Chapter 13 - Capítulo onze

Looking at myself in front of the mirror— iniiwasan kong mapatingin sa sarili kong mga mata. I've always hated it since from the start. Kahit kailan, hindi ko ito nagustuhan though it was the most attractive part of me.

Maigi kong sinusuklayan ang aking buhok habang nakaupo at nabaling ang atensyon ko sa pintuan nang bigla itong bumukas at lumapit siya sa harapan ko. I've always expected na siya ang makikita ko kaya napangiti ako. Si Blue lang naman ang madalas na pumunta dito.

"Miss Gale, mamili na lang po kayo ng susuotin ninyo dito. Hindi ko po kasi alam kung ano ang mga gusto ninyong damit. Eh 'yan lang po kasi ang meron ako pero huwag po kayong mag-alala, hindi ko pa naman nasusuot at saka paniguradong babagay sila sa inyo," salubong nito sa akin habang may hawak siyang dalawang bestida. Isang puti at isang bulaklakin. Inilahad niya ang mga 'yon sa harapan ko na ikinasalubong naman ng kilay ko, "Ha? Para saan?"

"Hindi po ba lalabas kayo ni Detective Terrence?" tanong pa nito na mas lalo kong ipinagtaka.

"What do you mean? Anong lalabas?"

"Sabi po ni Senyora, pahiramin ko muna po kayo ng damit dahil lalabas daw kayo ni Detective at wala kayong susuotin," hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon dahil sa sinabi ni Blue. Halos malaglag na lang ang panga ko dahil hindi ko siya maintindihan.

Sabi ni Senyora? Lalabas kami ng Detective? Bakit wala akong alam?

"Blue, pinapatawag ka," tinawag naman siya ng isa niyang kasamahan kaya napatingin kami sa pintuan.

Inilagay naman ni Blue sa kama ang dalawang damit na hawak niya at nginitian ako, "Mamili na lang po kayo kung alin sa dalawa ang gusto ninyo, Miss Gale. Kailangan ko na pong umalis."

I was about to stop her pero mabilis naman siyang nakaalis kaya naiwan akong hindi alam ang gagawin. Tumayo ako at maayos na tinitigan ang dalawang damit na iniwan ni Blue sa kama. Am I gonna wear this? Para saan? Baka naman nagkamali lang si Blue. Kung lalabas man ako, hindi ba dapat ako ang unang nakakaalam?

Nagkibit-balikat ako habang nakatitig pa rin doon hanggang sa may nakita akong pumasok dahil bahagya pa ring nakabukas ang pintuan. As usual, it was him. The Master. Ano nanaman bang kailangan niya?

"Why are you still standing there, Serenity?" hawak-hawak nito ang door knob habang nakatingin sa akin.

"I've been thinking kung bakit kailangan kong mamili ng susuotin," sagot ko.

"If you can't choose, then you can go out naked," sinamaan ko siya ng tingin nang marinig ko 'yon mula sa kanya. Look now who's talking.

"Your response made me think that you didn't get what I was really trying to say, right?" tanong ko habang nakangiti ng masama. He was still wearing that serious face again as he usually do.

Bahagya akong napaatras nang humakbang siya papalapit sa akin. I had goosebumps when he suddenly held my right hand while staring at me. Hinawakan ng isa niyang kamay ang metal bracelet na suot ko kaya napatingin kami doon, "You're going out with Terrence. Buy everything that you need," pagsasalita nito hanggang sa maramdaman ko na lang na kumalas ang bracelet sa kamay ko nang alisin niya 'yon.

Bigla naman akong napatingin sa kanya ng diretso kaya nagtama ang mata naming dalawa, "Essential needs, Serenity," pagdidiin pa niya. Halos manigas na rin ako sa kinatatayuan ko dahil hindi ko maintindihan ang nangyayari.

"What? I don't even have money," mga salitang tanging lumabas sa bibig ko.

"I'm all aware about that thing... that's why you'll be using his money for the mean time," tila naputulan naman ako ng dila. What is this all about now? Using someone's money for my own needs? Seryoso ba ang taong 'to?

"We don't have knowledge about your needs and wants as a young lady. That's why I'm giving you the permission to buy your essential needs but the detective will accompany you. We can't let you go alone since it's dangerous for you and you might take it as an advantage to escape," hindi naman ako makapaniwala sa lahat ng narinig ko.

They were acting like this to a captive? Ano ba talagang motibo nila para tratuhin ako ng ganito? I find it really odd.

What exactly is their plan for doing this to me? But actually, he has a point. Lahat ng gamit ko nasa bahay ni Philip, nothing's left for me kaya kailangan ko talagang mamili ng gamit.

"Stay close with him whatever happens," dagdag pa nito na tinalikuran na ako habang hawak-hawak ang bracelet.

Muli kong ibinalik ang tingin sa mga damit na inihatid ni Blue. Napansin ko naman ang pagtigil nito sa mismong tapat ng pintuan kaya napatingin ako sa kanya, "If you want to be respected, choose one that fits a respectful lady... and make sure that I'll be the best man, Serenity," tuluyan naman siyang umalis at isinara ang pintuan.

I was left out of nowhere since he said those words. What does he meant by that? Anu-ano na lang ang pinagsasasabi nila sa akin na sila lang din naman ang nakakaintindi.

Respectful lady? Best man? For what?

Because of sudden confusion, dinampot ko na lang ang isang dress sa kama nang hindi tinitignan kung alinman sa dalawa ang nakuha ko. Such weird people.

Dumiretso ako sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maglinis ng katawan ay maayos kong tinignan ang bulaklaking bestida na nakuha ko.

Isinuot ko 'yon at lumabas na ng kwarto para magpatuyo ng buhok at mag-ayos. There were few sets of make-up in front of the dressing table but I didn't mind putting on some dahil hindi naman kailangan.

Let's just say, hindi ako ang tipo ng babae na mahilig sa mga ganyang bagay although I know how to use them. I just use it when it's really necessary. I just had to put a lip-gloss on because of having such dry lips these past few days.

After I fixed myself, muli namang kumatok si Blue kasabay ng pagbukas ng pintuan, "Hinihintay na po kayo ni Detective, Miss Gale," pahayag niya kaya ngumiti ako at tumango.

Sumunod naman ako kay Blue pababa ng mansyon. While we were on our way down, biglang may nagsalita, "Look who's going out?" napatingin kami sa direksyon ni Erin na ngayon ay papalapit na sa amin.

Nagpalitan din kami ng tingin ni Blue. And also look who's here? Ano nanaman bang problema niya sa akin? Oh let me guess, accusing me with her husband again? What's new?

"Ano bang problema mo, Erin?" tanong ko pagkalapit niya sa amin.

"I don't even know why they need someone like you in their plan when they could come up of another plan even without you," saad nito na nagkibit-balikat at pinagtaasan ako ng kilay.

Natawa na lang ako dahil sa sinabi niya kaya tinapatan ko siya, "Why don't you ask them, Erin? Feeling insecure because I am useful to them while you are not?" I asked sarcastically which made her even furious.

That's it. Never try to underestimate me. I had been dragged down but not anymore, not even this time. Not today nor tomorrow.

"How dare you speak like that in front of me! Baka nakakalimutan mo? I am the wife of this mansion's Master. Wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng ganyan!"

"Why?" nagkibit-balikat din ako, "Ikaw naman ang nag-umpisa hindi ba?"

"Serenity Gale... " may galit at pagbabanta sa boses nito, "Don't ever think na dahil na sa'yo ang pabor nilang lahat, magagawa mo na ang lahat ng gusto mo. Tandaan mo na hanggat nandito ako, hindi mo magagawang maging masaya sa mansyon na 'to. Honestly, I don't really like you here since I met you."

"If you can't attempt seeing me, cover your eyes, Erin. Hindi ikaw ang magpapalayas sa akin sa lugar na 'to dahil hindi ikaw ang nagdala sa akin dito. So please, tigilan mo 'ko."

Kulang na lang at umusok na ang tainga at ilong niya sa galit. Aktong sasampalin niya ako ay naunahan ko siya at nahawakan ang kamay niya na mas lalo pa nitong ikinagalit, "Don't test me, Erin. Sa dami ng pinagdaanan ko, hindi ang isang katulad mo ang magpapabagsak sa akin. Kung ayaw mo ako sa lugar na 'to, pwes ikaw ang umalis," nagpalitan naman kami ng matatalim na tingin sa isa't isa.

"Anong nangyayari dito?" mabilis niyang ibinaba ang kamay niya kaya nabitawan ko 'yon. Nakita namin si Allison na ngayon ay papalapit sa amin.

"Hanggang dito ba naman gumagawa ka ng problema, Erin?" tanong nito pagkalapit niya sa amin habang masama ang tinginan naming dalawa ni Erin.

"Wala ba akong kausap? Anong nangyayari dito?" tanong pa niya. Tinignan ako ni Allison na animoy naghihintay kaya umiling ako.

"Actually, I don't like both of you here pero dahil ito ang gusto ni dad at kuya, I'll try to adapt having both of you⁠... kaya huwag kayong gumawa ng gulo kung ayaw niyong sa susunod, ako na ang makakabangga niyo, especially you..." diretsong tingin nito kay Erin.

"Kilala kita, Erin," hindi naman nakakibo ito dahil sa sinabi ni Allison, "You can't do that to me, Allison. I have your brother," sagot ni Erin.

Tinapatan naman siya ni Allison, "You're right, Erin. You have my brother... " silang dalawa naman ang nagpalitan ng masamang tingin habang nakangiti ng masama si Allison, "But I have my Godfather. Sino sa tingin mo sa ating dalawa ang kakampihan ni dad? I can always do what I want without even letting your husband know about it," saad pa nito na lubusang ikinatigil ni Erin.

Nakita ko pa ang paglunok nito dahil sa takot at pagtulo ng pawis nito, "And you," ako naman ang hinarapan ni Allison. Unexpected. She's just like her brother and father. Magkakaugali silang lahat. The way she speaks and the way she looks.

"Sundan mo 'ko," saad niya kaya nagkatinginan kami ni Blue. Sinamaan ng tingin ni Allison si Erin bago tuluyang naglakad papalayo. I gave Blue a questioning look pero sumenyas siya na hindi niya rin alam kung bakit ako pinapasunod ni Allison.

"Ang ayaw ko sa lahat ay yung paulit-ulit. Sabi ko, sundan mo 'ko," tumigil si Allison at muling humarap sa amin. Sa akin pa rin siya nakatingin kaya kahit naiinis na rin ako ay sumunod ako sa gusto niya.

Ayaw ko talagang maging sunud-sunuran pero nasa ibang bahay ako kaya kailangan kong gawin 'to. I really hate this! Talagang ipinapakita nila sa akin na kontrolado nila ako.

Sinundan namin si Allison habang nasa likuran ko si Blue. Naiwan naman si Erin na hindi ko na alam kung anong ginawa niya pagkatapos makipagsagutan. Tumigil si Allison sa tapat ng isang kwarto at hinarapan kami, "Hintayin mo 'ko dito," pahayag niya bago pumasok sa loob.

"Ayos lang po ba kayo, Miss Gale?" napatingin naman ako kay Blue na nag-aalalang nakatingin sa akin kaya napatango ako at ngumiti, "Oo naman. Bakit?"

"Dahil po sa nangyari kanina."

"Huwag kang mag-alala. Hindi naman ako masyadong nagpapaapekto kay Erin," sagot ko.

"Basta mag-iingat po kayo palagi. Baka kasi anong gawin niya sa inyo habang nandito kayo sa mansyon."

"Don't worry. Mag-iingat ako," sagot ko na siya namang paglabas ni Allison kaya nabaling sa kanya ang atensyon namin.

Lumapit siya sa amin at inilahad ang kamay niya. Napatingin ako doon at nakitang may hawak siyang puting sandals, "W-what's this?" tanong ko dahil sa pagtataka.

"Bulag ka ba? Malamang sandals," sagot nito kaya bahagya akong nakaramdam ng inis. Kung wala kami sa mansyon na 'to, malamang kanina ko pa siya pinatulan. What the hell is her problem?

"What I mean is... para saan? Bakit mo binibigay sa akin?" paglilinaw ko.

"Lalabas ka ng ganyan?" tinignan niya ako mula ulo hanggang paa kaya napatingin ako sa sarili ko. Napansin kong nakatsinelas lang pala ako na hindi terno sa bestidang suot ko.

Napapikit ako at nagbuntong-hininga bago ko 'yon dahan-dahang kinuha sa kanya, "I don't usually wear things like that. Isang beses ko lang nagamit 'yan and I swear that I won't gonna wear it ever again," pahayag pa niya.

Maayos ko naman itong tinignan. It was a two inches white sandals at buti na lang, sanay na ako sa mga ganito kaya hindi ako mahihirapan, "Don't worry, I'll give it back to you," saad ko.

"Didn't you hear me? Kakasabi ko nga lang na hindi ko na gagamitin 'yan so it's all yours," saad niya kaya natahimik na lang ako.

Stop me from bursting out. Gusto ko na talagang pumatol. I swear.

"Salamat kung ganon," napatango na lang ako at bahagyang ngumiti. Tumingin naman siya sa pintuan, "Off you go. Terrence is waiting for you," napatingin naman ako sa baba at nakita ang isang itim na kotse sa labas habang nakabukas ang dalawang pintuan.

Tinalikuran naman kami ni Allison para pumasok sa kwarto niya. Sinuot ko muna ang sandals kaya kinuha ni Blue sa akin ang suot kong tsinelas bago niya ako sinamahan pababa.

Just like before, yumuyuko pa rin ang mga tauhan sa tuwing nakakasalubong ako. I don't really know why they are all acting like this all of a sudden, parang isa akong bisita kahit hindi naman.

Natigilan naman kami sa mismong tapat ng sasakyan na halatang naghihintay. Tinignan ako ni Blue at ngumiti. Dahan-dahan akong lumapit doon hanggang sa binuksan ng isang tauhan ang pintuan ng sasakyan.

Pagkasilip ko sa loob ay sumalubong naman sa akin ang isang lalaking hindi ko makilala. Ang akala ko ba si Detective ang kasama ko? Sino 'to?

He was wearing a simple white shirt which totally fits his musculine body. He had his hair pushed-back at may suot din na shades.

Nakahawak ang isang kamay nito sa manibela na halatang naghihintay. Humarap naman siya sa kinatatayuan ko at malapad na ngumiti, "Please, don't look at me like that, young lady. Get in," mas lalo ko pang ipinagtaka nang marinig ko ang boses nito na pamilyar sa akin.

"D-detective?" nauutal kong tanong habang nakatitig sa kanya.

What the hell! Siya ba talaga 'to?! Nag-iba ang wangis niya dahil sa ayos nito ngayon.

"Yes?" saad nito na mas lumapad pa ang nakangiti, "Ikaw ba 'yan?!" hindi makapaniwalang tanong ko.

"The one and only," sagot naman niya.

Napalunok na lang ako dahil sa biglaang pagbabago ng itsura niya. Dahan-dahan akong pumasok sa loob kaya sinara naman ng tauhan ang pinto. Ibinalik ko ulit ang tingin sa kanya habang nanlalaki ang mga mata. He's really a guy good in disguise. "You look lovely today. No wonder your husband wanted to own you that much," nakangiti pa rin ito kaya naninibago ako sa kanya.

I can't believe this. This man beside me is not the Detective I used to know.

Mas lalo ko na lang ikinagulat ang sumunod niyang ginawa. Bigla niyang inilapit ang mukha sa akin habang nakatitig sa mga mata ko, "Young lady, your eyes," I totally knew what he meant kaya mabilis kong iniiwas ang tingin sa kanya, "I know."

"Why are you hiding it? It's too beautiful to be hidden," dagdag pa nito na hindi na inialis ang tingin sa akin. Hindi naman ako makatingin ng diretso sa kanya, "Does it have something to do with your past?"

Napansin naman niya ang pag-iwas ko kaya tumango ako, "Yes."

Napatingin ako sa kanya nang senyasan niya ako, "What?" pagtataka ko naman. Para kasing pinapalapit niya ako pero para saan?

Hindi ako nakakibo nang lumapit pa siya lalo sa akin. Napansin kong itinaas niya ang dalawang kamay niya hanggang sa may isuot siya sa mata ko na kung ano. Inayos niya pa ito bago lumayo sa akin, "Better. There's a low possibility now that you will be recognized by the public."

Tumingin ako sa side-mirror nang sasakyan at nakita ko ang isang salamin na nakasuot sa akin. Actually, it wasn't a black shade na katulad ng suot ni detective. It was a sunglass with mirror shades which would totally hide half of my face, especially my eyes. Bumagay naman ito sa suot kong damit kaya napangiti ako.

"Fasten your seat belt please," sinunod ko naman ang sinabi niya bago nito pinaandar ang kotse. Bumukas ang gate hanggang sa makalabas kami ng mansyon. Napangiti naman ako nang bumungad sa akin ang napakaraming puno at palayan.

How I wish to live having a normal life. Nakakamiss rin kasi ang simpleng pamumuhay. My simple life ended when my mother died.

Bumukas naman ang bintana ng sasakyan kaya napatingin ako sa kanya, "I know that you'll be enjoying the sight," sabay ngiti niya kaya ganon na rin ang ginawa ko. Ibinalik ko naman ang tingin sa labas. Napapikit ako nang maramdaman ang sariwang hangin.

"Don't you have something important to do, detective... like work?" tinignan ko naman siya.

"I never had day-offs... but I had to cancel my plans for today just to accompany you," tila nakaramdam naman ako ng hiya sa sinabi niya.

"Why?" tanong ko. Sandali siyang napatingin sa akin bago ibinalik ang tingin sa daan.

"Do I have to have an explanation for that? I just want to accompany you and especially... if it is my Master's command, I would gladly follow. I'm always serious when it comes to my work and responsibility," sagot nito bago iniliko ang sasakyan.

"What if he didn't ask you to accompany me?" I was just curious kung gusto niya pa rin ba akong samahan kahit hindi siya inuutusan.

"I know how you feel now. I also have this feeling of guilt inside me for not saving you back then... you know, when I gave you the warning, I still had time to save you but I didn't. You feel alone all the time especially in the mansion, kahit ito man lang ang magawa ko para makabawi sa'yo. We can also be friends if you don't mind. You can't live in the mansion not having a friend or someone you can talk to. I could be that person if you want."

"Of course. Why not, detective? But please, huwag mo akong itulad sa paraan ng pag-iisip mo. I know how Detectives like you think," natawa naman siya sa sinabi ko.

"Why? Paano ba kami mag-isip?"

"You think differently. Makakita lang kayo ng kung ano, gagawin niyo ng ebidensya," muli naman siyang natawa.

"Terrence Black is just my undercover," napatingin naman ako sa kanya, "You don't have to address me with so much respect, young lady. I guess, I am just two year older than you. There's not that much gap. So it's okay, you can call me by my name," inilahad niya ang kamay niya na parang nakikipagkilala.

Sa umpisa, mukha siyang seryoso palagi sa pagtratrabaho⁠— a workaholic person. He might be serious in his work and responsibilities, pero sa tingin ko, hindi ko pagsisisihan na maging kaibigan ang isang katulad niya.

Ngumiti ako at nakipag-kamay sa kanya na ikinangiti niya, "Gale is also enough for me," saad ko.

"So paano ka naging detective sa edad mong 'yan? You're too young," pahayag ko. Ito ang matagal ko nang gustong itanong sa lahat, kung paano nangyari 'yon?

"Maybe because of my ability in finding evidences and making valid conclusions?" patanong niyang sagot.

"Is that it?"

"It was my dream when I was still young. I like watching mystery movies and reading mystery books that has something to do with unsolved cases and different crimes. I idolized one detective and he served as my inspiration. One day, there was an unsolved case in our province which was all about a massacre. I attempted to resolve it and find evidences against the killer⁠— I was still young back then. Without even thinking if my conclusions were accurate, I submitted it to the police. Nakakatawa nga eh," obvious nga dahil natawa siya.

"At first, they thought that my conclusions were trash but when they found out the truth, my conlusion was exactly the same conlusion that they got while investigating. The killer had been caught and that's the time I had this position where I am. A well-known detective trained me," pahayag niya.

"But you are a member of that mafia organization you were supposed to catch as a detective, right?" ano na lang ang mangyayari kapag nalaman nilang isa siyang espiya?

"As I've said, I am doing my best to be a well-known detective and as a member of the third generation Alzini mafia."

"But you gave pieces of information to my father, right? About Alzini?" hindi ako magkakamali at narinig ko ang usapan nila date. He told my father about A de la Alpha's secret hideout in Cebu and some other places.

"Is this also part of your plan?" tanong ko dito. Bigla naman niyang itinigil ang sasakyan at humarap sa akin. Baka alam na rin nina Senyora ang tungkol dito at pinapaikot lang nila ang magaling kong ama.

"I didn't lie to the army nor to the mafia. I know something that both of them do not know. See where my loyalty lies, Gale."

Continua...

Flashback...

Bahagyang binuksan ni Senyora ang pintuan ng kwarto ni Gale para sana imbitahin ito na pumunta sa kusina at samahan siya sa paggawa ng dessert. She stopped for a minute nang makita niya si Gale na nakatayo sa harap ng bintana, nakaharap sa labas at tila nakatingin sa kawalan.

Her heart skipped for a bit when she felt Gale's loneliness being isolated in that room. For a moment, napag-isipan nitong huwag na lang ituloy ang binabalak. She slowly closed the door and went to their room where she found her husband who was about to put his neck tie on. Isinara niya ang pinto at kinuha ang neck tie mula sa asawa upang siya na ang magkabit nito like she usually do.

A smile drew from their faces as love and passion were seen from their eyes, "Do you wanna say something?" tanong ng asawa niya.

Pagkatapos niyang ayusin ang neck tie nito ay nagkatitigan ang dalawa, "Hon, I was just thinking... Gale feels so lonely right now. Ni makalanghap ng sariwang hangin ay hindi niya magawa."

"And it wouldn't happen if she did not attempt to escape," sagot ng asawa nito.

"Yes I know. But isolating her won't do any good to her, especially to her health. After all, Ali already threatened her kaya paniguradong hindi na siya maglalakas-loob na tumakas."

Hinawakan naman ng kanyang asawa ang isang kamay nito nang makita ang pag-aalala sa mga mata ni Senyora, "Fine. So what do you want me to do?"

"Remove that metal bracelet already so I can bring her to our garden para naman gumaan ang pakiramdam niya kahit papaano," pakiusap nito.

Actually, they are not just a typical husband and wife, they are always sweet and no one could even take them apart from each other. That's how Don Stefano treats his wife, a not so typical mafia boss. He's different above all and so his family.

End of flashback...