"Phoebe," ang tawag ng technician ang nagpahinto kay Phoebe mula sa ginagawang report. "Pinapatawag ka ni boss." Ang branch manager nila ang ibig nitong sabihin.
"Bakit daw?"
"Ewan." Nagkibit-balikat ang lalaki at tumalikod.
Napapaisip na binitiwan ni Phoebe ang hawak na ballpen at lumabas ng opisina.
Sa pintuan ng manager's office, tatlong mahihinang katok ang kanyang ginawa bago iyon binuksan.
"Good afternoon, Sir."
"Phoebe, umupo ka." Inilahad ng lalaki ang kamay sa harapan.
"Ano po ang pag-uusapan natin?" tanong ni Phoebe habang inuukupa ang silya.
"I remember, last year, tinanong mo sa akin ang terms ng pag-resign prior to end of contract."
Tumango siya bilang pakumpirma.
"Gusto ko lang sabihin sa iyo na kung gusto mong ituloy ang pag-alis ay maari na." Kalma ang pagkakasabi ng amo niya. Ang mga kamay ay magkadaop sa harapan.
"May mali po ba akong nagawa, Sir?"
"Hindi...hindi naman. It's just that, I need to do cross-cutting. So, kung gusto mong mag-iba ng career o environment, might as well papayagan kita. Makakabuti para sa iyo ang hakbang na ito, maging sa kompanya."
"Poor po ba ang performance ko lately kaya ako ang naisipan ninyong paalisin?"
Napakamot ang lalaki sa sintido gamit ang likod ng ballpen. "I'll make it sure to give you a good recommendation letter."
What? So may problema talaga sa trabaho niya kaya siya sinibak? Gusto lang nitong maging polite hanggang sa huling sandali. Ano iyon? Pa-consuelo de bobo.
Napatiim-bagang si Phoebe. "When is my termination effective, Sir?"
"Anytime, Phoebe. Kung kailan sa palagay mo ang pinakasaktong panahon. But as I have said, it is not a termination."
Termination pa ring matatawag ang ganoon, balik-baliktarin man ng sinuman. Pinalamutian lang ng bulaklak para magmukhang maganda.
"Alright, just give me more days, Sir. Kailangan ko pa rin namang mag-assist sa transition.
"Actually, Phoebe, nasabihan ko na si Rosalie. Wala naman na siyang magiging problema sa pag-take over sa mga iiwanan mo."
At nakapaghanda na pala ang lahat! Kailan pa plinano ang pagpapatalsik sa kanya?
"Ganoon ba? So wala na pala talagang rason para mag-stay ako rito, Sir." Tumikwas na ang isang kilay niya at nawala na ang paggamit ng magalang na salita. Sobra ang sama ng loob niya sa pagkakaisang ginawa ng mga ito laban sa kanya. What did she do to deserve those treatments?
"Hindi naman sa ganoo--"
"Okay, I'm outta here." Napalakas nang kaunti ang paglapag ng kanyang mga kamay sa arm rest ng silya kaya gumawa iyon ng tunog. Siguraduhin ninyong maihanda na ang mga papeles ko bukas na bukas din." Binigyan niya ng matalim na tingin ang manager bago tumalikod at padabog na lumabas ng kuwarto.
Walang-hiya! Nagtatrabaho naman siya nang maayos. Wala naman siyang maisip na posibleng rason, bakit all of a sudden magko-cross-cutting tapos of all, siya pa talaga ang napagdeskitahan! Siya nga lagi ang nakaka-hit ng qouta, e.
Hinubad niya ang ID at pabagsak na ibinaba sa lamesa ng sariling lamesa.
Napalingon tuloy ang mga kasamahan niya sa opisina.
Wala siyang pakialam! Total, hindi naman na sila magkikita simula mamaya.
Kinalap ni Phoebe ang mga gamit niya at isinilid sa isang malaking paperbag. Base sa katahimikan ng mga kasamahan na nasa loob ng silid, mukhang may ideya na ang mga ito sa napag-usapan nila ng manager. Mas lalo siyang nanggagalaiti sa isiping iyon.
Bitbit ang mga inempakeng gamit, nagmartsa siya papunta sa sariling kotse at binuksan ang compartment.
"Malugi sana kayo sa pagpapaalis ninyo sa akin!" Nanggigigil na basta na lang niyang sinalpak ang mga gamit doon at isinara ang compartment.
Pabagsak ang pagkakalapat ng kanyang puwet sa upuan ng driver seat at napabuga ng hangin para maibsan ang bigat ng damdamin. Binuksan niya ang ignition at nagdrive, walang plano kung saan ang punta.
What now? Ano'ng next move? Everything was so smooth these past years so she felt complacent. But all of a sudden, as if the heavens took the grudge and punished her in such a terrible way.
Ilang sandali ay dinala siya ng mga paa sa isang coffee shop na malapit sa seaside.
Mukhang perpekto ang lugar na iyon para sa nagngangalit niyang loob. Pagkatapos mag-order ng blended coffee ay kinuha niya ang maliit na pang-isahang lamesa sa sulok ng veranda. Just above the sea water. Kung dudungaw siya sa ibaba niyon ay tubig na ang ilalim ng sahig. Itinuon ni Phoebe ang mga mata sa 'di kalayuan, kung saan ang purong asul na karagatan na may malilit na alon sa ibabaw.
The wind was cold and hasty ngunit hindi niyon napigilan ang pag-init ng kaniyang mga mata at pagtulo ng kanyang luha.
She can handle failures, face struggles pero bakit kailangang halos magkasabay na ibigay ang ganoon sa kanya? She maybe a brave woman, but she also breaks. Lalo ngayon na siya na lang mag-isa. No one will share her pain and agony. Of course she couldn't afford to bother her precious family about it, kids should feel free while they're young. Let the adults carry the burden. Ayaw rin naman niyang mag-alala ang ina dahil matanda na at may inaalagaan na si Chinchin.
Pinukaw ng tunog ng paglapat ng isang matigas na bagay sa kahoy na lamesa ang kanyang kasalukuyang paglalasap sa mapait na kapalaran. Napatuon ang basa niyang mga mata sa itaas ng lamesa kung saan natagpuan ang nakalapag na platito, laman niyon ay isang slice ng blue berry cheese cake. Nagtagpo ang kanyang mga kilay dahil hindi naman siya nga-order nang ganoon.
Ibinaling ni Phoebe ang mga mata sa nakatayong lalaki. Unang dumapo ang kanyang paningin sa laylayan ng navy blue cardigan. Pinalooban ng puting t-shirt. Imbes na paitaas ang progreso ng pag-uusisa, sunod na dumapo ang kanyang mga mata sa ibabang parte ng katawan nito. Kahit na nasa emotional state, hindi niya maiwasan ang bahagyang panlalaki ng mga mata sa nagyayabang na umbok. Anyong sumikip ang harapan ng pantalon dahil sa nag-uumapaw na pagkalalaki. Na-curios tuloy siya kung ano ang hitsura ng nagmamay-ari niyon.
Napatuwid ng upo si Phoebe nang sa pagtingala ay makilala kung sino ang nasa harap. Napapahiyang naiwas niya ang mukha at lihim na napakagat-labi bago binalikan ang lalaki at binati.
"D-direktor." Alanganing ngiti ang binitiwan sabay punas sa basa pang pisngi.
"Mind for a dose of sweetness for your lonely heart?"
Napangiti siya Phoebe at nagpasalamat. "Ma-maupo po muna kayo, Sir."
Pinaunlakan nga nito ang simpleng imbitasyon at umupo sa harap niya. Nagpatong ang bottled water sa lamesa at itinukod ang dalawang siko.
"Salamat po pala dito. May kasama po kayo?" Lumingon siya sa paligid. "Si Ms. Violet?"
Malabo pa siguro ang mga mata ni Phobe dahil nakita niyang sumimanghot sandali ang kaharap nang mabanggit niya ang asawa.
"I'm alone."
"A...ano po ang maitutulong ko sa inyo?"
"I just happened to pass by and saw you. I felt the need to step in the moment I saw your tears."
'Passed by? This is a hundred kilometers from Allures.'
Phoebe dismissed the thought when she recalled what Mia said. That this man loves to do gallivanting.
Tumangu-tango si Phoebe at ininom ang sariling tubig.
"Heavy?" he asked.
Napangiti si Phoebe nang mapait. She heard Siovhan sighed.
"Want to do something...offbeat?" anito na ikinampay nang bahagya ang isang kamay.
Napatingin si Phoebe sa mukha ng lalaki. His mysterious hazel eyes were a painted with sympathy, lips were slightly twisted in a faint smile. She knew he just wanted to comfort her.
Pinuno ni Phoebe ng hangin ang dibdib, napakagat sa loob ng pisngi.
Bakit sa lahat ng gustong sumimpatya sa kanya sa pinakaperpektong panahon ay isa pang lalaking may-asawa?
She played her slender fingers on the bottle's body while eyes fixated on it. After a brief while, Phoebe drifted her eyes unto him, open her mouth and said, "Sige."
Inabot niya ang bag na nasa tabi at iniwan ang upuan. Tumayo rin ang lalaki at inilahad ang kamay sa harap.
"After you."