Nang sumunod na araw ay laking pasasalamat ni Siovhan nang nagpakita pa rin si Ruki sa kanya. Nagpunta sila sa isang restaurant at doon ipinagpatuloy ang pag-uusap.
"This is the contract I made with Violetta ."
Inilabas niya ang isang papel mula sa brown envelop at ibinigay kay Ruki.
"Bakit kayo may kontratang ganito?" nakakunot ang noo ng binatilyo habang pinapasadahan ng basa ang nakasulat.
"Violet's my childhood friend. Noong pakiramdam niya na nanganganib na ang career niya as a model, she wanted to do something. Two years ago, when I visited the Philippines for Allures' anniversary, I met Phoebe, sa hotel kung saan dumalo kaming pareho sa party. You know...uhm, I fell so attracted to your sister, kaya umuwi ako. I wanted to be closer to her and requested a position in the company but there's nothing."
Mataman lang nakikinig si Ruki sa kanya.
"Violetta's uncle was the director that time. Kinausap ko siyang bitiwan ang puwesto for me to enter at iyon ang ginawang kapalit ni Violetta. She wanted to tell the public that she's married to me. Siguro sa palagay niya, my presence was a good tool for uplifting her career," Siovhan shrugged. "Since, magpapanggap lang naman, it was fine with me. Isang taon lang naman. We can always say na hindi nag-work ang marriage kaya nagkahiwalay. So her career went up, and I got the director position."
"So you mean, ginawa mo ang lahat ng iyan just because of Ate?"
"...yeah."
"Hanep ka rin, ano? Mga mayayaman nga naman," napapalatak na sabi ni Ruki.
"I was desperate. We weren't married legally so it was okay with me. And she knew my real intentions, kaya akala ko susuportahan niya ako with Phoebe. That's what she said. I never thought that Violetta would do this shit. She's insane!"
Mukhang may naalala bigla si Ruki kaya napadukwang.
"E, paano 'yong sabi ni ate na pinaholdap mo siya? Si Violetta rin ba may kagagawan no'n?"
Natahimik si Siovhan bago umiling.
"It was me."
Bumadya ang galit sa mga mata ni Ruki.
"Let me explain." Inilagay nito ang mga kamay sa harapan. "Initusan ko lang naman ang lalaki para takutin si Phoebe. So I could fake-rescue her and get close to her but hurting Phoebe wasn't part of the plan. Hindi ko sinabing tangkain niyang gahasain o gamitan niya ng kutsilyo! I was really furious when I saw her bleeding."
"Pero kagagawan mo pa rin iyon!"
"I'm sorry. Please..."
"Pareho kayong may toyo ng asawa mo."
"She's not my wife. The only woman I want to marry now is Phoebe. Please, let me talk to her."
Puno ng pag-aakusa ang mga tingin na ipinukol ni Ruki kay Siovhan pero humugot ng cellphone at nag-dial. Pagkatapos tahimik na nakinig sa kabilang linya ay nakakunot ang noong ibinaba ang telepono.
"Hindi ko makontak si Ate. Out of coverage. Walang signal? Teka, susubukan ko si Mama."
Gumawa muli ito ng tawag at sa pagkakataong iyon ay may sumagot. Nabuhayan ng loob si Siovhan.
"Ma, si Ate po? Bakit 'di ko siya makontak?...Wala d'yan? Bakit?...May sumundong magandang babae?" anang binatilyo na tumingin kay Siovhan. "Kelan lang?...Two weeks na," saad nito na inulit ang sinabi ng ina para sa kapakanan ng kaharap. "Hindi nila alam kung saan nagpunta. Ayaw raw magsalita ni Ate... A, may kausap po ako, Ma. S-sige po. Ba-bye, I love you!" at pinatay ang tawag.
"Two weeks?"
"Oo, wala na si Ate sa Gensan. Hindi raw nagsabi kung saan pupunta." Nabahiran na rin ng pagkabahala ang anyo ni Ruki.
Tumalim ang tingin sa mga mata ni Siovhan.
"It's better to ask the person involve."
"Si Violet?"
"Yes. Thanks, Ruki. It's my turn now," saad niya na napakuyom ng palad.
***
Siovhan stormed to Violetta's house. Natagpuan niya ang babae sa study room.
"Yes, Siovhan? Hindi ba makapaghintay ang sadya mo at kailangan mo pang pumunta dito sa bahay?"
She walked towards him and tiptoed to plant a kiss on his cheek but he dodged.
"Where's Phoebe?"
"Huh? I don't know," she calmly shrugged. "Bakit mo ako hinahanapan ng nawawala mong pusa, Siovhan?"
"Don't make me repeat my question, Violetta. You damn know how impatient I am."
"Bakit naman ako magtatago ng isang tao? Pakialam ko sa kanya." Umikot ito at bahagyang lumayo.
"Do you really want to test me, woman? You haven't met the evil me yet, right?"
Kung kaya lang gumawa ng apoy ang mga mata ni Siovhan ay matagal nang natupok ang kaharap. His jaw moved as he clenched his teeth. Nakakuyom ang mga kamay habang matalim itong tinitigan.
"Siovhan..."
"Tell me where she is Violetta or your head will roll on this expensive floor."
Napalunok ang babae sa poot na nakikita sa mukha ni Siovhan . Alam nitong hindi na nagsisinungaling ang lalaki.
"I knew you told heaps of lies. Hired someone from the company as your ally that's why you're always there. Even ruined my name but I will overlook all of it if you tell me where you hide Phoebe. If not"—dinampot ni Siovhan ang mahabang gunting na nasa pen organizer sa ibabaw ng lamesa—"I'll make sure you won't be having a luxury to repent for your mistakes.
"T-teka, Siovhan." Napaatras ang babae nang humakbang si Siovhan palapit dito. "Are you really going this far for a woman? Are you crazy? You prefer to break our good friendship just because of somebody?"
"She is no somebody, Violetta. You know that from the start." Pailalim pa rin ang pagkakatitig ni Siovhan dito. He could guess how he looked because of the horrific reaction from Violetta's face. Nang dumikit na sa book shelf ang likod nito at nahirapang tumakbo ay nanginginig ang baba ng babae na nagsalita.
"S-sa Bicol, sa Catanduanes! I-I have a house there."
"Give me the address, right now!" Napapitlag ito sa pagdagundong ng kanyang boses. Nagmamadaling kumilos para kumuha ng papel at ballpen. Sa nerbiyos ay nabitiwan pa ang ballpen at gumulong iyon sa sahig. Kumuha muli ang babae ng isa pang ballpen at nagsulat.
"H-here, Siovhan."
Lumapit ang lalaki dito at itinuon ang dulo ng gunting sa ilalim ng baba ng babae. Napahugot ito ng hininga.
"If I'll find out that you're just fucking with me then I'll fucking kill you, Violetta."
"H-hindi, totoo talaga yan!"
"Then pray for your salvation." Pagkasabi niyon ay maayos na ibinalik ng lalaki ang gunting sa lalagyan at lumabas ng silid.