Chereads / Crumpled Paper / Chapter 27 - Suntok, Ikaapat

Chapter 27 - Suntok, Ikaapat

"Tama na muna siguro ito, Khalil. Napapagod na ako eh" napahagod ako sa sariling sentido nang bigla itong magngalay.

Nasa ikatlong palapag na kami at hindi ko pa sila pinapahinga simula kanina.

"Mag-aanong oras na ba, Kal?" tanong ko sa isang tagapaglinis na may relo.

"M-mag—10:00 pa naman po Sir Khalil" pautal niyang sagot sa akin habang pinupunasan ang pawis sa mukha.

Tumango ako sa kaniya matapos ay bumuga ng hangin.

"Pakitawag muna silang lahat dito dahil mayroon akong sasabihin" tumango siya sa akin at nagmamadaling umalis.

Nasa loob kami ngayon ng ballroom nina Akari kasama ang iba pang mga tagapaglinis na wala pa ring humpay sa pagtatrabaho.

"Wala kang awa, pre" napaawang ang aking bibig nang marinig ang iniusal ni Akari.

Suminghap muna ako bago siya tinabihan sa pag-upo.

"Anong walang awa? Sinunod ko lang naman ang pinapagawa ni Uncle Jazzib" halos lunukin niya na pati ang baso dahil sa matinding pagkauhaw.

"Bakit ka ba kasi nagmamadali? Hindi naman aalis si Amary dito sa barko" mahina ko siyang binatukan.

"Nagmamadali ako kasi akala ko ay madali lang tayong matatapos, walang kinalaman dito si Amary noh" napahalakhak siya.

"Ewan ko sa'yo" maawtoridad akong napatindig nang makitang pumasok na silang lahat dito.

"Pwede na muna kayong magpahinga, mamayang ala-una na naman natin ituloy a

itong paglilinis. Pagod na rin ako eh" napatango silang lahat sa amin matapos ay nagpaalam nang umalis.

Nang maaninagan kong kami na lamang dalawa ni Akari dito ay agad na akong lumabas.

"Pre tara sa dining room. Nagugutom na ako, tsaka ko lang naalala na wala pala tayong agahan at tanging iyong mga pancakes lang ang nakain natin kanina" nagngingiti akong nilingon siya.

"Talaga bang gutom ka? Sa pagkakaalala ko kasi kanina ay nagmeryenda tayo dun sa ikalawang palapag dahil hinatidan tayo ng tinapay nung mga serbidora?" pinukulan niya ako ng masamang tingin.

"Tinapay lang 'yun ano ka ba, iba pa rin kapag kanin ang kinain mo noh" natatawa akong inakbayan siya.

"Nakalimutan mo yatang mayroon tayong open forum mamayang alas-onse" usal ko sa kaniya.

Marahas niyang inalis ang aking kamay na nakaakbay sa kaniya bago siya magsalita. "Kakain nga muna tayo saglit, ang tigas ng ulo mo" malakas akong napatawa.

Ang pangit niyang sumimangot.

"Okay" maikling tugon ko sa kaniya habang mas binilisan pa ang paglalakad.

Narinig ko kasi ang pagtunog ng kaniyang tiyan.

_

"Oh Kokoa, anong nangyari sa'yo?" dali-dali akong napaupo sa katabing upuan ni Kokoa na kasalukuyan nang nakayuko sa lamesa.

Tiyak na natapos na siyang magsinungaling kay Eftehia, hindi ko lang alam kung bakit siya ngayon nagkakaganito.

"Kokoa, ayos ka lang?" ramdam ko ang pagtaas-baba ng kaniyang balikat nung hinagod ko ang kaniyang likuran.

"Kokoa, umiiyak ka ba?" mahina siyang napahalakhak matapos ay tinitigan ako.

Tuluyan ko ng naaninagan ang pagtulo ng kaniyang luha sa bawat segundong pilit kong hinahagod ang kaniyang likod.

"Ano ba ang naging reaksiyon niya?" mapait siyang napangiti habang pinupunasan ang luha sa kaniyang pisngi.

"Ang kapal ng mukha niya pre" pilit ko siyang pinapakalma sa pamamagitan ng paghahagod subalit parang mas lalo pa siyang umiyak habang ginagawa ko ito. "Ang kapal-kapal ng mukha niya!"

Nagulat nalang ako nang malakas niyang sinuntok ang mesa.

Bigla na rin siyang tinabihan ni Akari na mayroon nang dala-dalang pinggang mayroong nakatambak na pagkain.

"Hayaan mo nalang siya pre, maghihinayang din iyon kapag nalaman niyang mas mayaman ka pa sa kanila" umiling siya nang sabihin ito ni Akari.

"I didn't expect that, really. She even told me na hindi raw ako nababagay sa kaniya because I'm just this poor and she can get what she wants tapos ay hindi ko raw nakukuha iyong mga gusto ko kagaya niya" tinitigan ko lamang siya dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kaniya.

Panay lamang ako hagod sa kaniyang likuran kahit wala naman itong epekto sa kaniya.

Pakinig ko rin ang malakas na pagsinghap ni Akari habang patuloy pa rin sa pagnguya ng pagkain.

"She's a bitch! Hindi niya alam na trabahador lang ni Uncle Jazzer ang tatay niya pagkatapos ay umaasta na siyang parang nasa kaniya na ang lahat ng kayamanan. Sa totoo lang, I don't pity myself kanina. I pity her for being that stupid! I pity her kasi para siyang tanga! I pity her kasi mukha siyang pera!" wala pa rin siyang tigil sa panununtok nitong mesa.

Maging ang dalawang serbidora ng mga wine ni Uncle Eeman ay nakatingin na sa kaniya.

"Where's Kuya?" bigla kaming napalingon nang sumulpot si Kaisa dito sa dining room.

"Kuya, stop it please!" malakas niyang hiyaw kay Kokoa habang pilit niyang hinahawakan ang kamay nito.

"Kuya, please! Kalimutan mo na 'yun. She's not worth it! Just let her lost you because kailanman ay hindi nababagay sa iyo ang babaeng may makitid na utak! Kaya kuya just stop it!" naluluha nang pagpapatahan ng kaniyang kapatid.

Malakas akong napasinghap matapos ay inilayo sa kaniyang harapan ang mesa para matigil na siya sa kakasuntok.

Ako ang naaawa sa mesang kanina niya pa sinusuntok eh.

Dagli ko ring nakita ang kamay niyang mayroon ng sugat.

"Kokoa, tama na iyan" mahinang usal ko sa kaniya habang pilit pa ring hinahagod ang kaniyang likuran.

"If I can just slap her with my money kanina ay ginawa ko na! Pera lang pala ang kailangan niya? How dare she! How dare she! How dare she! F*ck! Kung tuluyan ko na sanang nakalimutang babae pala siya ay kanina ko pa siya pinagsasapok sa mukha! I can't believe it!" dahan-dahan siyang napaupo sa sahig habang kinakamot ang ulong napapailing.

"Kuya tama na, please." mahinang usal sa kaniya ni Kaisa na kasalukuyan nang nakayakap sa kaniya habang umiiyak na rin.

"I can't even accept the fact na pera lang pala ang habol niya sa'kin. After all those days? Akala ko ay mahal niya talaga ako. F*ck her promises! F*ck her mindset! F*ck her!" tuluyan na ring tumabi sa kanila ng pagkakaupo si Akari habang punong-puno pa rin ng pagkain ang bunganga.

"Papa told me na sasama raw siya sa tatay niyang pumunta rito next week para magbakasyon sa Puerto Princesa kaya don't worry Kuya. Let her taste the biggest karma she deserve"