While having my lunch, napatingin ako sa pintuan nang may kumatok mula rito at sumalubong sa akin si Blue, "Miss Gale, pinapatawag po kayo ni Senyora," saad nito na ikinakunot ng noo ko, "Bakit daw? At saka saan?"
Napangiti naman siya habang nakatayo pa rin doon, "Ubusin niyo po muna ang pagkain ninyo para hindi tayo mapagalitan kay Master pag-uwi niya. Hihintayin ko po kayo sa labas para samahan kayo kay Senyora," pahayag niya bago muling isinara ang pintuan kaya itinuloy ko na lang ang pagkain kahit na may bahid ng pagtataka sa aking mukha.
Speaking of that man, pag-uwi niya galing sa trabaho, diretso siya agad dito sa kwarto ko para lang tignan ang pinagkainan ko. Nakakainis dahil pakiramdam ko ay pinapanood niya ang bawat kilos ko. Hindi naman kasi talaga ako ganon kalakas kumain pero halos puno ng pagkain ang tray na ibinibigay nila sa akin kaya wala akong nagagawa kundi ubusin ito kahit na sobrang busog na ako.
Actually, I've been here for almost a week. If you're going to ask kung nasa isip ko pa ba ang pagtakas, well you got it wrong.
Bigla akong natigilan sa pagnguya at napatingin sa kung saan nang may maalala ako. Sa ngayon, hindi muna ang pagtakas ang nasa isip ko dahil mahirap gawin ang bagay na 'yon. But you might be thinking kung paano ako nakatagal dito ng halos mag-iisang linggo gayong inis na inis ako na mapunta sa lugar na 'to.
Madalas akong isama ni Senyora sa family kitchen nila. I mean, dalawang kitchen kasi ang meron sila sa mansyon na 'to. One kitchen kung saan nagluluto ang mga maid nila and one kitchen intended for the family. Yung kusina na napuntahan ko na puno ng desserts, that's the family kitchen.
I don't even know kung bakit madalas akong isama ni Senyora roon magmula nang sabihin ko sa kanya na gusto kong matutunan na pagkatiwalaan sila. It somehow became the reason kung bakit ako nakakatagal ngayon dito dahil na rin madalas niya akong dalhin sa family kitchen nila at kahit papaano ay nakakalimot ako tungkol sa mga nangyari noon. Pinapanood ko siya sa tuwing nagbe-bake at nagluluto kaya kahit papaano ay may natututunan rin ako mula sa kanya.
Looks like she's having her tutorial about her recipes sa tuwing magkasama kami sa kitchen na 'yon. Somehow, she resembles my mother dahil mahilig rin sa pagluluto si mom. I still want to ask her lots of questions pero sa tingin ko, hindi pa ngayon ang tamang oras at panahon.
Hindi ko pa nakitang nagsungit si Senyora sa akin. Ibang-iba siya sa tuwing kausap naman niya si Erin at dahil halos magkasama kami buong araw, mas lalong lumalim ang galit ni Erin sa akin...na hindi ko na lang pinapansin.
I mean, why do I need to care kung wala namang masama doon, hindi ba?
Nang matapos na ako sa pagkain ay muli kong ibinalik sa tray lahat ng pinagkainan ko. I also had a quick gaze on the metal bracelet on my right hand na hindi pa rin nila inaalis. I wiped all the thoughts away at lumabas na ng kwarto. Nadatnan ko naman si Blue na hinihintay ako katulad ng sinabi niya kanina kaya napatingin siya sa akin at ngumiti, "Nabusog po ba kayo, Miss Gale?"
Tumango na lang ako at ngumiti kahit na gustung-gusto ko siyang awayin at magreklamo dahil sa dami ng pinapakain nila sa akin, "Sundan niyo po ako. Sasamahan ko kayo kay Senyora."
Nag-umpisa na siyang maglakad pababa kaya ginawa ko naman ang sinabi niya. Meron pa ring mga rumoronda sa buong mansyon at kahit ilang araw na 'ko dito, hindi ko pa rin talaga makabisado ang bawat daan dahil sa sobrang laki ng lugar na 'to. Nadaanan pa namin ang dalawang kitchen na tinutukoy ko kanina hanggang sa tumigil kami sa harap ng dalawang malaking pintuan sa dulo ng mansyon.
Hinarapan ako ni Blue at hindi pa rin naglaho roon ang ngiti mula sa mga labi niya bago nito binuksan ang pintuan. Sumalubong naman sa akin ang isang sariwang hangin na nakapagpagaan pa lalo ng pakiramdam ko. Sandali akong napapikit dahil dito hanggang sa matanaw ng mga mata ko ang isang lugar na hindi ko inaasahang makita.
I was frozen for a minute when my eyes met a garden of yellow roses.
Kusa na lang gumalaw ang mga paa ko palabas kaya mas naramdaman ko pa ang sariwang hangin habang nakatingin ako sa buong hardin. It was supposed to be soothing to the eyes yet I felt something wrong about it.
Agad akong natigilan sa hindi inaasahang pagkakataon nang maalala ang bracelet na suot ko. Hindi ba ako dapat na makaramdam ng pananakit dahil lumabas ako ng mansyon? O baka naman may permiso kay Senyora kaya hindi ako nakukuryente gayong lumabas ako?
Itinuon ko na lang ang pansin sa labas at minasdan ang buong hardin. Wala akong ibang nakikita kundi ang napakaraming dilaw na rosas. Napapalibutan din ng ilang paru-paro ang buong hardin dahil sa dami ng bulaklak.
If that thing didn't happen, I could totally say that I am seeing a paradise.
Habang minamasdan ko ang buong lugar ay natigilan ako sa isang direksyon nang makita si Senyora na nangunguha ng mga rosas. May ngiti sa mga labi nito at kitang-kita ko rin ang tuwa sa kanyang mga mata. Bahagya itong napayuko at nang mapitas ang isang rosas ay inamoy niya ito bago inilagay sa kabilang kamay niya na puno ng mga dilaw na rosas. Iniayos niya ang mga 'yon at maiging minasdan.
Nag-umpisa naman akong maglakad papalapit sa kanya habang tinatanaw ang mga rosas na nadaraanan ko, "Do you like roses?" tanong nito pagkalapit namin sa gawi niya. Sandali niya akong tinignan bago ibinalik ang tingin sa mga 'yon.
Isang malungkot na ngiti ang naibigay ko kaya bahagya akong napayuko, "I used to love them," mahinang saad ko. Napatingin siya sa akin na tila hindi inaasahan iyon at ngayon ay puno ng pagtataka ang kanyang mukha, "What about now? Don't you like them, still?" tanong pa niya.
Bumuntong-hininga naman ako na tinignan ang mga rosas sa paligid bago siya muling tinignan, "It was my mother's funeral when I first had a glimpse of roses, that's why I have bad memories of them," kitang-kita ko naman ang pag-aalala sa mga mata niya.
"I used to love them just like how my mother loved roses. Palagi niya po kasing sinasabi sa akin noon na gustung-gusto niyang bumili ng rosas kaso palagi siyang nauubusan. Wala raw kasing nagbibigay sa kanya noon, even my father. She never had the chance to buy those for herself not until she left me. She only received roses the moment she died."
"I'm sorry for what I did. Hindi na muna sana kita pinapunta dito. I thought seeing the garden could cheer you up," malungkot na saad nito na hinawakan ang isang kamay ko. Umiling naman ako at ngumiti, "Okay lang po, Senyora."
"But you know what, you won't regret seeing the bright side of these roses," saad nito habang minamasdan ang mga hawak niyang rosas sa isa nitong kamay kaya napatingin na rin ako roon.
"Yellow rose is like a sunshine that uplifts the mood, it brightens up your day and it gives you a chain of positivity in life," ibinalik naman niya ang tingin sa akin at humigpit ang pagkakahawak sa kamay ko, "Just like these roses, I wish for your general well-being, Gale," binitawan niya ang kamay ko at napatingin ako sa isang kamay niya nang inilahad niya sa akin ang mga hawak niyang rosas.
Why do I feel like they know what I really feel? Parang bawat nararamdaman ko, naiintindihan at nakikita nila kahit na hindi ko naman sinasabi sa kanila? How I wish for this moment to come? Na kahit hindi mo sabihin ang totoong nararamdaman mo, makikita nila ang lungkot sa mga mata mo at maiintindihan ka nila instead of judging you without even knowing what's really happening to you.
"They strengthen one's relationship as they symbolize friendship," napatingin ako kay Senyora nang idagdag niya 'yon.
Is she offering me a long-lasting friendship? For a moment, napaisip na lang ako. Bakit kaya hindi ko rin subukang intindihan sila kagaya ng pag-iintindi na ginagawa nila sa akin? I won't know not until I try, right? Hindi ko naman siguro pagsisisihan na subukan.
Unti-unti na lang akong napangiti at dahan-dahang kinuha sa kanya ang mga 'yon. Halata din naman na natuwa siya dahil sa ginawa ko. Maigi kong minasdan ang mga rosas at inamoy ang mga ito.They smell like citrus, having a lemony-smell. Susubukan kong kalimutan ang nangyari noon at ang masamang alaala ko tungkol sa mga rosas.
Maybe I should really try moving forward because the past keeps on pulling me backwards.
"By the way, you should stop calling me Senyora," ibinalik ko naman ang tingin sa kanya nang salubong ang kilay pero tila nag-iba naman ang itsura nito at parang ako itong si Erin na kausap niya. May nagawa ba ako na hindi niya nagustuhan?
Unti-unit naman itong napangiti, "I am Addison Vercelluz Aendriacchi. You can call me Tita Addi or just Tita," napatingin naman ako kay Blue na nasa likuran ko. Parang nabuhusan siya ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni Senyora. Hinawakan naman ni Senyora ang isang balikat ko kagaya ng ginagawa niya noon, "Please don't make me regret for introducing myself to you, Gale," dagdag pa niya.
Magsasalita pa sana ako nang bigla naman kaming makarinig ng kung anong ingay. Napansin kong nasa likuran din kami ng mansyon kaya sa hindi kalayuan ay may dalawa ring itim na gate na katulad nang nasa harap ng mansyon. Hindi lang nag-iisa ang daan palabas kundi meron din dito sa likod but still, they are keeping it in a high security. Ang buong akala ko pa naman, isa lang ang entrance at exit ng mansyon. I should really wander around sometimes.
Bigla na lang kasing naalarma ang mga nagbabantay at nakatingin sa taas ng napakataas na gate. Napatingin din ako doon at nakita ko ang isang itim na motor na mabilis na nalagpasan ang gate kaya tuluyan itong nakapasok sa loob ng mansyon. Inilabas naman ng lahat ang baril nila at itinutok sa nakasakay doon na hindi namin makilala dahil sa helmet na suot nito. By the way that person drives, halatang marunong siya at pwedeng isabak sa karera dahil sa kung paano niya pagalawin ang motor.
Lumapit doon si Senyora nang may pagtataka nang tumigil ang motor sa pinakagitna. Lahat naman ng tauhan ay nakapalibot dito. Bumaba ang nakasakay dito at tinanggal ang suot niyang helmet bago ipinatong sa motor. Napagtanto naming isa siyang babae nang suklayin nito ang buhok niya patalikod at iritang humarap sa direksyon namin, "What the hell! Did you just all point your gun at me?! Balak niyo ba akong patayin?! Ha?!" galit na tanong niya. Wala ring pag-iinarte sa boses nito.
She was wearing a leather jacket, leather pants and a black boots. Ang masasabi ko lang, napaka-astig niyang tignan. There was also a gun on her side na natanaw ko. Pagkatapos naman nitong magsalita ay singkabilis ang lahat na ibinaba ang mga baril na hawak nila at yumuko, "Nós pedimos desculpas, young mistress. Nós pensamos que você era um inimigo." saad ng isa sa kanila.
(We apologize, young mistress. We thought that you were an enemy.)
"Allison?!" tila nabigla namang lumapit si Senyora sa babae kaya napatingin ito sa kanya at napangiti, "Mom!" saad nito at niyakap si Senyora.
Did I hear right? Anak din ni Senyora ang tinawag niyang Allison? So may kapatid ang Master nila?
"Please don't blame our men, they were just being cautious," saad nito pagkalayo nila sa isa't isa kaya sinamaan ng tingin nung Allison ang mga tauhan na tinapatan siya ng baril, "Malalaman 'to ni dad, maghintay lang kayo," pagbabanta niya sa kanila.
"Allison. Bakit ba kasi hindi ka na lang dumaan ng maayos sa gate eh pagbubuksan ka naman nila? Para sana hindi ka na napagkamalan na kalaban. Para saan pa ang gate kung hindi mo rin lang naman gagamitin?" saad ni Senyora.
"Ano pang ginagawa niyo? Magsialis na kayo kung ayaw niyong isa-isahin ko kayo!" sigaw ni Allison na agad naman nilang sinunod.
"Calm down, pwede ba? Kakarating mo lang ang init ng ulo mo. Bakit ba kasi hindi ka nagsabing uuwi ka na ngayon pagkatapos mong nawala ng ilang buwan?"
"Mamaya ko na sasagutin lahat ng tanong mo, mom. Nagugutom na ako," saad ni Allison na naglakad papasok sa loob kaya sinundan siya ni Senyora. Hindi ko alam pero natatawa na lang ako dahil sa kung paano sila mag-usap.
"Sino ba namang hindi magugutom eh ginamit mo pantawid ng gate natin yung motor mo," bulong ni Senyora habang nakasunod sa anak nito. Natigilan naman si Allison at hinarapan siya, "Ano 'yon, mom?"
"Wala. Ang sabi ko mas mabuting kumain ka na nga at puntahan ang kuya at dad mo. Paniguradong matutuwa silang makita ka," napangiti na lang ako dahil kay Senyora. Mas mukha pang mainitin ang ulo ng mga anak kesa sa nanay nila, "Tssss. Humanda talaga mga tauhan ni dad sa akin mamaya," dagdag pa ni Allison habang papasok sila sa loob.
Bago naman sila tuluyang makapasok sa loob ay tinignan ni Senyora si Blue at sinenyasan ito. Nakita ko naman ang pagtango ni Blue na ngayon ay nasa tabi ko na, "Siya po ang bunsong anak nina Senyora at Godfather," pahayag niya sa akin kaya tinignan ko siya.
"Kapatid ng Master mo?" tumango naman siya, "Actually, tatlo po silang magkakapatid. Nagtratrabaho po sa malayo yung pangalawa nilang anak— oo nga po pala, napakaswerte niyo ngayong araw, Miss Gale," pag-iiba naman nito sa usapan na nakapagpagulo sa akin.
"Bakit?"
"Kung napapansin niyo po, hindi niyo pa alam ang pangalan nina Godfather at Master dahil hindi pa sila nagpapakilala sa inyo. Actually, nagpapakilala lang po ang pamilyang ito sa mga taong pinagkakatiwalaan nila at ganon po ang ginawa ni Senyora sa inyo ngayon," pahayag niya kaya sandali akong napaisip, "Ibig mo bang sabihin...may tiwala na siya sa akin kaya siya nagpakilala?"
Tumango naman si Blue, "Opo, Miss Gale. Kaya nga po sabi niya 'don't make me regret for introducing myself to you.' Ang ibig sabihin ni Senyora, huwag niyo sanang sirain ang tiwala niya sa inyo."
"Ganon ba?" napatingin na lang ako sa kung saan dahil hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Bakit parang napakabilis niyang magtiwala sa akin?
"Kapag po kasi nasira na ang tiwala nila sa inyo, mahirap nang ibalik ulit 'yon...katulad ng nangyari kay Ms. Erin," bigla naman akong napatingin kay Blue.
"Ano ba talagang nangyari sa pamilya at kay Erin?"
"Wala po ako sa posisyon para sagutin ang tanong ninyo, Miss Gale," pahayag ni Blue na halatang umiiwas. Sabagay, isa siyang kasambahay dito at alam kong wala sa bokabularyo nila ang magsalita tungkol sa sikreto ng pamilya. Now, I'm starting to get curious about Erin and her husband.
"Blue, pinapatawag ka sa loob," napatingin naman kami sa isa sa mga kasamahan ni Blue na lumapit sa amin, kaya hinarapan niya ako, "Oo nga po pala, Miss Gale. Sinenyasan ako ni Senyora na hayaan muna kayong mag-ikot dito sa mansyon. Kung may kailangan po kayo, sabihan niyo na lang daw po ang mga tauhan at ang iba pang maid. Iwan ko muna po kayo," aktong magtatanong pa sana ako tungkol sa sinabi nito pero agad naman siyang umalis.
Bahagya pang yumuko sa akin ang kasama ni Blue bago siya sinundan nito na ikinasalubong ng kilay ko. Did she just bow in front of me? Bakit? And what's my right as a captive to ask for their men or maid's help? Huh? Naguluhan naman ako sa sinabi ni Blue.
Inilibot ko ang tingin sa paligid at tinignan ang mga hawak kong rosas. Napangiti na lang ako dahil tama nga si Senyora, seeing the bright side of these flowers could uplift your mood and brighten up your day just like a sunshine. Katulad ng sinabi ni Blue, sumunod na rin ako sa kagustuhan nila kahit naguguluhan ako.
Inikot ko ang buong hardin at puro dilaw na rosas lang ang nakikita ko. Now, it's soothing to the eyes. Unti-unti nang nawawala ang takot na nararamdaman ko sa tuwing nakakakita ng rosas at napapalitan ito ng saya. Nakangiti ako habang iniikot ang buong hardin. May mga nakakasalubong rin akong mga tauhan nila at parati silang yumuyuko ng bahagya sa tuwing makakasalubong ako. What's with all of these things now? Anong meron? Ngunit natigilan naman ako dahil sa hindi kalayuan ay nakakita ako ng nag-iisang puno.
It was the only tree yet it might have a value.
Kahit nag-iisa lang ito, nakakaakit sa mata dahil sa dami at kulay ng mga bunga nito. I got curious kaya lumapit ako sa puno na 'yon. I was delighted when I see those red and pinkish fruits hanging from the tree. Kulang na lang ay mahulog ang mga ito dahil sa hangin. It was actually a lychee tree. Mas matangkad pa sa pader ang puno kaya paniguradong matatanaw mo ang labas ng mansyon kapag inakyat mo ito. The leaves were so green na halatang alagang-alaga nila ang puno na ito.
Napatingin naman ako sa nag-iisang bunga na nasa tapat ko. Aktong hahawakan ko ito nang bigla naman akong napaatras nang may mahulog na kung sino sa mismong harapan ko. It wasn't a fruit nor a small branch of the tree. It was actually a person kaya napatingin ako sa taas. Don't tell me inakyat niya ang puno kaya siya nahulog? Other than climbing up a tree, wala na rin namang ibang dahilan para bigla siyang mahulog sa harapan ko, unless na lang kung hulog siya ng langit but that's too impossible.
Nakasalampak siya ngayon sa sahig at hindi ko siya mamukhaan dahil sa suot nito ngunit tila pamilyar naman sa akin ang damit niya. He was actually wearing a gray trilby cap. Napahawak naman ito sa bandang baywang habang iniinda ang sakit, "A-are you okay?" tanong ko na bahagya siyang nilapitan.
Tutulungan ko sana siya pero napaatras na lang ako nang dahan-dahan siyang tumayo sa harapan ko. Pinagpag nito ang suot niyang damit na sadyang pamilyar sa akin. Whom did I see wearing that kind of thing?
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa pero hindi ko talaga makita ang mukha niya. Unti-unti naman siyang tumingala hanggang sa magtama ang mata naming dalawa at tila namumukhaan ko rin siya kaya nanliit ang mata ko, "Have we met before?" wala sa sariling tanong ko.
Nabigla ako nang ngumiti siya at dahan-dahang hinawakan ang kamay ko. Nagsitaasan ang balahibo ko dahil sa ginawa niya, "We met again, young lady," nanlaki na rin ang aking mata nang makilala ang boses nito. Don't tell me it was him? Unti-unti naman niyang inilapit ang bibig sa kamay ko habang nagpapalitan kami ng tingin at wala sa sarili akong nakapagsalita, "D-detective... Terrence Black?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
Nagsalita naman siya bago hinalikan ang kamay ko, "It's Terrence De Valois, young lady. From the family of snipers," dagdag pa nito. Lumayo siya mula sa akin at tinanggal ang suot nito sa ulo kaya mas maigi ko pa siyang nakilala. I was left speechless. I didn't expect that a detective can also be a part of this mafia.
"S-so you were a spy in the army?" hindi makapaniwalang tanong ko na ikinailing naman niya. May bahagyang ngiti rin mula sa mga labi niya, "No, I had always been fantasizing on being a detective. Never did I expect that I could become one but I also have responsibilities as one of the third generation in Alzini de la Alpha, that's why I had to be a spy for a while."
"You were spying my husband, my father and his army?" tanong ko pa.
"Yes. And things turned out so easy for them since you were gone," natahimik naman ako dahil sa sinabi niya. As expected, masaya silang tuluyan akong nawala.
"Was that the reason for warning me?" I just realized that he gave me a warning back then that this would happen, na mapapasakamay nila ako.
"I've been there to spy on you and to spy on the senator and the general," bigla namang may tumawag mula sa telepono nito kaya kinuha niya 'yon mula sa bulsa niya at sinagot, "General Vincenzo," saad nito na tinignan ako kaya nakaramdam ako ng kaba.
It's my father on the other line kaya naramdaman ko ang galit habang nakatingin sa detective at kusang napakuyom ang kamay ko, "Yes. I'll be there in a few minutes," pinatay niya ang telepono at ibinaba 'yon bago inilipat ang tingin sa akin, "It was your father, young lady."
"Anong kailangan niya?"
"We're both working on Detective Ronan Silverio's case. You know who he is and what happened to him, right? Since you were eavesdropping all the time," nakita ko naman ang masamang pagngiti nito, "As much as I want to have a long conversation with you, I'm afraid that I can't because I have to leave now. See you again, Miss de la Roche. It was nice meeting the general's daughter... again," mas lumapad naman ang ngiti nito. Gustuhin ko mang magalit nang tawagin niya ako sa ganoong paraan ngunit pagtango na lang ang nagawa ko nang lagpasan niya ako.
"And one thing," napatingin naman ako sa kanya nang matigilan siya at muling humarap sa akin, "You might be thinking how I fell from that tree... " sabay turo niya sa puno kaya napatingin ako roon, "Well, I took a nap because I knew that your desperate father would call me in such a hurry," saad pa nito na ikinatawa ko at napailing na lang. Bakit pa kasi sa dinami-rami ng lugar, dito sa puno niya pa naisipang matulog? I can't believe this man. Tuluyan naman siyang umalis kaya tinignan ko na lang siya sa paglalakad nito papalayo.
Kaya ba alam ng mga tao dito ang lahat tungkol sa akin dahil sa kanya?
"So na-meet niyo na po pala si Mr. Terrence De Valois," napatingin naman ako sa nagsalita at nakita ko si Blue na lumapit sa akin habang nakatingin din sa detective, "A spy, a detective and soon to be a consigliere of Master."
"Consigliere?" tanong ko.
"A consigliere is an advisor of a mafia boss. The army is planning to put an end to the two mafia organization's third generation," pahayag pa niya.
Matagal ko ng ipinagtataka kung ano ang third generation na tinutukoy nila. Madalas ko 'yong marinig kay Philip at sa magaling kong tatay.
"Second generation includes Godfather together with the detective's father and other allies. In fact, Master and Detective Terrence are already part of the third generation. The army is planning to kill the third generation dahil malaki ang paniniwala na mas magiging makapangyarihan sila. Just like Master, he's not yet the mafia boss yet he already has a big influence in this country for being the CEO of NR Corporation. Detective Terrence has already building up his image as a trusted detective for solving Detective Ronan's case. He's also a spy kaya alam nina Godfather ang bawat galaw ng mga militar. Kaya nga galit na galit ang army sa third generation dahil alam nilang gumagalaw ang mga ito ng patago on behalf of their parents. They were trained by their fathers. Paano pa kaya kung sila na ang pumalit sa mga tatay nila ngayon? Once the third generation take their father's places, it will be hard for the army to attack and win the battle. Except Alzini de la Alpha, tinitira din nila ang El Nostra. This mafia contains ten crime families all in all," pahayag ni Blue.
So it means, the fathers are the second generation and their children belong to the third. I could see the army's point now. Gusto nilang patayin ang third generation para hindi na matuloy pa ang bloodline ng dalawang organisasyon. After killing the third, that's the time that they will be going to attack the second generation. If that happens, it's a win-to-win situation.
"Ibig mo bang sabihin marami pang katulad ng Master mo at ng detective?" tanong ko na ikinatango niya.
"Opo, Miss Gale. Out of ten members of third generation, dalawa pa lang po ang kilala niyo...si Master at detective. Wala pa ang iba ngayon dito sa mansyon dahil abala po sila sa career nila para hindi sila mapaghinalaan at mababa ang tyansa na mapagbintangan sila. You still have to meet a lot of them, especially the Architect," iba naman ang naging ngiti ni Blue nang sambitin niya 'yon.
"Architect?"
"Master's right hand is an architect, anytime pwede na siyang umuwi dito. He was shot back then when they were still in Lisbon, Portugal— that's why he had to take a break from the mafia and from his career," pahayag ni Blue.
Continua...