait to see their reaction seeing me alive.
Kagaya ni Terrence na abala sa pagtingin sa iba pang alahas, abala din ang mag-ina. I could even see how their eyes spark while taking a glimpse on every accessories na tatama sa paningin nila hanggang sa mapalapit sila sa mismong kinatatayuan namin, "Mom, look this is it!" masayang sambit ni Adriana na itinuro ang isang kwintas.
It was a silver waning crescent moon necklace. Simple yet elegant.
"This is what I'm talking about," dagdag pa niya habang kumikinang ang mga mata nito.
Nagkibit-balikat ako habang nakatingin sa kanila. As far as I know, may gustong bilhin na kwintas si Adriana. Matagal na niyang pinag-iipunan 'yon dahil may pagkamahal daw and I think, that's the exact necklace na tinitignan niya ngayon. And I came up with something kaya napangiti ako ng masama.
"Oh I see, it's really beautiful," sagot ng magaling niyang nanay.
Lumapit naman ako sa detective habang nakatitig sa dalawa, "Detective. Can I ask you a favor?" bulong ko. Napatingin naman siya sa akin at bumulong pabalik, "What is it?"
"My stepmother and stepsister are here. I want to take that thing away from her. I'll pay you once I have my money back," saad ko dito habang nakatingin din siya sa kanila. Napatingin din siya sa kwintas na tinitignan ng mag-ina.
Sumilay naman ang masamang ngiti sa labi nito, "As you wish," mas napangiti naman ako ng masama dahil sa isinagot niya. Sakto namang bumalik ang babaeng kausap namin kanina habang may bitbit na dalawang kahon. I mean, halatang mamahalin ang laman sa loob ng mga kahon na 'yon dahil sa kulay itim ang mga ito at naiiba ang itsura. They were not just typical boxes as they were glistening.
"Sir, this is our new arrival necklaces," inilapag niya sa harap namin 'yon pero sa iisang kwintas lang kami nakatingin at hindi pinansin ang babae, "I'll buy this one," sabay turo ni Terrence sa kwintas na tinitignan ni Adriana.
That's enough for them to look at him surprisingly. Gusto kong matawa pero kailangan kong pigilan, "What?! No!" sigaw naman ni Adriana, "Miss, I will take that right now," pahayag niya.
"I'll pay twice," napatingin naman sila sa sinabi ni Terrence, "How much is it again?" tanong pa niya.
"Uhmm, this necklace costs five hundred thousand pesos, sir," saad ng babae na ikinaluwa ng mata ko. I don't even know na ganon pala kamahal 'yon.
For a moment, napaisip ako. As much as I want to irritate the pests in my life, I can't waste my money just for them. So fine, magpapatalo na muna ako sa ngayon.
"Terrence, huwag na nating bilhin. I can't waste half of my money just for that necklace," bulong ko sa kanya kaya napatingin ito sa gilid niya at ngumiti, "It's ok, ako naman ang magbabayad," at hinarapan niya ulit ang babae, "I'll pay million," pahayag naman niya dito na halos ikaluwa ng mga mata namin. Hindi na rin alam ng babae kung ano ang gagawin niya.
"Fine, just give me another one like this," pahayag ni Adriana.
"I'm sorry po, mam. But this is the last that we have," sagot ng babae, "What?!" kitang-kita ko ang magkahalong inis at lungkot kay Adriana.
"Adriana, just pick another one. Marami pa namang magaganda dito," saad ng nanay niya, "No, mom! I want that! You know better than me na ang tagal kong pinag-iipunan ng necklace na 'yan!"
"Pwede bang ibigay mo na lang sa anak ko? She badly wants this," pakiusap ni tita kay Terrence.
Bigla namang may ibinulong si Adriana sa nanay niya. Napansin kong iniabot ni Terrence ang credit card niya sa babae ngunit bago pa man ito makuha ng babae ay iniharap niya ang likuran ng credit card. Pagkakuha ng babae doon ay napatingin siya dito at tila nanigas sa kinatatayuan niya.
Tila may nabasa siyang hindi kanais-nais sa credit card ni Terrence. Tinignan niya si Terrence at halata ang pagkabigla sa mga mata nito. Ngumiti naman ang katabi ko na parang magkakilala silang dalawa.
"S-sorry mam, pero nareserve na po kasi ang necklace na 'to and supposed to be, kukunin na lang nila ngayon," pahayag ng babae kina Adriana.
Sinamaan kaming dalawa ng tingin ni Adriana at nagkibit-balikat. Pinagtaasan pa kami ng kilay habang nakangiti naman ako ng masama. Well, hindi naman niya ako makikilala, "Fine, umalis na tayo mom. I will never ever come back here again," masama niyang saad sa babae bago nila kami nilayasan.
Sinundan ko naman sila ng tingin palabas at nalipat sa detective ang atensyon ko nang harapan niya ang babae kanina. Base sa nakikita ko, mukhang magkakilala nga talaga silang dalawa. Bahagya namang napayuko ang babae, "I'm sorry for what happened, Mr. De Valois. Hindi na po mauulit ito," pahayag niya.
"It's ok. I also want to ask you a favor... " lumapit si detective sa babae at may ibinulong dito. Nakita ko na lang na tumango siya kay Terrence, "I understand, sir. Aayusin ko lang po ang binili ninyong necklace."
"No need. Just give it to me right now," sinunod naman ng babae ang sinabi niya at maayos na inilahad sa kanya ang kwintas.
Kinuha 'yon ni Terrence kaya napatingin ako sa kamay niya. Honestly, nagandahan na ako sa kwintas bago pa man pumasok sila Adriana. Nagtaka naman ako nang pumunta si Terrence sa likuran ko habang nakatitig sa kwintas. Aktong haharap ako sa kanya ay pinigilan niya ako, "Don't," may isang maliit na salamin sa tapat ko kaya napatingin ako dito.
Dahan-dahan niyang isinuot sa akin ang kwintas na siyang nakapag-pakaba sa akin. I don't really feel comfortable because of what he has been doing to me all this time. He is such a gentleman at ngayon lang ako nagkaroon ng ganitong kasama. I mean, we are just friends pero bakit ganito niya ako tratuhin?
"Uhmmm, I told you not to buy it anymore dahil ayaw kong sayangin ang pera ko," saad ko habang nakatingin sa kanya mula sa salamin.
Ngumiti naman siya habang nakatingin din sa akin sa salamin, "Beautiful."
"H-ha?" hindi mapakaling tanong ko. Kitang-kita ko kasi ang pagtitig niya sa kwintas na nakasuot na sa akin, "A gift will never be a waste, Gale," saad pa niya na ipinagtaka ko.
"What?"
"You don't have to pay me for that necklace, instead I really wanted to buy it as my gift to you," napahawak naman ako sa kwintas at maayos itong tinitigan. Kusa na lang akong napangiti at napatingin sa kanya, "Thank you," pahayag ko.
"And you don't have to thank me. Bumabawi lang ako sa'yo because of what's happening to you right now in the mansion, I know that you haven't yet moved on about what your family did to you a few weeks ago. And right now, you are isolated from everyone because of us."
I could even see guilt and sadness in his eyes. Napayuko naman ako at mas napangiti, "But at least in that mansion, no one ever tried to hurt me with intention physically or mentally," napatingin na lang ako sa kung saan nang maalala ko lahat ng nangyari.
"Yes, they threatened me and locked me up pero alam mo ba kung ano ang pinagpapasalamat ko?" muli ko siyang tinignan at ngumiti.
"Hindi nila ako ginutom, pinapakain nila ako bawat araw at bawat oras, at least they care even though I am not a member of the family nor to the Alzini itself," tila nabigla naman siya sa narinig ko na halatang hindi makapaniwala na naririnig ito mismo sa akin.
"They are not my family... but they didn't let me die," bigla namang napawi ang mga ngiti ko, "They didn't want you to die because— " pinutol ko naman ang sasabihin niya dahil alam ko na ang karugtong.
"Because they are going to use me against my family, right?"
"Do you even know what will going to happen after we use you?" tanong pa niya.
"Who knows, detective? You might even be the one to kill me in the end but at least, I was useful to you even once, right?" hindi ko maiwasang malungkot dahil natatakot ako na mangyari ang bagay na 'yon.
"How could you say those things?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"I won't escape, Terrence De Valois. I want to be useful even once, that's why I will let all of you use me against them. I will follow all of your plans whatever it is at gusto kong pagsisihan nila lahat ng ginawa nila sa akin, especially my husband," hindi ko rin alam kung paano ko nasasabi ang lahat ng 'to pero kahit minsan, gusto kong maranasan na maging kapaki-pakinabang sa iba... to be useful even once. Alzini needs me and that's what I exactly want. Call me an idiot but I have my personal reasons for doing this.
My family thought that I was useless but I will prove them wrong.
Lumapit siya sa akin at diretso akong tinitigan, "Whatever your decision is, I will respect it. I must say that you must choose the right side so you won't regret anything in the end," nginitian naman niya ako at tinalikuran. You too detective, I'm sure that you're going to choose the right side. Bahagya akong napangiti at umiling bago ko siya sinundan palabas.
Bitbit pa rin niya ang mga pinamili ko. Napangiti naman ako habang nakatingin sa kanya. Who would have thought na may mga tao pa palang katulad niya? I think he is really a soft-hearted person at hindi ko pagsisisihan na maging malapit sa kanya.
Tuluy-tuloy siyang naglakad papalabas ng mall at papunta sa parking lot hanggang sa makita namin ang sasakyan niya. Surely, we'll go back to the mansion kaya nakaramdam ako ng lungkot.
Muli niya kong pinagbuksan ng pintuan kaya pumasok ako at naupo. Pag-upo nito ay inilagay naman niya ang mga pinamili namin sa likuran at pinaandar ang kotse.
Pagkalipas ng ilang minuto, nagtaka naman ako nang tumigil ito sa pagmamaneho at bumaba. Sinenyasan niya ako na sundan siya kaya kahit naguguluhan, bumaba na rin ako at napatingin sa isang shop kung saan siya papasok.
It was a shop where different dresses and probably gowns were displayed in front. Halatang mamahalin ang mga damit. Bakit naman siya papasok sa ganito? Balak niya bang bumili ng mga ganitong klasi ng damit? Dahil sa pagtataka, sinundan ko naman siya sa loob. Pagkapasok ko, inilibot ko ang tingin sa loob kagaya ni Terrence.
This shop is full of luxurious long gowns. There were silver, black and gold designed with beads and diamonds. They spark endlessly which could even blind you any moment. I didn't really have interest with this types of clothes but they were just relaxing to the eyes for their simplicity. Simple yet elegant.
Nabigla ako nang tanggalin nito ang suot niyang salamin. Napag-alam ko na lang na kilala siya ng mga empleyado rito nang bahagya silang napayuko. Do they know his real identity?
"Mister De Valois, how may we help you, sir?"
"I was sent here by my Master and as far as I know, you're already aware of me and this young lady's presence here, right?" nagkatinginan ang dalawa nang may pagtataka hanggang sa may lumapit na isang lalaki sa kanila at may ibinulong.
Tumango naman sila at madaling lumapit sa amin, "Yes sir, we have just received the message from the Master."
"Good. Let's start then," hinarapan niya ako at dahan-dahang tinanggal ang sunglass na suot ko na bahagya ko pang ikinagulat lalo na't paniguradong makikilala ako ng dalawang babae, "Don't worry, they are aware of everything," pahayag niya. Tinignan ko ang dalawang babae na nginitian naman ako at bahagya ring yumuko.
What exactly are we doing here?
Hindi nagtagal ay lumapit sila sa aking gawi, "This way, mam," saad ng isa na inilahad pa ang kamay niya. Siya namang ikinasalubong ng kilay ko. Para saan?
Tinignan ko naman si Terrence na nakatingin sa akin, "W-What is this for?"
"Just go with them," sagot naman niya, "To where?" tanong ko ulit. Why the hell do I need to go with them to somewhere I don't even know?
"This one will fit her," pahayag ng isang babae. She was currently holding a lace gold long gown with a slit on its side. Hinawakan ng detective 'yon para at maayos na tinignan. Kinuha niya 'yon mula sa babae at iniabot sa akin habang tinitignan niya ang kabuuan nito, "Try it on," saad niya.
"Para saan nga?"
"No more questions, Gale. We're running out of time," sabay tingin nito sa relo niya. Kahit naguguluhan ako, kinuha ko 'yon at pumasok sa fitting room para isuot ang hawak kong damit. Bakit ba may ganito pa? This type of thing is just for party, right?
Kahit naiirita ako, lumabas ako nang matapos ko 'yong suotin kaya napatingin sila sa akin maliban sa detective na abala sa cellphone nito, "It looks gorgeous to you, mam. Sa inyo lang po bumagay ang damit na 'yan sa lahat ng customers namin," pahayag ng isang babae.
Humarap naman ako sa salamin para makita ang itsura ko. Gusto ko rin malaman kung totoo ba ang pinagsasabi ng babaeng kasama namin. Nakangiti silang dalawa habang nakatingin sa akin, "Y-yeah, it totally fits," wala sa sariling saad ko.
That gown totally fits on my body. It matches every curve, every inch and every part. The slit was not that too high and I find it comfortable.
"But why do I need to try this on?" tanong ko na hinarapan si Terrence.
Napapikit naman ako nang bigla na lang magliwanag. What was that?! Nakita ko na lang na kinuhanan niya ako ng litrato habang suot-suot ko ang damit na 'to, "Detective, what are you doing? Are you somehow teasing me?" naiinis kong tanong kaya napatingin siya sa akin.
Look, he was still busy with his phone. Ano bang meron doon?
Napangiti naman siya sa akin at ibinalik sa bulsa ang cellphone na hawak niya bago ako tinignan mula ulo hanggang paa, "You look gorgeous, young lady. Are you uncomfortable with what you're wearing? Or you want to try some more?" tanong pa niya na mas lalong nakapag-pagulo sa akin.
"K-komportable naman ako pero para saan ba 'to? May party ba?"
"If it's comfortable that's fine then, since he agreed too."
"Agreed? Who?" tila masisiraan na rin ako ng ulo dahil hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi niya.
"Answer me, Detective? Why the hell do I need to try this on?" tanong ko pa.
"Nothing. I was just trying to check your body size," sagot niya na ikinabigla ko, "Pinagsukat mo pa ako ng damit just for that nonsense reason?! I don't believe you at all!" parang hindi naman kapani-paniwala ang sinabi niya. Why the hell does he need to check my goddamn body size? For what?
"Go change again, Gale," sagot niya at hinarapan ang dalawang babae, "And for the result, make it glamorous. Maybe, a touch of gold diamonds will do. It must be sparkling in day and night, any time he prefers," saad niya sa dalawang babae, "Yes sir."
Kahit naguguluhan ako, nagpalit na rin ako ng damit dahil naiinitan ako. Pagkatapos ay lumabas na rin ako kaagad at halatang hinihintay nanaman ako ni detective. How kind of him. Hindi kaya siya napapagod kakahintay sa akin magmula kanina?
"Do we need to call Mr. Bienvenido, sir?" tanong ulit ng babae.
"No need, we'll go down there," sagot naman niya.
Hinawakan niya ang kamay ko at pumunta sa harap ng salamin kung saan ko tinitignan ang sarili ko kanina. It was of course a body-size mirror attached on the wall. Nagulat ako nang may pindutin siya mula roon hanggang sa mabuksan ito na tila isang pintuan. Pumasok kami sa loob at nang tignan ko ay katulad din ng sa mansyon, isang elevator. Bago ito magsara ay yumuko pa ang dalawang babae.
"Where are we going?" tanong ko sa kanya.
Bahagya siyang ngumiti at tumingin sa akin, "You'll see."
Pagkalipas ng ilang segundo, binitawan niya ang kamay ko at lumabas kaya humakbang ako papalabas. Natigilan ako sa mismong kinatatayuan ko nang matanaw ko kung nasaan kami. Punung-puno ng armas ang buong kwarto. May mga nakasabit at meron ding nakapatong sa mahahabang lamesa. Iba'it ibang klase ng armas ang kasalukuyang nakahilera sa amin ngayon. Sinundan ko naman ang detective sa paglalakad.
At the end of the room, there was a counter in which an old man with a patch on his left eye was waiting for us hanggang sa makalapit kami sa kanya, "Is she the one?" tanong ng matanda habang nakatingin sa akin at nakangiti.
"Yes, she is the general's daughter," pahayag ni Terrence. Bahagya naman akong ngumiti kahit mahirap huminga dahil sa presensya ng mga armas sa paligid. The smell of their presence could kill you any moment.
"Brilliant. I am Mister Bienvenido, it's nice to meet you, young lady," muli naman akong napayuko at nginitian na lang siya. Para sa akin, nakakatakot siya dahil sa mga ngiti nito.
"Then how may I help you, Mr. Terrence De Valois?" tanong ng matandang lalaki na hinarapan siya.
Tinignan naman nito ang mga armas na nakasabit sa likuran ng lalaki, "As always, I am looking for something new... the one with perfect telescopic sight, having an extremely accurate range," pagsasalita niya habang sinusundan ko naman ng tingin ang mga armas na tinititigan niya.
"Long range shooting," pahayag ng matanda, "As for your observation techniques and capabilities... shall I recommend the one with the longest confirmed kill in history?" tumalikod ang matanda at naglakad habang tinititigan din ang mga armas.
Natigilan siya sa tapat ng isang lamesa. There was only one weapon displayed on it and you could see that it was different from others. It is extremely unique.
Maayos niyang kinuha ang mahabang baril na nakapatong doon, it was more like some sort of a sniper rifle. Humarap naman ito sa aming gawi, "This was the military and law enforcement weapon produced by McMillan firearms manufacturing," unti-unti naman itong lumapit sa amin at maingat na inilapag niya 'yon sa harap ni Terrence.
"As for you, Mr. De Valois, eldest son from the family of snipers... this gun has above-accuracy range. It's C15 long range sniper weapon commonly known as McMillan Tac-50," hinawakan ni Terrence 'yon at maayos na tinitigan.
There was spark in his eyes.
"Perfect," mga kataga na tanging lumabas sa bibig nito habang sinusuri ang armas. Habang nakatitig siya doon, tila nakatingin siya sa isang ginto at kulang na lang ay sambahin na ito. The way he looked at the gun, it was completely different.
"I want it delivered at my house tomorrow morning." saad niya na ikinayuko ng matanda, "As you wish, Mr. De Valois."
"And also Mister Bienvenido, our men are in need of new weapons, we don't want them using old weapons nowadays. Godfather's words were to take all of your new arrival weapons such as all types of guns, bombs, quarterstaffs, knives and all stuffs. Also, don't forget our Architect's playing card. He'll be back soon."
Playing card?
"Is that a weapon?" bulong ko dito kaya sinulyapan niya ako.
"You'll see," sagot nanaman niya.
"Indeed," sagot ng matanda.
"That's all. We have to take our leave now, Mister Bienvenido. I hope you're having a good day. Don't overwork yourself too, it's not good for your health and Godfather won't like it."
"Thank you. It's my pleasure to hear A de la Alpha's concern towards an old man like me," sagot naman nito.
Pagkatapos noon, muli kaming sumakay sa elevator. Pagbukas ng pintuan ay dumiretso kami papalabas ngunit aktong lalabas na kami ng shop ay natigilan nanaman si Terrence at hinarapan ang dalawang babae, "And also, please don't forget her gun pocket."
Endless questions were running out of my mind dahil tila nagkakaintindihan silang lahat at ako lang ang walang alam sa nangyayari.
"Yes sir," sagot nila. Bago kami makalabas ay ipinasuot naman ulit ng detective ang salamin sa akin hanggang sa makarating kami sa kotse niya.
I don't even know na may nakatago pa lang bilihan ng armas sa mismong shop na 'yon but at least I got the point, sa sobrang ganda ng mga damit, hindi iisipin ng mga tao na may armas sa ibaba noon.
Pagkaupo niya ay dali-dali nitong hinablot ang cellphone sa bulsa niya at itinapat sa tainga niya, "What is it?" tanong nito.
Napatingin naman siya sa akin, "The General?... no... sure... I'll be there in a few minutes," sabay tingin nito sa suot niyang relo. Sa mga sandaling 'yon, muli ko nanamang narinig ang pananalita niya na mala-detective. Siya nga talaga ang kasama ko.
Ibinalik naman niya sa bulsa ang hawak nito, "As much as I want to treat you in my favorite resto, I have something urgent to do. I can't let you eat there all alone, kaya okay lang ba— " pinutol ko naman ang pagsasalita nito.
"It's okay, detective. You've done too much for me today and that's enough," sandali siyang natigilan at napatango na lang bago pinaandar ang kotse.
"I'll take you there next time. But for now, I'll take you to the mansion first," tumango na lang din ako.
Pagkalipas ng halos tatlong oras na pamimili at kalahating oras sa pagbyabyahe, nakarating kami sa mansyon. Inihatid niya rin ako sa kwarto ko kasama na rin ng mga pinamili namin, "I'll take my leave now, young lady. I'm glad to had a little time with you. Please take your lunch already, after all, I know that you're already hungry," ngumiti naman ako at tumango.
Magpapasalamat sana ulit ako pero mabilis naman niya akong tinalikuran. Halatang nagmamadali siya. Naalala ko na lang, that he prioritizes work than women.
Just before he went downstairs, Blue handed him his coat and trilby cap. Sinuot na rin niya 'yon at muling sumakay sa kotse nito habang nakasilip pa rin ako mula sa kwarto.
Kusa na lang akong napatingin sa kwintas na binili niya at napangiti.
Continua...