SUDDENLY a loud noise coming from his phone distracted him. Nang tiningnan niya ang screen tawag mula sa Mommy niya ang nag-pop-up.
"Mom!" Mabilis niyang bati sa ina matapos sagutin ang video call nito.
"Where have you been? Ilang beses na akong nag-chat sayo ng mga nakaraang araw ni hindi mo man lang ako sinagot," himig tampo nitong tugon.
"I'm just busy lately, Mom, trying to formulate another medicine," He lied.
"Are you okay? You sound tired. Son, if you're not feeling well, you should rest. We haven't get our revenge on the Santillian, and your brother is still in jail!" paalala nito.
He heaved a deep sighed and said, "Is it really so important for you to get revenge? Mom, can we just let go of the past? We both know that the Santillian have great power and connection,"
"Do you want to back out with our plan? Gusto mo bang hindi mabigyan ng hustisya ang kuya at uncle mo?" anito.
"At my expense, Mom? Pakiramdam ko kasi mahalaga lang sa inyo ang makapaghiganti sa kahit anumang paraan. Paano naman ako, kung magkamali ako ng gagawin? Ipinain ninyo ako sa pamilyang alam ninyong mas makapangyarihan kesa sa atin," malungkot niyang tugon.
"Meron pa ba akong ibang aasahan maliban sayo, Reymond? Bakit parang bigla ka nalang nagbago? Tatalikuran mo ba kami?" may halong sumbat na tugon ng ina niya.
"Tatalikuran? Iyon po ba ang pagkakaunawa ninyo sa sinabi ko? Mom, for my twenty-six years of existence, I've been a good son to you. I never complain nor ask you to pay attention to me. Nalulungkot ako dahil pakiramdam ko mag-isa ako lagi at hindi niyo man lang ako tinanong kung ano ang kailangan ko. Hindi mo ba nakikita na tahimik ako mula pa noon, at lalong di ako nakikisabay sa mga ginagawa ni Kuya Simon, dahil iba ako sa kanya. May konsensya ako. And I am a Doctor, who pledges to save life not to kill!" may diing tugon niya.
Walang maapuhap na tamang sagot ang Mommy niya. Lumipas ang ilang minutong katahimikan bago ito muling nagsalita. "Just rest and plan better. Don't disappoint me, Reymond!"
His Mom ended the call without saying goodbye. Nanlulumong ibinaba niya ang cellphone. He just stared blankly for how many hours. Nothing comes to his mind, and only the pain trap inside his heart.
***
Brielle Santillian's Villa…
Paroo't parito siya sa loob ng kwarto nilang mag-asawa at hindi mapakali. Hinintay niya ang tawag mula kay Harold at James. He can't have peace unless they can find his sister's location.
Ivana entered their room and said, "Brielle, umupo ka nga muna. Ako ang nahihilo sa ginagawa mo,"
"Baby, ang tagal ng tawag ni Harold!" nag-aalalang tugon niya.
Lumapit si Ivana sa kanya at hinila siya paupo sa sofa na nasa loob ng kwarto nila. "Hey, relax, you look so tense and haggard. Ni hindi mo man lang siguro tinawagan si Adela para ipa-cancel lahat ng commitments mo ngayong araw sa HUO GROUP,"
"I sent a message to her messenger, telling her I will take a one week vacation. Saka nandoon naman si Samantha at alam niya ang nangyari sa kapatid ko. Mas priority natin ngayon na mahanap at maibalik ng ligtas ang kapatid ko. Natitiyak kong umiiyak na si Mommy sa ngayon, kaya nga ayoko munang tumawag sa kanila ni Dad hanggat wala akong maibigay na magandang balita sa kanila," tugon ni Brielle.
"Okay, at least you inform your secretary. Nagtataka lang ako dahil wala naman akong matandaan na kagalit natin maliban sa pamilya ni Simon, pero nakakulong na siya eh," Ivana said.
"Yes, nakakulong si Simon pero ang kapatid noon, malaya. Malakas ang kutob ko siya ang gumawa nito at hindi ako pwedeng magkamali. Bigla nalang siyang nawala at isinara ang laboratoryo sa Hainan. Inutusan ko rin si Anton na puntahan ang pamilya ni Simon sa Europe at mag-imbestiga, wala roon ang kapatid niya. Sabi lang sa report nasa medical mission sa South Africa pero walang Reymond Yun na nandoon. Ibig sabihin nandito lang siya sa Beijing at maaaring pansamantalang isinara lang ang laboratoryo na iyon dahil may plano nga siya laban sa atin," determinadong tugon ni Brielle.
"Huh? Si Reymond ang pinaghinalaan mo? Paano ka nakakasiguro? Mukha namang di gagawa ng masama iyon eh. Honestly, I feel that Reymond is a nice person and harmless. I've encountered him before, and he even helped me, did you remember what I've told you before? He was the one who saved me," tugon ni Ivana.
"I know but who else would do this kind of act aside from him? Wala naman tayong nakagalit na kahit sinuman sa business world. Kung hindi nga siya ang gumawa nito, bakit siya nawawala? At nakakapagtaka naman parang kabisado ng taong tumangay sa kapatid ko ang bawat kilos ng pamilya natin?" aniya.
"Pero bakit si Denise and tinangay niya, di naman niya kilala ang kapatid mo kung tutuusin. Saka walang atraso si Denise sa kanya, kung si Reymond nga ang gumawa nito, dapat sana ako o ang mga bata ang pinili niyang tangayin," anito.
"He won't dare to take any of my children because my men are focusing on our safety. Nakaligtaan natin na bantayan ang seguridad ni Denise. Saka di ako makakapayag na magtagumpay siya sa masama niyang balak at sana lang wala siyang gagawing masama sa kapatid ko dahil ibabaon ko siya ng buhay," nagtagis ang bagang ni Brielle habang binibitawan ang mga salitang ito.
Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Ivana. "Sana matapos na ang ganitong sitwasyon natin at matuldukan na ang alitan sa pagitan ng pamilya ninyo. Natatakot din ako para sa kaligtasan ng mga anak natin. Habang lumalaki sila, naroon ang takot ko palagi na maaaring isang araw, may dudukot sa kanila,"
"Don't worry, I will not let any harm come to our children!" kinabig ni Brielle si Ivana at hinalikan ang labi nito. "It's better for our children to do homeschooling for their safety. I know it shouldn't be like this, and they should live a normal life, but we need to be cautious at this point in time. Kayo ang buhay ko at di ko kakayanin kapag isa sa inyo ang mawawala sa paningin ko,"
"I understand our situation, and I am so lucky to be your wife because you always protected us. Kumalma ka lang mahahanap din natin ang kapatid mo. Kung si Reymond man ang gumawa nito siguro naman di siya gagawa ng ikakapahamak niya, hintayin nalang natin na magkaroon ng progreso ang lakad ng mga tauhan mo," Ivana's soothing words calm him.
"I think we needed a vacation when the twins have a school break. Dadalawin natin si Grandma sa London. I'm sure matutuwa siya kapag nakita ang mga bata. Saka kailangan mo na ring dumalaw mismo sa HOUSE OF FONTANER," tugon ni Brielle.
"Talaga? Magbabakasyon tayo?" excited na tanong ni Ivana.
Brielle nodded, "Yeah. I wanted to take a break too. Saka baka malay mo doon makabuo pa tayo ulit ng bagong baby," sabay kindat nito.
Ivana glared at him, "Iyan lang talaga nasa isip mo. Nakakainis ka, ayoko na nga ng dagdag na baby, ang hirap mag-alaga, tamad ka nga magbantay kahit kay Kyrie, hihirit ka pa ng panibago,"
"Hahaha! Biro lang, baka lang naman makalusot ulit!" natatawang tugon ni Brielle.
She changes their topic and asks, "So, what would be your plan to save your sister?"
"Hihintayin ko ang tawag ni Harold at kapag na-locate na namin ang pinagdalhan kay, Denise, makikipag-coordinate kami nina Dad sa awtoridad para ligtas na mabawi ang kapatid ko,"
"Eh, paano kung tama ang hinala mo na si Reymond ang tumangay kay Denise, ano gagawin niyo sa kanya?" anito
"Well, if he has not harmed my sister. I think I should tell my parents to forgive him, to end the family conflict as long as he will promise not to do it again, but if he did something stupid, believe me, I will kill him!" Brielle said.
"What?! Are you crazy? Makukulong ka kapag pumatay ka ng tao," Ivana said.
"I will not do it on my own hand, of course! I will send someone to assassinate him," pabirong tugon ni Brielle.
"Seryoso ka?" di makapaniwalang tanong ni Ivana.
"Of course, if he did a crazy thing to my sister,"
"Nakakatakot ka ha," muling tugon ni Ivana.
Brielle didn't answer back. He just hugged his wife, but his mind was filled with fear for his sister.
****
Santillian's Villa…
Nagising si Carl sa sunud-sunod na katok sa labas ng pintuan ng kwartong inuukupa niya. Boses ng Mommy niya ang naririnig niyang tumatawag mula sa labas.
"Sandali lang po! Andyan na!" He shouted and quickly jumped out of bed. Pagbukas niya ng pinto naroon na ang Mommy niya.
"Son, it's past 8 in the morning. Hinihintay kana namin sa dining room. Pumanhik na ako dahil tanghali na di ka pa rin bumababa," nag-aalalang tugon ng ina niya.
"I'm sorry, Mom! Late na kasi akong nakatulog. Susunod na po ako, maghihilamos lang ako," aniya.
"Okay. I hope you're okay. I know how sad you are this time, but we need to cooperate with your Uncle Brent's plan to take back your girlfriend," Aya said.
Carl nodded and said, "I will be okay. Matatapos din po ito. Sige na po susunod na ako, after kong maghilamos,"
"Okay, I'll head back to the dining room!"
Nang tumalikod na ang ina, mabilis niyang isinara ang pinto. Nanlulumong napasandig siya sa pinto at lihim na nagdarasal.
"Honey, I wish you're safe this time. Stay strong. We will be going to save you!"
Mabibigat ang kanyang mga hakbang na pumasok sa loob ng banyo at naghilamos. Ilang beses siyang napatitig sa salamin at malalim na nag-iisip. Paulit-ulit niyang binabalikan ang nangyari sa loob ng venue bago nawala ang kasintahan ngunit wala siyang maalalang may taong kahina-hinala ang kilos sa mga nakasalamuha nila ng mga oras na 'yun.