Pagkarating pa lang ni Siovhan sa villa ay kaagad siyang tumuloy sa kuwarto. Pagkatapos ilapag ang mga bagahe sa sahig ay patapon niyang inihiga ang katawan sa malambot na kama. Inilabas ang cellphone sa bulsa at nag-dial ng numero. He had been busy the entire moment of his travel kaya bihira siyang nakakagawa ng tawag.
The number you have dialed is either unattended or out of coverage area.
It has been like that since last night. Bakit hindi niya makontak si Phoebe? May nangyari ba? May problema ba ito?
He dialed again but the same voice promt answered his call.
Marahas ang pagbaba na ginawa niya sa teleponong hawak, sa kama, napahagod ng kilay at pumalatak. Pagkatapos ay itinaas ang kamay at tiningnan ang relo sa kamay.
Hapon pa, maaabutan pa niya Phoebe kung pupunta siya sa Allures. Plano sana niya na bukas na magpakita sa opisina ngunit dahil hindi niya makausap ang babae ay mapipilitan siyang magtungo roon.
He missed her so much. Right at that moment, he just wanted to suck all of her and feel her body against him. Three days of abstinence was too much for him.
Ilang sandali lang ay lulan na siya ng kotse papuntang Allures.
"What do you mean AWOL! Didn't she said anything about being away? Imposibleng basta na lang siyang hindi papasok sa trabaho," kausap niya ang manager ng HR.
"Director, iyon lang ang natanggap kong report from the department . Na hindi siya sumipot simula kahapon."
"You are so useless!" turo niya sa mukha ng lalaking kaharap. "You should have investigated more about her absence. What if the employee got an accident? Or kidnapped?"
Baba ang mga kilay na napayuko si Mr. Carmi, hindi alam kung ano ang sasabihin.
"Start wriggling your stupid ass now or I'll fire you!" pagkasabi niyon ay lumabas siya ng opisina at pabalandrang iyong sinara.
Next destination would be her apartment. Nag-drive kaagad siya papunta roon. Ang pag-aalalang naramdaman kanina ay nahalinhan ng pagkalito nang makita ang Porsche sa parking space nito. Nakakandado ang gate kaya ibig sabihin ay walang tao sa loob.
He took his phone from his pocket and dialed her number. That was his hundredth time pero ganoon pa rin ang natanggap na sagot. Gusto na niyang ibato ang cellphone sa sementadong sahig.
"Where are you, dammit, Phoebe!"
Hindi siya nag-aksaya ng panahon. Nilisan ang lugar para magtungo sa Tayuman. Gabi na nang makarating siya.
Disbelief covered his entire being when he got there. The house's lights were off, at base sa katahimikan na bumabalot sa paligid ay pinagsisigawan niyong 'walang tao'. Sa galit ay sinipa niya ang metal na gate kaya lumikha iyon ng malakas na ingay. Ilang beses niyang ginawa iyon kaya nagtahulan na ang mga aso sa kapitbahay. May mga tao na ring sumilip sa bintana.
Sa nakita, kaagad siyang lumipat sa katabing bahay at nagtanong.
"Hey, where's the people living there?" turo niya sa madilim na bahay. Mabigat ang kanyang paghinga sanhi ng ginawang pagpatid sa gate.
"A, teka, Sir," saad ng isang ale na lumabas ng bahay at hinarap siya. "Ang mga dela Gracia po ba? Kahapon ng gabi pa po naghakot ang mga iyon. Biglaan nga kaya nagtaka rin kami."
"Saan sila pupunta?"
"Hindi po nagsabi, e. Pero rinig ko na magho-hotel daw muna kagabi tapos bibiyahe ngayong araw."
Today? Ibig sabihin nakaalis na ang mga ito sa mga oras na iyon.
Without saying a word, he stormed inside his car and drived to the city. Kahit alam niyang malabong magbigay ng ganoong detalye ang reception ng mga hotels pero sinubukan niya pa rin.
May ibang nagtagumpay siya, may ibang hindi. It was already midnight. His mind was still wide awake but his body seemed loosing the grip. Gusto nang sumuko nito at magpahinga. Kahapon ng gabi pa siya gising dahil ala una ng madaling araw ang flight niya. Nakatulog siya ng ilang minuto sa loob ng eroplano at pagkatapos niyon ay wala na. And now, he's body wanted to retire.
Siovhan finally decided to get himself a room, sa pinakahuling hotel na nadaanan niya. Doon na lamang siya magpapalipas ng gabi, bukas na siya babalik ng Manila.
Baka naman hindi sa mismong Tayuman ito nag-check-in.
"Room 352, Sir. Have a good rest," anang receptionist na ngumiti.
"Thanks."
Tatalikod na sana si Siovhan para magtungo sa kanyang silid nang maalalang tanungin ang babae.
"Uhm, I'm wondering if someone with a name dela Gracia came here to check-in?"
"Sure, Sir."
Yumuko ang receptioninst at ilang sandaling tinipa ang keyboard ng computer.
"Oh yes, Sir. Lalaine dela Gracia."
Buhat sa narinig ay napatukod ang mga kamay niya sa counter. Napalakas iyon kaya nagtinginan ang iba nitong kasama.
"Are they still here?"
"U-uhm...nakaalis na po, kaninang umaga."
Siovhan's crisp cuss vibrated from his throat at dahil doon ay nanlaki ang mga mata ng receptionist. Ngunit nakalma naman iyon nang makatanggap ng pagpapasalamat sa kanya.
Tanghali na nang magising si Siovhan. Lagpas na nga sa check out time nang makaalis siya ng hotel. He again drove back to Manila at sa villa nagtungo.
Ilang beses na niyang pinag-isipan kung ano pa ang maaaring gawin para makontak si Phoebe. Sumasakit na nga ang kanyang ulo. Dahil wala nang ibang pumasok sa kanyang isip kaya minabuti niyang gawin na ang huling paraan na naisip. He will hire a private investigator.
***
"Phoebe!" tawag ng tiyahin niya ang nagpahinto kay Phoebe mula sa paglalaba ng mga damit. Nasa likod siya ng bahay.
"Opo, ate! Nandito ako sa likod."
"Halika, may naghahanap sa iyo!"
Kunot ang noong naghugas ng kamay si Phoebe bago nilisan ang labahin. Nagpupunas siya ng kamay sa suot na shorts habang tinutungo ang harapan ng bahay.
"Sino po--"
"Phoebe."
"Ms. Violet?" Nakatayo ito katabi ang isang puting kotse sa labas ng kanilang gate. Pinagtitinginan ng mga tsismosang pares ng mga mata dahil sa intimidating nitong aura. Nakatabon sa halos kalahati ng mukha nito ang isang mamahaling sunglasses. "Halika po, pasok po kayo. Bakit hindi ka man lang pinapasok?"
"Phoebe, we need to talk," saad nito nang makaupo sa sofa.
"Yes po, may problema ba?"
She acted calm and collected but deep inside her is hurting seeing the wife of the man she loves. Ayaw man niyang makaharap ito ngunit wala siyang magagawa.
"Siovhan is having his way to you. Nag-hire siya ng private investigator para mahanap ka."
"Ano?"
Hindi niya ipagkakaila sa sarili na masaya siya sa nalaman. Hinahanap siya ng lalaki? Kahit mag-iisang buwan na simula noong huli silang magkita.
"Kailangan mong lumipat ng matitirhan sa lalong madaling panahon. Iyong hindi niya matutunton, Phoebe. Hiding in one of you relatives' isn't a good idea kaya may naisip akong paraan."
Pagkabahala ang tanging nakikita ni Phoebe sa mga mata ng kaharap at kagustuhang tulungan siya.
"May nabili akong lupa sa isang probinsiya sa Bicol, sa iba nakapangalan. Hindi iyon alam ni Siovhan kaya hindi ka niya mahahanap doon."
"B-Bicol? Ang layo naman no'n."
"We have no choice. Your safety is our priority."
"Paano ang pamilya ko?"
"It's okay," saad nito na hinawakan siya sa kamay. "Mukhang wala namang gagawin si Siovhan sa pamilya mo lalo kapag sinabi nila na wala silang idea kung saan ka nagpunta. He's only after you, Phoebe."
"S-sigurado ka? 'Di bale na ako Ms. Violet, basta safe lang ang pamilya ko."
"Yes, I assure you that. I know my husband too well."
Kumirot ang dibdib ni Phoebe mula sa narinig. Napayuko siya sa kamay na nakapatong sa hita, pagkuwan ay tumingin muli sa kaharap.
"P-paano? Kailan ako aalis?"
"ASAP, kung kaya mong makaalis bukas then much better."
"Uhm...ano, nilalabhan ko pa kasi ang iba kong damit. Puwede ba sa makalawa na lang?"
"Okay, Phoebe. I understand. Kukuhanan kita ng plane ticket para sa makalawa. Take your time settling yourself, okay?"
Mahina siyang tumango.
"Don't worry, I am here for you."
Tumango muli siya.