"Saan tayo pupunta, Siovhan?" tanong ni Phoebe sa katabing lalaki. Nasa loob sila ng kotse. Bigla na lang kasi siya nitong niyayang lumabas.
"We'll go see Marie."
"Si Marie? Why?"
"Cause you're always asking about her. Para sa ikapapanatag ng loob mo. I don't want that matter to cause future problems between us, Phoebe."
"Okay naman na, 'di ba? Sabi mo nagsisinungaling lang si Violetta. Bakit, totoo ba si Marie?"
"Yes, pero hindi totoo na ako ang gumawa niyon sa kanya."
"Then bakit kailangan pa natin siyang makita?" saad ni Phoebe na inilahad ang dalawang kamay sa harap sabay angat ng mga balikat.
Napapalatak na lamang ang babae dahil hindi na sumagot si Siovhan. Nakatuon na ang atensiyon nito sa daan.
Makaraan ang mahigit isang oras ay pumasok sila sa isang tahimik na subdivision. Ang mga bahay ay hindi gaanong malaki, may ilang mga tao siyang nakikita sa loob ng bakuran ng mga iyon.
Ilang sandali lang ay huminto sila isang pulang metal na gate. Iniangat ni Phoebe ang paningin sa dalawang palapag na bahay.
"Dito ba siya nakatira?"
"Come," saad ng nobyo na pinagbuksan siya ng pintuan.
Nag-doorbell ang lalaki ng ilang beses. Maya-maya ay may lumabas na isang babaeng hindi masyadong katangkaran. Naka pink t-shirt at puting shorts.
"Hi! Is Marie there?"
"Sino po sila?" tanong ng babae.
"Pakisabi si Siovhan."
Buhat sa narinig ay hindi maiwasang mapalingon si Phoebe sa lalaki. Bumalik sa loob ng bahay ang babae, marahil para tawagin si Marie. Ilang minutong paghihintay sa labas ng gate ay lumitaw mula sa loob ng bahay ang isang maputing babae. Blonde ang buhok nito pero ang roots ay itim na. She's the woman she saw in Violetta's cellphone. Si Marie.
"Siovhan!" Malapad ang ngiti nito na sinalubong ang lalaki pagkatapos pagbuksan. The two exchanged hugs na nagpataas ng kilay Phoebe. Mukhang napansin iyon ng babae kaya napabitaw.
"What brings you here?"
"Marie, this is Phoebe, my fiancé. And Phoebe, she's Marie, the women Violetta showed you right?"
Tumango siya. "Hi."
"Hello! Nice to meet Siovhan's fiancé." Inilahad nito ang kamay sa harap niya, tinanggap naman ni Phoebe iyon. "Hali kayo, pasok muna kayo."
They settled themselves inside the salon. Magkatabing umupo si Siovhan at Phoebe habang kinuha ni Marie ang pang-isahang silya.
"Ano ulit iyong sinabi mong nabanggit ni Violetta, Siovhan? Ano na naman ang ginawa ng brat na iyon? She's so old to act like a teenager."
So, magkakilala ang tatlo?
"Ginamit niya ang photos mo para siraan ako kay Phoebe. Kaya kami nandito to clear things up."
"Siovhan..." siko ni Phoebe sa tagiliran ng lalaki. The guy just catched her elbows.
"Aling photos ko?"
"The one when you were in the hospital."
"'Yon pa talaga? Malilintikan na talaga sa akin ang babaeng iyon!"
"No need, she's inside the cell now."
Napataas ang mga kilay ni Marie sa narinig. "So, medyo mabigat pala ang ginawa niya?"
Tumango si Siovhan. "Yeah, she abducted Phoebe and even tried to murder our baby."
"Baby? May baby ka na?"
Tumango ulit ang lalaki. "Incoming."
"Oh, you mean she hurt you physically?" hindi makapaniwalang tanong ng babae sa kanya.
"Hmmn, tinangka niyang ipa-abort ang baby namin."
"She's really gone insane! Mabuti nga sa kanya! You know Phoebe, Violetta, Siovhan and I were close friends. Sila ang tumulong sa akin noong naospital ako. It was a car accident. Ano bang sinabi niya noong pinakita niya ang photos?"
Napapailing na lamang ang babae nang ikuwento niya ang lahat ng ginawa ni Violetta.
"She was a bratty kid back then. Malaki ang crush niyon kay Siovhan," saad nitong ngumisi. Ang lalaki naman ay umikot ang eyeballs. "Pero hindi ko inaasahang lalala ang topak niya nang ganoon."
"Ganoon ba?" sabi ni Phoebe na may ginhawa sa loob.
"Don't worry, lahat ng sinabi ni Violetta ay walang katotohanan. Your fiancee may be a weirdo sometimes, but he's one of the loving men I have ever met."
Napangiti siya sa narinig. She wanted to agree with the word 'wierdo'.
"Kailan nga pala ang wedding?"
"Mom will be having an engagement party for us next month, kaya gusto ko ring sabihan ka nang personal."
"Sure, I'll come! Can't wait to see you settle down, Siovhan. And oh, congratulations for your baby."
Magkasabay na nagpasalamat ang magkasintahan.
Pagkatapos ng ilang minutong kuwentuhan ay nagpaalam na ang dalawa.
"Are we all clear?" sabi ni Siovhan na nilingon siya mula sa pagda-drive.
"Sabi ko naman sa 'yo na hindi na kailangang pumunta, e."
"But you got to know Marie, and find out something about me." Ngumiti ito nang banayad sa kanya.
"Oo nga, I really appreciate your efforts. Simula pa noong una."
Ginagap ng lalaki ang kamay niya at binigyan ng bahagyang pisil. "Anything for you, my love."
Hindi na nawala ang ngiti sa mga mata ni Phoebe hanggang sa makarating sila sa villa.
* NEXT IN LINE IS RUKI💚
Susuportahan nyo po ba ang BL ni Ruki?😇