Chereads / POWER OF DESIRE 2 / Chapter 5 - KABANATA 4"WHERE ARE YOU, LOVE?"

Chapter 5 - KABANATA 4"WHERE ARE YOU, LOVE?"

THREE YEARS LATER...

AGAD na bumalikwas ng bangon si James nang mula sa katapat ng okupado niyang silid nang marinig niya ang pag-iyak ng magtatatlong taong gulang nilang anak ni Aria na si Jamie.

Kasama naman nito doon ang Yaya nito pero hindi parin niya maintindihan kung bakit ganoon nalang kabilis siyang nagigising kapag umiiyak ang anak niya.

"Ako na anak, bumalik ka na sa pagtulog mo," ang yaya ni Jamie na si Malou na inabutan niyang karga na nito ang anak niya habang pinapatulog.

Noon tumango si James saka sinunod ang sinabi ng ginang.

Sa loob ng kwarto ay malungkot niyang pinakatitigan ang iniwan niyang kama. Saka pagkatapos ay nanghihina ang mga tuhod habang malungkot na naupo sa paanan niyon.

Mabilis ang naramdaman niyang pamimigat ng kaniyang dibdib. At kasabay noon ay ang pagbalong ng kaniyang mga luha bago walang anuman na hinaplos ang bahagi ng kama na siyang tinutulugan ni Aria noon.

Noong kasama pa niya ito.

"Oh Love, you promised you will never leave me, pero nasaan ka na ngayon?" ang umiiyak niyang tanong saka hinayaang ang mga luha niya na dumaloy lang.

Totoo iyon, at ang pangakong iyon ng asawa niya ang pinanghahawakan niya sa loob ng kulang tatlong buwan mula nang mawala ito.

Masyado nang masakit ang nararamdaman niya kung tutuusin. Dahil marahil iyon sa nasanay na siya ng husto na palagi itong nasa tabi niya. Kaya ngayon, hirap na hirap siyang tanggapin ang lahat.

Noon pinilit ni James ang bumalik sa pagkakahiga saka niyakap ang unan ng kaniyang asawa. Inisip na lamang niya na iyon ang babaeng pinakamamahal niya saka niya sinulyapan ang malaking wedding portrait na nakasabit sa gitnang bahagi ng wall ng kaniyang silid.

Lalong nagtumindi ang pag-iyak niya dahil doon.

Napakaganda ng asawa niya. Lalo na ang ngiti nito sa litrato. Bakas na bakas sa maaliwalas nitong ang labis na kaligayahan kahit pa sabihing picture iyon.

Kung sana may paraan lang para malaman niya kung nasaan ito. Simula nang mangyari ang aksidente ay palagi siyang bumabalik ng Baguio para hanapin doon si Aria.

Para sa kaniya ay masyado pang maaga upang i-assume na wala na ito. Kahit pa sabihing natagpuan ang kotse na nasunog sa bangin pero wala ang bangkay nito doon.

Noon muling nagbalik sa alaala niya ang huli pa nilang naging usapan ng asawa niya kulang tatlong buwan narin ang nakalilipas.

"MAS maganda kung masasamahan kita, ayaw mo nun, parang noong honeymoon natin hindi ba?" si James na nakangiti pang kinindatan ang asawa niyang abala siya sa harapan ng kaniyang laptop.

Umikot ang mga mata ni Aria na noon ay kasalukuyan namang nag-aayos ng mga dadalhin nitong damit at ilang personal na gamit para sa dadaluhan niyang seminar sa Baguio.

"Okay lang ako, huwag kang mag-alala sa akin. Saka ano seminar lang naman iyon, para mas maging effective akong florist, kailangan kong malaman ang lahat ng ituturo nila sa seminar na iyon," paliwanag ng asawa niya sa kaniya.

Plano kasing magtayo ng flowershop ni Aria.

Aware naman si James sa hilig ng asawa niya sa mga bulaklak lalo na sa mga rosas. Pero lalong naging passionate si Aria sa mga ito matapos nilang mag-honeymoon sa Baguio noong bagong kasal pa lamang sila.

Noon nakangiting tumayo si James saka nilapitan ang kaniyang asawa na kasalukuyan nang isinasara ang maleta nito.

"Hindi kasi ako sanay na hindi kita katabi sa pagtulog ko," pagsasabi niya ng totoo saka hinapit ang baywang ng kaniyang magandang may-bahay.

Nangingislap ang mga mata siyang tiningala ni Aria. "Sandali lang naman ako, isang gabi lang akong mawawala kasi babalik rin ako kaagad," sagot nito na hinaplos pa kaniyang dibdib saka ang kaniyang mukha pagkatapos.

"Kung sakali bukas ang unang gabi na wala akong makakatabi sa pagtulog," aniyang itinulak na pahiga ang asawa niya sa kama saka niya hinubad ang suot niyang white shirt pagkatapos ay pumatong sa kaniyang kabiyak.

"James, anong---?"

Hindi na naituloy pa ni Aria ang iba pa niyang gustong sabihin dahil mabilis na niyang inangkin ang mga labi nito. Kasabay noon ay ang pag-abot niya ng switch na nasa headboard ng kanilang kama. Kaya naman ilang sandali lang at nagdilim na ang buong silid. Ang tanging nagsilbing ilaw na lamang nila ay ang liwanag na tumatagos sa bintana na nagmumula sa may garden.

"Susulitin ko lang ngayon, kasi bukas mababakante ako," aniya nang pakawalan niya sandali ang mga labi ng kaniyang asawa habang unti-unti niya itong hinuhubaran.

Wala siyang narinig na anumang salita na namutawi sa labi ni Aria maliban sa mahihinang singhap na pinakakawalan nito habang isa-isa niyang inihuhulog sa gilid ng kanilang kama ang bawat saplot sa mahubog nitong katawan.

Pagkatapos noon ay kumilos ang isa niyang kamay saka inabot ang lampshade, binuksan niya iyon.

"J-James, anong---?" anitong ang tinutukoy ay ang ilaw na binuksan niya.

Noon umangat ang sulok ng kaniyang mga labi saka niya niyuko ang magandang mukha ng kaniyang kabiyak para halikan ito.

"Please Love, allow me. I want to see how you will react to everything I do, so that I can play them all in my mind over and over again while I wait for your return," ang tanging isinagot niya pagkatapos ay muli na niyang inangkin ang mga labi ni Aria.

Katulad ng dati, walang kahit kaunting pagtutol siyang naramdaman mula rito. At sa halip ay buong pagmamahal at pagpapaubaya nitong tinugon ang lahat ng halik at haplos niya.

Kahit sabihing tatlong taon na mula nang maikasal sila ni Aria, ang desire na nararamdaman niya para rito ay hindi nagbago. Katulad parin iyon ng naramdaman niya nang una niya itong makita sa bar na umiinom.

Ang kwento nilang mag-asawa ay maaari ngang hindi katulad ng normal na ligawan at pagkatapos ay nagpapakasal. Pero para sa kaniya hindi niya iyon ipagpapalit, dahil para sa kaniya iyon ang pinaka-romantic.

Kay Aria niya unang beses na naramdaman ang salitang takot.

Ito ang kauna-unahang babae na pinangambahan niyang mawala sa kaniya kaya ginawa niya ang lahat huwag lamang mangyari iyon. Pero siguro talagang destined lang sila ng asawa niya, dahil sa huli, kahit ano pa ang naging kasunduan nila. Umibig parin sila sa isa't-isa. At ngayon ay isa na silang pamilya.

"Oh, James!" nang bumaba ang kamay niya sa bagay na nasa pagitan ng mga hita ng kaniyang asawa ay iyon agad ang narinig niyang namutawi sa mga labi nito, at karugtong niyon ang isang napakalambing na ungol na lalong nagpaningas sa nararamdaman niyang init nang mga sandaling iyon.

Gusto niyang naririnig ang malalamyos na pag-ungol ng kaniyang asawa.

Para sa kaniya ay musika iyon sa kaniyang pandinig.

Kaya naman inulit niya ang kaniyang ginawa. Sinimulan nilang ilabas-masok ang daliri niya sa hiwa ng mismong pagkababae nito. At noon na nga nasundan ang pagkawala nang mabibining daing mula sa mapupula nitong mga labi.