Chapter 17 - Capítulo quinze

"Stop playing around, Liam," 'yon na lamang ang mga katagang sinambit ni Senyora habang nagpapalitan sila ng masasamang tingin.

"And who said that I was playing around, Senyora?" tanong naman nito pabalik at muling sumilay ang masamang ngiti sa kanyang mga labi. Senyora even held her gun firmly. Their eyes secretly having connections with one another just like with that of a thunderstrike.

"Fine. You'll get what you desire most," sagot ni Senyora na tumingin sa akin kaya ganon na rin ang ginawa ni Liam. I was tensed by the way they were gazing at me so I took one step behind. Ibinaba ni Senyora ang hawak niyang baril bago nagsalita, "But now is not the right time to do that. We'll still be needing her," katulad ni Senyora ay ibinaba na rin ni Liam ang hawak nito. Ganon na rin ang ginawa nina Xenia at ng tauhan ni Liam.

Hindi ko rin maintindihan kung totoo ba talaga ang sinabi ni Senyora o palabas niya lang ang lahat. Imposible namang totohanin niya ang lahat ng 'to dba? Ibibigay niya ako sa kanila pagkatapos naming gawin ang plano? No, it can't be.

"I'll be expecting that sooner. Sumunod kayo sa usapan or else, I'll force her away from you," muli akong tinignan ni Liam at nginitian ng masama, "You can't force her," pag-iling ni Senyora dahilan para magpalitan muli silang dalawa ng tingin.

Both of their eyes were like waving a war.

"Of course, why would I force you, right Serenity?" nanlaki na lamang ang mata ko ng banggitin niya ang unang pangalan ko, "When this even happened before," could this guy just shut up?

"What do you mean?" pagtataka ni Senyora ngunit hindi siya sinagot ni Liam. Tinignan ako ni Senyora kaya umiling ako para sabihing hindi ko rin maintindihan ang ibig sabihin ng lalaking 'to, "Oh sorry, I forgot. She somehow resembles that girl, I thought it was you but if you're unfamiliar with me, then it's not you. Chill people, I just wanted to put some horrific expression with you all," pahayag nito na halatang nang-aasar kaya nanatili na lang akong tahimik.

He even had the guts to put on with some sarcastic tone.

"Tell our men to retreat," saad pa nito sa tauhan niya na sinunod naman siya agad, "Yes, Mr. Ardizzone."

I was taken aback when Senyora firmly held my hand and pulled me along with her. Nalagpasan pa namin si Xenia na halatang binabantayan ang maaaring maging galaw ni Liam kaya ibinalik ko ang tingin sa kanya. He was still gazing at me wearing those vicious smile of him. Nang bahagya kaming makalayo ay sumunod na rin sa amin si Xenia. Pagkalapit namin sa sasakyan ay nagmadali kaming pumasok sa loob. Sumakay na rin si Xenia sa motor nito.

"What does he want?" tanong ko kay Senyora habang kinakabit naming dalawa ang mga seat belt namin. Pinaandar na rin niya ang sasakyan na halatang nagmamadali, "Gusto ka nilang kunin," sagot nito sa akin. Mabilis ang pagpapaandar nito sa sasakyan at halos mabangga na kami na hindi ko na kinaya pang tignan kaya napapapikit na lang ako. Pati na rin ang mismong traffic light ay hindi na niya sinunod, ganon din si Xenia na nakasunod sa amin.

"Since when did he come back?" natataranta at wala sa sariling tanong nito.

"Will you really surrender me to them, Senyora?" tanong ko nang maalala ang naging usapan nila.

Napatingin siya sa akin hanggang sa bigla nitong itigil ang sasakyan sa gilid ng daan. She looked at me with her sympathetic eyes at hinawakan ang isang kamay ko kaya napatingin ako dito, "No of course, how could you say that?" mahinahong tanong nito.

I just felt myself pulling my hand away from her na alam kong ikinabigla niya, "You had an agreement, Senyora. You promised, kaya nga hinayaan nila tayong makalayo, hindi ba?" ramdam ko ang lungkot habang inaalala ang naging pag-uusap nila.

"Gale, I had no choice. I had to make a promise kaya ko nagawa 'yon. But do you really think tutupad ako sa usapan?" tila nabunutan naman ako ng tinik sa dibdib nang dahil sa narinig ko.

"You lied?" tanong ko na ikinatango niya, "I had to. Dahil kung hindi ko gagawin 'yon, hindi tayo makakalayo mula sa kanila. I was just concern about you. They are ruthless people who want you to be in their possession. Kapag hindi ako nakipagkasundo, they will kill me and Xenia, at ikaw... you wouldn't want to experience how it's like to be in their territory." I could even see sympathy from her eyes just like before habang binabanggit niya ang mga katagang 'yon.

Napalunok naman ako and this time, ako naman ang humawak sa kamay niya at pinisil 'yon kaya napatingin siya dito, "I'm sorry kung ganon po kaagad ang naisip ko. I thought you'd really surrender me to them after this pero naisip ko rin na baka hindi totoo 'yon dahil alam kong hindi niyo 'yon magagawa sa akin."

Ngumiti naman siya, "Of course. Why would I do that? Above all, you are the most precious gem that we have. Remember that we'll do everything to protect you, okay?" sandali naman akong napaisip. Is she being like this dahil napapalapit na ang loob namin sa isa't isa o dahil lang kailangan pa nila ako sa mga plano nila?

"Let's go?" tanong pa niya kaya tumango ako at ngumiti. Napatingin kami sa tapat ni Senyora nang kumatok naman mula doon si Xenia kaya binuksan niya ang bintana, "Senyora, is everything all right?"

"Yes. We're going home, Xenia. Hindi na tayo dapat pa na magtagal dito."

"Copy, Senyora," sagot niya na muling sumakay sa motor nito kaya isinara ni Senyora ang bintana bago pinaandar ang sasakyan at kagaya noong una, sobrang bilis ng pagpapatakbo niya dito na kulang na lang ay lumipad na ang sasakyan.

Ang buong akala ko ay isusuko niya talaga ako dahil sa nangyari but I was actually wrong. Napangiti na lang ako nang maalala ko ang sinabi niya. It was like I am a daughter to her kung mag-alala siya. How I wish that I had a family like them. Nevertheless, I never even forgot my memories of my mother. Kahit wala na siya, alam kong nandyan pa rin siya para bantayan ako.

Natanaw ko naman mula sa hindi kalayuan na maraming mga nakahintong sasakyan not until I realized that there was a heavy traffic ahead, "Alright. We can do this," napatingin ako kay Senyora dahil habang papalapit kami, parang wala siyang balak na itigil ang sasakyan kaya nakaramdam na ako ng hindi maganda lalo na't napahigpit ang pagkakahawak nito sa manibela.

Gugustuhin niya bang maaksidente kami? What the hell!

"T-tita, slow down. Mababangga po tayo," saad ko dito ngunit imbes na makinig ay nginitian niya lang ako na halatang natutuwa, "Easy, Gale. Just trust me," sagot niya kaya pabalik-balik ang tingin ko sa daan at sa kanya. How the hell would I trust her kung halata naman na mababangga kami?!

I don't even want to die yet.

Napapikit na lang ako nang mas bilisan pa niya ang pagpapatakbo. Hindi ko na iminulat ang mata ko dahil alam ko naman kung saan hahantong ang lahat ng 'to. Lumipas ang ilang segundo, wala akong nararamdaman na kahit na ano sa sinasakyan namin kundi ang pagpapatakbo ni Senyora dito.

Napagdesisyunan kong tignan kung ano na talaga ang nangyayari dahil baka naman sa sobrang lakas ng pagkabangga namin kaya wala na akong maramdaman... pero hindi. Dumaan ang sasakyan sa pinakagilid ng daan kung saan mahigpit na ipinagbabawal. May nakaharang pa sa harapan ngunit hindi nagdalawang-isip si Senyora na tamaan ang mga ito. Wala na ring nagawa ang mga nakabantay nang daanan sila ng sasakyan namin na parang isang hangin lang.

Obviously, ipinagbabawal muna ang pagdaan sa dinadaanan namin ngayon dahil sarado ito at walang ibang sasakyan kundi ang sinasakyan lang namin, "I break rules," napatingin ako kay Senyora nang magsalita ito, "Never tell my husband what happened, okay? Ayaw kong mag-alala siya," tumango na lang ako nang ngitian niya ulit ako.

Hindi rin nagtagal, nang dahil sa bilis ng pagpapatakbo ni Senyora sa sasakyan ay kaagad kaming nakabalik sa mansyon. Bumukas ang gate hanggang sa makapasok kami sa loob. Pinark niya ang sasakyan sa bandang likod kung saan hindi gaanong makikita ang sasakyan na siyang ipinagtaka ko.

Pagkababa namin ay napansin ko na may sira ang sasakyan sa bandang harap nito bunga ng pagkabangga nito sa mga nakaharang na kung ano sa daan kanina. Hindi ko na lang pinansin at sumunod ako kina Senyora at Xenia na pumasok sa likod ng mansyon. Binalingan ko pa ng tingin ang sasakyan mula sa malayo ngunit hindi nga ito halata.

Pagkapasok namin ay hinarapan naman ako ni Senyora at hinawakan ang isang balikat ko, "Good luck," saad nito na ikinatango ko na lang. I hope I can really do this. They trust me with this one kaya hindi ko sila pwedeng biguin lalo na't minsan lang naman may magtiwala sa akin ng ganito kalaki.

Alzini trusts me that much... this has been my goal for a long time, the right yet perfect opportunity to destroy what I should have destroyed long time ago. Lahat naman tayo, nagiging traydor especially if we're doing this for ourselves.

"Good luck girl, we got your back," saad pa ni Xenia na kinindatan ako bago sumunod kay Senyora sa taas kaya nginitian ko siya.

I was about to follow her not until I felt a hand gripping my arm kaya napatingin ako dito, "Terrence?" tanong ko nang makilala siya.

Halatang kakapasok niya lang at galing sa likod ng mansyon kung saan din kami nanggaling. Seryoso ang mukha nito ngunit mahirap basahin ang emosyon, tila galit siya pero hindi ko sigurado.

Ikinabigla ko ang biglaang paghila nito sa akin papunta sa sulok kung saan wala gaanong tao, "Hindi magkakaroon ng sira ang sasakyan ko ng ganun-ganon na lang. Tell me what happened, Gale?" natigilan naman ako sa tanong niya.

Pero ayaw ni Senyora na malaman ng asawa niya ang nangyari kaya siguradong hindi ko rin pwedeng sabihin kay Terrence ang totoo, "M-may natamaan lang kami. That's not really a big deal."

Natawa naman siya sa isinagot ko, "Really?" humakbang naman siya ng isang beses papalapit sa akin habang seryoso pa rin.

"Don't forget that I'm a detective. I know just an accident apart from a real accident. So now, you're going to tell me what happened," saad nito habang nilalapitan ako kaya napapaatras naman ako hanggang sa matigilan kaming dalawa.

I felt the same thing again when we first met, especially when it's hard to lie when it comes to him.

"Ano bang gusto mong sabihin ko?" tanong ko sa kanya.

"Bakit ayaw nilang sabihin kay Don Stefano ang nangyari?" nagulat ako sa itinuran niya kaya ako naman ang humawak sa braso nito at tinapatan siya para bulungan.

"Terrence please, ayaw lang ni Senyora na mag-alala ang asawa niya," saad ko habang minamasdan ang paligid.

"Do you really think that's the real reason?" obviously, hindi siya kumbinsido sa sinabi ko dahil halata sa itsura niya.

"Tingin mo ba may iba pang rason?" tanong ko pabalik.

"Bakit? Wala ka bang naiisip na rason?" tila may alam din siya sa nangyayari kaya nagpapalitan kami ng tanong.

Kahit nakakuha ako ng sagot kay Senyora kanina kung bakit siya gumawa ng pangako sa Liam na 'yon, nakakapagtaka pa rin kung bakit nangungusap ang mga mata nila.

It might also be one of the reason kung bakit ayaw niyang malaman ng asawa niya ang tungkol sa nangyari at kung bakit niya itinago ang sira ng sasakyan. Siguradong alam niya na may damage ang sasakyan kaya ipinark sa gilid ng mansyon.

"May koneksyon ba si Senyora sa El Nostra?" mahina kong tanong na tinignan siya ng diretso hanggang sa mapangisi ito na siyang hindi ko inaasahan.

"Why do you ask?" but I might also be thinking the wrong thing kaya umiwas ako ng tingin.

"Nothing."

"Have you met them?" napatingin ako sa kanya at umiling.

"No."

"Really?" he asked with a sarcastic tone not really convinced with my response, "That explains why Senyora doesn't want to tell the truth."

"What do you mean?" pagtataka ko. Tila may mga bagay na alam na niya kahit wala pang sagot. Ano bang klasing pag-iisip ang meron siya?

"El Nostra's heir came back." See? Alam na niya.

"And so, what's the connection?"

"Then think. Hindi ba dapat magsalita si Senyora dahil bumalik na ang kalaban?" napaisip naman ako sa sinabi nito.

He's right. Hindi iisipin ni Senyora ang pag-aalala ng asawa niya kung mas mahalaga naman na sabihin ang tungkol sa kalaban nila dahil maaari nilang ikapamahak kapag hindi pa siya nagsalita.

"Kung ganon, ano ang rason?" tanong ko dito.

"Speak to spill the truth or shut up to alter the situation? Which of the two do you think is the real reason?" ni hindi ko maintindihan kung ano talaga ang ibig niyang sabihin.

"I don't get what you're trying to say, Detective."

"Do you love black roses?" and here it is again. Mga tanong niya na mas mahirap intindihin.

But he won't speak nonsense.

"No," sagot ko.

"But your mother do, right?"

"Pati pala 'yon alam mo?"

Ano pa nga ba ang hindi nila alam tungkol sa akin. Tingin ko nga mas kilala pa nila ako kaysa sa sarili ko. But there is still one thing about me that nobody knows... except Him.

"Of course," nilagpasan ako nito kaya napatingin ako sa kanya.

"Saan ka pupunta?" hinarapan niya ako at bahagyang ngumiti. There was seriousness in his eyes na hindi ko alam kung bakit.

"Fix the mess that Senyora made. Don't worry, I wont tell Godfather."

"I thought you're loyal to him... bakit hindi mo sabihin?" nakakapagtaka na lang talaga ang mga nangyayari.

"I switch sides all the time, Gale," sagot niya na tuluyan akong tinalikuran.

Those words kept on repeating in my mind. What does he meant by that?

Napagdesisyunan kong umakyat na lang para bumalik sa kwarto. Napatingin ako sa ikalawang palapag ng mansyon habang paakyat nang makita kong lumabas si Erin mula sa kwarto niya. Kitang-kita ko ang pagkataranta sa kilos nito hanggang sa makasalubong niya si Xenia na kakalabas lang din ng kwarto nito dahil magkatabi sila ng kwarto.

Nag-usap ang dalawa ngunit nagbubulungan kaya natigilan ako sa kinatatayuan ko. Sa gawi naman ng pintuan, nakita ko si Blue na nakasalubong si detective. Nag-usap pa silang dalawa at tila pinagpapawisan si Blue.

Ano ba talagang nangyayari?

Tumatango pa si Blue habang kausap si detective ngunit pasulyap-sulyap silang dalawa sa direksyon ko. Pagkatapos nilang mag-usap ay dumiretso naman si Blue sa kusina. Nakakapanibago nga dahil hindi niya ako nilapitan at halatang nagmamadali.

Hindi ko na lang pinansin at napagdesisyunan na muling umakyat na para bumalik sa kwarto. Habang ginagawa ko naman 'yon ay naririnig ko pa ang pagbubulungan nina Erin at Xenia na tila natataranta.

"Who the hell?!" mahinang tanong ni Erin kay Xenia. Itinaas pa nito ang kamay niya kaya napatingin si Xenia sa hawak ni Erin.

She was holding a bouquet of black roses na halatang pinaghandaan para ibigay sa kanya kaya natigilan ulit ako. Tinignan ni Xenia ang paligid at mabilis na ibinaba ang kamay ni Erin. Hindi lang nila ako napansin dahil bahagya akong yumuko.

"Hindi ko alam."

"Take your quarrel to somewhere private, huwag dito," sabay-sabay kaming napatingin sa baba at nakita si Terrence na ngayon ay paakyat na. Napansin din nina Xenia at Erin ang presensya ko, "I forgot something in my room," saad niya sa akin pagdaan sa gilid ko at nagsalita habang papalapit kina Erin.

"Don't worry. Security cameras have been deactivated for a while kaya malabong malaman ng asawa mo na nagtatalo kayo ni Xenia dito sa mansyon niya," dagdag pa niya kaya sinamaan siya ng tingin ni Erin bago nito hinila si Xenia papasok sa kwarto niya.

Tinignan pa ako ni Terrence kaya umiwas ako at nagmadaling pumasok sa kwarto. Isinara ko agad ang pintuan at lumapit sa kama. Pagpunta ko sa tapat nito ay natigilan ako at nakaramdam ng panlalamig ng bumungad sa akin ang isang bagay na nakalagay dito.

"W-what the hell?" napatakip ako ng bibig at dahan-dahan itong nilapitan.

I should be grateful pero hindi ko maramdaman lalo na ng dahan-dahan ko itong hawakan at titigan. My heart beat even became faster. Simula nang makita ko ito, nakaramdam na ako ng kakaiba. Napalunok ako nang hawakan ko 'yon at mas lumalalim ang kaba na nararamdaman ko. Why do I feel like I'm going to face a danger nang dahil lang dito?

Natatandaan ko pa ang sinasabi sa akin noon ni mom, "Gale, kapag nakatanggap ka ng isang bagay mula sa isang tao... kung anuman ang nararamdaman niya para sa'yo, 'yon din ang mararamdaman mo the moment you received it."

But I felt nervous habang hawak-hawak ko ito.

It was a bouquet of black roses too, same with Erin. Kaya ba natataranta rin si Erin dahil pareho kami ng nararamdaman? Pero bakit at kanino galing 'to? I could even smell its sweet fragrance na mas lalong nakapagpaiba sa pakiramdam ko. I felt anxious.

Suddenly, someone knocked on the door kaya mabilis kong inilagay ito sa gilid kung saan hindi gaanong makikita bago ko binuksan ang pintuan.

"Senyora," I was breathing faster hanggang sa mapansin kong pinagpapawisan na rin ako kahit hindi naman mainit. Tumingin pa ako sa likuran nito.

"May problema ba?" tanong nito dahil sa kilos ko kaya ngumiti ako at umiling.

"Wala po."

"I thought you'd be happy."

"S-saan po? M-may rason po ba?"

Sandali itong natigilan hanggang sa ngumiti. It's like she changes mood easily, "Kasi lumabas tayo. Natakot ka ba kanina? I'm sorry for what happened, Gale. Hindi ko ginusto 'yon."

"O-Okay lang po. Nakauwi naman tayo ng maayos. Pero pwede po bang magtanong?"

"Sure," napansin ko rin na tumitingin siya sa likuran ko na parang may hinahanap kaya bahagya kong isinara ang pintuan habang nakahawak dito.

"M-May koneksyon po ba kayo... sa El Nostra?" dangerous or not, kailangan kong malaman ang totoo. Dahil kung may koneksyon man siya... ano, paano at bakit lalo na't kalaban pa nila?

"Do you think I can do that?" humakbang siya papalapit sa akin kaya napaatras ako habang nakahawak pa rin sa pintuan.

"You're right," saad niya kaya natigilan ako, "Someone in this mansion has connection to them pero hindi ako. Someone who knows everything," seryosong saad nito.

"Then why can't you tell your husband? Tungkol po sa nangyari kanina?"

"He'd be mad. He's going through a lot of medication kaya ayaw kong madagdagan pa ang problema niya. Let me handle this one, Gale."

"Pero hindi po ba dapat na sabihin niyo sa kanya na bumalik na sila— lalo na't kalaban niyo sila?"

Hinawakan niya ang buhok ko at inilagay sa likuran ng tainga ko habang nakangiti, "Gale, there are things in this world na hindi na dapat ibinubunyag pa, especially when you don't want to be in danger, right?" she changed tone na halatang may pagbabanta. I don't know if I was right or not pero naguguluhan ako. They are all acting weird lalo na si Terrence.

"It's a warning for you, understand?"

Warning?

"Ang alin po?" tanong ko.

"What you'll have to understand is to choose wisely," ibinaba naman nito ang kamay niya, "Think and choose who's side you're really in. You actually have two options here aside from the army. And those two lies inside this mansion. We usually misunderstood by people, so it's better kung huwag mo na lang isipin. By the way, good luck again for tomorrow," muli niyang inilibot ang tingin sa kwarto at nginitian ako. Nang makaalis siya ay mas humigpit ang pagkakahawak ko sa pintuan.

Pero ano ba talagang pakay ni Senyora at pinuntahan niya ako? She thought I'd be happy? Nevermind. Baka kinakamusta niya lang talaga ako. If there was an exception this time, it should be my doubts. Unti-unti na nilang nakukuha ang tiwala ko kagaya ng ginagawa ko sa kanila.

Isinara ko ang pintuan at hinarapan ang mga rosas na nakapatong sa gilid. Muli ko itong nilapitan at hinawakan para maiging tignan. This was the first time that I received something like this. I should be thankful but unfortunately, I don't feel liking it because of how I really feel.

May pangamba habang minamasdan ko ito. Just like how He looked at me back then.

Continua...