Chapter 19 - Capítulo dezessete

"Ang ganda girl," napatingin ako kay Xenia kaya natigilan siya habang inaayusan ako. And yep, today is the day or should I say, my husband's special day? I've been longing for this day to come para muling mabuhay ang isang taong matagal na nilang pinatay. I guess, this so-called family of mine really wants to catch everyone's attention tungkol sa gagawin nilang dahilan ng pagkawala ko.

I've been craving to hear what kind of lies they are going to spill out in front of the public. Hindi na ako magtataka kung babaligtarin nila ang sitwasyon at ipapamukha sa lahat na ako ang mali just to maintain their good public image. Wala naman silang ibang inisip kundi ang sarili nila at kung ano ang iisipin ng mga tao sa kanila. They can do anything just to maintain their status, funny isn't it?

Kasalukuyan akong nakaupo sa harap ng salamin dahil si Xenia ang nag-aayos sa akin. Hindi ko nga alam na marunong pala siyang mag-ayos sa kabila ng pagiging malakas niya sa pang-aasar. Ibang klasi rin ang babaeng 'to, "Oh? Bakit ganyan ka makatingin sa akin?" saad nito kaya sinamaan ko siya ng tingin at muling tinignan ang sarili ko sa salamin.

"Ewan ko sa'yo," pagsusungit ko dito dahil magmula pa kanina, hindi na niya ako tinigilan sa mga kwento niya na kung anu-ano. Actually nakakarindi na nga siya but on the other side, may parte sa kanya na nakakatawa. Kapag kausap mo siya, parang nakakalimutan mo na lang lahat ng problema mo for a second.

"Hindi kita nakilala girl, ang ganda mo kasi," sambit pa niya na muli akong inayusan kaya napapikit ako.

"Talaga ba?" sarkastikong sagot ko dito. They said that you should have self-esteem but when it comes to Xenia? Tsk! This girl? She's too proud of herself.

"Oo kaya. Look, dahil sa akin sobrang ganda mo na," iminulat ko naman ang mata ko at kumikinang pa ang mata nito habang nakatingin sa akin. See? Too proud. Uh whatever!

"Are you sure na hindi mo talaga aalisin ang suot mong contacts?" tanong pa niya na ikinatango ko.

"Yup, ito na lang muna ang gagamitin ko ngayon, baka makilala pa nila ako kapag suot ko 'yung sinusuot ko date, at mas makikilala ako kapag wala akong isinuot na contacts." Buti na lang at nakabili ako ng bago noong nagpunta kami ni Terrence sa mall.

"Sayang naman girl. Bakit ba kasi hindi mo na lang alisin, ang ganda pa naman ng mata mo?" malungkot na saad nito. Parang bata kung makasimangot.

"It will just get their attention especially my husband which should not happen, Xenia."

"Sino bang husband ang tinutukoy mo?"

"May iba pa ba akong asawa bukod kay Philip ha? Ano bang tingin mo sa akin?" diretso ko naman siyang tinignan.

"Hindi naman kasi 'yon ang tinutukoy ko. I mean si Master yieeeeee!" pang-aasar niya na aktong hahawakan ako sa baba kaya hinawi ko ang kamay niya. See? Ang lakas ng trip.

"Pwede ba kahit ngayon lang huwag mo muna akong asarin?" iritang tanong ko.

"Oo na po," nagseryoso naman siya at muli akong inayusan kaya napapikit ako.

"I was just curious why you were wearing contacts all this time? Bakit ayaw mong ipinapakita ang mata mo, ang ganda kaya," saad pa niya.

"It's not beautiful, so why bother?" sagot ko naman. Kahit kailan, hindi ako nagandahan sa isang bagay kung saan sila nagagandahan sa akin that's why I had to divert the topic into something else.

"Marunong ka pa lang mag-ayos, eh bakit hindi mo ayusan ang sarili mo?" tanong ko. Anu-ano naman kasing pinaglalalagay niya sa mata ko eh sinabi na rin niya na maganda na daw, bakit niya pa kasi dinadagdagan pa?

"Nag-iisip ka ba girl? Nagtratrabaho ako as an accountant sa office ni Master, I should look presentable sa harap niya kaya bakit ko naman aayusan ang sarili ko? Besides, maganda na din naman ako naturally... and I already did that once," iminulat ko ang mata ko kaya muli siyang natigilan.

"And what happened? Nagawa mo na pala date?" tanong ko dito.

Ipinatong niya ang hawak niyang brush sa lamesa at sumandal doon. Nagkibit-balikat siya na tila iritang-irita sa tanong ko, "What? Nagtatanong lang naman ako."

"That's exactly the reason. Nagawa ko na date kaya hinding-hindi ko na uulitin pa. Tsk! Masyado naman kasing ma-attitude si Master eh," sambit pa niya na napatingin sa kung saan, "May nangyari ba?" napatingin naman siya sa akin.

"Nag-ayos ako noong first day kong pumasok sa kanya and he told me that I looked like a freak*n clown," bigla akong natawa sa sinabi niya kaya sinamaan niya ako ng tingin, "Seriously?" tanong ko pa habang pinagtatawanan siya.

"Mukha ba akong nagbibiro? He could even see me as a clown eh hindi naman nga makapal ang pagkakamake-up ko noon. Uhh! Kung hindi ko lang talaga siya Master, pinatulan ko na siya," halatang inis na inis siya habang sinasabi 'yon dahil sa itsura nito habang natatawa naman ako kaya sinamaan niya ulit ako ng tingin, "Sige lang. Pagtawanan mo pa ako, tignan natin kung hindi ka rin niya ganyanin mamaya kapag nakita ka niya. Haha!" pang-aasar niya kaya natigilan ako sa pagtawa.

"What did you just say?"

"Kaya nga kinakapalan ko make-up mo para pagsabihan ka niya eh," kasabay noon ay ngumiti naman ito ng malapad kaya tumayo ako at inihagis sa kanya ang brush na hawak niya kanina.

"Ah kaya pala kahit kanina pa ako nakaayos, wala kang tigil na maglagay ng kung anu-ano sa akin?" sakto namang nasalo niya 'yon kaya napatingin siya sa akin, "Eto naman napaka-bitter. Nagbibiro lang naman ako, attitude girl?" saad pa niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Bigla naman siyang pumunta sa likuran ko at ipinatong ang mga kamay sa dalawang balikat ko. Iniharap niya ako sa salamin kaya napatingin ako sa sarili ko mula doon, "Ikaw naman haha. Pinapasaya lang kita. I know you've been through a lot especially sa ginawa ng family mo sa'yo."

"Pamilya ko nga ba talaga sila?" out of nowhere, bigla ko na lang naitanong ang bagay na 'yon. Parang nag-iinisan lang kami kanina, pero ngayon nararamdaman ko nanaman ang galit at lungkot.

Naramdaman ko pa ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa akin, "Yes, Gale. They are still your family... but a real family can't do something like that to you," napalingon naman ako sa kanya dahil sa sinabi nito, "That's why you have to show them kung sino ang sinayang nila. Show them what you can do and what they have made you to be," nginitian niya ako kaya napayuko ako.

"If you think that you're alone, well in this battle you're not alone," muli naman akong tumingala at ngumiti, "I know," niyakap niya ako kaya ganon na rin ang ginawa ko. Hindi ko alam kung bakit pero ganito pala kagaan sa pakiramdam sa tuwing may nakakaintindi sa'yo sa lahat ng bagay.

I've been longing for someone to fully understand me even without telling them how I really feel at sa tingin ko ay ito na 'yon. Lumayo si Xenia sa akin habang nakangiti, "Thank you, Xenia."

"Para saan?" pagtataka naman nito kaya hinawakan ko ang kamay niya dahilan para mapatingin siya doon, "Kahit ilang araw pa lang tayong magkakilala, ang gaan na ng loob ko sa'yo. Kahit hindi tayo ganon ka-close, nandyan ka palagi para pasayahin ako. Kahit papaano nakakalimot ako sa tuwing nandyan ka. Although kahit na nakakairita ka minsan, ang saya mo pa lang kasama," sabay tawa ko.

Napasimangot naman siya sa sinabi ko sa bandang dulo ngunit ngumiti rin ulit, "Kikiligin na sana ako kaso bakit meron ka pang sinabing hindi kaaya-aya? But at least, you were honest. Yieee friend na talaga kita!"

"So... can we be more than friends?" alam kong masyadong maaga para sabihin sa kanya 'to pero sa tingin ko naman, isa siyang mabuting kaibigan at maaasahan.

"Grabe ka naman, bakit hindi mo agad sinabi sa akin na may balak ka pa lang ligawan ako girl? Oh my god, ganon na ba ako kaganda para mafall ka agad sa akin?" mahina ko namang hinila ang buhok nito kaya napahawak siya doon, "Aray!"

"Baliw ka talaga! Hindi naman kasi 'yon ang ibig kong sabihin. I mean, bestfriends," paglilinaw ko. Isa lang 'to sa mga magiging problema ko sa babaeng 'to.

"Ah 'yon pala haha. Of course, why not! We can be bestfriends and even more than bestfriends if you want," pang-aasar nito pagkalayo niya sa akin kaya napailing na lang ako at napangiti.

"Ang lakas talaga ng tama mo," saad ko, "Malakas ang tama sa kanya?" dagdag pa niya kaya nagsalubong ang kilay ko, "Kanino?"

"Wala, wala haha," sagot niya na hindi ko na lang pinansin. Napatingin naman kami sa pintuan nang biglang kumatok at pumasok si Blue, "Miss Gale, dumating na po ang susuotin ninyo. Magbihis na raw po kayo pinapasabi ni Senyora," napatingin kami sa dalawa niyang kasama na may bitbit na dalawang kahon at ipinatong sa kama. Pagkatapos ay lumabas na rin silang tatlo. Bago 'yon ay nginitian pa ako ni Blue. Akala ko nga hindi niya ako papansinin.

"Ang bilis ng oras. Kailangan ko na palang magbihis." saad ko na kinontra ni Xenia, "Okay lang 'yan. Paniguradong late din naman kayo aalis."

"Pwede ba 'yon?" pagtataka ko.

"Of course, lalo na't si Master ang kasama mo."

"Anong konek?"

"Girl, kung kilala mo lang talaga si Master. Paniguradong magpapalate 'yon sa party, especially sa party pa ng husband mo."

"Bakit naman?"

"Ang dami talagang tanong," lumapit siya sa kama at binuksan ang kahon. Kinuha niya ang laman nito kaya bumungad sa amin ang isang kulay itim na long gown. It was made with long sleeves kaya magiging komportable ako. I never had the chance to wear decent clothes when I was still with Philip. Actually, kanina pa ako nakabihis at paulit-ulit lang akong inaayusan ni Xenia kaya mukhang hindi pa kami tapos. Nilapitan naman niya ako habang hawak-hawak 'yon.

"Gusto kasi ni Master, kayo ang huling dadating para center of attention," bigla naman niyang tinakpan ang bibig niya, "Hala! Huwag mong sasabihin sa kanya na sinabi ko ah, baka putulan niya ako ng dila."

"Bakit naman center of attention pa? Hindi ba niya naisip na baka may makakilala sa akin kung ganon ang mangyayari?" obviously, when you say center of attention, everyone will be looking at us which must not happen dahil mas malaki ang posibilidad na makilala ako agad ng iba.

"No worries, girl. You just have to trust him and yourself. If you really want this plan to work, you have to trust one another. Oh suotin mo na," napatingin ako sa damit nang ilahad niya 'yon sa harapan ko.

Aktong kukunin ko naman ay inilayo niya sa akin, "Huwag na pala. Tulungan na kita," nginitian niya ako bago pumunta sa likuran ko.

It was just a simple black long gown na walang kahit na anong kolorete. Madali lang itong suotin dahil sinusuot lang 'yon na tila isang pandoble. Well, that was the real purpose of it. Isinuot ko muna 'yon sa kanang kamay ko bago sa kaliwa. Pumunta naman si Xenia sa harapan ko para ayusin ang pagkakatali ng ribbon nito... para na rin sumakto sa katawan ko hanggang sa tignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Perfect," humarap ako sa salamin para tignan ang sarili ko hanggang sa mapabuntong-hininga na lang dahil sa kaba. It was like I am a lady in black. Black accessories, dark make-up, porcelain skin in a black gown. Xenia even made my eyes smokey and did the updo hairstyle. Honestly, ang galing niyang mag-ayos. It was like my make-ups' theme was bold and braver yet innocent inside.

I can't even explain, just excellent work.

"Ano ka ba? Huwag kang kabahan, mas lalo ka lang mahihirapan nyan. Relax okay?" sambit niya kaya tinignan ko siya sa salamin dahil nakatayo siya sa gilid ko.

Tumango ako at nginitian siya hanggang sa lumapit siya sa lamesa na nasa tabi ng kama na tila biglang may naalala, "Oh wait! Baka makalimutan mo," iniabot ko naman mula sa kanya ang isang kulay itim na pouch na medyo may kalakihan, "Huwag mong kalimutan ang lahat ng itinuro ko so that they won't be able to recognize you at first, okey?" saad pa niya na ikinatango ko.

"Yes."

"Nandon rin naman ako, pero baka hindi na tayo magkita. Medyo late na rin naman kaya paniguradong aalis na kayo," saad pa niya na tinignan ang suot nitong relo.

"Hindi ka ba sasabay sa amin?" tanong ko.

"Ano ka ba? Kitang-kita mo naman ang outfit ko, tingin mo ba pupunta ako ng ganito sa party? Syempre aayusan ko rin naman ang sarili ko pero mabilis na lang 'yon. Susunod na lang kami sa inyo. No worries about me."

"Sigurado ka? Kung maaga pa, hihintayin ka na namin."

"Girl, 8 pm ang start ng party ng dear husband mo. Ano ng oras? It's already 7:56. Kaya bumaba ka na, paniguradong aalis na kayo ni Master dahil late na rin naman."

"Miss Gale, pinapatawag na po kayo sa baba," sakto namang narinig namin si Blue mula sa labas ng kwarto.

"Go, Gale. You can do this," saad ni Xenia kaya tumango ako at nginitian siya, "Sige. See you there, Xenia."

Lumabas naman ako sa kwarto at dahan-dahang sumilip sa baba. Tumambad sa akin ang mga tauhan na nakapampormal na suot. I was informed na kasama sila hanggang sa loob ng party pero hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin nila dahil sa pagkakaalam ko, ako lang halos ang makakagawa ng plano.

They might have another agenda than ours.

Isa-isa ko silang tinignan at natanaw ko si Senyora na galing sa labas ng mansyon at naglalakad papasok. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makita ko ang paglapit sa kanya ng anak niya kaya nalipat dito ang atensyon ko.

Inayos pa ni Senyora ang neck tie na suot nito habang nag-uusap silang mag-ina. Kitang-kita ko kung paano ngumiti ang anak niya kaya napatitig ako dito. Tila isa siyang napakaganda at napakabait na nilalang dahil sa inosenteng mukha at ngiti nito... kahit na isang matipid na ngiti lang ang ibinigay niya sa nanay niya.

Pagkatapos niyang ayusin ang damit ng anak ay inilibot nito ang tingin sa paligid hanggang sa mapatingin siya sa direksyon ko at ngumiti, "Gale, what are you doing there? Come down here," napatingin din sa akin ang anak niya kaya umiwas ako ng tingin.

Dahan-dahan naman akong bumaba ng hagdanan lalo na't matagal na rin simula ng huli akong makapagsuot ng five inch na heels. Maingat akong bumaba habang nakatingin sa hagdanan dahil baka bigla akong matapilok at nakakahiya pa kung mapanood nilang mangyari 'yon.

Pagkababa ko naman ay sinalubong ako ni Senyora ng yakap at mabilis ring lumayo sa akin, "Look how stunning you are, Gale. It's impossible that no one would notice your presence no matter how hard you try to avoid the situation," ngumiti naman ako nang tignan ako ni Senyora mula ulo hanggang paa.

"Does it still hurt?" tanong niya na hinawakan ang magkabilang-balikat ko. Nakuha ko ang ibig niyang sabihin kaya umiling ako, "Ayos na po ang sugat ko, Senyo— " bigla ko namang naalala ang sinabi niya sa akin, "T-tita," lumapad naman ang ngiti niya at tumango.

"I see. Good to know about that. Just stay close to the plan and you can do this, okay? Trust yourself this time," tumango naman ako.

They were all giving me comforts magmula pa kaninang umaga and I find it somehow helpful dahil nawawala ng konti ang kaba ko. It's just unbelievable that people like them encourage me a lot unlike my own family.

Kinuha niya ang kamay ko kaya napatingin ako dito. Iba ang ngiti ni Senyora sa akin bago niya ako hinila papalapit sa anak niya. I don't even know why is she doing this. Tinignan ako ng anak niya kaya umiwas ako ng tingin.

You don't even have an idea how hard my heart beats right now at this moment. Bakit ko ba 'to biglang naramdaman?

"You can do this together. I trust the both of you," saad pa ni Senyora na biglang binitawan ang kamay ko hanggang sa maglakad siya paakyat kaya tinignan ko siya, "S-saan po kayo pupunta?" sa sobrang kaba, hindi ko na rin alam kung bakit 'yon pa ang tinanong ko.

Napatingin naman ulit ito sa akin, "I can't go there. There's nothing to be afraid of, honey," nginitian niya ako bago tuluyang tinalikuran. Napansin ko naman na nakatingin pa rin sa akin ang anak niya kaya umiwas nanaman ako ng tingin. Ano bang problema niya at nakatitig siya? He looks at me way different. Mas nakakakaba... tulad pa rin ng date.

Napalunok ako nang maramdaman ko na lang na may humawak sa kamay ko kaya biglaan akong napatingin dito. Dahan-dahan niyang hinawakan 'yon at iniangat, tila manigas na rin ako sa kinatatayuan ko nang halikan niya ito habang nakatingin sa akin. Pagkatapos niyang gawin 'yon ay tinapatan niya ako sapat na para magkatitigan kami, "Que encantadora eres, amoure," mahinang sambit nito na nakapagpagulo sa akin.

I was about to speak pero nakita ko na lang ang pagtalikod niya hanggang sa mapansin ko na nakasunod na pala ako sa kanya dahil hawak niya pa rin ang kamay ko. He had his steps a little bit slow than normal dahil na rin siguro sa taas ng heels na suot ko. Napatingin ako sa kamay niya na nakahawak sa kamay ko as if they were intertwined unintentionally.

Paglabas namin sa mansyon ay nakaabang lahat ng tauhan nila doon kaya nagsiyukuan sila nang dumaan kami. There was a black car waiting ahead of us. Pagkalapit namin doon, tumigil siya at hinarapan ang mga tauhan, "Gentlemen, please prepare yourselves and enjoy the party as we only have a little bit of time. We're gonna have to play a little game," nagsiyukuan naman ang lahat hanggang sa sumakay sila sa mga kanya-kanya nilang sasakyan.

Napansin ko na bukod sa sasakyan na nasa harapan namin ay may isang itim na sasakyan sa likuran at harapan nito. Nang makapasok silang lahat sa mga sasakyan ay kami na lang dalawa ang natira. Lumabas ang nasa driver's seat ng sasakyan sa harap namin at aktong pagbubuksan ako ng pintuan ay natigilan siya, "Go back," saad ng kasama ko dito kaya mabilis itong bumalik sa loob.

Tinignan niya ako hanggang sa siya na mismo ang nagbukas ng pintuan, kahit nabigla ako sa lahat ng ginagawa niya, pumasok na ako para naman hindi siya matagalan. Baka ano pang masabi niya sa akin. Ngunit natigilan ako sa pagpasok nang hawakan niya ang braso ko dahilan para tignan ko siya, "Serenity, el marido," mahinang saad nito.

Katulad pa rin siya ng date, serious yet dark. Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot sa paraan na kung paano niya ako tignan o mahiya dahil sa ginagawa niya. I mean, he's too gentleman above all things but still too scary to face.

"What?" tanong ko.

"That's what you're going to call me at the party," sandali akong napaisip hanggang sa bitawan niya ako, "Just do as I say," aktong magtatanong pa ako ay 'yon naman ang ibinungad nito sa akin kaya napatango na lang ako at umupo sa loob. Isinara niya ang pintuan at pumunta sa kabilang banda para pumasok.

Dalawang lalaki naman ang nakaupo sa harapan namin, "Master, we need your permission," magalang na saad ng isa pagkapasok nito.

"Vamos, senhores," sagot nito bago tuluyang umandar ang sasakyan.

Continua...

"Que encantadora eres, amoure."

(How lovely you are, my love.)