Chereads / LOVE & REVENGE: THE STUBBORN HEIRESS (Taglish) / Chapter 26 - Chapter 26: Engagement Party 2

Chapter 26 - Chapter 26: Engagement Party 2

Nate frowned, but he still nodded. Ilang linggo na rin niyang di nakita ang Uncle niya.

"Dumalaw kami kay Daddy last weekend, nagtalo sila ni Mommy," Nate said.

"Oh, but why did they argue?"

Nate shrugs his shoulder. "Uncle, bakit ayaw mong banggitin ko kay Mommy na nagkita tayo?" nalilito nitong tanong.

"Basta, huwag mo nalang sabihin. Lakad na bumalik kana doon sa loob baka mag-aalala na ang Mommy mo kapag natagalan ka rito," pagtataboy niya sa pamangkin.

Nate hesitantly turns his back and left. Tila nabunutan ng tinik si Reymond matapos umalis ang pamangkin. He quickly wears the human skin mask to change his physical appearance. Pinasadahan pa niya ng tingin ang mukha sa salamin na nasa lababo ng CR. He immediately sneaked out and went inside the venue where the engagement party was held.

He quickly searched for Denise's figure among the crowd. He saw her, busy chatting with other people while her arms wrapped around Carl's waist. He clenched his jaw and gritted his teeth. A fit of sudden jealousy ran inside his mind. Nakihabulo na rin siya sa mga hotel staff na nag -se-serve sa mga bisita ng magkasintahan. He secretly gets a glass of wine, poured in the sleeping pills he had brought with him.

Ibinalik niya sa serving tray ang wine at pasimpleng naglakad sa gawi nina Carl at Denise.

"Maam, Sir, let me change your wine, I saw it emptied already," malumanay niyang tugon.

"Oh, thank you!" tinanggap ni Carl ang inabot niyang wine.

Carl turn his head and whisper to Denise, "Honey, ibaba mo na ang hawak mong wine glass wala ng laman,"

"Oh, thank hon! Akin na!" She accepted the wine glass Reymond handed to her.

Pasimpleng umalis si Reymond sa umpukan nila at naghihintay na lamang sa isang sulok. He saw Denise had gradually sipped the wine. Ilang saglit lang nakaramdam ng bahagyang pagkahilo si Denise at nanlalabo ang paningin niya, ngunit ayaw niyang mapahiya sa harapan ng mga bisita nila.

Dali-dali siyang bumulong kay Carl, "Hon, aakyat lang muna ako doon sa accommodation natin, magpapalit lang ako ng damit," pagdadahilan niya.

"Magpapalit ka ng damit? Bakit? Okay naman ang suot mo ah, saka ilang saglit nalang magsisimula na ang party," anito.

She secretly forms her hand into a fist and said, "Saglit lang talaga ako, babalik din ako agad,"

"Sasamahan na kita," tugon ni Carl.

"Huwag na saglit lang ako,"

"Okay, if you insist, then go ahead. Huwag kang magtatagal ha," pahabol nito.

Nakita ni Reymond na umalis sa venue si Denise at papasok na ito sa elevator. Agad siyang sumunod dito. Naabutan niyang halos pasara na ang elevator at nakapikit ang dalaga.

"Ma'am, sasamahan ko na po kayo," Reymond said.

"Ummm…" sa nanlalabong paningin tanging ungol lamang ang naisagot ni Denise.

An evil smile was drawn on his face. Reymond hit the elevator button, heading to his room while holding Denise in her arms. Pagdating nila sa ikalabing-limang palapag bumukas ang pinto ng elevator at wala ng malay ang dalaga. Inakay niya ito papasok sa loob ng kwartong kinuha niya bago nagsimula ang event. He carried Denise towards the bed and quickly undressed her. Napalunok siya ng tumambad sa paningin niya ang magandang hubog ng katawan nito.

"You can't be with someone else, you only belong to me," bulong niya rito.

Mabilis niyang isinuot sa dalaga ang damit na inihanda niya para rito at ilang saglit lang pasimple silang bumaba sa parking area kung saan naka-park ang kotse niya. Malalim na ang hininga ni Denise sa tabi ng front seat ng kotse niya sanhi ng sleeping pills na nainom nito kanina.

Tumaas ang kamay ni Reymond at hinaplos ang magandang mukha ng dalaga.

"Poor thing, you're too weak to fight against me. Welcome to my world, honey!" He drove his car quickly without looking back.

Sa loob ng venue, abala ang lahat at walang nakapansin sa pagkawala ni Denise. Lumapit si Brielle kay Carl na abalang nakipagkwentuhan sa mga bisita.

"Carl, hindi pa ba magsisimula ang party? Pasado alas- otso na ng gabi at mukha nandito na rin naman lahat ng bisitang hinihintay natin,"

"Yeah. I think it's the perfect time to start the party. Ah, teka sunduin ko muna si Denise, medyo kanina pa iyon umakyat di pa bumaba. Magpapalit lang daw siya ng damit,"

Naiiling si Brielle ng marinig ang sinabi ng matalik na kaibigan. "Ngayon pa lang umpisahan mo ng intindihin ang ugali ng kapatid ko. Masyadong maarte, nagpalit pa talaga ng damit gayong okay naman ang suot niya,"

"Hahaha, sanay na ako sa kapatid mo, alam mo naman iyon. Sige, susunduin ko lang sa taas," tinapik ni Carl ang balikat ni Brielle bago ito tumalikod.

Sinundan na lamang ng tingin ni Brielle si Carl. He went back to their table. Abala si Ivana na nagpakain kay Kyree ng tumabi si Brielle rito. Kinabig niya ang asawa at hinalikan sa pisngi.

"You look gorgeous tonight!" bulong niya rito.

Marahan siyang siniko ni Ivana at bumulong din ito sa kanya pabalik, "Stop flirting me, we are at the middle of the party. Nakakahiya naman na masyado tayong showy sa madla at baka kuhanan pa tayo ng larawan. Bukas tiyak kong headline tayo sa lahat ng entertainment news,"

Natatawang tinitigan ni Brielle si Ivana, "And so what? We are a couple. You are my wife, do I need to prevent myself from flirting with my beautiful wife?"

Naramdaman ni Brielle na may pumisil bigla sa pisngi niya. Ang tanging salarin ay ang bunsong anak niya. Kyree stood from the chair and leaned forward to pinch his father's face.

A naughty smile broke from Kyree's tiny lips when Brielle's gaze flew behind his back. "Little prince, I just kiss your Mom. Ikaw talaga seloso,"

"Daddy, kiss me too," anito.

"Oh, you're such a naughty boy," sabay silang natawa ni Ivana sa sinabi ng anak.

Brielle arms reached out to his son and pulled him. Gently kissed his cheek. Pinaupo niya ulit ito at muling bumalik ang atensyon niya kay Ivana.

"Kumain kana?" He asked.

"Hindi pa, mamaya nalang pagkatapos ng engagement announcement. I'm not hungry yet. How about you? Would you like to eat?" aniya.

"Hindi na muna. Sabay nalang tayong kumain mamaya pagkatapos ng party. Mag-uumpisa na rin naman, umakyat lang si Carl para sunduin ang kapatid ko dahil nagpaalam daw sa kanya na magpapalit muna ng damit," Brielle said.

"Okay. The twins have their dinner already. Nandoon nga sa table nina Samantha nakikipaglaro kay Nate. Madalang kasi magkita ang magpinsan kaya sabik sa isa't isa,"

"It's okay, andon naman si Samantha, I'm sure mababantayan niya ang mga bata,"

Paakyat na si Carl sa accommodation nina Denise. Pagtapat sa mismong pinto, hinugot niya mula sa bulsa ang key card. The door opened, yet a weird silence caught his attention. Wala sa living room si Denise kaya't dumiretso na siya sa mismong kwarto. Bukas ito at wala rin ang dalaga. Lumapit siya sa banyo sa pag-aakalang nandon sa loob ang nobya.

"Hon! Hon! Kanina ka pa umakyat dito at di pa bumalik sa ibaba. Naghihintay na ang mga bisita natin. Pasado alas-otso na kasi,"

Katahimikan lamang ang narinig niya. He initiated to open the bathroom, hoping to see Denise. It was empty, and no one was there. Agad siyang kinabahan at iba't-ibang imahinasyon ang tumatakbo sa isip niya ng mga sandaling ito.

"Did she run away? Why now?" He tightly clenched his fist.

"Denise! Denise! Hindi magandang biro itong ginagawa mo," malakas na tawag niya at isa-isang tiningnan ang mga closet na nasa loob ng kwarto. Bigo siyang mahanap ang nobya kaya't napilitan siyang tawagan ang cellphone nito. Sunud-sunod na ring lamang ang naririnig niya sa kabilang linya.

Narinig ni Ivana na tumunog ang cellphone ni Denise. Iniwan nito ang shoulder bag sa tabi niya kanina bago ito lumapit kay Carl.

"May incoming call ata si Denise. Bubuksan ko nalang ang bag niya," baling ni Ivana kay Brielle.

"Sige baka isa sa mga kaibigan niya iyan at gusto siyang batiin. Nandoon pa sila sa taas ni Carl. Sagutin mo nalang,"

Agad na tumalima si Ivana. Kinuha niya ang cellphone ng hipag ngunit ng makita niyang galing kay Carl ang tawag naguluhan siya ngunit sinagot pa rin niya ito.

"Carl, nandito sa baba ang cellphone ni Denise, iniwan niya kasi kanina sa tabi ko ang shoulder bag niya,"

"What? She left her bag beside you? Did she said something to you?" nalilitong tanong ni Carl.

"Wala naman, iniwan niya lang ito ng lumapit siya sayo kanina," aniya.

"Denise run away!" biglang tugon ni Carl.

"Huh?! Come again?" Ivana's eyes flew to Brielle.

"Anong nangyari," tanong ni Brielle.

"Denise, run away!" Ivana said to Brielle.

"Oh, c'mon! Akin na nga iyan," binawi niya mula kay Ivana ang cellphone. "Carl, what's going on, buddy?"

Nanlulumong sumagot si Carl sa kabilang linya at unti-unti siyang napaupo sa kama. "Buddy, your sister had left me,"

"What? Carl, this is not a good joke. It wasn't funny at all," tanging nasabi ni Brielle.

"Wala siya rito sa kwarto. At wala ring bakas niya rito," malungkot na tugon ni Carl.

Hindi na nagpaalam si Brielle. Mabilis nitong ibinalik kay Ivana ang cellphone ni Denise at halos takbuhin niya ang paakyat papunta sa kwarto ng kapatid. Humihingal na nadatnan niyang nakatitig sa kawalan ang matalik na kaibigan. Halos madurog ang puso niya ng makitang tulala si Carl. Unti-unti siyang lumapit dito habang kuyom ang kamao.