Chapter 20 - Capítulo dezoito

"May I know the exact location of the party?" I asked without even taking a glimpse of him. Diretso ang tingin ko sa labas ngunit natanaw ko siya na sandaling lumingon sa direksyon ko.

"La Vista Seville de Manila," napatingin ako sa kanya dahil sa itinuran nito lalo na't hindi ko inaakala na sasagutin niya ang tanong ko. I don't even know why do I feel like this.

I don't feel comfortable at all. Dahil ba sa takot na nararamdaman ko sa kanya bunga ng pananakot niya sa akin noon?

Tumango na lang ako at ibinalik ang tingin sa labas. How I wish to roam freely while gazing at the street lights every night. Sa ngayon, hindi ko alam kung ano ang patutunguhan ng lahat ng 'to. Once this family rejects me, truly I have nowhere to go. Hindi ko na lang ma-imagine ang sarili ko na pakalat-kalat sa daan habang naghihintay ng sasalo sa akin.

Guess what? No one would ever do that. Siguro nga, patapon talaga ako kaya hindi pinapahalagahan unless needed.

"I thought the party will start at exactly 8 pm. Papapasukin pa ba nila tayo? It's already time," nagawa ko namang tumingin muli sa direksyon nito. Nakaharap siya sa bintana, nakasandal sa inuupuan nito at nakapikit na halatang pagod na pagod dahil galing sa trabaho.

Bakit ba kasi pinilit pa niya? Wait, why the hell do I care?

"Are you that excited to see your husband?" iminulat niya ang mata at tumingin sa akin kaya umiling ako especially, when a smirk appeared on his face, "You think so? I'm just concern about the time," sagot ko.

"They won't dare to start the party not unless we're already there."

"As far as I remember, hindi naman ikaw ang may party. It's the Senator's party so— " paglilinaw ko nang mapaatras naman dahil bahagya siyang lumapit sa akin, "We're special guests, Serenity."

"Since how many times your husband conducted a grand party like this?" sandali akong napaisip sa tanong niya, "We attended several parties but not his own party and if it was his party, it wouldn't be this huge. Ngayon niya lang ba ginawa 'to?" wala sa sariling tanong ko na napatingin sa kung saan.

Umayos siya ng upo at inayos ang suot nitong coat, "He's the main celebrant yet my presence is the real purpose of the celebration," saad pa niya. Hindi ko rin maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin.

"What do you mean by that?"

"Find out once we get there," sagot nito kaya ilang segundo rin akong nakatitig sa kanya na seryoso naman ang tingin sa labas. Parang wala na rin kasi siyang balak na magsalita pa kaya sumandal ako at ibinalik ang tingin sa labas. Napapikit na lang ako dahil paniguradong mahaba-haba pa ang byahe.

...

Napamulat ako nang maramdamang may humawak sa braso ko. Iniayos ko agad ang upo dahil sa pagkabigla hanggang sa matanaw ko siya na nasa tabi ko pa rin tulad kanina at nakatingin sa akin, "We're here," saad nito.

He was still serious but he seemed different when I saw him smiling earlier habang kausap si Senyora. Though it was just a bit of smile, there was a sudden change, does his attitude affect the ambiance that much?

"I-i'm sorry," hinanap ko naman ang pouch ko para kunin dahil hindi pwedeng makalimutan ko 'yon, "It's fine. You'd be needing the energy either but you can rest all you want later once we get home," napatitig naman ako sa kanya dahil sa sinabi nito.

"Home?" huli na ng mapigilan ko pa ang bibig ko sa pagtatanong dahil sa pagkabigla.

"Why? You have nowhere but the mansion as your only home," napansin ko rin na nakamaskara na siya ngayon. Kulang na lang ay tumalon ako papalabas ng sasakyan nang lapitan niya ulit ako at biglaang isinuot ang isang maskara sa akin. Sobrang lapit niya sa akin habang itinatali ito sa likuran ng buhok ko kaya napayuko na lang ako. Maski ang paghinga niya ay nararamdaman ko.

Is this really true that he's too gentleman o baka pati 'to pagkukunwari lang din?

Kung totoo man, pareho sila ni Terrence. Gentleman yet too hard to read. Maayos niya akong tinignan pagkatapos niyang itali 'yon. I also had to adjust my mask para makakita ng maayos. I was able to have a glimpse of it bago niya pa man maisuot sa akin kanina that's why I could say that we're both wearing a black masks.

There was just a difference because my mask had a black feather on its side while his mask was just a plain one.

Napatingin ako sa likuran niya nang buksan ng isa sa mga tauhan nito ang pintuan ng sasakyan kaya tinalikuran niya ako at lumabas. Susunod na rin sana ako pero hindi ko naman mabuksan ang pintuan sa tabi ko hanggang sa siya na ang kusang nagbukas nito. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang lumabas ng sasakyan. Suddenly, I felt amazed because of the view.

There was a fountain at the middle consisting of various lights deep down. I could even hear the soothing sound of the water... at ang sariwang hangin na sumalubong sa akin. Napapalibutan ang buong lugar ng mga ilaw hanggang sa mapatingin ako sa harap kung saan nagsisipuntahan ang iba pang bisita pero wala ng gaanong tao dahil paniguradong nasa loob na ang lahat.

We were actually late.

Hindi ko rin nakita ang mga sasakyan ng tauhan niya na nakasunod sa amin kanina. Tanging ang sinasakyan namin ang pinakahuling dumating at umalis din agad ito pagkababa naming dalawa. The garden theme outside is actually wonderful, at sa inaapakan ko mismo ay isang red carpet papunta sa entrance ng venue na nasa mismong harapan namin. It's really a place where they hold huge parties.

A lone place, yet shining.

"Nathan Wyatt Radcliffe," napatingin ako nang magsalita ito.

"That's my undercover name as a business man," tumango ako nang makuha ang ibig niyang sabihin, "How about me? You can't call me by my real name, right?" tanong ko nang maalala ang tungkol sa bagay na 'yon. Hindi maiiwasan na kakausapin rin ako ng ibang bisita lalo na't alam kong kilala siya ng lahat dahil sa reputasyon na meron siya.

I just want to know what name should I introduce myself. I know it's weird though, because I don't know my name now being with him.

"You don't have to speak. I will speak on your behalf. As for my wife, you're quite shy but a sweet one so keep the best act that you can do."

If he's wanting for a wife with that kind of characteristics, paanong naging sila ni Erin? She doesn't seem shy nor sweet.

Bigla ko lang naman kasing naisip kahit na hindi ko na dapat isipin pa. Naalala ko naman si Erin kung bakit hindi niya kami pinigilan, paniguradong kukulo nanaman ang dugo niya sa akin dahil sa pagseselos lalo na ngayon. Naiintindihan ko rin naman kung bakit siya magagalit sa akin. Paniguradong kahit sino naman magseselos lalo na kung ganito ka-gentleman ang asawa nila sa kahit na sinong babae.

Muling nalipat ang atensyon ko sa kasama ko nang hawakan niya ako sa baywang bago naglakad kaya muli akong nakaramdam ng kaba lalo na nang dumikit ang katawan ko sa kanya. Napatingala ako nang tumigil kami sa harap ng dalawang naglalakihang pintuan at nakuha ng mga salitang nakalagay sa itaas ang atensyon ko...

'A Las Mascarada Grand Ball'

Hindi na ako magtataka dahil alam ko naman na masquerade party talaga ang gusto ng magaling kong asawa. That's exactly the theme of the party kaya malabong may makakilala sa akin not unless tatanggalin ko ang maskara na suot ko.

Napansin ko rin na wala ng ibang tao sa labas bukod sa amin. He really planned all of this. He wants center of attention and exactly from that moment...

Kusang bumukas ang dalawang malalaking pintuan sa harap namin kaya nakita namin ang mga kaganapan sa loob. May nagsasalita sa harapan hanggang sa matigilan ang lahat at mapatingin sa direksyon namin.

"Look who has came to steal the spotlight. The most prominent Mr. Nathan Radcliffe, of course with his very lovely partner," saad ng lalaking nasa harapan habang hawak ang mic. Nagpalakpakan naman ang mga bisita habang nakatingin sa direkyon naming dalawa. Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa gitna habang pinipilit kong kumalma. I don't even have an idea what's the next move, basta sumusunod lang ako sa kanya.

"And because of their surprising presence here at the Senator's special day, I almost forgot to inform all of you that in a few minutes, we're about to start the party. So please, enjoy yourselves once again."

I looked at him while we were having our steps at the middle kaya bahagya siyang lumapit sa akin, "Is this what you were talking about earlier... that your presence is the main purpose of the celebration kaya ba sinadya mong magpalate dito sa party?" tanong ko kaya isang masamang pagngisi ang ibinigay niya sa akin.

"The CEO of the new NR Businesses! I've been wanting to meet you for a long time, Mr. Nathan Radcliffe!" nabaling ang atensyon naming dalawa sa isang babaeng sumalubong sa amin. She was also wearing a long black gown since it was the theme of the event. Her one hand was even holding a glass of wine firmly.

I couldn't recognize her dahil na rin sa suot nitong maskara pero halatang matanda siya ng konti sa akin. She also had feathered coat which made her gown adorable and stunning in the middle of the party. Napansin ko rin na nakatingin sa kanya ang ibang mga bisita na halatang nakukuha niya ang atensyon nila. If you were going to remove her masks, definitely everyone will be staring at her.

"Natasia," inilahad nito ang kamay niya at kahit nakamaskara ay pasulyap-sulyap sa akin. Naramdaman ko na lang ang paghigpit ng pagkakahawak ng kasama ko sa aking baywang kaya halos dumikit na ng tuluyan ang katawan ko sa kanya, "It's a pleasure to meet you, Miss Natasia... ?" sabay ngiti niya sa babae.

"Caeldburg. Natasia Caeldburg," dagdag pa ng babae. One of the factors why she's getting a lot of attention is because of the silver luxuries coating her whole body. Honestly, ngayon ko lang siya nakita and what might be her connection with Philip and my dad?

"It's a pleasure? Yet you're trying to deny me, aren't you?" sinulyapan nito ang kamay niya kung saan hindi pa rin nakikipagkamay sa kanya ang kasama ko.

"I'm very much sorry to offend you, Miss Natasia. But I am already married and I promised not to touch 'just any other woman' other than my wife, right amoure?" hinarapan ako nito kaya ngumiti ako at tumango.

Well, I think the show must begin.

"Wait? Did you just call me, 'just any other woman'?" she even asked seemingly so offended with the way of how my partner responded.

Ipinalupot ko naman ang dalawang kamay ko sa braso niya at malapad na ngumiti sa harap ni Natasia, "Well Miss Caeldburg, I'm not sorry if my husband has offended you in any way. You're beautiful and you have everything that any woman wishes to have, hence you can flirt with everyone but not with my husband especially when I am right here. Hindi ka naman siguro bulag, hindi ba?" sarkastikong saad ko na nginitian siya ng masama.

With the way how she looks at him with her freaking seductive voice? Come on, don't lie, eyes never lie.

"Excuse me, you think I am flirting with your husband?" paglilinaw nito.

Tinignan ko pa ang paligid at nakitang abala ang mga bisita bago ibinalik ang tingin sa kanya, "Bakit, hindi ba?"

Dahil doon, pinagtaasan niya ako ng kilay, "How dare you accuse me? Unbelievable! You know what? Let's just talk again some other time Mr. Radcliffe, when you're wife is not around," nilagpasan niya kami ngunit natigilan siya sa tapat ko. She took a sip from her wine na ang sarap itapon ngayon sa kanya. Kung hindi ko lang kailangang magtago, hindi ko aatrasan ang isang 'to.

Pagkatapos niyang uminom mula doon ay tinignan niya ako, "Words already came out of your mouth. Ikaw na rin ang nagsabi na lahat ng gusto ng isang babae, nasa akin na... and so do gentlemen. Then shall I predict na pati ang asawa mo, kaya ko ring kunin mula sa'yo?" masama niya akong nginitian kaya tinapatan ko siya.

"Then let me ask you, do you even know how to plant a bullet in someone's head?" tanong ko sapat na para magtaka siya. Binitawan ko na ang kasama ko para harapan siya at ayusin ang coat na suot nito, "If you don't, then better stay away from him or else bago mo pa man magawa ang balak mo, nataniman na kita ng bala sa ulo mo. Never underestimate me, do you understand? I'm not just his wife for no reason," at diretso ko itong tinignan.

Napansin ko na lang na nanginginig na ang kamay nito at tila mabibitawan ang wine na hawak niya.

"You might have everything but there's only one thing that you don't have... and that thing is only mine to possess," muli ko siyang binigyan ng isang masamang ngiti hanggang sa maramdaman ko naman ang paghila sa akin ng kasama ko papalayo sa kanya.

"I told you to act wisely but I don't remember saying to argue with anyone here," pahayag niya at halos nagbubulungan na lang kami para lang walang makarinig.

"Don't you even have an idea that what I did was part of being a wife?"

"But did you even do that with your own husband?" bigla niya akong hinarapan kaya natigilan kami sa paglalakad, "You even hardly pushed him to any woman, right?"

Inilipat ko ang tingin sa likuran niya nang mapansin kong bumukas ang pintuan sa gilid. There I saw my 'loving' husband and family or should I say the ones who killed me?

"Because he simply doesn't deserve to be loved," saad ko habang nakatingin pa rin sa kanila kaya nalipat naman sa kanila ang atensyon niya. Nagsilapitan sa direksyon ng magaling kong pamilya ang mga bisita.

I couldn't help but to feel anger, seeking revenge against them... though I find it really wrong.

Simula nang mapunta sa kanila ang atensyon ko, hindi ko na rin alam kung sinu-sino ang lahat ng nakausap ng kasama ko dahil abala ako na panuorin ang kasiyahan nilang pamilya, "Serenity, there's time for that," bulong niya kaya napatingin ako dito.

"Pay attention to everything around you... " tumingin naman siya sa gawi nila Philip bago ako tinignan, " Not just to them," dagdag pa niya na ikinatango ko na lang. Sakto naman na muling may lumapit sa amin para batiin siya. And just like what he said to me, hindi ko na piniling magsalita pa dahil siya naman halos ang binabati ng lahat. Napapansin ko rin na panay ang pagsulyap sa kanya ng ibang babae na kulang na lang ay magpakamatay para lang makalapit sa kanya.

Businessmen and those who belong to politics do obviously want to have a long conversation with him. So ito pala ang pinagmamalaki niya kanina tungkol sa purpose ng party... it's all about him, to get his attention.

Little did they know kung sino talaga siya and so do I.

"The new sole owner of a former business corporation, from corporation to sole proprietorship... maybe you would like to have me buy shares from your company, Mr. Radcliffe?" tanong ng isang lalaking may edad na, na kakalapit lang sa amin. Kasama rin nito ang isang may edad na babae na halatang asawa niya.

"That's a pleasure to hear but no thanks sir. As you have said, as a sole owner I'd like to keep it that way. No more, no less," sagot niya.

Lumapit naman ang matanda sa kanya, "Would your decision still be constant when I demand for your support for this coming election?" bulong nito sa kanya at ngumiti ng masama bago lumayo. Muli ko namang naramdaman ang paghigpit ng hawak nito sa baywang ko kaya napalapit nanaman ako sa kanya as if I'll be gone beside him. Ano bang problema niya?

"If you're deserving from any others, why would I reject supporting you, sir?"

"That's why I like this man," natutuwang saad ng lalaki sa asawa niya, "I'll be expecting that," ngumiti ang matanda at napatingin sa amin bago nila kami tinalikuran kasama ang asawa nito.

"You really think he's deserving?" tanong ko.

"Did I ever mention that he deserves it?"

"Well I just thought you think so too."

"Pero buti naman at walang nakakahalata dito na hindi ako si Erin?" bulong ko pa sa kanya.

"I am a business man here. My identity in the society is different from my identity in underground society."

"So the underground knows na si Erin ang asawa mo, pero dito hindi?"

"Everybody here knows that I have a wife but they don't have any idea whom. So from now on, you have to pretend since you have been introduced to them."

"I see, so I'm actually safe," napatango naman ako sa isinagot nito, "Wait! What?!?" gulat ngunit pabulong kong tanong.

"Ang akala ko ba ngayon lang?" dagdag ko pa.

Did I just hear right?

Mas lalo kaming nagkatapatan nang hawakan nito ang magkabilang-braso ko, "Since you have been pretending well, you're more than deserving. You're my wife as I am a business man, understand?" paglilinaw niya.

"This is not included in the plan. Do you even have an idea kung anong mararamdaman ni Erin sa ginagawa natin ngayon dito? And yet you're telling me to be your— "

"You're thinking for yourself as a mistress, isn't it?" natigilan ako sa sinabi niya nang lumapit ito at bulungan ako kasabay ng pagbaba ng mga kamay niya.

Ramdam ko pa ang paghinga nito sa mismong tainga ko dahil sa sobrang lapit ng bibig niya. Instead of being comfortable, mas lalo akong kinakabahan because of what he's trying to do.

"Since when would you become a mistress when you'll just have to pretend as a wife and not a literal wife... unless you're thinking that way, Serenity Gale. I still know my limits as a husband to my 'real' wife," sandali akong natahimik dahil sa pahayag nito.

"Y-you're not helping me now," mahina kong saad.

"I'm always threatened with your words. If you keep on making me feel this way, mahihirapan akong tulungan kayo and it will also be hard for all of you to use me."

"If you don't want to be threatened, comply with my rules. And I'll make sure that you won't regret even a single thing," saad nito.

Continua...