"I need you to report now!"
Mariing nagkiskisan ang mga ngipin ni Siovhan habang binabato ang mga salitang iyon sa lalaking kausap sa telepono.
"Pero, Sir, hindi pa po tapos ang pangangalap ko ng impormasyon--"
"I don't care! Just give me what you got there."
Narinig ni Siovhan ang pagbuntong-hininga ng kausap bago nagsalita, "Okay, sige, Sir. Ibibigay ko sa iyo ang partial information na nakalap ko bukas. Gagawan ko lang ng maayos na report."
"I'll be waiting."
Naikuyom ni Siovhan ang mga kamay na nakapatong sa lamesang kahoy. Nasa loob siya ng sariling opisina ng Allures.
He needs to do something! A month had past at wala pa ring nangyayari. Sa bawat araw na dumadaan ay mas lalong bumibigat ang loob niya. Marami nang bumubuo na mga haka-haka ang kanyang isipan. Baka kung ano na ang nangyari kay Phoebe at sa pamilya nito.
Bumukas ang pintuan ng opisina kaya lumipat ang mga mata niya roon.
"I'm glad I'd get to see you here," saad ng babaeng kakapasok lang. Navy blue ang suot nitong damit na pinaresan ng nude na sapatos.
"What do you want Violetta?"
The woman shrugged her shoulders. "I just missed my husband. Hindi na tayo masyadong nagkakapag-usap dahil sa ka-busy-han mo. Balita ko lagi ka ring wala rito."
"And as usual I am busy right now. Marami pa akong tatapusing gawain. Don't you have work to do? Why are you even here?" Kunot ang noo ni Siovhan habang tinitingnan ang babae.
"Kararating ko pa lang, tinataboy mo na 'ko," she pouted her luscious lips.
"You're not answering my questions."
"May sinadya lang ako, then of course, gusto ko ring makita ka bago ako umalis."
Bumuntong-hininga si Siovhan. "I'm sorry, I really can't accommodate you right now. Maraming kailangang habulin lalo at end of the month na."
"I totally understand." Naglakad ito patungo sa lalaki at yumuko. Violet planted a smack on his cheek. "I'll see you later."
Tumango lang ang lalaki at hinatid ng tingin ang babaeng lumabas ng opisina.
***
Matamang nakatitig si Siovhan sa mga impormasyong nakasulat sa isang kumpol ng papel. Iyon ang ibinigay ng imbestigador sa kanya.
"Sa ngayon, wala pa tayong lead sa lokasyon ni Phoebe dela Gracia pero may nakuha akong mahalagang detalye rito na siguradong makakatulong sa ating paghahanap."
"Saan dito?" tanong ni Siovhan na binubuklat ang mga pahina.
"Akin na."
Inabot niya sa imbestigador ang hawak na papel, ito naman ang nagbuklat.
"Ito, address iyan ng eskuwelahan ng kapatid niyang lalaki. Kung college na ang lalaking ito, hindi ito basta na lang hihinto sa pag-aaral sa kalagitnaan ng taon kaya may posibilidad na matatagpuan natin siya sa eskuwelahang iyan."
"Hindi ko alam anong hitsura ng kapatid niyang lalaki. Haven't had the chance to meet him."
"May litrato ako ng pamilya niya, nasa last page niyan." Ibinigay ulit nito ang report.
Binuklat ulit niya ang dala sa pinakahuling pahina at tumambad ang mga litrato na naka-black and white. May tig-iisa at buong family picture.
Ang kapatid ni Phoebe na nagngangalang Ruki ay may kapayatan ang build, naka-uniform ng light blue na polo at khaki pants.
"Try to focus on this boy, manmanan mo at alamin mo kung saan siya nakatira ngayon. Imposibleng wala siyang nalalaman sa biglang pagkawala ng pamilya niya."
"Okay, sige," sagot ng imbestigador.
***
Three days later ay may hatid nang magandang balita ang imbestigador kay Siovhan.
"Nakuha ko na ang address na tinitirhan niya, Sir."
"That's excellent. Ibigay mo sa akin."
Ilang sandali lang ay nakatanggap na ng mensahe si Siovhan sa cellphone. Litrato ito ng address ng tinitirhan ni Ruki.
Kinahapunan ay pinuntahan niya kaagad iyon at nag-park, two blocks away from the building. Time seemed so slow habang naghihintay siya sa pagsulpot ni Ruki. He has been lurking inside his car for almost two hours already!
Makaraan ang isa pang oras ay natatanaw na niya ito na bumaba ng traysikel.
"Thank you po, Manong. Ito na po ang bayad."
Nawala ang kanina ay bagot na nararamdaman ni Siovhan. Maliksi niyang hinawakan ang pintuan ng kotse at lumabas mula doon.
"Hey!"
Lumingon sa kanya ang binatilyo at napatingin. Sa una ay wala itong reaksiyon ngunit kalaunan habang palapit siya nang palapit ay nanlaki ang mga mata at aktong tatakbo patungong building ng condominium. 'Di hamak na malalaki ang mga hakbang niya kaya hindi pa man ito nakalayo ay nahawakan na niya ang backpack sa likuran.
"Wait! Wait, please."
"Bitiwan mo 'ko!"
"I wont harm you," aniyang niluwagan ang pagkakahawak dito ngunit hindi bumibitaw. "Please, you're Ruki, right? Phoebe's brother. Please, I just want to know where she is."
"Ikaw nga ang amo niya!"
"Yes, can we stay and talk properly somewhere?"
"Hindi," iling nito. Kakitaan ng takot sa mga mata, sa pagtataka niya.
"Alright, alright," aniyang tumangu-tango. "You know, I'm her boyfriend too. P-pero hindi ko na siya makita, bigla na lang siyang nawala pati ang pamilya mo. Why? What happened? Please, help me."
"Dahil umiiwas kami sa iyo. May plano kang masama sa ate ko kaya umiiwas kami."
"W-what? Ano'ng planong masama? Hindi kita maintindihan."
"May toyo ka sa utak, hindi ba? At sasaktan mo ang ate ko kaya umalis siya."
"What are you say--of course not! My mind's perfectly well and I love your sister."
"At may asawa ka na, 'di ba?"
Natigilan si Siovhan.
"So totoo nga. Alam mo ba na ang asawa mo ang tumulong sa amin para layuan ka?"
Unti-unting naggalawan mga kilay ni Siovhan sa narinig. Nagtagpo iyon at kumunot ang noo, pati mga bagang niya ay tumiim.
"Si Violetta?"
"Oo, si Ms. Violet nga, dahil nagmamalasakit siya sa ate ko at sa amin. Kaya tama na, tantanan mo na si at--t-teka!"
Kinuyod niya ang batang lalaki sa gilid ng building para makapag-usap sila nang mabuti.
"Listen to me, hinding-hindi ko magagawang saktan kayo, lalo na ang kapatid mo. I love her and I care for her. Kung ano man ang sinabi ni Violetta sa inyo ay wala akong alam tungkol doon."
"Pero totoong asawa mo siya? Paano ako magtitiwala sa iyo?"
Huminga ng malalim si Siovhan at matamang tumitig sa mga mata ni Ruki bago nagsalita.
"Violetta is not my real wife. We are just bound by a contract for some reasons. At nakatakdang matapos ang usapan namin next month. Now I know how things went like this, kagagawan itong lahat ni Violetta."
"Ano'ng contract--"
Mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa bag nito.
"If you want proof then I will give you proof. Just let me know where your sister is, Ruki."
Natahimik ang binatilyo, napaisip sa kanyang sinabi ngunit hindi pa rin nawawala ang pagdududa.
"Paano mo ibibigay sa akin ang proof mo?"
"Can I trust you not to run away from me? Magkita ulit tayo bukas and I will let you see everything."
"...s-sige," bahagyang tango ni Ruki.