Tama nga si Senyora.
At first, I didn't really appreciate roses because of the memories that I still have about my mother's funeral back then. I haven't had the chance to see things coming. Simula kasi ng dalhin ako ni Senyora dito sa hardin ng mansyon, I couldn't stop myself from coming here more often. Nakakatuwa ngang isipin na hinahayaan na nila ako ngayong mag-ikot dito sa mansyon.
Somehow, I don't feel isolated at this moment and I'm starting to feel comfortable although madalas kaming magkasalubungan ni Erin. Alam kong mainit pa rin ang dugo niya sa akin at malabong tigilan niya ako.
What about her husband?
I'm starting to think deeper too dahil kahit alam niyang nakita ko ang pag-aaway nila ni Erin, wala pa rin siyang ginagawa hanggang ngayon. I mean, I did expect na pagagalitan niya ako or even threaten me pero wala naman siyang ginawa. Obviously, I should really not dare to speak about it dahil alam kong hindi tama na makielam sa kanila. I should just forget what I saw that day.
Habang iniikot ko ang buong hardin ay sinasalubong naman ako ng sariwang hangin kaya hindi ko maiwasang maamoy ang mga nakapaikot at nagkukumpulang mga rosas.
It was like a paradise seeing the huge garden filled with golden roses- but what makes them wild and vicious is because of the hidden thorns that they contain. Beautiful yet dangerous.
Natigilan ako sa isang banda upang mas maigi pang titigan ang mga ito kaya bahagya akong napayuko.
They were shining as bright as the sunlight. Showing me the sight, yet hiding my true color as it touches my skin.
Nang makatayo ako ng maayos ay iniharang ko pa ang kamay ko mula sa liwanag na nanggagaling sa araw dahil nakakasilaw. Ibinaba ko naman ito matapos ang ilang segundo. Aktong tatalikod ako ay bigla naman akong napaatras sa gulat nang tila gumalaw ang mga rosas nang sabay-sabay. Animoy natamaan ang mga tangkay nila kaya't sabay-sabay na gumalaw ang mga ito.
Napatingin naman ako sa mga tangkay nito na nasa bandang ilalim na hindi ko naman maaninagan ng maayos dahil sobrang kapal ng mga ito. Kung susubukan kong hawakan, paniguradong sugat ang aabutin ko.
Muli akong napaatras nang gumalaw ulit 'yon kaya inilibot ko ang tingin sa paligid para sana tanungin ang mga rumorondang tauhan pero wala naman akong nakita. Muli itong gumalaw sa pangatlong beses ngunit mas mahina kumpara sa nauna. Humakbang ako papalapit para subukang tignan kung ano talaga ang nangyayari.
Ikinaatras ko naman ang biglaang paglabas ng isang pusa mula roon. Naupo pa ito at nagpagpag sa mismong harapan ko hanggang sa makaramdam naman ako ng tuwa dahil doon.
"Ang cute!" wala sa pagdadalawang-isip kong nilapitan ito habang abala siyang nililinisan ang mga kamay niya. Natigilan naman siya ng haplusin ko siya sa ulo, "Meoww!" hanggang sa bigla na lang niya akong nilapitan at idinikit ang sariling katawan sa akin.
"Ang cute mo naman! Anong pangalan mo?" yeah I know na para akong tanga na kausap siya pero mahilig talaga ako sa pusa. Nawala kasi ang alaga kong pusa date. That was also the first and last cat that I was able to pet.
He has a creamy coffee-like color and golden eyes. He was like my cat back then that's why I could totally say that he's a persian cat. I could just see it through its fur and tail.
Madali lang namang malaman, you just have to pay attention.
Binuhat ko naman ito hanggang sa ipatong niya ang dalawa nitong kamay sa balikat ko kaya niyakap ko siya. Hindi ko nga alam kung bakit may mga natatakot sa pusa eh ang cute kaya nila. He's quite big and gained some weight kaya mas lalong nakakaganang yakapin.
"Meow!" saad pa nito kaya muli kong hinaplos ang ulo niya habang buhat-buhat ko pa rin siya, "Miss Gale!"
"Ay!" napasigaw na lang ako sa pagsasalita ng kung sino kaya bigla itong tumalon at mabilis na nakalayo.
Napatingin naman ako kay Blue pagkalapit nito sa akin, "May problema po ba?" tanong niya nang mapansin nitong tila may hinahanap ako. Nakakagulat naman kasi si Blue, ayan tuloy tumakbo papalayo.
"Wala naman," saad ko na umiling sa kanya.
"Ganon po ba? Pinapatawag po kayo ni Senyora, Miss Gale," hindi na rin ako magtataka dahil halos araw-araw, pinapatawag talaga ako. Kapag minsan nagpapatulong si Senyora na magluto sa akin, nagpapasamang mamitas ng rosas dito sa hardin o kaya taga-tikim ng mga ginagawa niyang desserts.
Funny, isn't it?
I might be stupid but I'm starting to enjoy everything now. Siguro hindi ko muna talaga dapat isipin kung anuman ang mga pwedeng mangyari sa susunod. What's important is the present- though the chains of history is pushing its own limit. The confusive blazing wind touching my skin making it harder to breath but fresh to breath in.
Tinalikuran naman niya ako at dahil nasanay na rin ako kay Blue, sumunod ako sa kanya. Natigilan naman kami pagkaakyat namin sa hagdanan nang salubungin kami ni Senyora na halatang may hinahanap, ""Olivia, have you seen my Coffee?" tanong nito kay Olivia na halos kakalabas lang sa kwarto nito at may dala-dalang itim na envelope.
Bahagya naman siyang napayuko, "No, Senyora," sagot nito.
"Fine, you can go," muli namang napayuko si Olivia bago naglakad, "Wait, Olivia," natigilan siya at muling hinarapan si Senyora na napatingin sa hawak niyang envelope, "What is that?"
"These are the papers that Godfather requested, Senyora," magalang na sagot nito.
"I see, give it to me. Ako na ang magbibigay sa kanya," inilahad ni Senyora ang kamay nito kaya nilapitan siya ni Olivia at ibinigay ang envelope sa kanya.
"You can take a break for now," saad pa nito na ngumiti kaya muling yumuko si Olivia, "Just call me if you need anything, Senyora," tumabi naman kami ni Blue nang bumaba ito sa hagdanan.
Napatingin si Senyora sa gawi namin at ngumiti bago kami nilapitan, "Gale, finally you're here. Magpapasama sana ako sa'yo, if you don't mind," pahayag nito na ikinakunot ng noo ko.
"Saan po?"
"My Coffee is not doing well one of these days. Baka nga ipacheck up ko na siya. Kawawa naman ang isa pa naming anak ni Stefano," malungkot na saad nito na tinignan naman si Blue.
Sino kayang Coffee ang tinutukoy niya? Isa pa nilang anak?
"Huwag po kayong mag-alala, Senyora. Magiging maayos rin ang lagay niya," saad naman ni Blue kaya napatango si Senyora at muling ngumiti.
"What's happening here?" sabay-sabay naman kaming napatingin sa elevator nang lumabas mula doon ang asawa ni Senyora. Lahat naman ng rumorondang tauhan at kasambahay ay napayuko at humarap sa direksyon nito, "Está bem. Volte ao trabalho, senhoras e senhores," saad nito na sinunod naman nila at muling yumuko bago nagsialisan.
(It's fine. Go back to work, ladies and gentlemen.)
Napatingin naman ako kay Blue nang bumaba na ito sa hagdanan kaya naiwan akong kasama si Senyora, "Oh right, hon pwede ko bang isama si Gale?" tanong nito pagkalapit sa amin ng asawa niya.
Napayuko na lang din ako dahil nahihiya akong titigan ang dalawang taong karespe-respeto. The surrounding becomes different by his presence, just like his son.
Like father, like son.
Kumapit pa si Senyora sa braso ng asawa habang nakangiti na ipinagtaka naman ng asawa nito, "Where are you going?"
"We'll buy foods for Coffee."
"For Coffee?" paglilinaw pa nito.
"Yes."
"You can just ask someone to buy, Addison. You clearly know that it's dangerous for the both of you to go outside the mansion. They might recognize you, especially our young lady here," saad pa niya na tinignan ako.
I must really be a proud daughter kung ganitong klasing magulang ang meron ako. They were just too happy with one another and as perfect lovers.
Sakto namang napansin ko na papalapit ang detective sa direksyon namin, "Is that a problem, Hon? Let's just disguise her. Bakit sila ni Terrence nakalabas? If he was able to do it, I can also do it, right detective?" tanong niya kay Terrence na halatang walang kaalam-alam sa pinag-uusapan dahil kakalapit niya lang sa amin.
Natulala naman ito kay Senyora kaya napalunok siya habang tinitignan si Senyora at ang asawa nito, "Well, i-it's not for me to decide, Senyora," magalang na sagot nito.
Ibang klasi talaga siya. Kahit walang alam sa nangyayari, alam niya pa rin kung paano sasagot. Marunong tumakas.
He often answers differently. Ano pa nga ba ang expect mo sa isang detective?
"Are you even with me, Terrence?" natahimik naman kami nang mag-iba ang tono ng pananalita ni Senyora.
Well, halatang kinabahan si detective sa reaksyon nito, "What do you mean, Senyora?"
"When I am the only one here, kahit anong sabihin ko, you always agree. But when my husband is here, you easily switch sides. I'm curious about your 'loyalty' now," by the way she said that, halatang naiinis siya ngunit nakangisi. She even emphasized the word 'loyalty'.
Nakita ko naman ang magaling na detective na tinitignan ang mag-asawa. Pinagtataasan siya ng kilay ni Senyora habang seryoso lang naman ang tingin sa kanya ng asawa nito, "Sabihin mo nga sa akin, takot ka lang sa asawa ko kaya mas kinakampihan mo siya kaysa sa akin no?"
"F-forgive me Senyora but that's not it- "
"Babalikan kita mamayang bata ka," nilapitan pa nito ang kawawang detective at binigyan ng matatalim na tingin. Tinuro niya pa si Terrence na halatang pinagbabantaan. Natatawa na lang ako dahil sa reaksyon ng detective na pinagpapawisan na at halos hindi na makapagsalita.
Si Senyora lang pala ang katapat niya.
Tinalikuran kami ng asawa ni Senyora kaya sinundan niya ito at kumapit sa braso nito, "Please Hon, ngayon lang naman. Wala naman kasi akong kasama at wala ring pagkain si Coffee," pakiusap niya hanggang sa makapasok sila sa kwarto nila at isinara ang pintuan. Nakangiti naman kaming dalawa habang nakatingin sa kwarto nila.
"If you think that they were just pretending, well they were not. Ganyan talaga sila," tinignan ko naman si Terrence nang magsalita ito.
"I hope I had parents like them. A loving father and a living mother," sagot ko naman.
Nagbuntong-hininga naman si detective habang minamasdan ang buong mansyon, "You know what Gale, you could have anything you want more than this."
"What?" pagtataka ko.
Nginitian niya ako at ibinalik ang tingin sa kwarto na pinasukan nina Senyora, "What do you know about substance, Gale?" nagtaka naman ako lalo na't seryoso siyang nagtanong.
"What kind of question is that?"
"Just answer me," pagpupumilit nito kaya napilitan na lang din ako.
"A material possessing physical properties?" bakit ba kasi ganito ang mga tinatanong niya? Good to know na may natatandaan pa ako.
"Yes it does. Chemistry and Biology has their own meaning of substance, right?" tumango naman ako nang tignan niya ako, "I think so."
Ibinalik naman niya ang tingin sa kwarto, "They are like chemical bonds sharing their valence electrons in one particular part, especially that inside of the same cup. What makes oil float on top of water?"
"Water is denser," mabilis kong sagot. Patalinuhan ba 'to? Well, hindi naman ako uurong.
"Same with them," pabalik-balik naman ang tingin nito sa akin at sa kwarto, "The lighter one gets easily persuaded. Then how would you separate them?" he was like a teacher advising his student.
He was smiling yet there was something.
"Are you pertaining to them?" tanong ko na ikinailing niya.
"I meant oil and water."
"I'm not quite sure detective but do you have to use a funnel?" ngumiti na rin ako sa pag-aakalang mali ang sagot ko. Ang saya nga naman sa pakiramdam kapag tama ang hula mo.
"Right. The oil will be forced out of the water itself and things will go as you concluded."
"Could you please tell me, detective?" diretso naman ang tingin namin sa isa't isa at nagkibit-balikat ako, "What are you perhaps trying to say? This wasn't just a literal question, right?" napangiti na lang ako ng masama kaya ganon na rin ang ginawa nito.
Nilapitan niya ako sapat na para maramdaman namin ang paghinga ng bawat isa habang nagpapalitan ng tingin, "Find out things yourself, then come to me and I will tell you why."
Pinasadahan niya ako ng isang malapad na ngiti na sakto namang lumabas si Senyora sa kwarto kaya napatingin kami sa kanya. Ang lapad naman ng ngiti nito habang papalapit sa amin.
"Did he agree, Senyora?" tanong ni Terrence.
"No, but it's ok. Halika na," saad niya sa akin na bigla namang hinawakan ang kamay ko kaya napasunod ako.
"Do you want me to accompany you, Senyora?" tanong ni detective habang nakasunod sa pagbaba namin kaya hinarapan siya ni Senyora at natigilan, "That's what I was trying to say earlier, Terrence. Ask my husband if he wants you to accompany him, huwag ako ang tanungin mo," pagsusungit nito kaya nginitian ko ng masama ang detective.
Inilahad naman ni Senyora ang kamay niya kay Terrence na ipinagtaka nito, "I'll borrow your car. Now, give me the key," mabilis niyang kinuha ang susi mula sa bulsa niya at iniabot kay Senyora kaya nginitian siya nito.
Muli naman niya akong hinila papalabas kaya binalikan ko ng tingin ang detective na nagkakamot ng ulo. Alam kong labag sa loob niya na ipahiram ang kotse niya pero wala siyang magawa dahil si Senyora ang kaharap niya.
How poor.
"Please take care of my car, Senyora," pahabol pa nito, "I will, detective," sagot ni Senyora bago kami tuluyang nakalabas ng mansyon. May nginitian naman si Senyora kaya napatingin ako sa tinitignan niya, "Surprise to see me girl?" nabigla naman ako nang makita ko si Xenia.
Katulad ni Allison, nakasandal ito sa isang itim na motor na halatang naghihintay.
Paglapit naman namin sa sasakyan ni detective ay may mga sumunod sa amin na dalawang armadong lalaki, "No need, gentlemen. We can handle, right Gale?" pagpipigil niya sa kanila kaya bahagya na lang silang napayuko. Hindi naman ako nakakibo.
"Please take care, Senyora," saad ng isa sa kanila.
"Let's go?" tanong niya na binuksan ang pintuan sa tapat ng driver's seat, pumunta naman ako sa kabila para pumasok sa loob pero nakuha ni Xenia ang atensyon ko.
Sumakay siya sa motor niya at kinindatan pa ako. Ngumisi pa ito bago isinuot ang helmet niya. I couldn't help but to smile because she's like Allison. Ang cool nilang tignan.
A total bad b*tch on the outside!
Pumasok naman ako sa loob ng sasakyan at isinara ang pintuan. Isinuot ni Senyora ang seat belt nito kaya ganon na rin ang ginawa ko.Hanga nga ako sa lakas ng loob ni Senyora dahil kahit hindi siya pinayagan ng asawa niya, aalis pa rin kami. Saan kaya siya nakakakuha ng lakas ng loob?
Ano na lang ang mangyayari kabalik namin?
Pinaandar niya ang kotse hanggang sa binuksan rin ng mga tauhan nila ang gate. Yumuko pa sila pagdaan namin sa tapat nila. Iniabot naman niya sa akin ang shades na ipinagamit ni detective noon kaya isinuot ko 'yon.
"Saan po ba tayo pupunta?" tanong ko pagkaliko ng sasakyan.
Natanaw ko pa si Xenia na nakasunod sa likuran namin, "Mamimili tayo ng pagkain. And if you want anything, don't hesitate to tell me, ok?" tanong nito sa akin habang abala sa pagmamaneho at halatang natutuwa.
Tumingin siya sa akin kaya tumango na lang ako. Pagkatapos noon, halos tahimik na rin kaming dalawa. Inilipat ko na lang ang atensyon sa labas.
Napatingin naman ako sa kanya ng bigla siyang may pinindot at nagpatugtog kaya nginitian niya ako, "Are you ready?" tanong niya na ipinagtaka ko.
"Saan po?" ibinalik naman niya ang tingin sa daan, "For your husband's celebration?"
"Y-yes, Senyora," sa dami ng tanong, bakit ito pa? Well, why should I be confused when they were just reassuring na tutupad ako sa usapan?
"Didn't I tell you to call me tita?" tila dismayado naman siya sa sinabi ko. That feels a little awkward.
"Well, you don't have to be nervous. My son will be there with you," sumilay naman ang ngiti sa labi nito, "Sayang nga lang. Minsan na lang siya umattend sa mga party, hindi niya pa maeenjoy."
"Your son has a good image and obviously, he's making his own money, t-tita. Hindi po ba siya mahilig sa mga party?" as I could see, he's not dependent on his family.
Umiling naman siya, "He has lots of money but he doesn't like attending parties. Pagdating sa mga ganyang bagay, mahirap siyang kumbinsihin."
"P-pero pwede naman pong ako na lang pumunta mag-isa bukas, hindi ba? Kung hindi naman po pala siya mahilig sa mga party?" ibig sabihin ba noon, napipilitan lang siya na samahan ako?
Masama namang ngumiti ito at tinignan ako, "Why do you think he agreed?" there was something by the way she looked at me kaya hindi ako naging komportable.
Parang may nangyayari talaga na hindi ko alam.
"Basically, your husband sent him an invitation that's why he has to attend the party and you as his partner— it's all part of the plan you know. When it comes to his responsibility, we can always count on him. And we can't let you go alone there... since it's dangerous. There were factors to be considered kaya napapayag namin siya."
"Kagaya ng ginawa mo kay Terrence, you just have to stick with him." iniliko niya ulit ang sasakyan.
Inilibot ko naman ang tingin sa paligid kung nasaan kami. Papalapit kami sa isang grocery store hanggang sa pumasok kami sa isang pababang daanan. Dumilim ang paligid nang makapasok kami sa loob na halatang isa itong pribadong parking lot. Nang makahanap ng maayos na pwesto si Senyora ay tumigil na rin ang sasakyan. Napansin ko si Xenia na tumigil din sa tapat ng sinasakyan namin, "We're here," halata naman ang tuwa sa itsura ni Senyora.
Marami naman silang tauhan pero bakit kailangang siya pa ang mamili lalo na't delikado pala?
Bumaba kami ng sasakyan at ganon din ang ginawa ni Xenia mula sa motor nito. Tinanggal niya ang suot niyang helmet bago kami nilapitan, "Let's go," naglakad papasok si Senyora kaya sumunod na rin kaming dalawa.
"Ubos na ba ang mga pagkain sa mansyon kaya mamimili si Senyora?" tanong ko kay Xenia.
"Of course not, imposibleng mawalan ng pagkain ang mansyon girl. Except na lang kung nandon lahat ang mga surot, given na matakaw sila. Halata naman kay Allison hindi ba?"
"Sino yung Coffee na binabanggit niya kanina?" nacucurious kasi talaga ako kung sino 'yon, "Isa pa niyang anak?"
Natawa naman siya sa sinabi ko, "Ang dami mong tanong, girl. Mamaya malalaman mo rin kung sino ang dahilan nang pagpupumilit ni Senyora na lumabas kahit ayaw ni Don Stefano," hinila niya ako papalapit kay Senyora na dire-diretsong naglalakad hanggang sa makarating kami sa pinakasulok.
Natigilan naman siya na tila may hinahanap at inilibot ang tingin, "Hindi ba dito banda nakalagay ang mga 'yon, Xenia?" seryosong tanong nito.
"Baka po inilipat na nila, Senyora?" sagot niya na naghahanap rin.
Ako naman, ito... walang kaalam-alam sa nangyayari.
"Oh there it is!" nagmadali namang lumapit si Senyora sa itinuro niyang direksyon at may kinuha doon na kung ano. Hindi ko rin matukoy kung ano 'yon kaya nilapitan namin siya ni Xenia.
"I told you, Senyora. Inilipat nila ang lugar ng mga 'yan."
Kumuha pa si Senyora ng isang bundle mula doon. May kalakihan rin ito. Isang kulay berde at bughaw. Dahil gustung-gusto ko na ring malaman kung ano 'yon, mas nilapitan ko siya para makita ng maayos ang hawak niya.
"What do you think, Gale?" inilahad naman niya yung dalawa sa akin kaya napatingin ako doon.
"Alin dito sa dalawa ang gusto mong kainin?" napatitig naman ako doon at napalunok.
"Uhmmm, that's only for cats po," tingin niya ba pusa ako para kumain ng cat food? So coffee is a cat? She treats a cat just like her child? Ang tagal ko pa namang iniisip, pusa lang pala.
"Kumakain ka pala girl ng cat food no? Bakit hindi mo agad sinabi para bibilhan din kita?" tanong ni Xenia habang nakangiti ng masama kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Gale, come on. Choose what you want," dagdag pa ni Senyora.
"Senyora baka po gusto niya yang dalawa at nahihiya lang na magsabi 'tong si Gale."
"Tumigil ka nga!" inis kong sagot sa kanya ngunit sa pabulong na paraan.
"I mean, if you are a cat, what will you choose?" buti na lang talaga at naging maayos na ang tanong ni Senyora ngayon. Why did she even ask about that? Napagtripan pa ako ni Xenia dahil sa maling tanong niya kanina.
"Hindi po ba marami pa namang ganyan sa mansyon? Bakit kailangan niyo pang bumili?" ang lakas din naman ng loob ni Xenia na magtanong ng ganito. Feeling ko anytime, susungitan siya ni Senyora.
"Ayaw ko ng amoy, Xenia. Malansa at mabaho ang pinamili nina Blue unlike this, more nutritious at walang amoy. But maybe you're right, I'll just buy both. What do you think, Gale?" tumango na lang ako sa kanya.
Nilagpasan niya kami habang nginingitian naman ako ni Xenia, "Problema mo?" tanong ko sa kanya. Nilagpasan ko na siya dahil ngayon ko lang din nalaman na malakas pala ang trip niya sa buhay. Kakakilala lang namin, nang-aasar na.
Natigilan ulit si Senyora at may kinuha nanaman na kung ano. Actually, pangatlo na ang hawak niya ngayon, "Sobrang dami na po niyan, Senyora. Baka magsawa si Coffee boy?" saad ni Xenia.
"No, this is for Ali's two dogs, alam mo naman ang alaga ng batang 'yon, bukod sa malaki, nangangagat."
Kailangan ba talagang sabihin ni Senyora 'yon ng ganon? Wala na bang ibang paraan? Marami pa namang ibang paraan para sabihin na may dalawang alagang aso ang anak niya at nangangagat hindi ba? Bakit ba ganito siya magtanong? Malakas pa naman ang tama ni Xenia.
"Yung alaga po ni Master, Senyora?" pag-uulit ng baliw na si Xenia. Really, miss accountant?
"Oo hindi ba malaki ang mga alaga ni Ali?"
"Malaki po?!"
"Girl, naiisip mo ba ang naiisip ko?" bulong niya sa akin habang nakangiti ng masama. Ibang klase talaga.
"Tumigil ka na kasi," saad ko dahil baka biglaang sumulpot ang lalaking 'yon at marinig ang kabaliwan nito. Mapahamak pa kami sa ginagawa niya.
"Malaki daw, girl. Oh my gosh!" tinakpan ko ang bibig niyang ayaw tumigil dahil baka marinig pa kami ni Senyora, mahirap na.
"Shut up!" bulong ko na pinanlakihan siya ng mata. Dahan-dahan ko namang ibinaba ang kamay ko nang makapagdesisyon siyang kumalma habang nakangiti pa rin ng masama.
"Excuse me... " napatingin naman kami sa isang lalaki sa likuran ni Senyora, "Yes?" tanong nito na hinarapan ang lalaki.
"Should I confirm if this is you?" may ipinakita namang larawan ang lalaki kay Senyora kaya tinignan niya 'yon. Si Xenia nagpipigil ng tawa.
Ito ba ang epekto ng trabaho niya sa kanya?
Nabitawan ni Senyora ang tatlong hawak nito at diretsong napatingin sa lalaki. May pagkabigla rin sa mga mata niya, "Senyora?" unti-unti namang ngumisi ang lalaki nang banggitin niya 'yon.
Natigilan din si Xenia nang marinig niya ang pagtawag ng lalaki kay Senyora. Kasabay noon, biglang nawalan ng ilaw sa loob at narinig pa namin ang pagbubulungan ng ibang tao. Wala rin akong makita kaya hindi ko na alam kung anong nanyayari. Aalisin ko pa sana ang suot kong shades pero naalala ko na baka biglang bumukas ang ilaw at may makakita sa akin.
Naramdaman ko naman na may humawak sa braso ko, "Gale, nawawala si Senyora," naaninag ko si Xenia nang sindihan niya ang flashlight ng cellphone niya, "Ano?!" halos magbulungan na rin kami.
"Sh*t! Nasundan tayo!" inis na saad nito. Naaninag ko rin ang paligid at tama nga siya dahil wala na si Senyora pati na rin ang lalaki, "Tawagan mo si Allison. Kailangan kong hanapin si Senyora," sabay abot naman niya sa akin ng cellphone niya.
Hindi na ako nakapagtanong pa nang mabilis niya akong nilagpasan. Sinubukan kong kontakin si Allison pero walang signal dito sa loob kaya kinailangan kong lumabas papunta sa parking lot. Tanging liwanag sa cellphone ni Xenia ang nagbibigay daan sa akin.
Maraming exit sa loob ng grocery store kaya pumunta ako sa exit kung saan ako pinakamalapit habang naghahanap ng signal. Pagkalabas ko naman ay may kung sinong humawak sa braso ko at marahas akong itinulak sa pader. Nasa parking lot kami at walang katao-tao.
"She's with the Alzini, Mr. Ardizzone," saad ng lalaking nakahawak sa braso ko habang sinusubukan kong magpumiglas. Sino sila?! Binitawan niya ako kasabay ng paglapit ng isang lalaki sa akin na maigi akong minamasdan mula ulo hanggang paa.
Just like the men in the mansion, they were both wearing suits... and I could even feel that they have a gun beside them.
Nilapitan ako ng lalaki hanggang sa ngumiti ito ng masama. Hindi ko alam pero tila pamilyar siya sa akin. Mahigpit niyang hinawakan ang magkabilang-pisngi ko gamit ang isa nitong kamay kaya nagpumiglas ako, "Bitawan mo 'ko pwede ba?!"
Hindi ko nagawang makatakas nang mas higpitan niya pa ang pagkakahawak sa pisngi ko at pilit akong tinapatan, "Please, don't move. I don't want to hurt a beautiful lady, right?" tanong pa nito na hinarapan ang halatang tauhan niya na ngumiti din ng masama.
Hindi ako nakagalaw nang maramdaman ko naman ang pagdiin ng isang matigas na bagay sa aking tagiliran kaya sinamaan ko siya ng tingin habang naghahabol ako ng hininga, "Who the hell are you? Ano bang kailangan mo sa akin?" tanong ko.
Nagsalubong naman ang kilay nito hanggang sa hawakan niya ang shades na suot-suot ko. Bigla niya 'yong tinanggal sa mata ko kaya mas nakita niya pa ng maayos ang mukha ko habang masama ang tingin ko sa kanya.
"Serenity Gale de la Roche?" hindi makapaniwalang tanong nito na bahagyang lumuwag ang pagkakahawak sa akin.
Napapikit na lang ako at napalunok. I'm doomed. He knew me.
"You're with Alzini? Really?" iminulat ko ang mata ko at masama pa rin ang ngiti nito ngunit mababakas pa rin sa kanya na hindi siya makapaniwala.
Muli namang humigpit ang pagkakahawak niya sa akin, "Interesting, now is the commencement of the competition between the two underground organizations," hindi ko rin maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin.
"Let go of her," napatingin naman kami sa biglaang pagdating ni Senyora. Tinapatan niya ng baril sa ulo ang lalaking nakahawak sa akin, "The Alzini's Senyora," saad ng lalaki nang makita siya.
"Do you think we could hurt someone so important between the two of us?" sarkastikong tanong nito na binitawan naman ako kaya nagkatinginan kami ni Senyora.
"We could work together, Senyora. You know that the army is hunting both of us, right?"
"We don't need anything from you, so back off," sagot ni Senyora.
Napatingin naman silang dalawa sa tauhan ng lalaki nang itapat niya ang baril nito kay Senyora, "Wrong move, badass," bigla na lang ding sumulpot si Xenia na itinapat ang baril doon sa tauhan ng lalaki.
Nakakapagtaka lang din dahil walang tao na dumadaan kaya walang nakakakita sa nangyayari, "Surrender. You're already surrounded, Alzini de la Alpha. My men are all around this place, waiting for my command," saad ng lalaki.
"Oh come on, don't turn this place into a bloody hell. We are not in the war field," pagbabanta ni Senyora habang nagkakatapatan sila ng baril at sumilay din ang masamang pagngiti nito.
Her other side.
"Of course we can talk about that, Senyora. Serenity must have enjoyed her stay in your mansion. It's time to let her stay with us too, right?" tinignan pa ako nito habang matatalim na tingin ang ibinibigay ko sa kanya.
Ano ba talagang kailangan niya sa amin? Lalo na sa akin?
"The general's daughter... " saad pa nito. Diretso naman ang tinginan nilang dalawa ni Senyora, "In exchange of your lives."
"No, she's only for Alzini," diretsong sagot ni Senyora.
"Really? Don't tell me, she's under the authority of Ali?"
"Don't you ever mention even one of my family," pagbabanta ni Senyora.
"Ali haven't yet introduced himself, right?" tanong naman nito sa akin, "And why do you care?" sagot ko pabalik. Ano ba talagang gusto niya? Nila?
Inilahad naman nito ang kamay niya sa akin kaya napatingin ako doon, "Liam Ignatius Ardizzone... heir of El Nostra's third generation."
It was like a history when our eyes locked with one another, it was like a locket- there's the key of moment and truth where all lies were buried deep within the hole.
Diretso ang tinginan namin kaya ibinaba nito ang kamay niya, "She despised death with thorns yet wanted it just like having a brightly coloured wings. Little did they know that the grim reaper had Judas' rope been equipped." saad nito habang nakatingin sa akin.
Kalmado niyang sinasabi ang mga katagang 'yon at ibinalik ang tingin kay Senyora para muling ngumiti ng masama.
Little did I know too, that it was the beginning of something unpredictable, a complete labyrinth... a history of promises stepped back in time.
Continua....