Chereads / LOVE & REVENGE: THE STUBBORN HEIRESS (Taglish) / Chapter 29 - Chapter 29: Wake Up With Strange Man

Chapter 29 - Chapter 29: Wake Up With Strange Man

CARL heaved a deep sighed. Magkahalong pagod at pag-aalala ang nararamdaman niya ng mga sandaling ito para sa fiancee niya. Lihim niyang sinisisi ang sarili sa biglaang pagkawala ni Denise.

"I think we all need to rest first," Erick said.

"No. We need to work now and make a plan because I can't sleep peacefully when my daughter was in danger," Shantal said, wearing a tired face.

"Love, magpahinga muna tayo, nandoon na eh, may naghahanap na kay Denise, kumilos na ang mga tao ni Brielle, siguro naman di sasaktan ng taong iyon ang anak natin," anito.

"Brent, iyan lang ba ang sasabihin mo? Buhay ng anak natin ang nakasalalay sa sitwasyon ito, paano mo magawang magpahinga?" halos maiyak na tugon nitong muli.

Labis na nalungkot si Brent ng marinig ang sinabi ng asawa niya, ngunit naiintindihan niya ang emosyon nito, "Alam ko, sino bang hindi nag-aalala sa atin lahat para kay Denise? Kagaya ng sinabi ko kailangan muna nating magpahinga dahil pagod na tayong lahat. Paano tayo makapag-isip ng tama kung di man lang tayo magkaroon ng maayos na tulog? Naniniwala pa rin akong di kayang saktan ng kung sinuman ang anak natin dahil I'm sure kilala niya ang pamilya natin,"

"Sige na Shantal, magpahinga muna tayo. Tama ang sinabi nila, kailangan natin ng sapat na tulog at bukas paggising natin saka tayo kikilos. I'm sorry about what I've acted earlier, I was so emotionally exhausted at that time. Shame and pride took over my mind; that's why I became rude," Aya said.

"It's okay, I know you're not that bad. You're a mother too, and we both love our children. I'm sorry too. Halika na, Brent pumanhik na tayo sa kwarto natin. Kayo rin, Aya pumanhik na muna para makapagpahinga ng maayos. Pagod tayong lahat at magulo ang isipan. Bukas na tayo ulit mag-uusap ng maayos," She held Brent's hand and pulled him upstairs.

"Buddy, mauna na kami. Carl, you should rest too. Don't worry we can find my daughter sooner,"

Carl nodded. "I know, Uncle Brent. Sige po magpahinga na kayo, mamaya nalang ako papanhik sa kwarto ko,"

"Anak, magpahinga ka muna. Denise will be fine, let's all pray she's safe right now," tugon ni Aya kay Carl.

"I know, Mom. Sige na po umakyat na kayo. Dito nalang muna ako sa sala,"

Lumapit si Erick sa anak at tinapik ito sa balikat. "Be strong, you're a great man, and we can find her. Nandito kaming lahat para sayo,"

"Thank you, Dad! Sige na po, okay lang ako. Magpahinga na kayo dahil lumalalim na ang gabi,"

After a few conversations, Carl was left alone in the living room. Tears fall down from his eyes.

"Honey, I hope you're safe, and you could come back sooner beside me. I didn't expect that this would come the day we decided to announce our engagement. Kung alam ko lang na mangyayari ito, sana mas pinili nalang natin ang simpleng salu-salo kasama ang pamilya natin para ligtas ka. Puno ng takot ang dibdib ko dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ng taong tumangay sayo. Be safe and keep strong while you're away from us,"

***

Reymond House, past 1 am

The room was filled with darkness. He sat beside the bed where Denise lay and sleep. He could feel her light breathing, and her fragrance lingered in his nostrils. Mula kaninang tinangay niya ang dalaga, hindi pa rin ito nagigising. He already had changed his dress after taking a shower, and he wanted to lay down beside her, but he was so anxious knowing that Denise might get mad at him when she's awake.

Lumipas ang halos dalawang oras na nakaupo lamang siya sa tabi ng kama nito. He hadn't decided what to do yet and he began to feel asleep. Tumayo muna siya at nilakasan ng konti ang aircon sa loob ng kwarto niya. Bumalik sa kamang hinihigaan ni Denise at sumampa. Marahan siyang humiga sa tabi nito at inayos ang pagkakatakip ng kumot sa kanilang dalawa. Hinila na siya ng antok hanggang sa tuluyang nakatulog.

Madilim na paligid ang nagisnan ni Denise kinabukasan. Ramdam niya ang mabigat na mga braso na nakayakap sa kanya. Napadilat siya at nakiramdam muna. Nasa ilalim siya ng mga bisig ng isang lalaki ngunit hindi ito amoy ni Carl. A sweet ocean fresh cologne came across to her nose. Nasisiguro niyang hindi si Carl ang nakayakap sa kanya. Saka lamang bumalik sa isipan niya ang nangyari ng nagdaang gabi. Saglit siyang nagpaalam sa nobyo na papanhik sa kwarto na laan sa kanila ngunit nahihilo siyang biglang ng mga sandaling iyon. At ang huling naalala niya may umakay sa kanya papasok sa loob ng kwarto.

She wasn't sure if she's still inside the hotel room. One thing she's sure right now is she's with a stranger's arms. She wanted to jump out of bed, but the strong force coming from the man's arms stop her from doing what she wanted. Madilim din ang buong paligid at hindi niya alam kung anong oras na ng mga sandaling ito.

She managed to free her right hand under the quilt, and she raised it quickly then touch the man's face. She could feel that the man might have a good appearance based on every part of his face that her hand been touched.

She averted her hand and went straight to the man's chest. A strong punch hit Reymond's chest. Dalawang beses na malakas na suntok ang tumama kay Reymond bago siya tuluyang nagising. Sa magkahalong antok at gulat, napalakas ang boses niya.

"What the… who got the nerve to punch me?" He growled.

Despite his loud voice, Denise could sense that the man has a baritone voice. "Let me go! Asshole! Who are you?" She yelled.

Sa halip na pakawalan lalong humigpit ang pagkakayakap ni Reymond sa kanya. "No way! Ang lakas ng suntok mo ah, dalawang beses talaga? Daig mo pa ang boxer sa boxing ring ah," tugon ng binata.

"Who are you? Let me go. Let me go!" muling tili niya. "You are not my fiance,"

"Ang aga-aga ng bunganga mo. Daig mo pa ang inaapi ah. Ang bigat pa ng kamay mo," angil ni Reymond.

"Sira ulo ka, pakawalan mo nga ako. Gago ka, sino ka bang walang hiya ka? Bakit ang dilim ng paligid? Nasaan ako?" sunud-sunod na tanong niya.

"Di man lang nag- good morning, tapos titilian mo pa ako. Nakakagigil ka rin eh. Di ka pa rin nagbabago, immature!" Reymond said.

"Kilala mo ako? Sino ka ba? Bitawan mo nga ako? Nagagalit na ako sayo, bitaw naaaaaa…. Nakaka.."

Reymond covered her mouth with his right palm. "Ang ingay mo. Ang aga ng tili mo. Hindi ka naman ginagalaw, ang arte nito,"

"Ummm...Ummm…" panay ang palag niya at maya't-maya pa nagawa niyang kagatin ang palad ni Reymond.

"Ahhh…" Reymond screamed and let go of her. Tiniis niya ang malakas na pagkagat ni Denise sa palad niya hanggang sa bumitaw ito.

She tasted blood, that's why she let go of his palm. Mabilis na bumangon ang dalaga ng makaalpas sa kanya. She jumped out of bed and ran towards a certain corner. Dahil madilim ang paligid hindi niya maaninag ang mukha ng lalaki. Maging ang tamang direksyon patungo sa pinto ng kwarto. A small amount of blood she tasted after she bit the man's palm makes her feel like vomiting.

Napilitang bumangon si Reymond at umupo sa kama. He knew Denise was scared and curled herself in the corner near the walk-in-closet.

"Ang sakit ng kagat mo ah. Sana hindi mo na binitawan ang kamay ko hanggang sa magsawa ka," He hissed.

"Who are you? I wanted to go home, and please let me go," Her voice filled with fear.

"Do you really think I will give what you want? You must be dreaming. What makes you think I will let go of you easily?" He answered.

"Why did you took me away from my family? Wala akong natatandaan na nagawang kasalanan sa kahit na sino. My fiance might get worried right now," Her voice broke.

"You're wrong. Hindi mo na marahil naalala ang ginawa mo noon sa akin pero ako tandang-tanda ko pa. The night you've spent with me was a bit memorable as I thought, but that ended so much pain. Akala ko noon, makakalimutan na kita pero hindi pala, dahil mismong ang pamilya mo, ang siyang sumira sa pamilya ko. I hated your entire family. I hated you being a SANTILLIAN. It's about time for me to collect what you've owed me, Miss Denise Santillian," He said with agony in his voice.

Hearing the man's words, Denise suddenly feel more scared. Pilit niyang iniintindi ang sinabi nito. Nagbabakasakali siyang may maaalala siyang tao sa nakalipas ngunit wala siyang matandaan.

"I don't know what you are talking about. As I said, I did nothing to anybody. You've said my family has owed you, but it wasn't me at all. Kung sino man sa tatay at kuya ko ang kagalit mo, labas ako roon. Bakit sa akin mo ibubunton ang galit mo? Hindi tama itong ginawa mo sa akin, at napakaduwag mo naman para gamitin ako laban sa kanila. Huh, I could say, you're nothing but a coward that wasn't able to defeat them," She provoked him.

"Oh, say whatever you want to say, but it's good to see you around, hearing your voice full of fear. I may not be wise in your perspective, but taking you away from your family makes me feel happy. Alam kong galit na galit sila ng mawala ka, marahil nga mahina ako sa paningin nila o maging sayo pero ang higit na nakakalamang sa labanang ito ay ako, dahil hawak kita at hindi ka nila mahahanap. I will drag you to hell with me, honey!" His voice was full of mockery.