Chapter 10 - Chapter 10

Napangiti si Phoebe dahil hindi siya nahirapang hanapin ang mga kailangan sa costume. She found the black rabbit headband and white fluffy ball in one store. Black fishnet stockings na lang ang kulang niya dahil mayroon naman na siyang itim na high heeled shoes.

It was six in the evening, marami pang tao ang nagkakagulo sa kalye. Kaya kampante siya kahit dumaan-daan sa mga shorcuts. Patungo siya sa susunod na tindahan kung saan may mabibiling stockings. May naalala kasi siyang nakahilerang ganoon sa kalyeng iyon. Just a few blocks more.

But when Phoebe turned at the left alley, kinabahan siya dahil walang katao-tao. Kaunti lang din ang mga nakasinding ilaw sa buildings na naroon. She wanted to return from her original way but for some reason she felt some presence behind her.

Huminto siya sa paglalakad at pinakiramdaman ang paligid ngunit walang lakas ng loob na lumingon. The wind was touching her face, nililipad din niyon ang ilang hibla ng nakalugay niyang buhok. It suddenly felt cold at gustong manginig ng kalamnan niya. She could not hear anything peculiar, so she started to step again. Ngunit sa tuwing humahakbang siya ay tila may naririnig siyang echo ng sariling yapak. Is it normal dahil sa tahimik ng paligid?

Naglakad ulit siya at mas pinaigi ang pakikinig sa tunog. And that time, she was sure. Someone was behind her dahil nang binilisan niya ang mga hakbang ay humiwalay na ang tunog ng ibang yapak.

Ang mabilis niyang paglalakad ay humantong sa lakad-takbo. Kasabay ng mabilis na paggalaw ay ang pagtambol ng kanyang dibdib. Sumisikip iyon na tila dinaganan ng isang sako ng bato. Wari ay may nakatabon din sa kanyang lalamunan dahil nahihirapan siyang huminga.

Bakit ba ang haba ng kalyeng ito? Bakit walang mga tao? It's still six PM yet parang ghost town ang paligid.

Holdaper marahil ang humahabol sa kanya. Kung sakaling mahabol siya nito ay ibibigay niya ang lahat. Ngunit paano siya makasisigurong iyon lang ang kailangan nito? Paano kung rapist? Paano kung patayin siya?

Napasigaw si Phoebe nang may humablot sa kanyang shoulder bag. Napalingon siya at nanlaki ang mga mata nang makita ang isang payat na lalaki. Nakasando at shorts, tadtad ng tattoo ang braso.

"Holdap to, Miss," nakakalokong ngiti nito kaya lumitaw ang hindi kumpletong ngipin. Napatingin siya sa kamay nito nang gumalaw iyon at may dinukot sa bulsa. Isang balisong na maliit!

"K-kuya kunin n'yo na po ang lahat,"aniyang hawak pa rin ang strap ng bag. "Ibibigay ko sa iyo ang lahat nang iyan. I-iyong IDs ko lang po, please pakibigay."

"Sabi mo lahat ibibigay mo? Bakit nakikiusap ka pa?"

"Please, kailangan ko lang po ang mga 'yon," she begged, almost crying.

The man smile again and said, "Sa isang kondisyon. Patikimin mo ako ng masarap na hapunan."

"Ha-hapunan?" Magkadikit ang mga kilay na tanong niya.

Imbes na sumagot ay hinablot nito ang kanyang bag kaya pati siya ay nahila. Dinakma ng lalaki ang kanyang baba at akma siyang hahalikan. Awtomatikong naiharang ni Phoebe ang braso sa harapan. Pilit iyong tinatanggal ng lalaki gamit ang kamay kaya dumaplis sa kanya ang balisong. Ang matalas na bahagi niyon ay naglakbay sa kanyang braso at ramdam niya ang pagkahiwa ng balat. Dahil doon ay napasigaw siya at naitulak nang malakas ang lalaki. Nabigla rin siguro ito sa matinis niyang boses kaya hindi kaagad nakahuma nang tumakbo siya palayo at tuluyan nang iniwan ang shoulder bag.

Naririnig pa niya ang mabilis rin na hakbang nito sa likod kaya hinuha ni Phoebe ay sumunod ang holdaper sa kanya. Sa kabang nadarama, hindi na magawa ng mga mata ng babae ang lumikha ng luha. All she wanted to do was to get out of that alley at humanap ng tulong. Ilang hakbang na lang ay nakikita na niya ang main road. Maliwanang ang bahaging iyon at mayroon nang makikitang mga taong naglalakad.

Kaunti na lang...kaunti na lang...Lord, please.

Pagkalabas niya sa maliwanang na bahagi ay nilapitan niya ang isang ale.

"Ale, tulungan n'yo po ako, m-may humahabol po sa akin!" aniyang hawak ang braso nito ngunit nalukot ang mukha ng ale at tila nandidiring iniwas ang sarili sa kanya. "Tulungan n'yo po ako!"

Habang kausap ang babae ay nililingon pa rin ni Phoebe ang holdaper, nakikita niya ang ngisi sa mga labi nito. Hindi na tumatakbo, naglalakad pero nababasa niya sa mukha ang kompiyansa.

Nakaalis na ang ale nang lumingon si Phoebe. Hawak ang duguang braso, lumapit ulit siya sa isang lalaki.

"M-mama--" Ngunit hindi pa man siya nakapagsalita ng kumpleto ay biglang hinawakan ang kanyang magkabilang braso.

Napatili si Phoebe at habang buong lakas na tinutulak ang lalaki.

"Bitiwan mo 'ko!"

"Phoebe!" Natigil ang kanyang pagsigaw nang makilala ang pamilyar na boses. Sa nanlalaking mga mata ay tiningala niya ang mukha ng lalaki na kilalang kilala niya.

"Siovhan?" aniya sa nanginginig na labi.

"Yes. My god, why are you bleeding!"

Kaagad hinawakan ng lalaki ang braso niya at sinuri. Dumukot ng panyo sa bulsa at itinali sa kanyang sugat. Hindi pa rin makapagsalita si Phoebe at nakatingin lang kung ano ang mga ginagawa ng lalaking kaharap. Marahas siyang napalingon sa pinanggalingan nang maalala ang holdaper at nanginig ang buo niyang pagkatao dahil naroon pa rin ito at nakasilip lang mula sa madilim na eskinita. Matamang nakatitig sa gawi nila habang kakikitaan ng panghihinayang ang anyo. Hawak pa rin nito ang kanyang bag.

"Phoebe," untag ni Siovhan sa kanya na hinawakan ang kanyang pisngi. "What happened?"

"Siovhan..." Hindi alam ni Phoebe kung saan magsisimula. Halu-halo ang nararamdaman niya, naroon ang takot, relief at pagtataka. She wanted to cry but still her eyes just swollen.

"Come here. Let's get inside the car first."

Hawak ng lalaki ang balikat niya at sugatang braso, pumasok sila sa pulang kotse.

Una siyang dinala nito sa hospital para magamot ang kanyang sugat. Mabuti at hindi masyadong malalim ang pagkakahiwa dahil dumaplis lang ang maliit na balisong. Pagkatapos mabayaran ang bill ay binalikan siya ng lalaki.

"Pwede na raw tayong makaalis." Hinagod nito ang buhok niya at inipit ang ilang hibla sa likod ng tainga.

"Pasens'ya ka na."

"A thank you is enough." Nakapamulsa ito sa gilid ng hospital bed at nakatingin sa kanya.

Doon pa niya nailabas ang totoong nararamdaman. Tumulo ang luhang kanina pa tumangging bumagsak.

"Kinuha niya ang lahat ng gamit ko. Nandoon ang mga IDs ko," saad niya na tumingala dito. "Pinagtangkaan niya akong halikan, walang gustong tumulong sa akin." Mahigpit na napayakap ni Phoebe ang sariling kamay sa katawan dahil sa sandaling naalala niya ang insidente ay nanlalamog ang kanyang pakiramdam.

Napatiim-bagang si Siovhan. "Phoebe, everything is alright now. I'm here, I won't leave you." Hinagod nito ang braso at likuran niya at kinintalan ng halik ang kanyang ulo. Phoebe didn't do anything to complain, she needed that. She needed some comfort.

Wari ay niyapos ng maiinit na palad ang kabuoan niya sa ginawa nito. If onlys began to rise up at the back of her mind.

Tinuyo niya ang sariling pisngi at tainga gamit ang likod ng kamay.

"Director, saan na po ang bill?"

"No need to worry about that, Phoebe."

Umiling siya. "Ang resibo. Akin na," aniyang inilahad ang kamay. "Alam kong wala akong pera rito ngayon but I can provide some other day. Please." Mas inilapit ng babae ang kamay kaya napatitig doon ang lalaki.

"Why are so persistent on asking for the receipt?"

"Akin na nga." Matigas na ang kanyang boses.

"Bumuntong-hininga ang lalaki at saka inilabas mula sa bulsa ng pantalon ang nakatuping papel.

"Thank you," saad niya pagkatanggap ng resibo.

"So, halika na. Let's grab something to eat."

"Restaurant?" magkadaop ang mga kilay na tanong ni Phoebe.

"Well, yeah. Where can it be?" anitong bahagyang napataas ang mga balikat.

"No," iling niya habang umaalis sa hospital bed. Tinulungan naman siya ng lalaki na makatayo. Lumabas na sila ng out patient department ng ospital.

"Somewhere not a restaurant."

Natigilang napaisip ang lalaki. Kahit na ang suot nito ay plaid gray tuxedo, sa ginawa nitong gesture ay lumitaw ang Siovhan na nakasama niya sa bar.

She wanted to break into a chuckle but she resisted. Ang nangyari, napangiti siya habang kagat-kagat ang labi.

"Do you wanna come to my house then?" pagkuway tanong nito. Hindi kakitaan ng malisya ang mukha. Ngunit napagtanto niya ang narinig na imbitasyon.

His house? Where Ms. Violet, his wife lives?

"Nababaliw ka na ba?"

"You're hungry, I know. I just heard your belly--"

"What!"

"So, aside from a restaurant, saan tayo puwedeng kumain?" Siovhan clicked his tongue. "I really don't get why you hate restaurants."

Nagpalinga-linga si Phoebe at nakita ang isang cart ng siomai.

"There," turo niya.

"Where?" Hindi niya alam kung hindi ba talaga nakuha ng lalaki ang ibig niyang sabihin o hindi lang nito matanggap na iyon ang gusto niyang puntahan.

"Iyang siomai cart. Halika na." Nagpatiuna siyang naglakad at lumapit sa tindero.

"Magandang gabi po. Ilang siomai po?" tanong ng tindero na hula ni Phoebe ay nasa kuwarenta.

"Dalawa po, Manong," sagot ni Phoebe.

Matamang napatitig si Siovhan sa ginagawang paghahanda ng tindero pero wala itong sinasabi. At iyon ay gustong na namang magpangiti kay Phoebe.

"Heto na po."

"Salamat, Manong." Siya ang tumanggap at ipinasa ang isa kay Siovhan. "Thank you for the food," saad niya bago dinala sa bibig ang isang buong siomai.

The guy had no choice but to take a bite of the siomai.

"Ilista mo rin ito," turo ni Phoebe sa hawak na pagkain. "Babayaran ko ito sa iyo."

"Ridiculous," he murmured while having his next bite.

"Hindi ako nagbibiro."

Napapailing na lamang ito habang nginunguya ang kinakain.

Alas diyes na nang makarating sila sa bahay ni Phoebe. Hawak pa rin nito ang manibela nang tumingin sa kanya.

"Salamat, Director."

"I prefer you calling me by my name," saad nito ang mga mata ay nakangiti.

Ngumiti si Phobe. "Siovhan."

Tumango ang lalaki saka matipid na ngumiti.

"Sige, baba na 'ko."

"Okay. Goodnight."

Binuksan ni Phoebe ang pintuan at bumaba na. Mabigat man ang dibdib dahil sa palagay niya ay may dapat siyang gawin ngunit maiging pinigilan ang katok ng puso.

Mabuti na iyong maging magkaibigan lang sila, hindi siya nakakasakit at nakakayapak ng ibang tao. Pero nakakasama niya pa rin ang lalaki. It was more than enough kaya pipigilan niya ang bugso ng damdamin sa abot ng kanyang makakaya.

Hanggang sa mabuksan niya ang main door ay naroon pa rin ito. Muli siyang kumaway bago nagsara ng pintuan. Doon pa niya narinig ang pag-alis ng kotse.

Napabuntong-hininga si Phoebe at naiiling na tinungo ang kuwarto.