Cassandra's POV
Weeks had passed and I've been one of the writers of YNO Network. Tinawagan lang nila ako noong nakaraan saying na hired na daw ako as one of their writers. Hindi pa man 'to newscaster pero ayos lang dahil on the way naman na ako sa pagiging newscaster niyan.
Bago pa man lumabas ang isang balita sa tv ay isa ako sa mga writers na magpo-proofread muna ng article at mageedit. Dapat na maging tama lahat ng laman ng balita dahil buong pilipinas ang makakabasa at makakapanood ng mga balitang 'yon.
"Cass, ikaw muna mag-edit nito oh. May ginagawa pa kasi ko eh." sabi sa akin ni Layla sabay abot nang dalawang papel.
"Osige, bigay ko nalang sayo mamaya." sagot ko sa kanya at tumango ng dalawang beses.
Huminga naman siya nang maluwag at ngumiti kahit halata na sa kanya ang pagod.
"Thank you!" sagot niya at bumalik na sa pwesto niya.
Si Layla ang head editor namin kaya halos wala na 'to laging tulog at hindi na nakakauwi sa apartment niya dahil sa sobrang busy. Wala siyang kapalitan sa pageedit dahil nag-leave ang isa pang head editor dahil buntis.
Sa akin naman ay marami ring naiibigay na mga article na kailangang iproofread and edit pero kahit papaano ay nageenjoy pa rin ako. Well, bata pa ako ay ito na talaga ang gusto kong gawin. Naeenjoy ko na ang mga pagsusulat at paghawak nang ballpen, lalong-lalo na ang mic.
"Layla! May kapapasok lang na update, wala na raw si Senator Dichoso."
Napalingon ako sa nagsalitang si Kuya Bobby mula sa likod. What? D-Dichoso?
"Reliable ba yang source mo? Kanino mo nalaman?" dalawang sunod na tanong ni Layla kay Kuya Bobby.
"Yes, nabaril daw kaninang 9 A.M. ayon sa post ng anak niya sa Twitter." sagot naman ni Kuya Bobby.
Ninong Arthur is dead? I can't believe this.
"Okay kuya, thank you. Michelle!" tawag ni Layla sa isa pang writer na katulad ko.
"Po?"
"Can you please check the twitter account of Senator Arthur Dichoso's son? I-confirm mo yung news about Senator and make an article about it too. Thank you." utos niya kay Michelle.
"Okay, noted." sagot naman ni Michelle habang nagsisimula nang mag-type.
Napabalikwas ako mula sa pagkakatulala nang marinig ko ang nagmamadaling pagdating ni Miss Kendall na on stand by na para iflash report ang balita kay Senator Dichoso.
Hindi ako makapaniwala na totoo ngang wala na siya. Parang noong nakaraan lang ay nagpadala pa siya ng regalo sa akin bilang graduation gift. Everything was a blast.
Ninong Arthur is my mother's childhood bestfriend. He's been good to me since I was a kid. Ang totoo ay napaka-spoiled ko pagdating sa kanya dahil lahat nang gusto ko ay binibili niya, hindi rin siya nawawalan ng regalo sa akin sa lahat ng okasyon. Dahil aniya'y ako ang anak niyang babae na gustong-gusto noong magkaroon, hindi na kasi kaya ni Ninang na magkaanak pa ng isa.
Hindi lumipas ang isang oras ay nakita ko na lang na nagbabalita na si Miss Kendall sa harap on live.
Kararating lamang na balita, ang ating minamahal na Senador Arthur Dichoso ay pumanaw na kaninang alasnuebe nang umaga. Ang senador ay nabaril deretso sa puso habang nagbabakasyon umano sa kanilang rest house sa Cebu ayon sa tweet nang kanyang anak na si Roger Dichoso. Ang lugar nang insidente ay kasalukuyan nang iniinspeksyon nang NBI at sa kanilang spekulasyon ay malaki ang kinalaman nang pagkamatay nang senador sa mga adhikain nitong pagtugis sa lahat ng kriminal. Yan lamang ngayon ang updates, ako si Kendall Ramos nang NYO Flash Report.
"Okay cut!" sigaw nang head.
Umalis na si Miss Kendall sa pinagsho-shooting-an ng news. Nakakabilib siya, gusto ko rin na maging katulad niya. Gustong-gusto kong live na makahawak nang mic habang kinukuhanan at binabalita ko ang nagaganap sa isang lugar.
~
Break time ngayon at napili kong mag-open nag twitter para tignan 'yong naging tweet ni Kuya Roger about kay Ninong Arthur.
While I'm scrolling thru my feed ay may nabasa rin akong isang tweet na pagkamatay din nang isang tao, pero hindi isang news network or tabloid ang nagtweet.
Isang netizen lang ang tweet at ang nakapaloob don ay ang pagkabaril sa isang lalaking nasa edad 30 pataas. Nangyari ang pagkabaril sa kanya sa mismong lugar din kung saan nabaril si Ninong, hindi rin lalampas sa isang oras ang pagitan nang pagkamatay nilang dalawa. Bakit hindi namin ito na-include sa balita?
After break ay hinanap ko si Layla para ipaalam ang nabasa kong tweet.
"Hey Lay." kuha ko sa atensyon niya.
"Yes Cass?" tanong niya habang nakatutok pa rin sa pagtitipa sa kanyang pc.
"May nabasa kasi akong tweet na may isa pang lalaking nabaril doon sa mismong lugar kung saan nabaril si Senator Dichoso." paalam ko sa kanya.
"Totoo ba yan? O baka naman nangloloko lang 'yang nag-tweet at nagpapasikat lang? Sino ba ang nagpost?" sunod-sunod na tanong niya.
Napabuntong hininga ako dahil sa naging tanong niya. Hindi reliable ang source na 'to, hindi kami sure kung totoo nga ang nasa loob nang tweet na 'to o trip lang.
"H-hindi ko sure eh, netizen kasi ang nag-tweet." ani ko sa kanya.
"Ay hindi natin yan basta-basta pwedeng mailabas Cass. The source is not reliable, hindi natin sigurado kung fake news ba 'yan o hindi. Mahirap na rin na makikigulo pa tayo niyan sa pagiimbestiga nang SOCO and NBI sa krimen. Mas maganda kung sa kanila nalang tayo kukuha ng updates para sigurado tayo okay?" mahabang paliwanag niya.
Napatango naman ako sa sinabi niya, tama rin naman siya. Mahirap maglabas ng hindi siguradong balita lalo na't sa publiko agad ito mailalathala.