Hawak ang mga gamit, tahimik na nakatayo si Phoebe sa gilid ng entrada ng hotel. Agawan ang naghihintay ng taxi kaya nahirapan siyang sumingit. Matapos sulyapan ang relo sa kamay ay napabuntong-hininga siya.
Lampas na ng hating-gabi, more or less thirty minutes to 1 hour ang hihintayin niya para maubos ang mga taong gusto ring sumakay. She decided to join the crowd. Kaysa naman umagahin siya ng uwi. May pasok pa naman kinabukasan.
Napabuga ulit siya ng hangin, dapat kasi walang trabaho kinabukasan kapag nagpapa-party ang kompanya ng ganito.
Habang nakipagdutdutan si Phoebe sa gitna ng mga tao ay narinig niya na tumunog ang kanyang cellphone. Napapalatak na kinuha niya iyon mula sa shoulder bag habang kumakaway ng taxi.
"Hello," bungad niya, ang mata ay nasa unahan.
"Phoebe, where are you?"
Napakunot ang kanyang noo na tiningnan ang screen. "Siovhan?"
"Yes, it's me. I thought you already saved my number."
"N-nasave ko na," napapalatak siya kasi bahagya siyang nabunggo ng isang babae. "Miss, mag-ingat naman po kayo. May tao po sa likuran ninyo." Umirap ang babaeng nasa kanyang harap pero walang sinabi. Kung wala lang siyang kausap sa telepono ay inaway na niya ito.
"Phoebe, where are you? Aren't you heading home yet?
"Nasa harap ng hotel, naghihintay ng taxi. Marami kasing tao kaya mahirap pumara."
"How about your car?"
"Tumirik kanina. Nasa bahay—teka, teka, magpapara lang ako sandali."
"What the—wait there." Naibaba niya ang cellphone nang marinig na ang dial tone.
'Bigla na lang tatawag tapos mawawala. Hindi ba siya nahuhuli ng asawa?'
Tatlong tao pa ang biniyayaan ng taxi kaya bumagsak ang mga balikat ni Phoebe. Tumunog ulit ang cellphone niya kaya walang gana niyang sinagot iyon.
"Yes, Siovhan?"
"Were are you now?"
"Nasa entrance pa rin."
"Come here."
"Nasaan ka?" Pinahaba niya ang leeg para tingnan ang madilim na paligid.
"Two o'clock."
"Two?" Umalis siya sa puwesto at naglakad pasulong. Hinanap ang isang pamilyar na kotse base sa binigay nitong direksiyon. "Hindi kita makita. Wala akong makitang red car."
"Here, look I'm waving."
Napahinga siya nang matanaw ang isang bulto ng lalaki na kumakaway, halatang-halata na si Siovhan iyon sa korte pa lang ng buhok.
"Yeah, nakita na kita. Puputulin ko na ang call."
Matapos niyang tinapos ang tawag ay sinilid niya sa bag ang telepono. Kaya pala wala siyang makitang pulang kotse dahil iba ang dinala nito. Isang gray na top down convertible car. Ngunit nakataas ang takip niyon.
Sinilip muna ni Phoebe ang loob ng sasakyan, nang walang makitang ibang nakasakay ay nagtanong, "Si Ms. Violet?"
Kumunot ang noo nito. "Get in."
Nang makapuwesto nang maigi si Phoebe ay muli siyang nagtanong, "Si Ms. Violet?"
"Why do you keep on asking about her?" anitong nakabusangot. Isinilid ang susi at binuhay ang makina ng kotse.
"Siyempre, nagtataka ako bakit ako ang kasama mo."
"Just because," saad nito na hindi tumitingin sa kanya. Abala na sa pagmamaniobra ng manibela.
'Iyon lang? 'Just because'? Ang linaw ng sagot, ha.'
Wala nang planong dagdagan pa ni Phoebe pangungulit dahil mukhang hindi maganda ang mood ng kasama.
"Thanks," aniya pagkatapos huminto ng kotse sa harap ng bahay.
Tumango lang ang lalaki at saka inilapit ang mukha sa kanya. A brief smooch.
"Goodnight."
Tumango ulit ang lalaki at ngumiti na hindi abot sa mga mata.
***
Kinabukasan pagkagising ay bumulaga sa cellphone ni Phobe ang '10 messages received'. Lahat ng iyon ay nanggaling kay Siovhan. She's so amazed how he managed to sneak all of that without the knowledge of his wife.
Ang mensahe ay naglalaman ng good morning greetings, reminders like 'not to be late' and 'eat your breakfast'. Ang huli ay nagsasabing tawagan daw ito sa oras na magising siya. The nostalgia, para siyang bumalik sa pagka-teenager, bombarded with messages from a two months boyfriend.
And so, she dialed his number.
"Good morning!" bati nito. Mukhang okay na ang mood kung ikumpara kagabi.
"Good morning, Siovhan."
"Have you had a sound sleep?"
"I'm still sleepy...and I'm thinking of not going to work...Director."
"Oh no you can't, Lip Smacker. I prepared something for you, later afternoon."
"Ano?"
"Later. Now, shake a leg and start your day." Base sa boses nito, tila nakangiti ito habang nagsasalita. He sounded excited.
"Okay, sige."
***
Halos lumugwa ang mga mata ni Phoebe sa iprinesenta ni Siovhan sa harapan. Her jaw literally dropped in disbelief.
"So...?" Nakangiting usal ng lalaki. Nakakrus ang mga braso sa harapan ng dibdib.
"What's this, Siovhan?" aniya na hindi pa rin nahihiwalay ang paningin sa bagay na nasa harapan.
"It's a Porche Panamera, and it's yours. So, what can you say?"
"...no."
"Huh?"
Nagre-reflect sa mga mata ni Phoebe ang kintab ng silver na kotse. She was overwhelmed by the sight of an actual expensive wheel in front of her.
"Siovhan, no. No, no," paulit-ulit niyang iling pagkatapos ay tumalikod. Siovhan embraced her and turned her body so as to face the car.
"This is yours from now on. I don't want any excuses na kesyo tumirik ang kotse mo kaya na-late ka, or hindi ka makauwi nang maaga." Dinampian siya nito ng mabilis na halik sa mga labi.
Nagtaka siya kanina nang tinawagan siya nito na lumabas ng studio, ang sabi ay pupunta sila sa isang bodega. Ngunit ang bodega pala na sadya nila ay ang showroom ng mga mamahaling kotse.
"No, Van. Hindi ko matatanggap ang ganito..." Nakatingala siya sa nakangiting mukha ng lalaki.
"It's fine, sweetie. That's how special you are to me."
Umiiling pa ring inihilig ni Phoebe ang ang pisngi sa dibdib ng katabi.
"Now, take this." Inilagay ng lalaki ang dalawang itim na susi sa kanyang palad. "Let your new baby introduce herself to you. Go on."
Wala nang nagawa si Phoebe nang bahagya siyang itulak nito papasok sa loob ng kotse.
Medyo nahirapan siya sa umpisa dahil iba ang controls niyon kumpara sa luma niyang kotse pero napaka-suwabe ng takbo. She already fell inlove with it.
"I can see you're beginning to like it." Nasa passenger seat ang lalaki at pinagmamasdan siya habang minamaneho ang kotse.
"I love it," sabi niya na hindi mapigilan ang mapangiti.
"I knew you will." Hinagkan nito ang braso niya bago itinuon muli ang tingin sa daan.