Chereads / Crumpled Paper / Chapter 23 - Library (3.4)

Chapter 23 - Library (3.4)

"Akari nasa labas si Papa Hosea mo, hinahanap ka." nanlalaki ang mga matang tumatakbo siya papalabas nitong cabin matapos itong sabihin ni Dos.

"Bakit parang ang kisig mong tingnan sa suot na iyan Khalil? Samantalang para na kaming sinasakal sa tuwing ito ang aming sinusuot" pakinig ko ang marahas na pagsinghap ni Uno kay Kokoa.

"Anong kami? Ikaw lang naman ang nasasakal Kokoa eh. We're hunks kaya" pagtatanggol pa nito.

"Hunk din naman ako, bakit para pa rin akong nasasakal?" rinig ko ang malakas na paghalakhak ni Dos kay Kokoa.

"Hindi ka naman mukhang nasasakal dati, kinakabahan ka ba ngayon sa hindi namin nalalamang bagay Kokoro Amman Prinastini?" tinitigan ko ng mariin si Kokoa habang patuloy kong pinapatuyo ang sariling buhok gamit ang tuwalya.

Napapalunok siya ng ilang beses matapos ay tumalikod na lamang sa amin.

"Namimiss ko lang siguro si Mama Mona kaya parang nasasakal ako ngayon" hindi ko alam kung bakit napahagalpak silang lahat ng tawa.

"Si Mama Mona ba talaga o iyong pancakes at waffles na hinahanda ni Kira o mismong si Kira talaga?" ani Fausty na nakapagpalingong muli kay Kokoa.

"Kira ka diyan, mapapatay pa ako ni Eftehia sa mga sinasabi niyong iyan eh" malakas akong napabuga ng hangin.

Kinakabahan talaga siya sa gagawin niya ngayon.

Kailangan ba talagang sundin ang utos nila Uncle?

Malakas ulit akong napabuga ng hangin matapos ay naglakad papalapit sa aking closet para kumuha ng hanger nitong aking tuwalya.

"Saan daw tayo ngayon?" nagtataka akong nilingon si Dos sa tanong niyang iyon.

"Bakit anong meron?" tanong ko pabalik sa kaniya.

"Mag-aaral" napaismid ako nang marinig ang sagot ni Uno.

"Saan?"

"Sa library"

Muli akong bumalik sa sariling hammock habang pilit na inaayos ang buhok gamit ang aking kamay.

"Anong oras na ba ngayon?" si Kokoa habang pinagpapawisan na.

"2:50" maikling ani sa kaniya ni Fauno.

Bakit ba siya pinagpapawisan gayong naka-air conditioner naman itong cabin na aming pinagtutulugan?

"Wala na bang maliligo?" tanong ni Floro.

"Wala" sagot naman ni Fauno sa kaniya.

"Ikaw nalang kasi ang hindi naligo" nababagot na tinitigan kong maigi si Akari na kakapasok lamang nitong kwarto namin.

Mayroon nang gumuguhit na ngiti sa kaniyang mga labi, napakunot ang aking noo nang tumabi siya ng upo sa akin.

"Pre"

"Ano?"

"May kopya ka ba sa mga schedules natin?" nagtatanong na tinitigan ko siya.

"Anong schedules?" tipid siyang napangiti.

"Iskedyul. Talakdaan. Talaan" napangiwi ako nang marinig ko ang sagot niya.

"Para saan nga na schedule iyan?" may binigay siyang papel na nakapulupot sa akin.

"Hindi ko alam na ganito pala kadikit ang mga trabaho natin dito" hindi na muli akong nagsalita dahil pinakatitigan ko ng mabuti ang nakatala sa papel.

Ang dami nga ng gagawin namin sa isang araw lang.

Nakalimutan ko pang ako pala ang mamumuno sa mga janitor at iba pang tagapaglinis dito, mabuti nga at kasa-kasama ko si Akari sa tungkuling iyan.

Napabuga ako ng hangin matapos ay binigay rin sa kaniya ang mapa.

"Mag-aalas tres na, bilisan niyo na ang pag-aayos!" agad akong napatayo nang pumasok sa cabin si Uncle Jazzer.

_

Pormado akong naglalakad ngayon papalabas nitong cabin kasama si Kokoa at Akari maging ang mga kambal habang may hawak-hawak na pluma at maliit na kwaderno.

"Nakakapagtaka lang, bakit hindi ko makita sa mapa ang library?" tanong ko sa kanilang lahat.

"Sinadya nilang hindi isali sa mapa iyan, actually may six talagang deck itong barko. Tapos sa isang deck, doon natin makikita ang library, ang gym, may wine cellar din dun si Uncle Eeman, may maliit pa ngang simbahan" napapatango ako habang nagsasalaysay si Fausty.

Hindi na ako mabibigla kapag malalaman ko nalang na may gay bar palang nakatago rito.

"Mag-iilang taon na ba kayong namamalagi rito sa loob ng barko?" tanong sa kanila ni Akari habang kinakagat-kagat ang kaniyang pluma.

"Magtatatlong buwan palang kaming lahat maliban kay Khalil" napalingon ako sa kanila.

Hindi ba pwedeng sinabay nalang ako ni Uncle Jazzib kasama nila noon?

Hindi ko tuloy lubos mawari kung ano ang kanilang naging reaksiyon noon nung magkita-kita sila dito.

"Kailangan bang huli talaga ako?" napatawa si Dos nang sabihin ko ito.

"Mahina lang talagang kumilos si Uncle Jazzib, hindi ba at nakulong pa nga kayo" si Uno habang nakapamulsa.

"Palpak kasi si Kapitan" mahina akong napahalakhak sa iniusal ni Kokoa.

"Sa totoo lang ay masyado pang malabo sa aking isipan kung ano ba talaga ang gusto nilang mangyari sa ating lahat. Parang anytime ay mapapaiyak ka nalang sa kakaisip eh" ani Floro.

"Ewan ko ba, basta ang pangit ng tradisyon nilang mga Prinastini. Sa susunod ay gaganti ako sa kanila, hindi ko ipapakilala ang mag-ina ko kila Uncle"

"Children, pumasok na kayo sa loob para makapagsimula na tayo ng mas maaga" ilang ulit akong napalunok nang malamang nasa harapan na pala namin ang library.

Naninindig ang balahibong inaaninagan ko ang matandang may taglay na kulot na buhok at nakasuot ng eyeglass, hindi ko alam pero natatakot ako sa paraan ng kaniyang pagngiti sa akin at kay Akari.

"Khalil, iyong anak ni Lusterio hindi ba?" nag-aalanganin akong napatango sa kaniya.

Napalunok ako nang suriin niya ako mula ulo hanggang paa, kami nalang ni Akari ang hindi pa nakakapasok sa loob.

Ang tagal niya yatang sumuri, ganun na ba talaga ako kakisig para bigyan niya ako ng ganito katagal na pagtititig?

"Pumasok ka na sa loob at pumili ka na agad ng kahit anong librong iyong babasahin" tanging ngiti na lamang ang aking sinagot sa kaniya dahil sa kabang aking nararamdaman ngayon.

"Siguraduhin mong mababasa mo ngayong araw ang librong iyong pipiliin Khalil" nagngingiti akong napahakbang papasok sa loob.

Napaawang ang aking bibig nang maaninagan ang kabuuan nitong library.

"Kahit ano lang bang libro ang pinapabasa sa inyo rito? Akala ko ba ay mag-aaral tayo?" nagtatakang tanong ko kay Kokoa na kasalukuyan ng mayroong bitbit na tatlong malalaking libro.

"Mag-aaral nga, hahayaan lang tayo ni Mama Mona kung ano ang gusto nating pag-aralan dito" matamis akong napangiti nang marinig iyon mula sa bibig ni Kokoa.

Kung ganun ay pwede na pala akong tumira dito sa loob ng library.