"Anak doon muna tayo titira kay Uncle Edison mo okay?" paalala sakin ni mama habang nagaayos siya ng mga gamit namin.
Tumango nalang ako sa kanya at inumpisahan na ulit ayusin yung pellet ko na naibagsak ng kalaro ko.
Habang abala ako sa pagaayos ay nakuha ng tv ang atensyon ko.
Hawak na ngayon ng mga pulisya ang suspek sa pagpatay sa anak ni Mayor Suldito nang Cebu. Wala pa ngayong balak na ipaalam nang pulisya ang pagkakakilanlan nang naturang suspek.
Biglang may nagflash na isang video kung saan hinahabol ng reporter yung isa sa mga pulis para magbigay ng sasabihin.
Pulis: Hindi muna kami magbibigay ngayon ng statement, gagawin muna naming pribado ang lahat nang mangyayari ayon na rin ito sa kagustuhan ni Mayor. Ang importante sa ngayon ay nahuli na ang suspek.
Tsaka umalis na at natapos na ang video nang tinawag pa rin nang reporter ang pulis pero di na lumingon ang huli.
Kinuha ko ang remote na nasa sofa at nilipat ang tv sa Tom & Jerry.
Kung ako 'yong pulis kanina, hindi ko na lilingunin yung reporter sa una pa lang. Nakakainis kaya 'yung ganon, napaka-chismosa. Lahat dapat ng impormasyon ay gusto nilang nalalaman. Mahilig silang makielam.
"Anak, pumunta ka na sa sasakyan. Huhugutin ko lang saglit yung mga saksak dito."
Napalingon ako kay mama na may hila na ngayong isang maleta at may suot na bagpack.
"Sige po, ay ma! Nadala mo po 'yung chocolates ko sa ref?" tanong ko habang kinuha na ang pellet na nasa center table.
"Yup, nadala ko po sir." sagot niya nang natatawa.
Buti nalang naalalala ko, muntik ko pa malimutan yon.
~
"Pagpasok natin sa loob, wag kang magiging makulit ha? Maging behave ka lang dapat and smile to Uncle okay?" paalala niya bago kami bumaba ng sasakyan.
Tumango lang ako sa kanya at bumaba na kami nang sabay sa sasakyan.
Wala akong mafeel na kahit ano dahil hindi ko naman talaga kilala si Uncle Edison. I just know him as my mama's fiancΓ©.
Hindi ako nagrereklamo na meron nang bagong makakasama si mama dahil bata pa lang ako wala na naman talaga akong tatay, iniwan niya kami dahil hindi tanggap ng family niya si mama at ako. Ayos lang din naman sa akin dahil kinalakihan ko na rin ang kawalan ng ama.
Pagbaba mula sa sasakyan ay di na ako nabiglang malaking bahay ang bumungad sa akin. Sinabi na sakin noon ni mama na malaki ang bahay nito.
"Good morning Ma'am." bati sa kanya ng kasambahay na nasa pinto at sila na ang nagbitbit nang mga bag ni mama.
Kung ikukumpara sa amin ay higit na may kaya sa buhay si Uncle, dahil kung siya ay may kasambahay, kami ay wala tsaka sakto lang ang bahay namin ni mama para sa aming dalawa hindi katulad nito na napakalaki.
"Nandyan na pala kayo. Good morning hon." bati ng isang lalaking nakasuot nang pang-pulis na damit at nasa living room ng bahay.
Tumayo siya at hinalikan sa pisngi si mama, napabuntong-hininga naman ako sa nakita.
"Hi Stanley, napaka-gwapo mo naman palang bata." sabi nito at pinat ang ulo ko.
Tinignan ako ni mama na parang nagsasabi na 'anong sasabihin mo?' kaya napabuntong-hininga ulit ako.
"Thank you po.. U-uncle." at binigyan ko siya ng pilit na ngiti.
Hindi naman ako agad-agad makakapagadjust nang ganon-ganon nalang lalo na at sobra akong naninibago.
Umupo na kami sa sofa sa salas habang nakahawak pa sa braso ko si Uncle.
"Oh. You love guns?" tanong nito nang mapansin ang hawak kong pellet.
Tiningala ko siya tsaka tumango nang nakangiti.
I really love guns so much. Ang totoo ay gusto kong maging sundalo sa future. Katulad ng dahilan nang iba ay gusto kong iligtas lahat ng tao, lalo na ang mga nasa bansa ko.
"Marami akong guns sa kwarto ko, you want to see?" tanong niya sa akin nang nakangiti pa rin.
Naexcite naman ako sa sinabi niya at tumango agad nang dalawang beses.
I want to see real guns! Wala naman kasing ganoon sa bahay namin at hindi kami pwedeng magkaron ng ganon nang basta-basta.
"Ay nako magkakasundo kayo ng sobra sa mga baril na ganyan." biglang sabi ni mama habang nakangiti na naiiling-iling.
"Iaakyat ko lang siya saglit sa kwarto ha? Dyan ka na muna." paalam ni Uncle kay Mama nang natatawa.
"Aba at talagang hindi niyo manlang ako isasama?"
"It's a boy thing." sabay naming sagot ni Uncle kaya nagkatinginan kami at sabay na natawa.
"Okay fine, sa kusina na nga lang muna ako." sagot ni mama at tumayo na.
"Ay before I forgot, hindi tayo dito magla-lunch hon, pupunta tayo kina David." paalala niya kay mama bago kami umakyat papunta sa kwarto niya.
Pagpasok sa kwarto ay dumiretso kami ni Uncle sa isang closet. Binuksan niya 'to at doon bumungad sa akin lahat ng baril na nakasabit at mga nakalatag sa lower part na natatakpan ng transparent glass.
Woa. Halos lahat ng baril na nakikita ko sa internet ay meron sa cabinet na 'to!
"Here's my bullets."
Napalingon ako kay Uncle at nagulat nang lahat pala ng bala ng baril niya ay nasa likod ng pinto ng cabinet.
"You're so cool Uncle." manghang-sabi ko nang kumuha siya ng isang baril at imanbang parang may kalabang titirahin.
"Let's go for fire shooting some other time, you want?" tanong nito sa akin habang binababa na ang baril niya.
Excited naman akong tumango agad sa suhestyon niya.
"Sure Uncle!"
~
Saktong 11:45 nang makarating kami sa bahay ni Uncle David. Sabi ni Uncle Ed na kapatid niya raw 'to kaya tawagin ko na rin na Uncle.
Pagkapasok ay sumalubong sa amin ang isang babae na mga nasa kasing edad na ni mama.
"Nandyan na pala kayo, boy pala 'yong baby mo. Sayang at wala yung lalaki kong anak, siguradong magkakasundo sila. Call me Auntie Sandy okay?" sabi niya kay mama sa una at habang nakangiting nakatingin sakin.
Napangiti naman ako ng pilit pagkatapos kong mag-mano sa kanya. Sayang, wala kong makakalaro rito.
"Nasaan ba si Dave?" tanong ni Uncle Ed.
"Nasa school ngayon eh, mamaya pang hapon ang uwi non." sagot niya.
Dumiretso kami sa dining table nila kung saan may mga nakahanda nang pagkain at pinggan.
Nagsiupo na kami at sakto namang nakarinig kami nang ingay nang pagbaba mula sa hagdan at tawanan.
"Yes that's my baby girl!" rinig kong boses ng isang lalaki.
Sumunod naman doon ay ang hagikgik ng isang batang babae. Kung pakikinggan ay mukhang dito ang punta nila sa dining.
"Sakto lang kayo nang dating, tatawagin ko pa lang sana kayo eh." sabi ni Auntie Sandy sa dalawang dumating.
Isang lalaking kahawig na kahawig ni Uncle Ed ang dumating kasama ang isang batang babae na may na laruang mic at na kung titignan ay mga nasa pito o walong taong gulang.
"Natagalan kami dahil hinanap namin ang mic ni Cass." sagot noong lalaki.
Inuupo niya sa tabi ng Auntie Sandy ang bata kaya nagkatapat kami ng upuan. Nasa kabisera si Uncle David at nasa kanan niya si Auntie Sandy at yung bata while nasa kaliwa niya si Uncle Ed, ako at si mama.
"Hey there big boy, call me Uncle David. What's your name?" nakangiting tawag ni Uncle David sa atensyon ko.
Ngumiti naman ako at sumagot.
"I'm Stanley po, Uncle."
"Nice choice of name. By the way, that beautiful creature beside my wife is Cassandra, our baby bunso. Cass call him kuya Stanley, okay?" pakilala ni Uncle David sa akin sa bata.
Tinapat nang bata ang mic na kanyang hawak sa bibig at tsaka nagsalita.
"Hi Kuya Stanley!" aniya nang nakangiti ng todo kahit na may dalawang bungi.
"Hello." sagot ko at nginitian siya.
Nagsimula kaming kumain at nagsimula rin na magkwentuhan ang matatanda sa hapag. Hindi nakakatakas sa akin ang bawat pagbibigay ng bawat luya ni Auntie Sandy kay Cassandra.
Kita ko rin kung paano sinusubo nang magana ni Cassandra ang bawat luya.
Hindi ba't ang pangit ng lasa non? Ayoko nga kumain ng kahit bawang o sibuyas, tapos luya pa? Pampalasa lang dapat 'yon at di na kinakailangang kainin. Nagpapaganda ba siya ng boses para sa pagkanta?
Nang matapos kumain ay pumunta muna kami sa salas ni Cassandra para manood ng tv habang ang mga matatanda ay nasa garden at may sariling kwentuhan.
Habang nanonood ako ay kita ko ang paghila ni Cassandra ng isang basket na punong-puno ng mga laruan papunta sa tabi ng center table.
"Merienda." sabay lapag ng isang kasambahay nang chocolate cake sa akin at orange juice.
"Bakit wala po kay Cassandra?" tanong ko bago makalayo ang kasambahay.
"Nagpapabili pa lang ako ng ginger at pineapple pero isusunod ko na agad." aniya at dumiretso na sa kusina.
Tinignan ko naman si Cassandra na hawak ang isa sa mga mic niya na tutok na tutok ngayon sa newsflash na palabas sa tv.
Ginger and pineapple for merienda? Nagtatakang napangiti ako habang narerealize na ang weird ng taste buds ng batang kaharap.
***
"Totoo bang may babae kang katrabaho mo Edison?!" rinig kong sigaw ni mama mula sa baba.
Heto na naman sila at nagaaway na naman ni Uncle Ed. It's been years and nitong mga nakaraang buwan ay di na nakakauwi pa si Uncle, at nababalita rin na may iba daw tong babae sa trabaho.
Kung noon ay sobra ang pagiging malapit naming dalawa ay ngayon nag-iba na. Halos hindi ko na siya kinakausap dahil na rin sa pagaaway nila ni mama at dahil sa hindi ko naman na siya madalas nakakasama.
Lumabas ako ng kwarto at sumilip sa kanilang dalawa.
"Umamin ka na Edison! Ano bang naging pagkukulang ko?! Saan ba ako nagkulang?!" umiiyak na tanong ni mama habang nasa harap niya lang si Uncle Ed at nakatayo.
"Tumahimik ka na Miya!"
Napatuwid ako nang tayo nang biglang sinampal ni Uncle si Mama. How dare him!?
"Tatahimik lang ako kung ipapaliwanag mo sakin kung ano 'to Ed! Ano tong mga to?!" umiiyak na sabi pa rin ni mama at may inihagis kay Uncle na brown envelope.
Nagtalsikan sa sahig ang nasa loob ng envelope.
"Bahala ka na nga sa buhay mo! Ang hirap mong sabihan na tumahimik! Bat pa ba ko umuwi dito!?" galit na sigaw ni Uncle at umalis na ulit ng bahay.
Naiwan sa baba si mama na nakaupo na sa sofa habang umiiyak.
Bumaba ako at bago ko pa malapitan si mama ay napahinto ako sa nakitang pictures na nasa sahig.
It's Uncle Ed in his uniform and a policewoman that's stranddling him.
Napalingon ako kay mama na naiyak pa rin nang iyak. Napabuntong hininga ako kasabay nang pag-usbong nang sobrang galit kay Uncle Ed. He's a cheater!
Mali na pinagkatiwalaan ko siya dahil sa tinitingala ko siya sa trabaho niya, mali dahil manloloko rin siya at ang kasamahan niya sa trabaho. He hurt my mother, I loathe him.