Chereads / Crumpled Paper / Chapter 32 - Usap (4.5)

Chapter 32 - Usap (4.5)

"Bakit parang naaamoy ko ang matinding kabiguan ng anak mo, Jazzib? Inaway na naman ba iyon ni Kaisa?" pakinig kong tanong ni Papa kay Uncle Jazzib na kasalukuyang nakahawak na sa kaniyang sentido.

Mayroon siguro siyang malalim na iniisip.

Hindi ko lang alam kung ano ang malalim na iyon sapagkat nawawari kong kayrami niyang mga problema ngayon.

Pagkatapos ay puro malalalim lahat.

"Trip niya lang sigurong magmukhang bigo ngayon," turan ni Uncle Ouran sa kaniya.

Agad namang napadabog si Uncle Jazzer sa mesa matapos ay nagsalita, "Ilang araw ba ang ating magiging paglalayag? Hindi na dapat tayo kalmado ngayon! Tiyak na nasisiguro kong papagalitan na naman tayo nila Mama niyan!"

Napahagod sila ng kani-kaniyang mga sentido na para bang nawawalan ng pag-asa.

Magkapatid nga silang lahat, hindi na iyon nakapagtataka.

"Papaano tayo dadali niyan, hinihintay pa nga natin ang pulis na iyon na maparito para lang magbakasyon," turan naman ni Uncle Dilmatran na kasalukuyang nakahiga sa kaniyang hammock.

Bakit ba kasi masyado kayong mababait?

Parang kami pang mga anak niyo ang nahihirapang mag-analisa diyan sa mga plano niyo.

Ang lalambot ng mga puso.

Kasalukuyan pa rin silang may malalalim na pinag-iisip nang bigla nalang pumalapit si Kokoa kay Uncle Jazzib habang hinihingal at natataranta. "Papa, nasa labas na sila Eftehia! Anong gagawin ko? Papapasukin niyo ba?" nauutal na tanong niya habang tagaktak na ang pawis sa mukha.

Agad silang lahat na nagsitayuan matapos ay hinintay na lamang ang sasabihin ni Uncle Jazzib.

Nang makita kong lahat sila ay nakatayo, hindi na rin ako nagdalawang isip pa na makigaya sa kanila.

Ang pangit naman kasi kapag ikaw lang ang nakaupo sa kanila, parang pinapalabas mo na masyadong tamad ka lang talagang tumayo hindi ba?

Hindi naman ako tamad kaya bakit hindi ako tatayo?

"Paunlakan mo ng bati sa labas, Jazzer." ani Uncle Jazzib sa kaniyang kakambal na ngayon ay mayroon ng nagtatakang tingin.

Padabog niyang binagsak ang kamay sa mesa matapos ay nagsalita, "Bakit naman ako ang magpapaunlak ng bati? Wala naman akong tungkulin sa barkong ito!"

Nagsinghapan kaming lahat sa naging sagot niya.

Agad siyang pinandilatan ng mata ni Uncle Jazzib kung kaya't walang sabi-sabing lumabas na siya nitong quarterdeck habang kinakamot ang ulo, mayroon pa nga siyang pinagbubulong-bulong.

Nang mapagtanto ko namang bumalik na sila sa pagkakaupo ay umupo nalang rin ako sa sariling upuan, hindi naman magandang tingnan kapag ikaw lang ang nag-iisang nakatayo habang ang mga kasama mo ay nakaupo.

"Ngayong andito na si Akiran, kailan tayo magsisimulang maglayag?" tanong ni Papa sa kaniyang mga kapatid.

Napasinghap muna si Uncle Jazzib bago siyang magsalita, "Sa lunes na, ihahanda pa natin bukas ang mga kailangang ihanda" lahat naman kami ay nagsipag-tanguan.

Mabuti nalang at sa lunes pa pala, kung gayon ay sigurado akong masasamahan pa namin bukas si Amary sa taong kumupkop sa kaniya.

"Kapag nga nagkita kayo ni Eftehia, Kokoa at Khalil. Mas mabuti pang huwag niyo nalang siyang pansinin, daan-daanan niyo lang ganun" dagdag pa ni Uncle Jazzib sa amin habang napapailing nang tinititigan ang reaksiyon ng kaniyang anak sa kaniyang tabi. "Oh bakit, hindi mo ba kaya?" dagdag pang tanong na aniya kay Kokoa.

"Papa, paano kapag kamustahin niya ako? Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko" turan naman ni Kokoa kay Uncle Jazzib.

Napapasinghap at napapailing nalang kaming tinititingnan siya ngayon habang ngumunguso.

"Huwag ka ngang tanga, Kokoa." turan ni Papa sa kaniya.

"Ibang klase kang bata ka" dagdag naman ni Uncle Hosea.

"Sa pagkakaalam ko ay hindi ka naman marupok nung inalagaan kita, Koki. Bakit bigla ka ng nagbago ngayon?" nadidismayang tanong pa ni Uncle Eemanuel sa kaniya.

Agad siyang sinamaan ng tingin ni Kokoa.

Lahat naman sila ay mga marurupok, ang lalambot ng mga puso.

Hindi ko nga alam kung bakit napasama pa ako sa pamilya nila.

Hindi naman ako mabait at marupok, matigas din naman itong puso ko.

"Basta ay huwag niyo nalang siyang pansinin, hindi naman siya pera para buhusan niyo ng atensiyon. Hindi ba at ayaw niyo rin naman sa pera?" tanong naman sa amin ni Uncle Dilmatran.

Nginiwian ko nalang si Uncle Dilmatran matapos ay hindi nalang siya pinansin.

"Papa" rinig kong tawag ni Kokoa kay Uncle Jazzib.

"Bakit?" turan naman ni Uncle Jazzib.

Napasinghap ako habang tinitingnan silang dalawa, mabuti pa nga sila at masyado na silang malapit sa isa't isa.

Naiinggit ako.

Ang tatay kong inhinyero diyan ay hindi man lang ako nagawang kamustahin ngayon, mas mabuti pa siguro kung isa nalang akong makina nitong barko para araw-araw niya akong aalagaan.

Napasinghap ako ng malakas matapos ay napili na lamang tingnan sina Tiyo Gastor.

Masyado talagang malaki ang aking pasasalamat dahil hindi na ako nakapagpiyansa pa sa kanila.

"Papa, nagugutom na ako" mahinang usal ni Kokoa sa kaniyang ama.

Agad namang tumayo sina Ebonna at Eebonee matapos ay dali-daling tumungo sa dining room.

Sa lahat yata ng pinsan kong mga babae ay ang magkambal lamang ang mayroong mabigat na trabaho.

Masyado pa kasi nilang inaalagaan sina Macaire at Kaisa kaya ganiyan nalang ang naging pagtatrato nila.

"May gagawin pa ba tayo rito?" biglang tanong ni Papa.

Walang may niisang sumagot sa kaniya kung kaya't hanggang ilong niya na ngayon ang kaniyang nguso.

Isa pa ito kapag ngumunguso sila eh, hindi ko alam pero nandidiri ako kapag gumaganiyan sila.

"Maaari ko ba munang makausap ang aking anak kahit saglit, Jazzib?" tanong niya ulit.

Halos hindi ko na marinig ang kaniyang boses dahil sa masyado itong mahina sa mga oras na ito.

Walang pakundangang napapatango si Uncle Jazzib sa kaniya kaya't malawak na ang kaniyang ngiti ngayon.

Kinagat ko ng marahan ang aking pang-ibabang labi nang makita ko siyang nakangiti.

Parang ang sarap niyang tingnan kapag totoo ang mga ngiting kaniyang sinusuot.

"Khalil anak," usal niya sa akin habang sinisenyasan akong lumabas dito sa quarterdeck.

Napabuga ako ng malakas matapos ay tiningnan si Uncle Jazzib, "Lalabas po muna ako" mahinang turan ko sa kaniya.

Napangiti siya habang tinatanguan ako, hindi na ako nag-atubiling magtagal pa at sinunod ko na lamang ang mga yapak ni Papa kung saan man siya pupunta.