Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Who Am I To You

iwillalwaysdream
--
chs / week
--
NOT RATINGS
24.8k
Views
Synopsis
Si Mira ay galing sa mundo ng mga ordinaryong mga tao ngunit isang araw mapapadpad siya sa lugar ng mga nilalang na may supernatural ability at may mga superpowers na katulad sa mga napapanood niya sa TV. Ngunit hindi niya inaasahan na mapagkamalan siyang isa sa anak ng ministro sa mahiwagang lugar na ito. Ang pangalawang anak ng ministro na mahina, talunan at walang kapangyarihan. At ang malala dahil ipapakasal siya sa taong hindi pa nga niya nakita kahit minsan? Ang no boyfriend since birth ay biglang ikakasal sa ikatlong prensipe sa lugar na hindi nga niya alam kung saan. Ni hindi niya mawari kung nananaginip ba siya o napasok siya sa pinanood niyang telenobela? This is the adventure of a young girl who suddenly appeared to a place she think she doesn't belong with. Subaybayan kung paano niya haharapin ang mga pagsubok at kung paano magsusurvive sa mundo ng mga may mga supernatural ability at superpowers. at kung paano niya haharapin ang mga kalabang nagnanais patayin ang katulad niya at kung paano siya makakatagpo ng lalaking tunay na magmamahal sa kanya.
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 0: Mira

Kinikilig na pinapanood ni Mira ang eksena sa pinapanood niyang telenovela. Tuwang-tuwa na sana siya at excited na sa sususnod na mangyayari nang patayin ng ina ang TV.

"mama naman e. Nanonood pa ako." Reklamo niya.

"Kanina ka pa nanonood. Halos ubusin mo na lahat ng telenovela sa TV e. Hoy! Baka nakalimutan mong wala pa tayong pambayad ng kuryente."

Napanguso siya. Gusto pa sana niyang manood kaso ayaw na ng mama niya.

"Matulog ka na at may pasok ka pa bukas." Sabi ng ina.

Tumayo na lamang siya na halos ayaw ng ihakbang ang mga paa. Pero biglang nagningning ang mga mata makita ang cellphone ng kuya na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Dinampot niya ito at mabilis na tumakbo sa kanyang kwarto.

Ni-inquire agad ang points balance at halos magtatalon siya sa tuwa dahil may sapat na points ang sim card nito para makapag-redeem ng rewards.

Ni-redeem niya ang rewards pang internet at nang may notification ng pwede ng gamitin ang pinasukang promo agad niyang binuksan ang YouTube at nisearch ang paborito niyang Chinese drama.

Nagplay na sana kaso may kumatok sa kwarto niya na halos gibain na ang pinto.

"Naku! Nalaman kaya ni Kuya na kinuha ko ang cellphone niya? Lagot na!" Sambit niya na di alam kung ano ang sasabihin sa kuya.

"Mira! Buksan mo ang pinto! Bilis!" halata sa boses ng kuya na pagkabalisa.

Dahil mukhang may problema agad na binuksan ni Mira ang pintuan at nakita ang hinihingal na kuya na hawak pa ang tiyan.

"Anong nangyari sayo? Para kang hinahabol ng aso sa kanto a." Nagtatakang tanong ni Mira.

Ngunit mas lalo siyang nagtaka makitang sinara ng kanyang ina ang lahat ng mga bintana maging ang pintuan ay ni-lock.

"Mirwen! Ilayo mo dito ang kapatid mo bilis." utos ng ina sa kuya niya.

Hinila siya ng kanyang kuya papasok sa kanyang kwarto at binuksan ang pintuan patungo sa isang secret room. May secret room kasi ang kwarto niya.

Habang busy ang kanyang kuya, sumilip siya sa awang ng bintana sa kanyang kwarto. Nagulat siya makita ang mga taong nakasuot ng battle armor na katulad sa mga napapanood niya sa TV. Kinusot pa ang mga mata para siguradong hindi siya namamamalikmata.

"Totoo nga!" Manghang sambit niya makitang nandon parin ang mga taong nakacostume na may mga helmet pa sa ulo.

"May magsoshooting ba dito? O may Costume party lang?" tanong niya pa makitang papalapit sa bahay nila ang mga nakacostume na ito.

Mahigit tatlumpong mga nakacostume na mga tao na may dala-dala pang mahabang spear ang iba habang may mga espada namang nakasabit sa tagiliran ng iba pa.

"Halika na!" Hinila na siya ng kuya papasok sa secret room.

"Pero kuya manonood pa ako. Ganda ng mga costume nila parang tunay na ginto yung battle suit nong nauuna sa kanila." Sabi pa niya.

"Bakit ayaw mo akong manood ng shooting?" tanong niya pa nang makapasok na sa loob ng secret room.

"Hindi sila magso-shooting. Nandito sila para kunin ka." sagot ng kuya.

"Talaga? Irerecruit nila ako bilang extra sa movie nila?" masiglang tanong niya.

"Nandito sila para patayin ka." Sagot ng kuya at binuksan ang isang lumang ataol.

"Suotin mo ito. Ito ang magtuturo sayo sa kung sino at saan ka galing." sabi ng kanyang ina.

Dito na niya narealize na mukhang seryoso nga ang ina at kuya.

"Mamaya ko na ipaliwanag sayo ang lahat. Pumasok na tayo." Sabi ng kuya at tiningnan ang ataol.

"Eh? Ipapasok mo ako diyan?" Gulat niyang tanong.

"E mukha yang kabaong ng patay e."

Ilang sandali pa'y nakarinig sila ng mga kalabog na halatang pinipilit nitong buksan ang pinto.

Tinulak na siya ng kuya niya papasok sa lumang ataol. Napasigaw pa siya dahil don. Napapikit siya at inihanda ang sarili sa pagbagsak sa matigas na bagay pero iba ang nararamdaman niya.

Bakit para siyang bumabagsak galing sa langit?

....