Chapter 18 - Chapter 18

"Hmmn, sige. I understand, Siovhan. Mag-iingat ka sa out of town n'yo... I love you too."

Ibinaba ni Phoebe ang telepono at napakagat-labi. Her heart clenches everytime she says that phrase to him. Lumalalim na nga talaga ang nararamdaman niya sa binata. Sino ba naman ang hindi? Sa bait nito at sarap sa kama.

Napatingin muli si Phoebe sa screen ng cellphone nang tumunog itong muli.

Allures HR

Dinampot niya ang telepono at sinagot.

"Hello."

"Ms. dela Gracia?"

Babae ang sumagot, marahil ay admin staff.

"Yes, speaking."

"Ma'am, follow up ko lang po iyong papers na hiningi sa inyo ng office last time."

"Oh! yeah..." naikamot niya ang daliri sa kilay. "Uhm...sige, ipa-follow up ko rin sa dati kong kompanya then kapag nakuha ko, ibibigay ko kaagad."

"Okay, ma'am. Thank you."

Pagkapatay ng tawag ay binuhay ni Phoebe ang ignition ng kanyang kotse. Mabuti na lang at hindi pa siya nakauwi. Didiretso na lamang siya sa dating pinagtatrabahuhan.

Pagka-park niya ng kotse sa harapan ng building ay saktong lumabas naman ang dating kasama sa trabaho.

"Phoebe?"

Napangiti siya dito habang sinasara ang pintuan ng sasakyan.

"Rosalie."

Gustong tumikwas ng kilay ni Phoebe dahil bumabati ang babae sa kanya pero ang mga mata ay nakatitig sa kanyang kotse.

"Nandiyan pa ba si amo n'yo?"

"Oo, nasa office. Sa 'yo ba iyan?"

"Hmmn."

"Wow! Ang ganda naman." Lumapit ito sa kotse at kinilatis nang maigi. "Porsche...boyfriend mo ang nagbigay?"

Gusto nang umikot ng eyeballs ni Phoebe sa harapan nito pero pinigil niya.

"Oo," aniya, feeling proud by the thought.

"Siya rin ba iyong nagbayad sa bond mo?"

Naibaba ni Phoebe ang mga kamay sa narinig.

"A-anong sinasabi mong bond?"

"'Di ba, kaya ka nakaalis dito dahil binayaran ang bond mo?"

Kumunot ang noo ni Phoebe sa narinig.

"I was terminated by the manager."

"Sa pagkakaalam ko ay hindi. Someone paid your bond. Hindi mo alam?"

Napahigpit ang pagkakahawak niya sa strap ng shoulder bag at sa mabibigat na hakbang ay nilampasan ang dating kasama. Dumiretso sa opisina at kumatok bago binuksan.

Napahinto sa pagsusulat sa isang papel ang manager sa kanyang pagdating.

"Phoebe?"

"Sir," lumapit siya sa lamesa ng lalaki at hinarap ito. "Ano'ng naririnig ko na may nagbayad ng bond ko kaya mo ako pinilit na umalis dito?"

"A, e..."

"Ano'ng a, e? Sino'ng nagbayad ng bond ko? I have the right to know!"

"Ang may-ari ng Allures."

"Ano'ng--sino'ng may-ari? Ano'ng pangalan niya?" Tinatanong niya iyon but at the back of her mind ay may bumuo ng kasagutan.

"Si Mr. De Cunha."

Nanliit ang mga mata niya sa narinig. "What? Siovhan De Cunha?"

"Yes."

Naigalaw ni Phoebe ang mga panga at inilagay ang mga kamay sa baywang, napatingala sa kisame. Biglang sumakit ang ulo niya sa hindi inaasahang balita na natanggap.

Inilabas niya ang cellphone at nag-dial pero napahinto. Naalala na busy nga pala ang lalaki nang panahon na iyon kaya ibinalik na lamang niya ang telepono sa bag.

"Magkano ang binigay niya?" tanong ni Phoebe na ipinatong ang mga kamay sa lamesa ng kaharap.

"Binayaran niya nang buo," sagot nitong nag-iwas ng tingin.

"Huh? Why? I only owe you around thirty percent of the entire amount. Nabayaran ko na iyon sa ilang taon kong pagtatrabaho rito."

Mag lalong napukaw ang inis sa dibdib ni Phoebe sa pananahimik ng lalaki.

"Where's my papers? Give me my papers, now."

Nagmamadali nitong tinawagan ang sekretarya, ilang sandali nga ay nasa kamay na niya ang isang brown envelop.

Sa inis ay hindi na nagpasalamat si Phoebe sa manager. Nagmartsa na siyang umalis ng building.

***

"Siovhan," napapalatak si Phoebe habang iiling-iling na nakatungo sa kanyang paa. Nasa itaas siya ng sariling kama habang kausap sa telepono ang kasintahan. "Why? Bakit mo ginawa 'yon? Behind my back."

"Sweetheart...I just wanted to help. Alam kong nahirapan kang makaalis doon kaya gumawa na ako ng paraan."

"You could have told me!"

"Alright, it's my mistake, okay? Don't make it a big deal." Mariringgan na sa tono ng pagsasalita nito ang kawalan ng pasensiyang pag-usapan ang bagay na iyon.

"It is a big deal for me, Siovhan. Aside from ginawa mo iyan without me knowing, mas lumalaki na ang utang ko--wait, ginawa mo rin ba iyan sa ibang applicants?"

"Of course not!"

Nakahinga siya sa narinig. Hindi niya maipaliwanag bakit ngunit nakaramdam siya ng gaan sa loob.

"Just stop buying me, please."

"I am not buying you, Phoebe." Matigas ang mga salitang binitiwan nito. "We'll talk again when I come back."

"Okay...sige." Napahinga ulit siya nang malalim.

"I love you, Phoebe."

"Hmmn, I love too, Siovhan."

Pagkaputol ng tawag ay napatingin si Phoebe sa kalendaryo na nakapatong sa bedside table. Outdated na pala iyon kaya pinunit niya ang unang pahina.

So today's their sixth day, huh? Then may business trip ito, out of town for theee days. Ano kaya ang mangyayari pagkatapos ng seventh day? Hanggang ngayon ay iyon ang iniisip niya. Iiwanan din kaya siya nito kagaya ng naririnig niya? At kapag ginawa nito iyon, paano na siya? Handa ba siyang pakawalan ito kaagad o isa siya sa maghahabol?

Nakatulugan na ni Phoebe ang isiping iyon.

***

Kinabukasan ng tanghali, ay naistorbo ang araw niya dahil sa isang email na dumating. Nanggaling iyon sa insurance na kinuha niya para sa ina at kapatid. Kailangan daw nito ng copies ng dalawang valid IDs para sa update ng system ng kompanya.

She wanted to complain bakit kailangan ora-oradang hiningi. Busy ang mga tao kaya kailangan may ample time na nakalaan para magbigay.

"Phoebe, be ready in 15 minutes!" sabi ng photographer sa kanya.

"Jan, make it thirty please . Urgent lang, sorry!"

Hindi sumagot ang lalaking photographer kaya nakikinita niyang nainis niya ito. But she just shrugged her shoulders at hinarap ang bag. Mula doon ay inilabas ang pitaka na pinaglagyan ng IDs.

'Hmn, aling ID ang gagamitin ko?'

Inilabas ni Phoebe ang SSS ID niya at BIR ID, mas maganda iyon dahil government issued. Inilatag ang mga iyon sa puting lamesa. Hawak ang cellphone sa kamay, itinapat ang camera.

Pagkatapos makuhanan ang BIR ID ay sinunod ang SSS. Katulad ng isa, ganoon din ang kanyang ginawa, ngunit natigilan nang may mahagip ang kanyang paningin.

Kunot ang noong ibinaba ng babae ang telepono at dinampot ang ID, dinala sa harap ng mga mata at maiging tinitigan.

On the upper left corner, just above her picture ay may maliit na gasgas. Sa pag-aakalang dumi lang iyon ay kinuskos niya gamit ang kuko. Nang hindi pa rin matanggal ay humugot siya ng tissue mula sa tissue box na nasa harapan at binasa ng alcohol. Iyon ang pinanglinis ng ID, ngunit kahit anong kuskos ni Phoebe ay hindi iyon natatanggal.

Habang pilit inaalis ang nakitang dumi ay mas lalong lumalakas ang tibok ng kanyang dibdib. May sumusilip na kaba mula roon.

Napabuga siya ng hangin nang kahit anong subok ang ginawa ay walang nangyari. Nang panahong iyon ay guminaw ang buong silid at sa lamig na nararamdaman ay nanginig ang kanyang mga kamay.

Bakit? Bakit may gasgas ang ID niya? Dapat wala! Bago iyon 'di ba?

Ayaw man niyang tanggapin sa sarili ngunit noon lang niya napagtanto na ang mga ID na hawak niya ngayon ay kamukhang kamukha ng mga orihinal. At ang gasgas na nakita niya sa gilid niyon ay gawa noong nadaganan iyon ng mabigat na flower vase.