Chapter 20 - Chapter 20

"S-sorry, Miss." Yumuko si Phoebe para tulungan ang babaeng nabangga niya na pulutin ang mga nahulog na papel na sahig.

"Okay lang," anito. Mabuti naman at hindi siya nakatagpo ng malditang empleyado nang araw na iyon. Simula nang malaman niya ang mga lihim ni Siovhan ay palagi na siyang nawawala sa focus. Na kahit ang simpleng paglalakad lang sa malapad na hallway ay nakabunggo pa siya.

Tomorrow, Siovhan will be coming back. Paano niya ito haharapin ngayon na may alam na siya sa mga tinatago nito?

Mula sa pagkaka-squat ay tumayo siya at bahagyang yumuko sa babae.

"Salamat," anito na tumalikod para umalis na.

Pag-ikot ni Phoebe ay ipinako ang mga paa niya sa carpeted na sahig nang makita si Violet na papalapit sa kanyang kinaroroonan. Nang maka-recover sa pagkabigla ay napayuko siya at pasimpleng naglakad.

Her heart seemed to stop beating the moment their paths cross. Kahit hindi nakatingin ay kita ni Phoebe sa gilid ng kanyang mga mata ang balingkinitang babae. She looked proud with an Audrey Hepburn white dress and a white plump. Nangingintab ang itim nitong buhok na maayos na nakatali sa likod. Nakataas ang noo at mahinhin kung makalakad. Just like a model performing a catwalk.

Nang lumagpas ang babae ay nakahinga si Phoebe. Bibilisan na sana niya ng paglalakad nang bigla ay marinig niya ang kanyang pangalan. Natigilan siya at napahugot ng hininga. Dahan-dahan niyang pinakawalan iyon bago lumingon sa likuran.

"Ms. Phoebe dela Gracia?" Parang ninanamnam ng babae sa bibig ang bawat parte ng kanyang pangalan.

"Y-yes. How may I help you, Ma'am?"

Violet was taking all her time to move her feet and stepped towards her. Inilahad nito ang kamay sa harapan para sa isang handshake.

"I'm Violetta Gochia De Cunha."

Kahit nakakalunod ang tibok ng kanyang dibdib ay hindi nagpahalata si Phoebe. Matipid siyang ngumiti at tinanggap ang kamay nito.

"Nice to meet you, Ma'am. May I help you with anything?"

"I wanted to talk to you...in private."

Mula sa narinig ay nawala ang ngiti sa mga labi ni Phoebe. Pumormal ang kanyang anyo at lihim na pinuno ng hangin ang dibdib.

"Regarding what, Ma'am?"

"Regarding my husband, Siovhan."

Napalunok si Phoebe. Mukhang huminto na talaga ang pagkakaroon niya ng ordinaryong mga araw. Alam na ba nito?

"Okay, Ma'am.

Sa isang private lounge sa loob ng Allures nagpunta ang dalawang babae. Pumuwesto si Violet sa isang mahabang couch kaya kinuha niya ang pang-isahan na katabi niyon.

Hindi mapalagay si Phoebe habang tahimik silang nagkaharap. Hindi niya magawang tingnan ang babae sa mga mata kaya ibinaling niya ang paningin sa damit nito. Ilang sandali ay ito ang unang nagsalita.

"As I have said, pag-uusapan natin ang asawa ko and to begin with, I would like to say that I have heard about your relationship with him."

Phoebe was at a loss of words. Shock by the news, she just sat there with wide eyes.

"And based on the reaction I'm seeing from you right now, I am almost sure that that issue is correct."

Hindi sumagot si Phoebe pero nabigyan niya ng indirect na kasagutan ang kausap nang magbaba siya ng tingin.

Mula sa dala nitong green na mamahaling handbag, naglabas si Violet ng cellphone. Tinipa at saka ibinigay sa kanya.

Nagtatanong ang mga mata niya nang abutin iyon.

"Tingnan mo ang picture diyan."

Kagaya ng sinabi ng babae, iginalaw niya ang mga mata patungong screen. Mula doon, isang babaeng naka-blouse ng gray at skinny jeans ang nakaupo sa silya. Halata ang ganda ng mukha at balingkinitan ang hubog ng katawan. Ngunit hindi doon nakapokus ang kanyang atensiyon kundi sa mukha nitong nangingitim sa pasa, may black eye pa at sabog ang pang-itaas ng labi.

"Scroll to the left," sabi ni Violet.

Phoebe swiped the image. The next picture was a bruised arm. Then a bruised hips lastly was an X-ray film with a broken rib.

"That's Marie. Five years ago, she fell in love to my husband, Siovhan."

Napahigpit ang pagkakahawak ni Phoebe sa cellphone sa narinig.

"She worked as an escort from an underground site. Siovhan was frequent there at naging customer nga ni Marie... He got obsessed with the woman. Binusog niya ng pera at kung anu-anong bagay. So the woman gave in. But then, Siovhan became physical at nagsimula nga siyang saktan lalo kapag nagsi-sex."

Habang hinahayaan ni Phoebe na magsalita si Violet ay napatitig siya sa picture na may mabigat na damdamin. She was horrified by the sight of the broken bone and huge bruises.

"Iyan ang mga natamo niya, medyo naghilom na nga iyan. Noong nalaman ng pamilya ni Siovhan ang nangyari, tinulungan nila ang babae. Inilayo kay Siovhan kaya napunta siya sa isang probinsiya. As of Siovhan, he went to a rehab. The psychiatrist called it obsessive love disorder. He tends to get obsessed and starts to manipulate his target. Treat them as an possession. To cover things up, they asked Marie not to spill anything, in exchange of a certain amount. I really thought he was already cured, thats why we got married after two years, but...it started again, with you."

Nagtagpo ang mga kilay ni Phoebe sa sinabi nito. Naitagpi-tagpi niya ang lahat ng natuklasan tungkol sa lalaki.

So that's what happened. He was really diagnosed with a mental disorder.

"Phoebe, ako bilang asawa, ayokong maging unfaithful si Siovhan, but as a woman, ayaw kong may masaktan na kapwa ko," saad nito na inilagay ang kamay sa dibdib. "Sinasaktan ka ba niya?"

Umiling siya.

"That's good dahil mukhang hindi pa nagsimula ang pananakit niya. Nasa phase pa siya kung saan pinaliliguan ng kung anu-ano ang babae.

All what Violet said were true regarding the presents at tumugma ang sinasabi nito sa kuwento na nagsi-circulate. Ibig bang sabihin ay totoo na nananakit si Siovhan? At iyon ang magiging kapalaran niya sa hinaharap?

"I want to help you, Phoebe."

"H-how?" sa wakas ay nakapagsalita siya.

"Lumayo ka, iyong hindi ka niya makikita. Kagaya ng ginawa ng parents ni Siovhan kay Marie noon. If you own a house in province, puwede kang lumipat doon. May pamilya ka ba rito sa Maynila?"

Tumango lang ulit siya.

"Alam ba ni Siovhan kung saan sila naroroon?"

Nanlaki ang mga mata ni Phoebe sa naisip. Maaaring madamay ang pamilya niya sa lahat ng ito! Kung lalayo siya, at iiwan ang pamilya sa Tarlac, baka ang mga ito ang pagbuntunan ng lalaki.

Nanginig ang pakiramdam niya sa naisip.

No! Hindi niya mapapatawad ang sarili kung may mangyayaring masama sa kanyang pamilya.

"Oo."

"Then, bring them with you. Magtago kayo. Siovhan is coming back tomorrow, Phoebe. Kailangang makalayo na kayo habang wala pa siya! Dahil kung nandito na siya, mahihirapan ka nang makawala."

Oh my god!

"Paano?"

"I'll help you."

Hindi na nag-aksaya ng panahon ang dalawa. Pagkatapos nilang mag-usap ay naghakot si Phoebe ng mga mahahalagang gamit sa apartment. Iniwan niya sa parking lot ng apartment ang bagong kotse at ginamit ang kanyang luma papuntang Tarlac.

Mabuti na lang at hindi niya pinabayaan iyon, naipakumpuni niya kaagad.

"Ma, kailangan na nating umalis rito," saad niya pagkarating na pagkarating sa bahay.

"Huh? Bakit?"

"Ipapaliwanang ko po sa inyo pagkarating natin sa hotel. Basta sa ngayon, ayusin ninyo ang lahat ng mahahalagang gamit lang." Habang nagsasabi niyon ay gumagalaw ang katawan ni Phoebe sa buong bahay.

Gabi na nang matapos sila, kaya kaagad kumuha ng kuwarto sa hotel. Katulad ng kanyang ipinangako, pahapyaw niyang ipinaliwanag sa ina ang dahilan ng madaliang paglipat.

"Pero sa tingin ko sa taong iyon ay mahal na mahal ka," usal ng kanyang ina. "Kahit nga hindi ninyo inamin sa akin na may relasyon ako, alam ko na kaagad dahil sa paraan ng pagtitig niya sa iyo."

Nahimigan niya ng pagtatampo ang boses ng kaharap kaya napayuko siya.

"Im sorry, Ma."

Ngumiti ito. "Naiintindihan ko, sigurado naman akong may rason bakit mo nagawa iyon."

"Uuwi muna tayo sa Gensan, kina Auntie Ana. Kukuha ako ng ticket ngayon online para bukas. Palilipasin lang natin ang panahon."

"Wala namang problema sa akin, kasi ang pinag-aalala ko ay si Ruki."

"Ruki," tawag ni Phoebe sa lalaking kapatid. "Sigurado kang sa kaibigan mo ikaw titira muna? Pumayag na aba ang parents niya."

"Oo raw po, e. Nasa abroad kasi ang parents niya at siya lang mag-isa sa condo. Hindi naman siguro malalaman ng amo ninyo iyon."

Pero baka makahanap ng paraan si Siovhan para alamin kung saan nag-aaral si Ruki. Ang tangi na lang niyang pinanghahawakan ay ang pangako ni Violet na tutulungan siya.

"I-text mo 'ko, if anything happens, okay? Kahit kaunti, okay?"

"Okay po," tango nito.

Sumasakit ang ulo niya sa dami ng iniisip. Ang bilis ng mga pangyayari.

Violet offered her financial assistance, para sa kanyang pagtago at nangako itong imo-monitor palagi ang asawa. And even send him to a mental institution kung grabe na nang sa ganoon ay malapatan ng kaukulang lunas. At kapag nag-lie low na, maaari na siyang bumalik ng Maynila. But no one knows kung hanggang kailang iyon magtatagal.

Siovhan, I love you...but I can't take risk for the lives of my family. I hope, everything will be alright, soon. Ang if that time comes, you will forget about me. Ang everything will remain a fantasy.

Naramdaman niya ang pag-init ng mga mata kaya lumabas siya at nagpahangin sa veranda. Doon, malaya siyang dinama ang mainit na luha sa pisngi dahil walang makakakita.

She hadn't expected that everything will end for them that way. Hindi man lang siya nakapagpaalam nang maayos noong umalis ito patungong business trip. She already got rid of her number kaya there's no way na mako-contact siya nito.

This is really a goodbye, Siovhan.