Chapter 8 - Chapter 8

Everything went smoothly with Phoebe. Noong una, ay anxious pa rin siya kung ano ang magiging kahinatnan ng huling pag-uusap nila ni Siovhan pero two weeks na ang dumaan ay hindi naman nagkaroon ng panahong kailangan nilang magtagpo nang harapan. Nakikita niya minsan ito sa hallway, sa lobby, o somewhere inside the studio and most of the time ay malayo.

Sometimes, their glances would meet pero halos sabay din silang bumabawi. Siguro ay napagtanto na rin ng director na alisin na siya sa listahan ng mga bibiktimahin.

But, she couldn't fathom why everytime she saw him, humihigpit ang kanyang dibdib. At naaalala niya ang panahong magkasama sila sa bar. It was such a warm and sweet encounter. Pagkatapos ay ang sakit na nakita niya sa anyo nito nang huli nilang pagkikita.

Bakit kailangan pang mangyari ang lahat nang iyon? Bakit kailangan pang magpakita nang ganoong reaksiyon si Siovhan? Tuloy, hindi mawala-wala sa isip niya. Kung sana...hindi lang ito nakatali sa iba.

"Phoebe."

Napalingon siya sa isang babaeng naka-bull cap ng itim. Ang suot nitong puting t-shirt ay hiniram siguro sa boyfriend dahil sa laki. Nirolyo ang manggas paitaas at pinaresan lamang ng itim na skinny jeans at puting sneakers. Si Sahi, ang set designer ng project na iyon.

Napahinto siya sa pagpupunas ng noo. Kakatapos lang ng photoshoot nila. Pinagpawisan siya sa init na nagmula sa nakapalibot na ilaw sa set.

"Nakatanggap ka ba?"

"Ng alin?"

"Text notification from the management. May gaganapin daw na welcoming party para sa mga newbies. Kasali yata kayo."

"Text? Teka, hindi ko pa natitingnan ang cellphone ko." Inilabas niya ang telepono at binuksan. "A, oo. May natanggap pala ako."

Binasa niya ang nakasulat.

"On Wednesday. Five days from now, sa Okada Manila?"

"Oo, ngayon lang nangyari na nagpa-party ng ganyan kabongga ang Allures para sa mga new comers. Dati, tuwing anniversary lang naman may ginaganap na ganyan. Balita ko, ang bagong director daw ang nakaisip."

"Ganoon ba?"

"Oo, mahilig daw iyon sa parties, e. Kailangan ko pang maghanap ng maisusuot pala. Playboy Mansion theme, ang harot naman. Nag-re-reflect talaga sa may pakana."

"Bakit mo naman nasabi?"

"A, wala. Mukha kasing napaka-playboy ni Director. Sa ngiti pa lang..." Tumingin ito sa orasan na nasa kamay at wari ay may naalala. "Maiwan na kita ha? Inutusan lang ako para i-remind kayong mga newcomers. May naiwan kasi akong trabaho."

"Sure, sige thanks!"

Napatingin muli si Phoebe sa screen ng cellphone.

"Playboy Mansion?" First time niyang dumalo ng party na ganoon ka-daring ang isusuot. Bakit ba kasi sa dinami-rami ng pwedeng theme, iyon pa?

Isinilid ni Phoebe ang cellphone sa bag at ipinagpatuloy ang paglilinis ng mukha. Ilang sandali lang ay palabas na siya sa building.

Madilim at tahimik ang parking lot at wala siyang ibang nakitang tao kaya minabuti niyang dalian ang pagpasok sa kotse.

Napatingin siya sa gilid ng sasakyan, ilang dangkal na lang at masasagi na ang pintuan ng kanyang kotse. Basta na lang kasing siniksik ang isang malaking pickup sa tabi niya. Hindi man lang nag-aksaya ng panahon na ayusin ang pagkaka-park. Maingat na binuksan ni Phoebe ang kanyang pintuan at pasiksik na pumasok sa kotse. Nakahinga siya nang maluwag nang tagumpay siyang nakaupo sa loob. Pagkatapos mailagay ang mga gamit sa passenger seat ay pinaandar na niya iyon at dahan-dahang umatras. Sa pagtapak niya ng accelerator ay biglang dumaan ang isa pulang kotse. Bahagyang mabilis ang pagpapatakbo niyon kaya hindi na niya naiwasan nang sumagi sa gilid niyon ang likod ng kanyang sasakyan. Nanlaki ang mga mata na napanganga si Phoebe.

'Oh my god! Not now!'

Napahinto ilang metro ang pulang kotse. Siya naman ay binuksan ang pintuan para tingnan ang pinsala.

Kaagad siyang nagdasal ng tahimik habang bumababa. Sigurado siyang nasagi niya ang pulang kotse! Ramdam niya kanina ang may kalakasang impact. Hindi niya na kayang isipin kung gaano kalubha ang pinsala.

Paano niya kakausapin ang may-ari? Papayag kaya itong makipag-areglo?

"What the fuck!" tili ng babaeng lumabas mula sa passenger seat, naka body con na damit na kaunting galaw lang ay mukhang sisilip na ang tinabunang pagkababae nito sa harapan. Iyon lang ang naaninag niya mula sa nakabukas niyang tail lights.

"I-I'm so sorry, ma'am. Ang bilis din po kasi ng takbo ninyo."

"What? And you're blaming us for your stupidity? Kung hindi ka marunong mag-drive, mag-jeep ka na lang! Hindi iyong naninira ka ng ibang sasakyan. How will you pay for this? Do you even have the wealth to pay this car's damage?"

Nagpantig ang kanyang tainga sa dinakdak ng babaeng hindi pa niya matukoy kung maganda ba o hindi. Kung may karapatan bang magtatatalak ng ganoon kasama o wala. Napatingin ang nanliliit niyang mga mata sa pulang sasakyan, dumapo iyon sa logo.

Lamborghini.

Oh shit. Mukhang napahamak na talaga siya. Baka naman kaya pang daanin sa away. May ipaglalaban naman siya.

"Kulang ba kayo sa seminar? Sa pagkakaalam ko ay hindi dapat nakikipagkarera sa car park. Kung makapag-drive kayo parang may emergency tapos ngayong nagkaresulta ang pagkakakaskasero ng driver ninyo, isisisi ninyo sa akin?

"Aba! Kami pa ang gagawan mo ng kasalanan, e, ikaw nga iyong nakasira, o!" Nakapamaywang na ang babae.

"Nasiraan din naman ako, a!"

Natigil ang pagpapalitan nila ng salita ng babae nang sa wakas ay bumukas ang driver's seat. Hinanda niya ang sarili para sunod na talakan ang nagmamaneho ngunit natigilan siya nang bumungad ang pamilyar na bulto.

Itinaas nito ang isang kamay sa gilid na wari ay binibigyan ng senyas ang babae na manahimik. Para naman namahika ang kasama nito at tumigil nga. Kahit isang salita ay wala na siyang narinig. Pagkatapos niyon ay tumingin sa kanya ang driver.

Kahit na hindi masyadong natatamaan ng ilaw ang mukha nito, sa tindig pa lang ay kilala na niya ang lalaki.

Kinabahan siya nang bumaling sa gawi niya ang tingin nito. Mas lalo siyang nangamba nang humakbang na palapit. Gusto niyang mapaatras at magtago sa loob ng kotse ngunit magmumukha naman siyang timang kapag ganoon.

The sound of his shoe's hard sole everytime he stepped was a pure agony. Habang lumalapit ito ay mas naging klaro ang anyo. He was wearing a straight fave. Walang sumisilip na kahit kaunting emosyon, ang pailalim na pagtitig nito ay nagpalakas ng tibok ng kanyang puso.

"D-direktor..." Mahina niyang sabi nang magkaharap na sila. Wala sa loob naibaba niya ang tingin. Gusto niyang pagalitan ang sarili dahil doon. Bakit ba siya naduwag bigla?

Mula sa kanyang mukha ay dumako ang madilaw nitong mga mata sa gasgas ng kanyang kotse.

"Unlucky night, huh?"

Napalunok siya at mukhang nahalata nito iyon.

"You know how to contact me."

Pagkatapos sabihin iyon ay umikot na ito at nagbalik sa kotse. Rinig naman niya ang halatang pag-ismid ng babae bago pumasok na rin.

Napahawak si Phoebe sa likod ng kanyang sasakyan nang makalayo ang pulang kotse. Literal na naririnig niya ang tambol ng kanyang dibdib. Napasagap siya ng hangin dahil pakiramdam niya ay naubusan ng oxygen ang kanyang baga.

Unlucky night, yes. Sana ngayon lang. Pero mukhang hindi.