Chereads / (Primero #2) He's A Criminal / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

Cassandra's POV

"At last! I'm back!" sigaw ko agad nang nakaopen arms pagkababang-pagkababa sa eroplanong sinakyan.

Nagtuloy-tuloy na ako sa paglabas para makita na rin si Kuya Edgar na susundo sa akin ngayon. Hindi ko alam kung bakit hindi kasama ngayon sila mommy na susundo, nakakatampo.

"Hi Kuya Edgar!" bati ko pagkakita ko sa kanya.

"Hi Miss Cass, welcome back!" aniya at kinuha na ang bags ko.

"Thank you kuya! By the way, nasa office pa ba sila mommy kuya? Hindi ba talaga sila makakauwi rin ngayon?" tanong ko habang nagaayos na nang pag-upo sa sasakyan.

"Wala po Miss eh. Baka mamayang gabi pa po sila makauwi kasama si Sir Dave." aniya at inistart na ang sasakyan.

"Ano ba yan, ngayon pa sila nabusy kung kailan uwi ko." nagtatampo kong sabi.

Alam naman nila mommy na ngayon ang uwi ko tapos ngayon pa sila di manlang makakasundo sa akin tapos wala pa sila lahat sa bahay. Para namang hindi nila ako niyan namiss.

Nagsalpak nalang ako nang earphones at nanood ng update news for today.

"Miss Cass, nandito na po tayo."

Naalipungatan ako sa pagkakatulog dahil sa tumawag at nagtapik sa braso ko. Nakatulog na pala ako kanina sa panonood.

"Okay po kuya, pababa na po." sagot ko.

It's been three years and wala pa ring nagbabago sa bahay namin. Ganitong-ganito pa rin yung designs at pintura, ang alam ko ay every year na pinapa-pinturahan ito nila mommy nang kapares pa ring kulay para hindi kumupas.

Pumasok ako sa bahay at mga nasa gilid na maids ang sumalubong sa akin sa pinto.

"Good afternoon Miss Cass, welcome back."

Sabay-sabay silang bumati sa akin na sinuklian ko naman ng matamis na ngiti.

"Thank you, good afternoon din!" ani ko sa kanila at nagtuloy-tuloy na sa paglalakad.

Dumiretso ako sa hagdan at pumunta sa kwarto ko. Hindi ko alam kung napalinis ko pala 'to. Bahala na nga.

Pagbukas ko ng pinto ay dilim nang buong kwarto ang sumalubong sa akin kaya kinapa ko ang switch sa kaliwang bahagi ng pader.

"Welcome back baby bunso!"

Eksaktong pagkabukas nang ilaw ay ang gulat ko nang sabay-sabay sumigaw sila mommy, daddy, kuya and uncle. They're all here!

"Too shock baby?" tanong ni daddy habang nalapit sa akin para bigyan ako ng yakap.

I hugged him tight and kissed his cheeks.

"I missed you dad!" sabi ko rito pagkahiwalay na pagkahiwalay sa yakap.

"Daddy niya talaga agad unang-unang niyakap. Ang daya, favoritism si bunso." rinig kong sabi ni mommy sa likod.

Napatingin naman ako sa kanilang tatlo nila kuya and uncle. I giggled and ran towards my mother.

"Sorry na, I missed you mommy!" lambing ko sa kanya habang inisway ko siya sa pagkakayakap ko.

"Yea yea yea pero mas miss mo si daddy mo." ani nito at nakacross arms pa rin.

I am a daddy's girl, kaya madalas na talaga bago pa man ako umalis ay ganito na sa akin si mommy, madalas magtampo. Dahil ayon sa kanya ay madalas na si daddy ang inuuna ko kaysa sa kanya.

"Sorry na eh." ani ko rito.

Unti-unti naman siyang nag-smile at hinug na rin ako pabalik.

"I missed you baby bunso! Napaka-big girl mo na ngayon." sabi niya habang hinahawakan ang buhok ko.

I gave her a smile that turns into a grin. Napatakip bigla si mommy sa bibig niya dahil sa pag-grin ko.

"Omg baby bunso! You have a boyfriend na?!" gulat niyang sabi.

"Hoy anong boyfriend-boyfriend!? Bawal!" biglang reklamo ni daddy na nagpapalobo ng balloons ngayon.

Pinuno nila ng balloons na may design na ginger ang buong kwarto ko at may pa-tarpaulin pa sila na may nakalagay na 'Welcome back baby bunso!' with ginger na background and picture ko sa left side. Ang pambata ng idea nila pero super kong naappreciate and natutuwa ako.

"Nakaready na mga baril ko." biglang sabi ni Uncle habang may kinakain siyang hotdog na nasa stick. Saan niya nakuha yung hotdog?

"Baka gusto mong putulan ko ng kinabukasan yan." biglang sabi rin ni Kuya Dave na may suot na party hat at naka-yakap ngayon sa isa sa mga unan kong may ginger design na cover.

"Ang bad niyo naman! Wala naman akong boyfriend!" sagot ko sa kanila na pare-parehas oa at over protective.

"Hays baby bunso, hayaan mo na yang mga yan. Kaya ayaw ka niyan mag-boyfriend dahil magseselos sila!" sabi ni mommy habang nakaismid dahil sa reaction nang mga kasama namin.

Napatawa nalang ako na tumatango sa sinabi ni mommy.

"Ay wait mi." paalam ko kay mommy at lumapit kay Uncle para i-hug siya.

"I missed you Uncle! So how's your guns? Hindi mo pa rin po ba itinatapon?" tanong ko rito habang natatawa.

Umismid naman ito at nagpameywang.

"Hanggang ngayon ba naman gusto mo parin na itapon ko mga baril ko? Hindi pwede 'yon baby bunso okay? Akala ko naman ako kakamustahin mo." ani nito.

Natatawa naman ako at magsasalita sana nang may biglang umakbay sa akin.

"Wait Uncle, kuhanin ko lang po 'tong babaeng 'to saglit." paalam ni kuya Dave kay Uncle sabay hinila ako habang nakaakbay sa akin.

"Kuya ang bigat ng braso mo!" reklamo ko habang pilit tinatanggal 'yong braso niya sa balikat ko pero tawa lang siya nang tawa.

"Look!!" ani niya nang biglang tumigil kaming dalawa sa tapat ng ref.

"Anong gagawin ko dyan sa ref kuya?" tanong ko rito nang nakataas ang kilay.

"Buksan mo kasi yung ref." sabi niya nang seryoso na.

Binuksan ko naman ang ref at tumambad sa akin ang isang malaking transparent tupperware na puro ginger ang laman. Omg.

"Omg kuya! I love you talaga!" sobrang sayang sabi ko at niyakap siya ng mahigpit.

"Thank you! You really know how to make me happy!" sabi ko rito.

"Syempre, ikaw lang baby girl namin kaya dapat lagi ka lang happy. I missed you so much." ani nito at hinalikan ako sa forehead.

"Ayiee. I missed you more kuya!"

***

"You're ready?" tanong sa akin ni kuya bago ako bumaba sa sasakyan.

Huminga ako nang malalim at nagbilang ng 1 to 3 bago tumango sa kanya at ngumiti.

"Yes that's my girl! Go baby bunso!" cheer niya sa akin nang bumaba na ako nang sasakyan.

I gave a smile and bid my goodbye.

Hinatid niya lang ako rito sa YNO Network, may sched na kasi ako rito nang interview. How I wish na sana makapasok ako, dahil ito ang first choice ko eh.

Nagtuloy-tuloy na ako sa pagpasok sa building at nagtanong kung saan ang lugar para sa mga magiinterview.

After a couple of minutes ay natapos din ako sa interview. Ilang tanong lang and pinagsulat din ako ng article on the spot kaya medyo natagalan din ako dahil sulat at hindi pagtatype ang pinagawa.

Palabas na ako nang building nang mapalingon ako sa kanang gilid nang lobby dahil sa isang... malanding tawa?

Napalingon ako at sumalubong sakin ang isang pares ng mata na matalim ngayong nakatitig sa akin. What? Anong ginawa ko rito?

Nagtataka at nakataas ang kilay ko siyang tinignan atsaka inirapan. Baliw ata 'yong lalaking 'yon eh, o baka kaya inis siyang nakatingin sa akin dahil nakita ko sila nang babae niyang naglalampungan?

Maglalandian nalang kasi bakit sa public place pa, duh. Napatirik ang mata ko sa sobrang pag-irap at hinawi ang buhok tsaka nagsimulang maglakad papalabas.