Chapter 24 - Chapter 24

Pangalawang linggo na ni Phoebe sa bahay ni Violet sa Bicol. It was a bungalow type and who knows which part of Bicol. Unang beses pa lang kasi niyang makapunta sa islang iyon.

May kasama siyang katiwala roon, isang matandang babae. She was around fifties, at mukhang mataray. Marahil ay may ideya na ito sa kanyang katauhan kaya ganoon siya pakikitunguhan.

"Kamag-anak ba 'yon ning magayon mong amo, Tasing?" Narinig ni Phoebe minsang nasa sala siya. Si Tasing ay naglilinis ng labas ng bahay nang panahong iyon.

"Bako, kabit an nong agom ning amo ko. Dae ko ngani isi ngata uya yan."

Iniisip marahil ng mga ito na hindi niya maiintindihan ang salita kaya hindi man lang hininaan ang mga boses. Pero base sa takbo ng usapan, nakukuha niya ang ibig sabihin.

Mula sa pagkakaupo sa sofa ay napakagat ng labi si Phoebe, nakatungong pinipigilan ang mga mata mula sa pagluha.

Ang saklap naman talaga ng titulo niya, 'kabit', sa taong minamahal. Kung mapipigilan lang ang damdamin, gagawin niya ang lahat para huwag iyong umusbong. Pero, tinanggap niya iyon, e. Sabi nga niya sa sarili, she's ready for the consequences. Pero ang sakit pala talaga. Hindi na nga niya maaangkin si Siovhan, nasa ganitong situwasyon pa siya na kailangan tumira sa lilim ng poder ng asawa nito.

Even Tasing's glances at her were like a daggers piercing her soul. Maybe she deserves that. She deserves that, afterall.

Pinahid ni Phoebe ang basang pisngi gamit ng likod ng palad nang bigla ay humilab ang kanyang tiyan.

Napahawak siya doon at kunot-noong nakiramdam. Nang nagsimula na naman itong humilab ay tumayo na siya ngunit paghakbang ay biglang tibanunan ng dilim ang kanyang paningin. Napatukod siya sa armrest ng sofa at muking naupo.

What happened? Ngayon lang niya naranasan ang ganoon. Pinakalma niya ang loob at saka nag-isip ng posibleng dahilan, and Phoebe's mind sparked. The figure of two bodies joining together in a soft bed formed inside her head.

'Sa bahay!'

The first time Siovhan did all the way was not protected! At nakadalawang beses sila noon.

'Oh no. No, no!' iling niya na mas lalong nagpahilo sa kanya kaya nahawakan niya ang ulo. Saktong pumasok si Tasing kaya napapitlag siya. Kaagad upumo nang tuwid.

Nakakunot nang bahagya ang noo nito habang lumilingon sa kanya.

She needs to confirm her presumption. Kailangan niyang pumunta sa bayan.

"Manang Tasing, aalis po muna ako. Bibili lang ako ng underwears sa bayan. Kaunti lang kasi ang nadala ko."

"Bakit kailangan mo pang sabihin sa akin iyan?"

"Uhm, hihingi po sana ako ng direction. Kung saan po sasakay at bababa?"

Binigyan niya ng ballpen si Tasing at papel. Sinulat naman nito ang mga kailangan niyang malaman.

"S-sige po. Aalis na ako."

Ilang kilometro rin ang layo ng bahay na iyon sa bayan kaya kailangan pa niyang sumakay ng jeep. Dumiretso si Phoebe sa pharmacy.

"Miss, isang pregnancy test kit."

"Thirty nine pesos po, Ma'am."

After the two exchanged items Phoebe left. Nagpunta sa isang fastfood restaurant.

"Saan po ang CR ninyo?" tanong niya sa isang crew na naka-uniform ng striped na red and white.

Masaya naman itong ngumiti at tinuro ang daan.

"Salamat."

Pagkasara ni Phoebe sa pintuan ng cubicle ay inilagay niya ang bag sa sabitan, ibinaba ang bowl cover at umupo roon. Nanginginig ang mga kamay niya habang binubuksan ang pakete ng kit. Uminit ang kanyang pakiramdam sanhi ng pagbilis ng daloy ng dugo sa katawan.

Sinunod ni Phoebe ang nakasaad sa instruction at ilang sandali lang ay hinihintay na niya ang pagkalat ng likido sa maliit na kuwadradong bahagi. Blangko ang isip ni Phoebe nang lumabas ang isang guhit. Hugot ang hinga, hinintay kung ano ang kabuoang resulta.

Nalaglag ang luha sa mga mata ng babae nang lumitaw ang dalawang guhit sa hawak na bagay. Mariringgan ng mahinang hagulhol ang loob ng cubicle.

Ano nang gagawin niya ngayong nagbunga ang maikling relasyon nila ng lalaki? Paano kung malaman iyon ni Violet? Siguradong hindi iyon papayag na magkaroon ng alaala ang pagtataksil ng asawa.

She mustn't know about this matter. Kailangan niyang lumayo sa poder nito bago pa mahalata ni Tasing ang kanyang pagdadalang-tao.

Inilabas niya ang pitaka mula sa bag at binilang ang laman.

Bakit ba kasi hindi na lang niya dinala ang lahat ng pera? Pati ang cards niya ay nasa kabilang pitaka. Kung sisimulan niya ang pagtakas ngayon, she can't survive with that amount lalo at hindi niya kabisado ang buong lugar.

Bumalik si Phoebe ng bahay at nagmamadaling nag-empake. Ang tote bag lamang ang hinanda niya para hindi masyadong maghinala si Tasing.

Hindi na nagbihis si Phoebe, kaagad na siyang lumabas ng silid ngunit nang buksan niya ang pintuan ay napaatras siya dahil may humarang na dalawang lalaki.

"S-sino kayo?"

"Saan ka pupunta?" tanong ng isa sa mga ito. Parehong may katamtamang pangangatawan ang mga kaharap.

"M-may pupuntahan lang sa bayan."

"Kararating mo lang sa bayan, hindi ba?"

Patuloy ang paghakbang ng mga ito. Yakap-yakap ang tote bag ay lumalayo siya.

Lumitaw si Tasing sa likod ng mga lalaki at nakataas ang mga kilay na nagsalita.

"Buntis ka, hindi ba? Pansin ko na sa mga kilos mo nitong mga nakaraang araw pa. Mukhang ngayon mo lang din nalaman."

"Ano'ng pinagsasasabi ninyo? Hindi ako buntis!"

Kumurba ang makulubot nitong mga labi sa isang sarkastikong ngiti.

"Malalaman natin iyan. Kunin ninyo siya," pagkuway utos nito sa mga lalaki.

"S-saan n'yo ko dadalhin? Ano'ng gagawin ninyo?" Nahihintakutang nagpumiglas si Phoebe nang hawakan siya ng mga ito sa braso pero iniingatang huwag masaktan ang tiyan.

"Sumama ka lang nang maayos," anang matanda.

Nangangatog ang buong katawan ni Phoebe nang malaman kung saan siya dinala ng mga lalaki. Si Tasing ay hindi niya mahagilap. Pumasok  sila sa gate ng isang bahay na kulay puti ngunit hindi sila tumuloy sa loob niyon.

"Dito tayo," sabi ng isang may katandaan ring babae. Naghalo na ang puti sa itim nitong buhok, nakatali sa likod ng ulo. May suot na bestida na kulay puti.

"Saan n'yo ko dadalhin?"

Tila hindi naririnig ng mga kasama ang hinaing niya at patuloy lang sa paglalakad, hindi pa rin binibitiwan ang kanyang mga braso.

Sa likod ay may isa pang malaking silid. Nakahiwalay iyon sa mismong bahay.

Pagkabukas ng pintuan ay tumambad kay Phoebe ang isang metal na kama sa gitna. May kutson na nakapatong sa itaas na nababalutan ng puting tela. Sa magkabilang gilid at dulo ng kama ay may nakausli na mukhang apakan ng paa.

"Ano 'to? Ano'ng gagawin ninyo sa akin!"

Naluluha na siya sa takot na nadarama. Kahit walang kahit isa sa mga ito ang gustong makipag-usap ay alam na niya kung anong klaseng lugar iyon.

Sapilitan siyang inihiga sa kama ng dalawang lalaki. Sa pagpupumiglas, nahulog ang dala niyang bag sa sementadong sahig, wala man lang nag-aksaya ng panahon para pulutin iyon. Iginapos ng mga ito ang kanyang mga kamay at paa sa barandilya ng kama gamit ang makapal na tela kaya wala na siyang nagawa kundi ang magsumigaw.

"Pakawalan n'yo ko! Mga hayop kayo! Anong gagawin n'yo sakin?"

Nagmistulang bingi ang mga tao sa kanyang paligid lalo na ang matandang nagsimulang magsuot ng laboratory gown. Isinunod nito ang gloves at mask.

"No, please...No! Siovhan!"

Paulit-ulit niyang isinigaw ang pangalan ng lalaki habang patuloy ang pagragasa ng luha sa mga mata. Namamaos na rin ang kanyang lalamunan.

"Luwas na kamo," anito sa mga lalaki. "Ako nang bahala uya." Sumunod naman ang mga ito.

May ginawa itong hindi niya maintindihan. Ngunit mas nasindak siya nang may pilit itong ipainom sa kanya. Sunod na ginawa ay ipinatong ang kanyang mga paa sa barandilya, tinanggal ang kanyang pang-ibabang panloob. Mukhang ginamitan iyon ng gunting.

"Manang, please 'wag n'yo po akong sasaktan..."

"Ibuka mo ang mga hita mo."

Kasunod ng sinabi nito ay ibinuka ng matanda ang kanyang mga hita.

"Please, maawa po kayo. Manang..."

Sunud-sunod ang hagulhol na lumabas sa kanyang bibig.

"Huminga ka gamit ang bibig."

Malalaki ang mga pag-iling na ginawa ni Phoebe.

"Huwag po...Siovhan..."

Napatalon ang matanda nang bigla ay bumukas ang pintuan ng silid. Halos matanggal ang dahon niyon dahil sa malakas na pagkakasipa ng isang tao. Nagtatakang iniangat ni Phoebe ang ulo para tingnan kung ano ang nangyayari. Ang komadrona na kanina ay nakayuko sa ibaba niya ay umatras papunta sa isang sulok.

"Sino ka?" tanong nito.

Hindi makapaniwalang napaawang ng bibig si Phoebe nang pumasok ang lalaking naghasik. Tila nakakita siya ng isang anghel nang bumungad ang mukha ng taong kanina pa niya bigkas ang pangalan.

"Siovhan..." halos hangin lang ang lumabas sa kanyang lalamunan. Naibaba niya ang ulo sa kutson dahil animo'y hinigop ang buo niyang enerhiya. Mas lumala ang pagdaloy ng kanyang nga luha.

"Phoebe." Kaagad siyang dinaluhan siya ng lalaki at hinagod ang kanyang ulo, pinahid ang luha at hinagkan sa noo. "What's happening here?" tanong nito habang kinakalas ang kanyang pagkakagapos.

Nang matapos siyang pakawalan at wala pa ring matanggap na sagot ay hinarap nito ang matanda. Kinuha ang isang instrument na nakalatag sa metal na lamesa at itinuon sa harap nito.

"Tell me what's happening here!"

"Ikaw ba ang ama?" ang tanging sagot ng komadronang nahintakutan sa ginawa ng bagong dating.

Nanliit ang mga mata ni Siovhan bago nilingon si Phoebe na nakahiga pa rin sa kama.

"Buntis siya?"

"Hindi mo alam?"

Walang maisagot si Siovhan.

"Kung gusto mong sagipin ang mag-ina, umalis na kayo dito. Napainom ko na siya ng pampalaglag na gamot pero bago lang. Kung maihatid mo siya sa ospital ay baka masagip mo pa ang bata."

Nagngangalit ang mga bagang ni Siovhan sa narinig. Gusto niyang sakalin ang matanda sa galit.

"Kung may mangyaring masama sa mag-ina ko, babalikan kita!"

Isinalya niya ang hawak na bagay at dagling binuhat si Phoebe patungong kotse.

"Siovhan...and baby ko..." usal nito habang maingat niyang pinapaupo sa passenger's seat.

"Hang on, Phoebe. We're going to the hospital."

Umikot siya sa driver's seat at pinasibad ang kotse. Pagkarating nila sa emergency room ay inasikaso naman sila kaagad ng staff.