Chapter 15 - Chapter 15

"Siovhan, really, I cant accept that." Walang tigil ang pagtanggi na ginagawa ni Phoebe kahit nasa hallway na sila ng Allures.

Bumuntong-hininga ang lalaki at saka namaywang. Tumigil sa paglalakad. "Then what do you think should I do with that car?"

"You...might want to give it to...your wife, instead." Habang sinasabi iyon ay nag-iwas ng tingin si Phoebe. Hininaan din niya ang boses dahil may mga dumadaan na empleyado.

"I bought it for you, Phoebe."

"I know, and thank you...but I just cant--"

Nakita niyang iginalaw ng lalaki ang mga panga habang nagbaling ng tingin sa gilid nang tumunog ang kanyang cellphone. It seemed like he was annoyed because of the sudden call.

"E-excuse me," sabi niya na bahagyang itinaas ang cellphone. Tumango lang ang lalaki. Tumagilid siya nang kaunti dito saka kinausap ang tumatawag.

"Hello, Ma, napatawag po kayo? Nasa trabaho pa po ako." Nakatakip ang kamay ni Phoebe sa bibig habang kinakausap ang ina.

"Phoebe, anak si Chinchin..."

Pagkarinig ng pangalan ng kapatid ay nanlamig bigla ang pakiramdam ni Phoebe. Nanginig ang kanyang baba kaya napakagat siya ng labi.

"M-ma, ano pong nangyari kay Chinchin?"

"Inatake si Chinchin, anak. Nasa hospital kami ngayon."

Lumalakas ang tambol ng kanyang dibdib habang nagpapaalam sa ina.

"Pupunta po ako ngayon din diyan. Hintayin n'yo po ako."

"Sige, Phoebe. Maghihintay kami dito sa hospital."

Pagkatapos tapusin ang tawag ay isinilid niya ang telepono sa dalang bag.

"Phoebe, what's wrong?" Tiningala niya ang lalaki ngunit hindi siya sigurado kung ano ang sasabihin dito. Nagtaka na lang siya nang hinawakan nito ang kanyang noo at pisngi. "Hey, your so pale."

"Si-si Chinchin...Siovhan, please, ang kapatid ko," hinawakan niya ang braso ng lalaki. "Kailangan kong pumunta ng ospital. Let me go home early today."

"Which hospital?"

"Sa Tayuman. Kailangan kong umuwi sa Tayuman." Namumula na ang mga mata niya sa pinipigilang pag-iyak.

"Alright, but I'll go with you."

"No, 'wag. Dito ka lang. Baka hanapin ka."

Ngunit wala nang nagawa si Phoebe nang hawakan siya ng lalaki sa braso at igiya palabas ng building.

She was emotionally unstable kaya si Siovhan ang nagprisentang humawak ng manibela. Ginamit nila ang bago nitong biling kotse.

"Are you okay?" Tanong nito habang tinatapunan siya ng tingin.

"Hmmn..."

"Oh, before I forget. I already have your new IDs. Baka kakailanganin mo pagdating doon." Inilabas nito ang isang puting sobre mula sa inner pocket ng asul na tuxedo at iniabot sa kanya.

Naluluha na naman siyang napatungo sa ibinigay na IDs.

"Thank you."

"Anytime, sweetie. Don't cry, everything will be alright before you know it." Hinagod ulit nito ang kanyang pisngi at mga labi gamit ang daliri habang palipat-lipat ng tingin sa daan at sa kanya.

Pagkarating nila sa hospital na sinabi ng ina ay lakad takbo ang kanyang paglapit sa kuwarto.

"Ma, si Chinchin?" Dinaluhan niya ang batang nakahiga sa kama. Gumagawa ito ng tunog na nagpapahiwatig na masaya ito sa kanyang pagdalaw.

"Yes, yes," saad niya na napaluha na habang hinahagod ang noo ng kapatid. "Nandito na si ate, hindi ako aalis hanggat hindi ka gumagaling. Babantayan kita. May masakit ba sa iyo?"

Umiling ito at pilit na ngumiti.

"Magsabi ka kung may dinaramdam ka, okay?"

Napatingin siya sa gumagalaw nitong kamay dahil itinaas iyon ni Chinchin sa harap. Nag-usal ito ng salita.

"Oh! I-im sorry," saad niyang tumuwid ng tayo at pinunasan ang mga luha. "Uhm, Ma, si Siovhan po pala, amo ko. Siovhan, ang mama ko, tsaka bunso namin, si Chinhin."

"Hello, Sir, ikinagagalak ko po kayong makilala at makita sa personal."

Tumango si Siovhan saka napatingin kay Phoebe kaya nagsalita siya. "Uhm, nakita kasi namin 'yong footage ng The Golden Ball sa TV...kaya..."

May gustong sabihin si Chinchin kaya lumapit siya ulit dito. Pagkatapos maintindihan ang sinabi ng kapatid ay umiling siya at sinuklay-suklay ang buhok nito.

"Hindi, boss ko siya. Amo ko... Ma, ano pong sabi ng doctor?"

"Mild heart attack daw. Mabuti na lang at naagapan. Nitong mga nakaraang araw kasi hindi maganda ang tulog niya kaya siguro na-stressed."

Tumango si Phoebe saka sinulyapan ang wall clock na nasa ulohan ni Chinchin. "Anong oras daw po magra-rounds ang doctor?"

"Ang sabi bukas na raw ulit. Gabi na kasi."

"Sige hihintayin ko rito ang rounds ng doctor, Ma."

"Umuwi muna kayo sa bahay at matulog nang maayos. O baka gustong mag-hotel ni Sir. May malapit yata diyan sa malapit. Bumalik ka na lang bukas ng umaga."

"Nay, ikaw po ang uuwi tonight sa bahay para makapagpahinga ka. Ako naman ang magbabantay kay Chinchin."

"Sigurado ka?" Tumango si Phoebe.

"Nakapaghapunan na ba kayo? Malayo pa ang biniyahe ninyo."

"Maghahanap na lang kami sa labas. Kayo po ba, kumain na? Nagbigay na ba ng pagkain ang hospital para kay Chinchin?"

"Oo, kaninang alas sais, pinakain ko na siya. Ako rin, sumaglit kanina habang natutulog siya."

"Mabuti naman po. Maghahanap muna kami sa labas." Kinuha ni Phoebe ang bag. "May kailangan po bang bilhin na gamit o gamot?"

"A, oo, nandito." Inabot ng ina ang dalawang reseta.

"Sige po, bibilhin ko kaagad. Lalabas po muna kami."

"Sige, Phoebe, Sir," tango ng ina sa lalaki.

"Gutom ka na ba? Okay lang ba kung sadyain muna natin tong mga gamot sa pharmacy para hindi ko makalimutan?" tanong ni Phoebe nang makalabas ng kuwarto.

"Don't worry about me, Phoebe. Just go on with what you need to do."

"Sige," niyuko niya ang reseta at binasa. Napuno ang buong dalawang pahina ng mga isinulat na gamot.

Pagkarating nila ng pharmacy ay binigay ni Phoebe ang mga reseta sa tindera. Maya-maya ay bumalik ito.

"Six thousand four hundred fifteen po lahat, Maam. Kukunin n'yo po lahat?" anang tindera sa kanya.

"Yes," tango niya na binuksan ang bag. Ngunit natigilan siya nang may inabot si Siovhan sa babae. "Hey! Ano iyan?"

"I'm paying it." Kung makasagot ito ay wari nagtaka pa kung bakit niya tinanong.

"Ako na. Ano ka ba? May pera naman ako. Here, Miss."

"Phoebe, let me do this."

"Bakit ka ba nagbabayad, e, pamilya ko iyon?"

Ang tindera ay nakatingin lang sa kanila, nalilito kung aling pera ang tatanggapin.

"Heto, Miss," sabi niya na halos isubo na ang pera sa babae.

"Thank you, M--"

Hinawakan ni Siovhan ang kamay niyang may bitbit na pera at inilayo sa counter.

"Here, take this," anito at inilapag ang ilang libo sa counter. Iniharang ang katawan sa harapan para hindi na siya makahirit pa.

Napakagat-labi si Phoebe habang laglag mga balikat na bumuntong-hininga.

"Ma'am, heto na po ang mga gamot ninyo."

Umikot ang lalaki at ito na rin ang tumanggap ng mga pinamili. "Thanks. Let's go, let's find some decent restaurant." Hinawakan nito ang mga braso niya saka tinulak siya palabas ng building.

"Thank you, ha?" anang babae sa katabing si Siovhan. Nakaupo silang dalawa sa couch na nasa loob ng hospital room. "Kapag ganito, ang bilis ko talagang manghina. Kapag pamilya ko na. Parang nakakaubos ng energy, hindi ako makapag-isip nang tama."

"Not at all," iling nito.

Pinauwi muna nila ang ina niya para makapagpahinga nang maayos sa bahay at para na rin kumuha ng mga kailangang gamit. Kinabukasan pa ng umaga ang balik nito. Si Chinchin, lubos niyang ipinagpasalamat na mahimbing na nakatulog. Nakatulong siguro ang pagpatay ng ilang ilaw sa loob ng kuwarto.

Ngunit dahil doon, pati siya ay nakaramdam din ng antok. Nang nagpakawala siya ng mahinang hikab ay hinapit ng lalaki ang kanyang ulo para ihilig sa dibdib nito.

"Sleep if you want."

She let herself drowned to the serene moment. Succumbed herself to Siovhans kindness and sweet gestures. Sa isang taon at mahigit niyang pagiging mag-isa ay na-miss na rin niya ang tratuhin nang ganoon. Alagaan at mahalin.

Kamumuhian ba siya ng kapalaran kung kakalimutan niyang nakatali na sa iba ang lalaking katabi? Ano ang kaparusahan na nakaatang kapag ginawa niya iyon? But he smells so good to be ignored. Napaka-ideal nito para huwag angkinin. Ganito ba ito palagi sa mga babaeng binibiktima? The feeling is pleasurable and reassuring, probably that's why girls are lining up just to be included to the list of his victims.

Tiningala ni Phoebe ang lalaki, naramdaman marahil nito iyon kaya yumuko rin. Their lips met for a smooch. A silent and lovely kiss. So gentle and romantic.

Malamlam ang kanilang mga mata nang nagkahiwalay.

"Is it so wrong if I make you mine?" tanong ni Phoebe sa mahinang boses.

Ngumiti ang lalaki at dinama ang kanyang mga labi gamit ang daliri.

"You're already mine, Phoebe. Heavens may cry but you are mine."