Chereads / Crumpled Paper / Chapter 19 - Plano, Ikatlo

Chapter 19 - Plano, Ikatlo

"Ano bang pinagdadrama niyo diyan wala naman akong nagawang masama, kita niyo ngang buhay pa si Khalil ngayon" ani Uncle Jazzib habang walang tigil sa pagpipisil ng kaniyang ilong.

Nakatuon lamang ang aking bisyon sa itaas habang pilit na binabalewala ang presensiya nilang lahat.

"Masyado mong kinawawa ang bata, Jazzib. Ang 3f's nga ni Ouran ay hindi ko pinagtataguan ng mabibigat na sekreto natin maliban dito sa walang kwentang tradisyon niyong mga Prinastini" napahalukipkip si Uncle Hosea.

Napakamot sa sentido si Uncle Jazzib na para bang may malalim na iniisip.

"Ang pangit niyong mag-isip ng plano, sa totoo lang. Lahat kayong magkakapatid" napaawang ang aking bibig matapos itong isumbat ni Kokoa.

Saan ba siya kumukuha ng lakas para isalita ito sa kanilang harapan?

"At least ang mga plano lang namin ang pangit, kami hindi" nais kong matawa nang ibulalas ito ni Uncle Dilmatran na ngayon ay humihiga na sa kaniyang hammock, siguradong matutulog na naman ito maya-maya.

Lumagok ng alak si Uncle Eemanuel matapos ay pinahiran ng tissue ang bibig.

"Anak ka lang naman, don't be too boastful. Ipatapon kita sa dagat ngayon" maayos akong napaupo habang pinagmamasdan ang malaking larawan sa likuran ni Uncle Jazzib.

Kitang-kita ko ang kasiyahan sa likod ng larawan, nakangiti silang lahat habang niyayakap ang nakaupong matandang lalaki at babae. So, pito pala silang lahat na magkakapatid na lalaki.

Napakunot ang aking noo nang mapagtantong may kalong palang batang babae ang mga matatandang nakaupo, siguro ay ito sina Lolo at Lola. Pero sino ang batang kanilang kinakalong? Wala naman silang nabanggit na mayroon silang kapatid na babae.

Imbis na pag-isipan pa ito ay mas napili kong ituon nalang ang pansin sa nakahilatang mapa.

"Kokoa"

Pinulupot ko muna ang mapa matapos ay nakinig sa kanila, mas mabuti siguro kung susuriin ko muna sila ngayon.

"Ano na naman ba?" pumalapit si Uncle Jazzer sa malaking lamesa at pinatong dito ang dalawang kamay.

"Ang baby girl mo nga"

"Sinong baby girl ba iyan?"

Halos mapatalon kaming lahat dahil sa gulat nang hampasin ng malakas ni Uncle Jazzer ang lamesa.

"Huli ka! Sabi ko na nga ba't hindi lang ang anak ni Akiran ang pinupunterya mong babaero ka, gusto mo bang mabaril?" napabusangot si Kokoa habang kinakamot ang ulo.

"Akala ko kasi ay si Kaisa ang tinutukoy mo, Uncle. Malay ko bang si Efte pala iyon"

"May gagawin tayong plano, Kokoa" si Uncle Jazzib sa kaniyang anak na lalaki.

"Plano na naman ba?" parang pwede ng sabitan ng hanger ang bibig ni Kokoa dahil sa pagbusangot.

"Ayokong magkaroon ng manugang na mapagmataas, maarte at mukhang pera, kilala ka na ba ni Akiran?" mariing napailing si Kokoa.

"Alam ba ni Eftehia na anak mayaman ka?" wala sa sariling napatango si Kokoa.

"Sabihin mo sa kaniyang nagpapanggap mayaman ka lang bukas" marahas na napatayo si Kokoa nang iutos ito ng Ama.

"Akala ko ba ay aalis na tayo dito bukas! Papa, baka iwan ako ni Eftehia kapag sinabi ko iyon. Hindi ko kayang gawin ang pinag-uutos niyo sa akin!" halos maiyak na siya kakatanggi dito.

"Hindi ka naman siguro iiwanan niyan kung talagang mahal ka niya" singit pa ni Uncle Hosea.

"Susukatin mo lang naman kasi kung kaya ka pa niyang tanggapin sa kaalamang isa kang dukha" ani Uncle Eemanuel.

"Paano kung iiwan niya ako?" bumalik na sa pagkakaupo si Kokoa na kasalukuyan pa ring nakasimangot.

"Edi pabayaan mo, sus basic!" akala ko ay tuluyan ng nakatulog si Uncle Dilmatran, nakikinig pa pala siya.

"Kilala namin ang ama ng kasintahan mo, mukhang pera yun kaya baka ay ganun din si Eftehia. Iisang dugo, iisang pag-uugali" saad sa kaniya ni Uncle Ouran.

"Sa susunod na linggo pa tayo aalis dito, kaya bukas na bukas ay kailangan mong simulan ang plano" maawtoridad na utos ni Uncle Jazzib sa kaniyang anak.

"Paano kung hindi niya ako matatanggap, Papa?"

"Ipasampal mo nalang kay Kaisa, hindi mo ba alam na nakasalubong namin ni Khalil ang kasintahan mong iyan noon? Hindi ko nagustuhan ang pagbungad niya sa amin kaya ginagawa ko 'to ngayon"

Gusto kong palakpakan si Uncle Jazzib pero naalala kong galit pa pala ako sa kaniya.

Saludong-saludo ako sa magkakapatid na ito, kahit na mayroon na silang kayamanan at lahat-lahat ay tinuturuan pa rin nila kami ng buhay pangdukha at hindi ako nagsisisi sa kaalamang iyon.

Nagpapasalamat pa nga ako dahil kahit papaano ay hindi kami naging maarte pagdating sa kahit anong bagay maliban nalang siguro sa kapatid at mga pinsan kong babae.

"Sige" usal ni Kokoa na para bang labag pa sa kaniyang kalooban.

"Pwede na bang magpahinga ngayon? Sa pagkakaalam ko ay wala na tayong dapat pang pag-usapan" si Uncle Dilmatran habang humihikab.

"Meron pa at hindi natin ito dapat na ibabalewala lang" turan sa kaniya ni Uncle Hosea.

"Pakiramdam ko ay may namamagitan na kay Ebonna at Akari, ang lupit lang nitong batang nanakawan ng jeep eh. Nung nakita ko kasi ang mukha niya ay alam ko ng magkakagusto talaga ang anak ko sa kaniya, hindi ko alam kung saan nagmana ang anak kong iyon at wala siyang taste pagdating sa lalaki" nakita ko ang dagliang pagngiwi ni Uncle Ouran.

"Ani nga, iisang dugo— iisang ugali" turan nito kay Uncle Hosea.

"So, sinasabi mo sa akin ngayon na wala akong taste ha? Bakit ang ganda ng napangasawa ko?" oo nga, alam ko namang maganda ang asawa ni Uncle Hosea dahil magaganda ang anak niya.

Pero nasaan ba ang mga asawa nilang lahat?

"Baka napilitan lang sa'yo si Sora" usal ni Uncle Eemanuel.

"Excuse me, ever since I met my wife, alam ko nang ako lang ang mahal niya. Not forced just because of money" parang pinapatamaan niya ngayon itong si Kokoa dahil napapatingin siya sa gawi nito minsan.

"Oh tapos anong gagawin natin ngayon kay Ebonna at Akari?"— tanong ni Uncle Jazzer sa kaniya na kasalukuyan pa ring nakatayo ngayon.

"Alam niyo namang bawal silang magkatuluyan hindi ba?" kumunot ang noo ko sa sinaad niyang iyon, pati si Kokoa ay hindi rin alam kung ano ang pinagsasabi ni Uncle Hosea.

"Alam niyo namang anak siya ni Baby Hema, kahit pa hindi natin totoong kapatid si Baby Hema ay hindi pa rin pwedeng magkatuluyan si Akari at Ebonna noh. Natatakot ako sa magiging reaksiyon ni Papa niyan"