Phoebe's jaw almost dropped to the ground as she exited the long hallway. Waves of dancing colorful lights were in every corner of the dark place. Walls were shaken by the thunderous and vocally extravagant music, urging the crowd to rock their souls as if bewitched by a mystical verve.
Hindi mahulugan karayom ang kumpol ng tao sa loob niyon na kahit siya ay naguguluhan kung paano ang mga ito nakakahinga. Nagawa pang sumayaw na parang wala nang bukas.
It was three in the afternoon, kung gaano man kainit ang labas ay ganoon din ang paglagablab sa loob ng disco. Halos magkandahubo na ang mga babaeng walang laman ang isip kundi ang gumiling. Phoebe could even see some guy, slid his hand inside the brunette woman's skimpy sequined skirt. Sa isang tingin ay mas mapapagkamalan ang mga itong nagtatalik kaysa sumasayaw.
Napaigtad si Phoebe nang maramdaman ang pagdaiti ng isang banayad na kamay sa kanyang baywang. Tiningala niya ang mukha ng kasama.
Siovhan posed a smile but loosen his touch.
"This way."
Nasa baywang pa rin niya ang kamay nito habang tinatahak nila ang daan sa gilid ng disco. Doon, may kaunting espasyo kung saan puwedeng dumaan ang mga naglalakad. Ngunit hindi pa rin naiiwasan na may bumunggo sa kanila lalo kapag grupo o magkapareha ang nakakasalubong.
Muling lumapat ang palad ng lalaki sa kanyang baywang nang bahagya siyang matulak sa braso ng isang tao.
Sa paraan ng pagkakahawak ng lalaki sa kanya ay tila gusto nitong protektahan ang isang pag-aari ngunit nangangamba na masaktan sa sariling kamay.
Her heart pulsated together with the beat of the heavy music. Kagyat ding nanigas ang kanyang tiyan.
Huminto sila sa isang bar na may kulay orange at yellow na ilaw. Nakahilera sa isang malapad na shelf ang klase-klaseng makukulay na inumin. She does drink but not heavy, and she doesn't give attention to those liqours, expensive or not. Basta kung anong nirerekomenda ng mga kakilala niya ay iyon ang kanyang kinukuha.
"Rusty nail!" Siovhan said with a friendly smile to the tall guy behind the bar. Nag-thumbs-up naman ang huli bago may kinuhang bote. Nakayukong tinitingnan ni Phoebe ang menu ng mga inumin kaya nagitla na naman siya nang marinig ang suwabeng boses ni Siovhan malapit sa kanyang tainga. Kagyat siyang napalayo. "Cocktail?" Tanong nito na hindi kakitaan ng pagtataka ang mukha. Inosenteng nakangiti lang sa harap niya.
"Uhm...yes. Ito." Basta na lang niyang itinuro ang nakitang kulay pink na inumin.
"Fresh fruit cocktail," saad nito sa bartender na naghahalo ng inumin. Ngumiti lang ito bilang tugon.
"I hope I didn't fail you for saying 'offbeat'." Nasilayan na naman ni Phoebe ang pantay at mapuputi nitong mga ngipin. Nakalapat ang pang-upo ng lalaki sa bilog na bar stool habang ang mga siko ay nakatukod sa counter. Ang isang paa ay nakapatong sa bakal na footrest at ang kabila naman ay nasa sahig. Nakaharap ang katawan sa mga taong walang sawang umiindayog.
With his cheerful smile, Siovhan looked carefree and coy. Ngayon, iba ito sa nakikita niya sa TV o noong nagsalita ito sa entablado ng Allures. Right at that moment, he looked like an ordinary guy minus the extra ordinary appeal.
"No," iling niya. "Hindi rin kasi ako masyadong nagpupupunta sa ganitong lugar unless kung may importanteng taong nagyaya."
"So, kabilang na ba ako sa mga importanteng taong nagyaya?" he said with a teasing grin.
"Today's an exemption, I guess." Napapangiti na rin siya dahil nakakahawa ang pagkamagiliw nito.
Tinawag ng bartender ang atensiyon nila kaya naputol ang kanilang malakas na usapan. Tinanggap ni Siovhan ang dalawang inumin at ibinigay sa kanya ang isa.
"Thanks!" Tumungga si Phoebe kaya napadilat ang mga mata ng kasama habang nakatingin.
"Whoa! You're something." Totoo ang pagkamangha nito pero nagpakawala ng mahinang tawa nang napaubo siya. "Masarap ba?" anito saka sinenyasan ang bartender. "Water."
"Masarap naman, medyo sumipa lang." Napapahagod ng lalamunan si Phoebe dahil sa kagat ng inumin. Nakatulong ang tubig na inabot ng bartender sa kanya, halos maubos na iyon nang kanyang tinantanan.
"Come," nabigla man ay nagpadala si Phoebe nang hawakan ni Siovhan ang kanyang palapulsuhan at igiya siya sa kabilang parte ng disco house. "May mga gimmicks din sila dito."
Siovhan shove some people while tagging her along until they reached a certain circle. Sa gitna niyon ay may naka-black tuxedo habang humahawak ng playing cards. She could guess that that was a magic trick show.
The guy expertly flipped the cards in the air and it all landed safely on his other hand. Paulit-ulit na ginawa iyon hanggang sa lumapit sa isang blonde na babae. Hindi siya nagtataka kung iyon ang pinili ng magician dahil sa nakalugwang hinaharap. Sumusilip na ang nipples nito sa suot na spaghetti strapped low neckline top.
Phoebe lowered her eyes and glanced at herself. Naka-uniform pa rin pala siya. Short sleeves polo na kulay gray, may logo pa talaga ng dating pinagtatrabahuhan. Itim na slacks naman sa ibaba. Totally not appropriate sa kinaroroonan nila. Mabuti nga ang lalaki at naka-casual pa.
Patuloy pa rin ang pagtungga niya sa hawak na inumin habang aliw na nanonood ng tricks, especially sa mga tao sa paligid na kamangha-mangha ang mga galaw at hitsura.
Napalingon si Phoebe nang bigla ay may nagsigawan sa kabilang parte ng disco.
"Wanna check it out?" Nakakahiyang tanggihan ang paanyaya ng taong tila tuwang-tuwa na nang-iimbita lalo na kung nakikita niya rin sa mga mata nito ang kagalakan.
"Sure!" Muli, lumapat na naman ang palad nito sa kanyang likuran at bahagya siyang hinapit. Alam niyang dahil iyon sa masikip na daanan. Marahil ay ayaw lang talaga nitong mabunggo sila.
Ang nabungaran ni Phoebe ay isang malaking bilog na umiikot. Iyong nakikita niya sa larong Wheel of Fortune. Kagaya ng sa laro, may nakasulat roon na numero, most probably ay mga halaga ng premyo. At ilang X sign na marahil ay bokya. Pinaikot iyon ng babaeng sa hula niya ay isa sa mga customers at ilang sandali ay huminto sa 10,000. Nanlaki ang mga mata nitong napatalon kasama ang isang bakla.
"Nanalo siya ng ten thousand?" Phoebe asked. Hindi yata masyadong nakuha ni Siovhan ang sinabi niya kaya napayuko ito at inilapit at mukha sa kanya. Napalunok naman ang babae bago mas inilapit sa tainga nito ang kanyang labi. "Ang sabi ko, nanalo ba siya ng ten thousand?"
Ngumiti si Siovhan bago tumango.
"Yes. Wanna try?"
"Magkano ang bayad?"
Umiling ito. "Walang bayad, it's one of the goodies for their members."
"Pero hindi naman ako member."
Tumitig ang maladilaw nitong mga mata sa kanya.
"I got you."
Pigil man ay hindi naiwasan ni Phoebe ang pagsilay ng ngiti sa labi. Tumango siya.
Lumapit sila sa namamahala ng laro at may sinabi si Siovhan dito. Hindi man niya naririnig kung ano iyon pero mukhang nag-request ang lalaki na ibigay sa kanya ang susunod na turn sa pag-ikot. Nakita niya ang pagtingin ng lalaking namamahala sa kanya habang nakikinig, pagkatapos ay tinawag siya nito para simulan ang pagpaikot.
Nanginginig ang kamay na hinawakan ni Phoebe ang bakal na nakausli sa wheel. Kung nagkataon na mapapanalunan niya ang pinakamalaking premyo--which is 50,000--may instant pera na kaagad siya!
She glanced at Siovhan while holding her breath, nagbabakasakali na makahanap ng suporta mula sa lalaki. The latter also returned her gaze and gave her a reassuring smile.
Pagkatapos mag-usal ng tahimik na dasal, buong lakas na pinaikot ni Phoebe ang wheel.
Napapahigpit ang pagkakahawak ni Phoebe sa kanyang shoulder bag habang hinihintay na tumigil ang wheel, she sometimes lick her lips or bite it unconsciously. Nakadagdag sa tension ang mga chants na binibitiwan ng mga taong nakikisaya rin sa kanila. May iba pa na hinahampas ang lamesa at ang tunog niyon ay tila tambol na rin ng kanyang dibdib.
Unti-unting humina ang paghinga ni Phoebe habang dahan-dahang umiikot ang wheel.
X
10,000
X
30,000
X...
X...
5,000...
X...
50,000
At huminto.
Natigilan si Phoebe at napanganga. Nilukob ng malamig na pakiramdam ang kanyang katawan.
'Tapos na ba? Huminto na 'di ba?'
Her agony was answered when the crowd around them yelled all together.
"You won!" Masayang sabi ni Siovhan.
"I won... I won!"
Natatawang napatango ang lalaki habang siya ay hindi makapaniwala nang iabot sa kanya ang kumpol ng cash.
"Oh my god!" She gripped at the money and showed it in front of him.
"Congratulations!" he said. Hinawakan siya ng lalaki at hinila palabas ng kumpulan. Bumalik sila sa bar at nag-order ulit ng inumin. "Up for more? That calls for a toast."
"Sure!" Ginanahan na si Phoebe sa paggawi nila sa lugar na iyon.
She ordered the same cocktail, kasi nasarapan naman siya and she didn't want to try anything else dahil baka pagsisisihan niya pa.
Three shots and she could feel like she was already flying. Maging ang pagsasalita niya ay naging malikot na. She would giggle at simple jokes, minsan nga kahit hindi naman nagjo-joke ang kausap, napapangiti pa rin siya.
She knew too well that she's drunk...or tipsy.
"Director," aniyang tumayo sa harap ng lalaki. "Baka naman...makita tayo ni Ms. Violet dito..." Phoebe said in a slurred speech.
The guy just smile and shook his head.
"She doesn't come to such place."
"...or"--pinatuwid niya ang hintuturo sa harap--"may makakita sa atin. Isumbong pa tayo! Baka isipin...may ginagawa tayong masama."
"That won't happen."
Phoebe pouted. "Why are so sure of yourself? Always so sure of yourself..."
"Because--whoa!" Naputol ang salita ng lalaki nang pasubsob na natumba siya sa harap nito. May bumunggo kasi sa likod niya at dahil hindi na masyadong sturdy ang kanyang balanse kaya kaagad siyang natulak.
Kahit liyo na ang isip, she could surprisingly smell the musk scent of the director's cologne. Naghalo iyon sa natural nitong amoy pero mas naging nakakadarang ang dating sa kanyang ilong.
Is that her or just the alcohol?
"Are you okay?" anitong humawak sa kanyang braso at inalalayan siyang tumayo.
"Yeah, I'm okay," sabi niya na inayos ang nagulong buhok. Tinulungan naman siya nitong tanggalin ang ibang naligaw na buhok sa mukha.
Dahil hindi pa naka-move-on sa epekto ng amoy ng katawan ng lalaki, she decided to grab the man's hand and pulled him to the dance floor. Sa gitna ng mga magkaparehang magkadikit na ang katawan sa pagsasayaw, pumuswesto si Phoebe kasama si Siovhan.
The music was an upbeat. Kahit sinong natural introvert ay maeengganyong gumiling sa kombinasyon ng tunog na pumailanlang sa buong lugar. At dahil lulong na sa nainom, Phoebe couldn't care less what other would think. She let out all her frustrations and got herself drown by the enticing vibe of the surroundings. She pumped, shook and rolled her body.
Umikot ang paningin ni Phoebe sa gitna ng pagsasayaw kaya napahinto siya at napakapit sa balikat ng lalaki.
"Are you alright? I think we need to stop."
"Okay lang ako!" she giggled with eyes half closed and leaned against him. Muli siyang nagkaroon ng chance para amuyin ang kaharap. Pumaikot naman ang kamay ni Siovhan sa manipis niyang baywang.
"Phoebe, let's get out of here," he said against her ears and she nodded with a smile on her lips.