The next day ay araw ng pasok ni Phoebe sa Allures. Pagkarating na pagkarating pa lang niya ay sinabihan na siya ng isa sa mga studio staff na pinapatawag siya sa HR.
'Kakarating ko pa lang!'
And she still didn't feel good. Bumabaliktad pa ang sikmura niya, pati dighay ay amoy at lasang alcohol pa. She swore to never drink that heavy again.
Pagkagising niya sa kaninang umaga ay halos nahirapan siyang ibuka ang mga mata sa sakit ng ulo. Tila mabibiyak iyon sa tuwing igalaw niya. Ininuman na niya ng pain reliever pero bahagya lang nabawasan ang kirot.
"Okay, I'll be there. Mag-aayos lang ako dito saglit."
Umakyat naman kaagad siya matapos ang ilang sandaling pananatili sa dressing room.
Ang HR department ay kabilang sa opisina na nasa third floor kaya kailangan pa niyang sumakay ng elevator. Mas lalong nahilo ang ulo ni Phoebe sa galaw niyon. Tila hinalukay ang kanyang tiyan.
She inhaled deeply before knocking the manager's door.
"Good afternoon, Sir, pinapatawag n'yo raw po ako?"
'Ulit,' she wanted to add.
Sa kabila ng walang emosyon niyang anyo ay malapad ang ngiti nito.
"How are you, Miss dela Gracia?" gusto niyang umirap sa tanong. Kung hindi niya lang alam na wala itong alam sa nangyari sa kanya ay tatanggapin niyang sarkastiko ang tanong nito.
"I'm quite good, Sir." Kusa na niyang hinila ang silya at inupuan iyon dahil nanlalambot pa ang kanyang mga tuhod.
"Alam kong kailan lang nang pinatawag kita rito sa opisina."
'Buti alam mo.' Hindi na niya maiwasang isipin na baka may gusto ito sa kanya.
"But you know, anything may change in a wink of an eye. For example your decision for this contract." Itinulak ng lalaki gamit ang daliri ang isang brown folder sa na nasa ibabaw ng mesa patungo sa kanya.
Napatitig si Phoebe sa folder na nakahimlay. Oo nga, bakit niya ba nakalimutan ang bagay na iyon kahapon? She let herself drowned in alcohol and frustration where in fact some big catch was patiently waving at her. Useless pala ang lahat ng pag-iyak-iyak niya at pagwalwal!
Nabuhayan ng loob si Phoebe at nagising ang lutang pa sanang diwa. Dinampot ang kontrata at pinasadahan ng tingin. Halos umukit ang letrang P sa kanyang dalawang eyeballs nang makita ang halagang nakasaad.
"Pipirma po ako, ngayon," puno ng kasabikan niyang sabi.
"Go ahead, Ms. dela Gracia."
Kinuha niya ang ballpen na nakalatag sa gilid ng folder at kaagad nagsulat sa lahat ng pahina. Napahugot siya ng hangin sa dibdib nang matapos at sa dalawang kamay ay inabot kay Mr. Camri ang kontrata.
"Very well. Congratulations!" Inilahad ng ginoo ang kamay sa harap para sa isang lamano. Malugod naman niyang tinanggap iyon.
***
"Ang sarap ng ngiti mo," sabi ni Mia. Naroon na ito sa dressing room nang makabalik siya.
"I just signed the contract!" saad niya na tumabi dito.
"Oh! Oh, I'm so happy for you! Pa'no? Okay ka na sa bond mo?" Nakangiti rin ito na humawak sa magkabila niyang braso.
"Well yeah, I think so. Bahala na sila roon, basta ang importante, absuwelto na 'ko. At regular nako rito!" Nagtitili ang dalawang babae habang pinagdaop ang mga kamay.
"That's a very nice news!" anang kasamang babae.
"Yeah." Phoebe glanced at her wristwatch. May ilang minuto pa siya para sa pagsisimula ng photoshoot. Mabuti naman at may panahon pa siya para umupo. Hindi pa rin kasi nawawala nang lubusan ang hang over niya.
"Speaking of news. Last night, nagkita kami ng mga friends ko from college. We drank and talk and--" Umayos ng upo si Mia at humarap sa kanya. Bahagyang lumapit at sa mahinang boses ay nagsalita. "She said something that caught my attention."
Kagaya ng sinabi nito, bigla ring kinatok ang kanyang curiosity lalo nang marinig ang sunod na sinabi ng kaharap.
"She said that one of her work colleagues--who is a frequent to bars--said something about Mr. Siovhan De Cunha."
Ang pagkakasabi ni Mia ay iyong padahan-dahan. Mukhang sinasadya nitong gawing thrilling ang moment. Siya rin ay maiging nakikinig.
"Talaga raw matinik sa babae iyon. Jumping from one to another. Here's the catch." Mia straightened her index finger in front. "May routine siyang ginagawa, or ritual? I really don't know which word is perfect. Pakinggan mo na lang. So, 'yon nga. He does this on every woman he's dealing...or should we say, on his every victim."
Victim. Hindi niya maiwasang ulitin sa isip ang huling salitang iyon.
"Ano'ng...routine?"
Bakit parang bigla ay kinabahan siya?
"First, 'approach'. Self explanatory, he would approach the girl at magpapakilala. Second, 'coffee'. Third, 'restaurant or bars'. She said that if makakarating na sa ganoon ang encounter ng babae kay Van, they woul consider themselves lucky."
"Why?" tanong niya sa magkatagpong kilay.
"Dahil ang kasunod niyan ay 'presents' which is the fourth one. He would give you little things...but I'm really not sure how little those stuff are." Mia flip her hair like a shampoo model.
"That's it?" tanong niya.
"Of course it doesn't stop there!" Naitabon nito ang sa bibig ang kamay dahil napalakas ang boses pagkatapos ay hininaan ulit. "Fifth, big things. I presumed they meant, expensive things."
Director De Cunha always do that to his women?
"Here's more. After that big things...any good guess?"
"Bed," she said. Almost sure of the answer. Pagkatapos talagang magbigay ng bagay, hindi puwedeng walang sisingilin.
"Perfect! You're quite keen, sissy! Belong ka ba sa ganyang mundo? Anyways, yes 'bed'. Pagsasawaan niya ang isang babae in just a week. A week." Mia was trying to carve it into her head.
"What? A week?"
"Uh-hmn. Enough for him to sip all his victims juices." Mia shook her body and blushed by the thought. Kinilig yata ito sa mga pinagsasabi. "But, after that week comes the 'misery', the seventh, 'cause he would do anything in his power to ditch you!"
Napaatras nang bahagya si Phoebe dahil biglang inilapit ni Mia ang hintuturo sa mukha niya. Pakiramdam niya ay sinampal siya ng impormasyong iyon sa mukha.
"Well, kung sa bagay. Hindi na lugi ang magiging biktima niya. May nakuha na siyang something kay Van... Kaya nga ang mga babaeng dumaan sa kanya, walang pagsisisi. They're proud to claim that they're one of his victims!" Mia laughed seductively. "Huwag ka lang talagang mapo-fall sa kanya, kundi iyan ang ikababagsak mo. I heard, some woman fell in love with him. Laging nagpapakita, sinusundan si Van at ayaw bumitiw. Hanggang sa nalaman ni Violet."
"A-ano'ng ginawa ni Ms. Violet?"
"Tinanggalan niya ng career ang babae at ang pamilya nito. Sinigurong malalagmak at hindi na makakaahon pa. Hindi makapasok ng trabaho sa kahit na ano'ng kompanya. Ngayon, hindi na mahagilap ang babae. Baka umuwi na sa probinsiya at nagtanim ng palay."
Napalunok si Phoebe. Ganoon kadelikado ang ma-involve kay Siovhan? She couldn't afford that! Ang mawalan ng trabaho, at maapektohan ang pamilya niya. Ang ina...at si Chinchin.
Paano niya iiwasan ang lalaki ngayon? Pagkatapos ng nangyari kagabi?
"Let's get out of here, Phoebe," saad ni Siovhan na hinapit siya sa baywang. Siya ay nakakapit na rin sa leeg nito at nakadikit ang pisngi sa dibdib.
After she nodded, iginiya siya ng lalaki palabas sa bulwagan. Hindi parin niluluwagan ang pagkakahawak. Sa hallway palabas ng disco, natisod nang bahagya ang heeles ng sapatos niya kaya nawalan siya ng balanse.
She shrieked but calmed down because Van was there to support her.
"Almost there," sabi nito at napatingala siya dahilan para magtagpo ang kanilang tingin. Phoebe whisked away his consciousness and took the liberty to reached for Van's face and touched his surprised lips with hers.
Pagkatapos nitong matigilan ng maikling sandali ay huminto ito sa paglalakad at siniil siya ng halik. The kiss lasted for a brief while dahil nais nitong makaalis na sa disco.
But when they got in the car, her memory stopped. Hindi niya alam kung bakit. Siguro ay nakatulog siya pero palaisipan pa rin kung paano siya nakauwi nang maayos sa bahay. Dahil pagkagising niya ay nasa ibabaw siya ng sariling kama.
"It's quite exciting thinking that Mr. Director is so nakakakilig but, he's damn married! Ayokong sumunod sa babaeng iyon."
Phoebe had her realization. "Yeah, Mia, you're right," aniyang tumangu-tango. "Kailangang iwasan ang mga lalaking may asawa na."