Bumibigat ang talukap ng aking mata na tinitignan ang magarbong chandelier sa itaas.
Ilang oras pa ba ang kailangang gugulin para sa walang kwentang paghihintay na ito?
Napasapo ako sa aking bunganga nang ikalimang beses na akong napahikab dahil sa kabagutan.
"Hindi pa ba nagigising si Kokoa?" naririnding tanong nitong si Uncle Eemanuel na kasalukuyan nang sumisimsim ng alak.
Hindi ko alam kung ayos pa ba ang kalagayan ng kaniyang mga kalamnan dahil sa kakainom ng mga alak niya.
"Gisingin mo muna dun, Jazzer" utos nitong si Uncle Jazzib sa kakambal.
Nasa loob na ako ng quarterdeck kasa-kasama ang aking mga tiyuhin, hindi ko nakikita si Papa dahil mayroong inaasikaso daw na makina sa unang palapag kasama ang iba pang mga trabahador.
"Mas mabuti pa kung isalaysay mo muna ang lahat kay Khalil, Jazzib. Wala namang kinalaman ang anak mong iyon sa sasabihin mo ngayon kay Khalil" si Uncle Hosea na kasalukuyang sinisindihan ang kaniyang sigarilyo.
Napabuga ng hangin si Uncle Jazzib at mariing humarap sa akin.
"Alam mo kasi Khalil, ako ang lahat ng may pakana nito" hindi ko siya maintindihan.
Kasalukuyan lamang akong nakatingin sa kaniya habang hinihintay ang susunod niya pang sasabihin.
"Naalala mo pa ba iyong lapirot na papel na nakita mo sa lababo habang ikaw ay naghuhugas?" tinatamad akong napatango sa kaniya.
"Ako ang gumawa ng bugtong na iyon at ako rin ang sumagot, ang tanga mo kasing humula ng mga bagay-bagay" aniya habang umiiling-iling matapos ay uminom ng tubig sa harap.
Napangiwi ako nang isaad niya iyon.
"Ang pangit mo kasing gumawa ng bugtong, Uncle" napahalakhak nang malakas si Uncle Dilmatran sa binulalas ko.
Totoo naman ang sinabi ko.
"Yari ka Jazzib, kung ako ang sasabihan ng ganiyan ay siguradong magpapatiwakal ako" turan pa nitong si Uncle Eemanuel.
"Tumahimik ka, hindi nakakatulong ang pagdadaldal mo" masama siyang napatingin sa akin. "Tapos dun sa palengke, iyon sana ang pagkakataon na pumarito na tayo sa barko subalit masyado kang matapang para umalis sa harap ni Jazzer, ang hirap kayang umiyak sa harapan ng kakambal mo kung alam mo lang. Natatawa na nga ako sa mukha ni Jazzer dun" walang emosyon ko siyang titingnan.
Hindi na ako magsasalita sa lugar na ito hangga't kaya ko.
"Iyong bag na dala ko, tanging papel at pluma lamang ang laman nun"
Tapos?
"Hinangaan kita nang nagawa mong sundan ang kapatid mong babae at si Marselas, ngunit hindi ko gusto ang ginawa mong paglilinlang sa tricycle driver" hindi ko tinugon ang kaniyang sinasaad.
"Iyon pang ginawa mong mga ngiwi sa tuwing magsasalita ang driver, hindi ko talaga gusto ang ginawa mong iyon. Pagkatapos nun doon naman sa harapan ng Hacienda nina Marselas" napabuga siya ng hininga matapos ay uminom na naman ng tubig.
"Nagkamali yata kami ng balak para sa iyong kapatid"
So, kasalanan ko pa ngayon?
"Lusteriong-lusterio ang ugali, dagdagan pa ng attitude ni Harrazana"
"Pakidalian ang pagkakasalaysay Jazzib" utos ni Uncle Ouran sa kaniya.
Uncle Jazzib: Putangina tumahimik ka muna diyan.
Uncle Eemanuel: Tapos ano na sunod?
Uncle Dilmatran: Dalian mo na Jaseb, ano baaa inaantok na akooo!
Uncle Jazzib: Hindi ako nagkakamaling tumakbo ng mga panahong iyon dahil kasama naman ito sa plano namin.
Uncle Hosea: Huwag ka ng huminga sabihin mo na ang kasunod.
Uncle Jazzib: Tapos nung nasa bahay na tayo ni Akiran, iyong kasintahan ni Kokoa na si Eftehia.
Hindi ko alam kung madidismaya ba ako o magagalit, sa pagkakaalam ko kasi ay siya ang una kong nahangaan na babae. Kung ipagsasawalang bahala ko lamang ang kaniyang boses at ang taglay niyang pag-uugali.
Uncle Jazzib: Huwag kang mag-alala, hindi ko naman sasabihin kay Kokoa na may gusto ka sa kasintahan niya.
Uncle Eemanuel: As in?
Uncle Dilmatran: Talaga ba?
Uncle Ouran: Hindi naaayon iyan.
Uncle Jazzib: Tapos nun ay gusto kong matawa nung sumigaw ka ng malakas kay Akiran.
Gusto kong magtago dahil sa mga kahihiyang inilalantad ni Uncle Jazzib sa kaniyang mga kapatid.
'hindi po kami nagdodroga!'
Nakakahiya talaga.
Kung pwede lamang baguhin ang nakaraan ay nagawa ko na noon pa.
Uncle Jazzib: Pagkatapos naman ay doon sa presinto, may trivia akong sasabihin tungkol dun.
Uncle Ouran: Sabi ng huwag ka nang huminga, ilabas mo na.
Uncle Jazzib: Alam mo bang hindi talaga iyon bilangguan?
Nais ko sanang magsalita subalit pinipigilan ko lamang ang aking sarili, mamaya na ako magyayamot kapag tapos na silang magsalaysay.
Uncle Jazzib: Bodega iyon ni Ouran.
Uncle Dilmatran: Huwag mo kasing putul-putulin iyang mga pinagsasalita mo, sabihin mo na ang lahat.
Uncle Jazzib: Tapos iyong pinagsisipsip na puting bagay ni Gastor, naalala mo pa ba iyon?
Hindi ako tumugon sa tanong niyang iyon.
Uncle Jazzib: Hindi yun droga, gatas iyon na nilagay lang sa selopin.
Putangina, parang lahat yata ng nangyari sa buhay ko ay puro panlilinlang ng mga taong ito.
Uncle Jazzib: Fast forward na tayo, dun sa part na nakalabas na tayo sa presinto o bodega ni Ouran. Iyong papel na dumapo sa mukha mo na may nakasulat na pangalan ng barko.
Ikaw ang may gawa nun?
Uncle Jazzib: Ako ang sumulat nun.
Tumpak!
Uncle Jazzib: Pagkatapos ay doon na kay Akari.
Tinatamad akong napatingin sa kisame habang hinihintay ang kaniyang susunod na ibubulgar.
Uncle Dilmatran: Kasabwat din namin ang ama ni Akari, ama-amahan pala.
Uncle Ouran: Nasa plano na namin ang pagsakay niyo sa jeep at ang pagnakaw ng jeep.
Putangina, hindi ko alam kung makakayanan ko pa bang analisahin ang kanilang pinagsasaad o hindi. Siguro pati ang aking totoong kasarian ay tinatago nila sa akin, papaano kung babae talaga ako?
Putangina ang sakit na ng ulo ko.
Mariin na napatingin ako sa gawi nang pintuan matapos may kumalabog na kung ano rito.
"Ano na naman ba, kita niyo nang natutulog ang tao eh!" marahas niyang iniatras ang bakanteng upuan at wala sa sariling napaupo.
"Kokoa..."
"Ano nga kasi?"
Napasinghap ng malakas si Uncle Jazzer matapos ay naka-pandekwatrong tumayo sa gilid. "Ang baby girl mo"
"Mamaya na iyan, pag-usapan muna natin yung kay Khalil" singit nitong si Uncle Jazzib. "Hindi ko lang alam kung matatanggap ba ni Lust ang sinabi ko sa kaniyang anak na pumanaw na siya at pinaghiwa-hiwalay ang kaniyang mga anak sa kung sinu-sino" kanina pa ako nawawalan ng gana dahil sa mga narinig.
"Meron pa pala" hindi ko alam kung maguguhit pa ba ang aking mukha sa mga oras na ito.
Gusto ko nalang umiyak sa mga nalalaman ko ngayon, akala ko ay ganun na kapayapa ang aking buhay.
Punyeta.
"Ang hirap kasing magpaliwanag gamit lamang ang mga kamay, akala siguro ni Khalil ay purong muslim si Papa at may dugong dayuhan si Mama" napahawak ako sa sariling batok nang bigla itong sumakit.
"Ano bang pumasok sa isip mo Jazzib at parang pinagkakait mo na ang totoong buhay ng batang ito?"
"Malalagot ka talaga kay Lusterio sa nagawa mong iyan"