Chereads / Who Am I To You / Chapter 3 - Chapter 2: Nagiging Shinea

Chapter 3 - Chapter 2: Nagiging Shinea

Unti-unting ibinuka ni Mira ang mga mata. Sumalubong sa kanyang paningin ang kesameng gawa sa isang kulay pulang kahoy ngunit makinis ito at halatang matibay.

"Teka. Bakit gawa na sa kahoy ang bubong namin? Di ba gawa ito sa semento?" Takang sambit niya at napabalikwas ng bangon.

Napansin niyang may puting kurtina ang nakapaligid sa kamang kinaroroonan niya. Sa pagkakatanda niya sa bintana lang niya ang may kurtina. Naibaba niya ang tingin sa katawan. Nakasuot din siya ng puting bestida. Malambot ito at komportable sa kanyang katawan.

"Anong ginagawa ko dito? Bakit ako nandito?" Sa pagkakatanda niya tinulak siya ng kanyang kuya pagkatapos non para siyang nalaglag siya sa kung saang di na niya maalala.

Bumaba siya sa kama at sinuot ang isang puting boots.

"Bakit boots ang nasa tabi nitong kama? Wala bang tsinelas dito?"

Lumapit siya sa isang table kung saan nakapatong ang isang bilog na salamin. Saka pinagmasdan ang sarili.

Pero nanlaki ang kanyang mga mata makitang hindi niya mukha ang nakikita sa salamin.

"Sa-sandali lang? Bakit nag-iba yata ang mukha ko? Ah baka may mali sa salamin nila." Agad na naghanap ng salamin sa mga drawer pero wala na siyang makita pang ibang salamin.

"Ah, nanaginip lang siguro ako. Masubukan ngang matulog ulit?" Bumalik siya sa kama at muling humiga. Kaya lang kahit anong pikit niya hindi na siya makakatulog pang muli.

Padabog siyang bumangon at inilibot na lamang ang tingin sa buong paligid. Namangha pa siya sa mga Chandelier na ang ilaw ay gawa sa kakaibang uri ng bato. Nagbibigay liwanag ang mga batong ito na ikinapagtataka niya kung anong uri ng bato ba ito.

Hindi niya alam na isa itong puting diamante na siyang ginagamit na pang ilaw sa lugar na ito. Ito ang pinakamababang uri ng pang-ilaw ng mga naninirahan sa lugar na ito.

Naagaw ng kanyang paningin ang mga nakapinta sa pader. Mga puting bulaklak ang nakapinta sa pader na ito. iba't-ibang uri ng kulay puting bulaklak. Pinadaanan ng mga daliri niya ang paintings na ito at dinama ang texture ng larawan.

Ngunit ilang sandali pa'y gumalaw ang pader na ikinagulat niya. Natupi ito at niluwa non ang isang cute na babaeng may kakaibang suot na bestida. Isa palang folding door ang inaakala niyang pader kanina.

"Binibini!" Tawag ng babae sa kanya na ikinakunot ng kanyang noo.

"Mabuti at gising ka na. Alam mo bang pinag-alala mo ako?" Mangiyak-ngiyak nitong sabi.

Nagtaka siya kung bakit naiiyak ang babaing ito. Sino ba kasi to? Kilala ba niya? Saka bakit nakasuot ito ng kulay white na bestida na pinatungan ng kulay light green na long-sleeve robe?

"Sino ka? At bakit ako nandito?" Naguguluhang tanong ni Mira.

" Binibini. Wag ka namang ganyan. Wag mo akong pinapakaba." Sumisinghot ng sabi ng babae.

Nalalaglag lang siya tapos dito na napunta? Napapaisip tuloy siya na baka langit na ang lugar na ito.

Ilang sandali pa'y may mabibilis na mga yabag ang paparating.

"Shinea! Anak!" tawag ng isang middle age man na kahit may edad na ito hindi nito maitatago ang kanyang kagwapuhan.

Si Mira naman, tuluyan ng nalaglag ang panga sa gulat. Bakit siya tinawag na anak ng guwapong lalaking ito? At ano ulit yung tawag nito sa kanya? Shinea?

Sino ba itong si Shinea na hindi nga niya kilala? At paanong naging anak siya ng lalaking ito? Ito kaya ang tunay niyang ama? Pero hindi. Nakikitaan niya ng pag-alala ang boses ng lalaking ito. Hindi mag-alala ng ganito ang ama sa kanyang alaala.

"Wag ka ngang mag-alala niyang sutil mong anak? Nakalimutan mo bang pinahiya niya ang angkan natin?" At sino naman ang nakataas kilay na babaeng ito at mukhang ayaw na ayaw sa kanya?

"Tama si ina ama. Nang dahil sa babaing yan nasira ang reputasyon natin." Sabi naman ng isang magandang binibini na halos kaedad lang ni Mira.

"Sino naman itong mga inahing manok na putak ng putak?" Tanong naman ni Mira sa babaing unang dumating kanina. Sumisinghot parin ito.

"Walangyang batang to!" Galit na sabi nong babaing palaging nakataas ang kilay at akmang sampalin si Mira pero pinigilan siya ng lalake.

"Pwede ba Suli, kakagising lang ng bata. Hindi pa maayos ang kalagayan niya kaya intindihin na muna natin siya."

"Iyan! Iyang pang-e-spoiled mo sa anak mong yan ang magpapahamak sa atin." Gigil na gigil na sabi ng babae na halos kainin na si Mira sa mga tingin nito.

May dumating na isa pang ginang. Mas bata ang ginang na ito at mas maganda sa ginang na palaging nakataas ang kilay.

"Shinea anak. Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" Makikitaan din ng labis na pag-alala ang kanyang boses.

"Eh? Sino po kayo?" Dahil sa tanong na yon, nanghihinang napaupo ang mabait na ginang sa sahig.

"Dahil sa ayaw mong magpakasal magkunwari kang walang maalala? Akala mo madadala kami niyang drama mo?" sabi naman ng babaing kaedad lang ni Mira.

"Kasal? Ako? As in ako? Kilala ko ba kayo? Namali yata kayo ng napulot sa daan."

"Binibini. Siya ang half-sister mo. Si Binibining Jira. At ito naman ang iyong ina si Lady Shana. At ito ang iyong ama, ang ministro ng kahariang ito. At si Madam Suli ang kanyang unang asawa. At ako naman ang iyong katulong, si Hana. Hindi mo na ba ako natatandaan?" Si Mira naman napatingin sa ginang na nasa sahig na ina daw niya. Pagkatapos sa Madam na asawa daw sa ministro?

Anong ministro ba itong pinagsasabi sa kanya? Bakit siya nasali sa shooting na hindi man lang nainform?

Nilibot pa ang paningin kung may mga camera ba sa paligid pero wala.

"Di kaya napadpad ako sa ibang mundo at napasok sa katawan ng Shinea na to?" Tanong pa niya sa isip.

"O baka naman nasa panaginip parin ako na ayaw paring magising?" Kinurot ang sarili kaso napangiwi sa sakit.

Inaakala naman ng mga nakapaligid na nababaliw na siya kaya agad silang tumawag ng manggagamot.

Si Mira naman napatingin sa bagong dating na doktor daw nila? Bakit kakaiba ang gown nito sa gown ng mga nakikita niyang mga doktor?

Nakawhite robe nga pero bakit hindi naman ito gown ng mga doctor na nakilala niya. At bakit gawa sa kahoy ang medical Kit niya? Sabi nila anak siya ng ministro e bakit gawa lang sa kahoy ang box ng manggagamot na ito?

Pinaupo ni Hana ang nakatulalang si Mira. Minsan kukunot ang noo ng dalaga pagkatapos iiling-iling at ilang sandali pa'y hahawakan ang sentido at pagsampal-sampalin na naman ang sarili. Kaya naman inakala nilang tuluyan na siyang nabaliw.