Phoebe hadn't expected that she would be called to the HR the next morning. Nagpang-abot sila doon ni Mia.
"Hi, Phoebe! Akala ko wala kang planong pumirma?" Magkaharap silang nakaupo sa receiving area ng HR.
"Uhm, hindi naman ako pipirma. Pinatawag lang ako ni Mr. Camri," tukoy niya sa HR manager.
"For what?"
Phoebe shrugged. "I don't know."
"Ms. Dantes?" tawag ng babaeng sekretarya.
"Papasok na 'ko," sabi ni Mia na isinukbit ang shoulder bag at tumayo.
"Sige," sabi ni Phoebe sabay tango at ngiti.
Makaraan ang ilang sandali ay lumabas na si Mia na may malapad na ngiti.
"Sayang ka talaga, Phoebe. Ang laki kaya ng offer kapag regular."
"Magkano?"
"I'm not gonna spill it out kasi, you know, it's confidential. But sayang, sana makahanap ka ng paraan para makaalis na sa work mo."
Napabuntong-hininga siya. "Oo nga, e."
"Sige, I'll have to go. Work muna. Bye!"
Tumalikod na ang babae at naiwang siyang naghihintay sa lobby.
"Ms. dela Gracia?" Tumayo na si Phoebe nang sunod na tawagin ang kanyang apelyido. Pinapasok siya ng babae sa opisina ng manager.
"Good morning, Ms. dela Gracia!" bungad sa kanya ni Mr. Camri. Isang may katabaang middle aged man. Maputi at nakalugay ang bangs nito sa harap para matabunan ang malapad na noo.
"Good morning, Sir. Bakit n'yo po ako pinatawag?" Hinila niya ang isang upuan sa harap ng lamesa nito at umupo.
"A, I have been courting you to join the regulars, haven't I? Pero lagi mo na lang inaayawan ang offer. It wasn't clear to me why you would turn down such opportunity."
Yumuko itong bahagya at naglabas ng kuwadradong bagay mula sa drawer.
"Gusto ko lang makipagkuwentuhan sa iyo. Know you more maliban sa nakasulat sa resume mo." Habang nagsasalita ito ay nagsindi ng tabako. Humithit at saka ibinuga sa gilid ngunit lumaganap pa rin ang usok sa harap niya kaya napaubo siya.
"Oh, are you allergic to cigarettes?" Tumayo ito at binuksan ang bintana. Unti-unting nagsilabasan doon ang mga usok kaya nakahinga na siya.
"Mahina lang po ang baga ko sa ganyan."
"I'm sorry." Hindi na umalis ang manager sa tabi ng bintana at doon na ipinagpatuloy ang paninigarilyo. "As I was saying, I want to know you more. For example, why don't you want to pursue with the contract? What are the things that's stopping you? Family? Boyfriend?"
"Hindi naman po sa..." Huminga siya ng malalim dahil nanikip nang bahagya ang kanyang dibdib. "...ayaw ko, kaso mahihirapan po kasi akong makaalis sa pinagtatrabahuhan ko. Sir."
"Do you mean the Terrain Automobiles?"
"Yes. Three years kasi ang contract ko roon, and it's still my second. May tenure bond akong nakasalang kaya kung aalis ako, kailangan kong bayaran iyon."
"How much is that?"
"One hundred eighty thousand all in all pero nabawasan na po 'yon since--" Umubo ulit siya.
"Oh! yes. I understand."
"However, I pressumed that transferring here would give you convenience, am I right?"
"Of course, Sir. Since ako po ang breadwinner ng pamilya."
"Alright, alright." Tumango-tango ang lalaki. "I hope magagawan mo iyan ng paraan, Ms. dela Gracia. You know, it pains me how some people, especially women have to go through hardships like you do. If you have any progress about that matter, let me know. Come here anytime."
"Okay, Sir."
Kung kaya lang talaga niyang bayaran na lang ang naiwang halaga sa bond, she would immediately ditch that company.
Speaking of that company, kailangan na niyang magmadali dahil ilang sandali na lang at male-late na siya sa duty. Kaya nagpaalam na siya pagkatapos masigurong wala na itong importanteng sasabihin.
***
Kanina pa gustong tapusin ni Phoebe ang pakikipag-usap sa client niyang mag-asawa dahil halos uminit na ang balat niya sa loob ng damit sa kaka-vibrate ng telepono. Pasimple niyang sinilip iyon at napag-alaman niyang ang kapatid niyang si Lala.
"Thank you, Sir, Ma'am. I'm looking forward to render my services to you again," matamis pa sa tsokolate ang binitiwan niyan ngiti sa mga ito.
"We'll definitely come back." Gumanti rin ng ngiti ang lalaki. Si asawa naman ay napataas ang kilay. Sa katunayan, sa loob ng halos isang oras niyang pag-aasikaso sa mga ito ay ilang beses na siyang nakatanggap ng matatalim na titig mula sa babae. Kung lobo lang ang mukha niya ay kanina pa iyon pumutok.
"This is my calling card." Binigay ni Phoebe ang kulay pula at puting maliit na papel sa mga ito ngunit nang tanggapin iyon ng lalaking custmer ay tinapik ng babae ang kamay ng kapareha. Kapwa sila nabigla ng lalaki sa nangyari.
"I'm sorry about that," anang lalaki na alanganing ngumiti.
"Uhm, Ma'am, please keep this instead." Nakaplaster pa rin ang professional niyang ngiti.
Nakairap man ay tinanggap pa rin ng babae ang kanyang binigay saka hinila ang ginoo para umalis na.
Napabuga ng hangin si Phoebe at inilabas ang cellphone sa bulsa ng uniform na blouse saka tinawagan ang kapatid.
"Lala, nagtatrabaho ako. Why were you calling? May problema ba sa bahay?"
"Uhm, sorry ate. Na-miss ka lang namin." Boses ng dalagita ang maririnig sa kabilang linya.
"Alright, alright. Since restday ko tomorrow, pupunta ako diyan."
"Talaga?" Napangiti si Phobe sa narinig na kagalakan sa boses nito. "Mama, uuwi raw si ate bukas!"
"Sige na, I'll see you tomorrow. Kumusta nga pala si Chinchin?"
"Okay na man po...sabi namimiss ka na rin niya."
Lumalam ang mga mata ni Phoebe. "Okay, magdadala ako ng pasalubong."
Pinuno niya ng hangin ang dibdib habang sinisilid ang cellphone sa bulsa. Naalala tuloy niya na panahon na naman ng pagbabayad ng insurance. Kinuhaan kasi niya ng kanya-kanyang insurance ang ina at ang isang kapatid. Quarterly siya nagbabayad kaya medyo malaki-laki ang kailangan niyang pera.
***
Bitbit ni Phoebe ang dalawang kahon ng donuts at ilang supot ng groceries na bumaba ng sasakyan.
"Si ate!" rinig niyang sigaw ni Lala. Kumabas ito ng bahay at nilapitan siya.
"Here, dalhin ninyo sa kusina." Tumuloy siya sa bahay saka nilapitan ang batang nakaupo sa silyang de-gulong. Nakatabingi ang ulo nito sa kaliwa at nakangiwi ang mukha. Walang tigil na gumagalaw ang mga kamay at paa.
"Ate is home, Chinchin."
Gumawa ng tunog ang batang babae na kung ang nakakarinig ay hindi ito kilala, mahihirapang intindihin. Pero dahil kapatid niya iyon at siya ang nag-aruga nito noong bata pa, alam niya ang lahat.
"Kumusta ka na?"
May sinabi ulit ito na sa pagkakaintindi niya ay 'okay lang, Ate'.
She smile and planted a gentle peck on her shaking forehead.
"Kumusta ang biyahe mo?" Nakangiting sabi ng ina sa kanya. Naka-duster ito ng may print na malalaking bulaklak, nakapusod ang buhok at nakatsinelas ng panloob. Tumuwid si Phoebe ng tayo at hinarap ang ina.
"Traffic pa rin po. Pero bawi naman pagkarating ko dito," aniyang hinagod ang buhok ng kapatid.
"Halika na sa loob sa kusina at makakain. Nananghalian ka na ba?"
"Opo, bumili ako ng take-away sa daan."
Umupo si Phobe sa upuan ng hapagkainan at tiningnan ang inang naghahanda ng pagkain.
"Kumusta ang trabaho mo?"
Phoebe shrugged. "Okay lang. Si Lala po pala, huwag na po kayong mag-alala sa tuition niya at allowance, ako na po ang bahala."
Puno ng pag-aalalang napalingon ang ina sa kanya "Kaya mo pa ba, Phoebe?"
She smiled. "Siyempre po. A"--dumukot si Phoebe ng pitaka sa bag at naglabas ng ilang papel na pera--"Heto po. Pandagdag sa pambili ninyo ng gamot ninyo ni Chinchin."
"May naiwan pa ba para sa iyo? Baka kakailanganin mo iyan," tanong nito habang inaabit ang pera.
"Meron pa po. Itinabi ko talaga iyan para sa inyo."
Napalingon sila nang bigla ay lumakas ang volume ng TV. Pinakialaman pala iyon ni Lala.
'And for the showbizz news. Sa ginanap na The Golden Ball 2020 last night, tinaguriang The Golden Couple ang mag-asawang De Cunha. The elite fashion model Violet was a reigning goddess in her satin red column dress. And of course, beside her was Mr. Siovhan De Cunha. Looking fanciable, tasty as ever in his silver tuxedo." The female reporter lightly giggled na parang kinilig sa sinabi. Phoebe finds it inapt. Buti sana kung wala ito sa harap ng camera. "Both were made by the famous couture, Frank Ciete!'
"Lala, patayin n'yo nga iyang TV, ang ingay-ingay," usal ng ina niya pero pinigilan ni Phoebe.
Tumayo siya at nagpunta sa sala kung saan naroon ang TV.
Ang unang nabungaran ng babae sa screen ay ang magandang mukha ni Violet, nagniningning ang masasaya nitong mata na tila walang anumang suliranin na dinadala. She was indeed lovely in subtle makeup with smoky eyeshadow. Alam niyang pakana ng highlighter kaya nagmukhang makinis ang mukha nito pero gayun pa man, maganda pa rin. Petite and happy.
Kasunod na na-focus ng camera ang nakangiting mukha ni Siovhan. Magiliw iyong nakipagtawanan sa iba pang lalaking guests. As usual, ang buhok nitong alaga yata sa mamahaling treatments ay maayos na nakasuklay patagilid. When the camera zoomed in, mas naklaro ni Phoebe ang kulay ng mga mata ng lalaki . It was hazel. Kaya pala iba ang dating kapag napapadapo ang tingin niya doon.
"Kilala mo ba 'yan?" tanong ng ina na sumunod pala sa likuran para i-adjust ang electric fan patungo kay Chinchin.
"A, opo. Bagong amo ko po 'yan." Tinuro ni Phoebe ang lalaki sa screen.
"O! Ang pogi."
"Hmn, basta mestiso kadalasan naman talaga pogi."
"Si Ali, 'di ba mestiso rin 'yon?"
Tumango si Phobe at naglakad pabalik ng kusina.
"Arabo."
"Kumusta na nga pala siya? Ikinasal na ba do'n sa...anak niya?" tanong ng ina na bumalik na rin sa kusina at umupo sa puwestong kaharap niya.
"Nay, hindi niya anak si Julia. Opo, ikinasal na sila. Magbibihis po muna ako sa itaas," aniya para mahinto na ang pinag-usapan.
"O, sige. Bumaba ka kaagad ha? Kainin mo 'tong inihanda ko." Nilakasan nito ang boses para marinig niya na nasa hagdanan na.
"Opo."