'Approach, was when we saw each other at a coffee shop, sa sea side.' Phoebe shook her head. 'No, no. I think it was two years ago, sa Discovery Primea. The bandaids.'
Nilaru-laro ng babae ang hintuturo sa leather cover ng manibela ng kanyang kotse habang okupafo ang isip ng ganoong bagay.
'And then the coffee shop, then...the bar.' She bit her lower lip. 'Fourth, ano nga ba iyong fouth?... Presents, little things. May naibigay na ba siya sa akin? Aside from the bandaids? Mukhang wala pa naman. But the kiss..." she bit her lip again, gave it a light suck.
She could still feel his lips against hers. So smooth, so gentle yet passionate.
'No, Phoebe. Please, self, he's married. Pinili mo ngang magparaya kina Ali at Julia dahil ayaw mong maging dahilan para magkalayo ang dalawang nagmamahalan, pagkatapos, papatol ka sa lalaking may asawa? Saan na ang prinsipyo mo? Ang delikadesa mo?
She exhaled roughly and closed her eyes. Nang idilat niya ang mga mata ay biglang nahagip ng kanyang paningin ang isang asong tumawid. Mabilis niyang naitapak ang paa sa brake at napasubsob sa manibela.
"Oh, god. Muntik na 'yon, a!" Pinahaba niya ang leeg para silipin ang aso ngunit wala siyang makita. Hindi rin naman siguro niya nasagasaan. She clicked her tongue and leaned her forehead on the wheel.
Nababaliw na talaga siya. She can't focus. She needs to rest. Sa buong panahon na nasa studio siya ay ang mukha ng director ang nasa kanyang isip. She was anxious all the time na baka magkasalubong sila, sa hallway, sa lobby or kahit sa studio mismo. What will she say? How will she react? Or, would she even talk to him?
Kinambyo ni Phoebe ang clutch at pinatakbo muli ang kotse.
'This is wors--'
Napatingin si Phoebe sa cellphone na nasa passenger seat nang mag-ring iyon. Numero lang ang nakasulat sa screen. Nagtataka man kung sino ang tumatawag ay gawain ni Phoebe na sumagot dahil nagbabakasakali siyang importante.
Habang nasa daan ang mga mata ay inabot niya ang telepono at pinindot ang green na button.
"Hello," she said.
"Phoebe?"
Muli, nagtagpo ang kanyang kilay dahil hindi niya kilala ang may-ari ng boses.
"Who's this, please? Do I know you?"
"It's me, Siovhan. Where are you?"
Buhat sa narinig ay nanlaki ang mga mata ni Phoebe. Ngayon niya lang kasi narinig ang boses nito sa telepono kaya nahirapan siyang kilalanin.
Anong sasabihin niya? Anong gagawin niya?
"I-Im driving."
"Where to? I wanna see you."
"No!" Natigilan si Phoebe sa biglang pagtaas ng kanyang boses. Pinakalma niya ang sarili bago muling nagsalita. "N-no, please, Director."
"Why? What happened? What's wrong?"
"Everything is wrong, Director."
"Phoebe, let's talk properly. Tell me where you're going."
"I'm sorry, Director. I just wanna stop all of this. I'm hanging up." Pinindot niya ang pulang button at ipinatong ang cellphone sa hita. Huminga ng malalim at nag-focus sa pagda-drive. Ngunit nag-ring muli iyon, same number. Imbes na sagutin, pinindot niya ang power button at hinintay na mamatay ang cellphone. Initsa sa passenger seat at humawak sa sintido.
What she did was right. Iiwasan na niya ang director simula ngayon. She doesn't want loose her job na siyang nagpapatakbo sa buhay ng kanyang pamilya.
Pagkarating niya sa bahay ay nakahinga siya. She needs rest, she wanted to rest. Kaagad siyang naligo at nag-ayos para sa pagtulog nang maalala ang cellphone. Kinuha niya ang telepono sa bag at naglakad patungo sa gilid ng kama, binuksan iyon. Wala namang message kaya ibinaba niya sa bedside table at hinarap ang vanity mirror na nasa gilid ng kuwarto. Sinaksak ang blow dryer at sinimulang patuyuin ang buhok.
Ilang sandali ay malapit nang matuyo ang kanyang buhok nang mag-ring muli ang cellphone.
Napalingon siya at pinatay ang blow dryer. Inilapag sa lamesa at tinungo ang cellphone. Her eyes widened when the same number flashed on the screen.
Ano'ng kailangan niya? Bakit ang kulit niya? Annoyance started to rose inside her but when she answered the call, fear dominated.
"Director. Please, stop calling--"
"Open the door, Phoebe."
What?
Nanlaki ang mga mata ni Phobe nang mapagtanto ang ibig nitong sabihin. Kumakatok ang kaba sa malakas na tambol ng kanyang dibdib.
'Nandito ba siya? Sa bahay? Bakit?'
"I'm outside your house, Phoebe. Open your door, please."
Napahugot siya ng hangin sa dibdib at nagsalita, "Okay, Director. Pero gusto kong siguraduhin na mag-uusap lang tayo. Please."
"Okay, Phoebe. Just please open the door."
Pinatay na niya ang tawag at ibinalabal ang puting robe sa katawan bago lumabas ng kuwarto. Kaagad niyang binuksan ang pintuan nang makarating doon.
Tumambad sa harap niya ang lalaki. Naka-shirt pa ito na puti at trousers na navy blue. Halatang kagagaling lang sa trabaho.
Phoebe's chest wanted to soften by the weary look on the man's face. Tila alalang-alala ito sa hindi niya pagpakita. Ngunit, muli naalala niya na marahil ay isa lang iyon sa tricks nito para makuha ang isang babae.
"May I?" anang lalaki na ang ibig sabihin ay pumasok sa kanyang bahay. Tumango siya pagkatapos ay niluwagan ang pintuan.
Isinara ni Phoebe ang pintuan at nagpunta sa sala.
"Please..." saad niya na inilahad ang kamay sa upuan dahil nanatili lamang itong nakatayo.
"Thanks."
Kung hindi lang talaga ito kilala sa pagiging babaero ay kanina pa niya inamo ang lalaki sa nakikita niyang lungkot sa mukha.
Inukupa nito ang isang single couch at siya rin sa mahabang upuan sa harap nito. Napapagitnaan nila ang isang maliit na glass center table.
"Bakit po kayo nandito, Director?"
"I wanted to talk, Phoebe. And clear things between us."
"Yes," tango niya. "I need that too. And for the starter, there's no 'us', Director."
"You can't be serious." Tiningnan siya nito na tila hindi makapaniwala sa sinasabi niya.
"Nalasing lang ako noon, Director. My sanity was influenced by alcohol kaya ko nagawa iyon."
"We kissed, Phoebe."
So hanggang doon lang pala talaga ang nangyari.
"Iyon na nga ang sinasabi ko. Hindi ko sinasadya iyon, please." She inhaled and prepared herself for saying something not true. "Magagawa ko iyon kahit hindi pa ikaw ang kasama ko, kaya walang ibig sabihin 'yon, Director."
She always emphasize the name to build a wall between them.
Siovhan's eyes narrowed, mukhang effective ang sinabi niya at naapektohan ito.
"Let's end this conversation right now, Director. I'm about to sleep. Sana ay klaro na ang lahat ngayon. I don't want to get involve with you."
Hindi nagsalita ang lalaki kaya dapat ay magpasalamat siya na hindi na nito pinagpilitan ang sarili. Pero kinabahan siya dahil sa nakikitang matalim na titig at pagtagis ng mga bagang nito. Nai-imagine na niya na ang pagkakadiin ng mga ngipin nito at kaunti na lang ay mababasag na.
Hindi pa rin nawawala ang kanyang pagkabahala kahit tumayo na ito at humakbang palabas. Naisip niya na kung bigla na lang siyang dakmain ng lalaki, ano ang makukuha niyang sandata? Pasimpleng pinagala ni Phoebe ang paningin sa paligid. Nahagip ng mga mata niya ang isang flower vase sa itaas ng mababang cabinet.
Subalit nakahinga si Phobe nang nakalabas na ang lalaki sa pintuan nang walang trahedyang nangyari. Tahimik pa rin ito at hindi na lumingon nang pumasok sa kotse at pinasibad iyon. Napahugot pa siya ng hininga sa ingay na likha ng malakas na pagkaskas gulong.
Actually she was quite surprised, dahil inasahan niya ang violent reaction mula dito kung ang pagbabasehan ay ang galit na nakita sa mukha ng lalaki. But he didn't utter a word.
What was he so angry about? Ego? Dahil siguro first time nitong ma-reject? Yeah, probably. Iyon naman talaga ang problema ng mga lalaki, not to mention, ng mga mayayaman.
She closed the door and locked the knob. Pati ang double lock sa itaas ay ikinabit na rin niya.
At least, ngayon makakatulog na siya ng mahimbing. Hindi na siya guguluhin ng ideyang mawawalan siya ng hanapbuhay.
Phoebe went to her room, removed the robe and turn off the lights.
'This'll be a good start.'